Bakasyon ni Kenneth –
One Year After (Part 1) - Breakfast
Credits to the Real
Author
(From :Dying Stranger}
(Published: May 10, 2011)
Sa huling pagkakataon ay muling bumigay si Kenneth ng gabing
naglasing si Bobet. Sa paggising ni Bobet ay wala na si Kenneth. Iyon na pala
ang huling araw ni Kenneth sa bahay nila. Hindi na nito hinintay ang kanyang
ama at kusa na itong umalis pabalik ng Maynila. Tanging isang sulat lamang ang
iniwan ni Kenneth sa kaibigan. Nakalakip doon ang pasasalamat at ligayang natamo
nito sa piling ng kaibigan, maging ang pagpapaalam at pangakong paglimot sa
isang pag-ibig na hindi mangyayari.
Isang taon ang lumipas…….
"Kenneth, ano itong sinasabi ni Bobet na hindi mo raw siya
pinapansin dito sa bahay?" agad na sumbat ng kanyang nanay kay Kenneth,
"Bisita natin si Bobet, kaya sana asikasuhin mo naman siya kapag wala
kami. Alam naming busy ka sa paghahanda sa college mo pero sana man lang ay
isipin mo na may kasama ka dito sa bahay."
"Pasensya na ‘ma, nasanay lang siguro akong mag-isa sa
bahay," sagot naman ni Kenneth.
"Alam ko. Kaya nga naisip namin ng papa mo na mas maigi na
may kasama ka dito kapag wala kami." sabi ng kanyang ina, "Matalino
ka namang bata Kenneth, mabilis ka namang mag-adjust e. Sana ipakita mo naman
na hospitable tayo dito sa mga bisita natin."
"I'll try mom. I'll try." sabi ni Kenneth.
Iyon ang naging usapan ni Kenneth at kanyang ina. Mag-iisang
linggo na ring nakabakasyon si Bobet sa kanilang bahay pero hindi pa nagkaroon
ng isang beses na nag-usap ng matino ang dalawa. Pilit na iniiwasan ni Kenneth
ang makipag-usap kay Bobet dahil na rin sa nangyari sa kanila isang taon na ang
nakakaraan. Isinara na niya ang kahapon kung saan nandoon si Bobet at hindi na
niya inisip na makakadaupang palad pa niya ito. Nalaman niyang si Bobet na rin
mismo ang nagprisinta at nagrequest sa nanay at tatay ni Kenneth na magbakasyon
sa kanila. Pero hindi nag-isip ng kung ano si Kenneth, ang alam niya ay walang
patutunguhan ang ganoong kaisipan at siya rin ang masasaktan sa huli kaya sa
simula pa lang ay siya na ang umiiwas.
Nang sumunod na araw ay nagising sa amoy ng masarap na pagkain
si Kenneth. Pagkababa nya ay nanduon na si Bobet sa kitchen at nagluluto.
"Anung ginagawa mo dito sa kusina namin?" tanong ni
Kenneth.
"Gising ka na pala. 'Wag kang mag-alala nagpaalam ako kay
tita," paliwanag ni Bobet. "Pansin ko kasi na puro na lang fried ang
kinakain mo tuwing umaga, kaya sinabi ko kay Tita na magsisinangag ako at
tortang talong."
"Ahhh..." napatango na lang si Kenneth.
"Umupo ka na riyan, maluluto na ‘tong tortang talong,"
si Bobet habang hinihintay na maluto ang kanyang talong.
Binuksan ni Kenneth ang nakatakip na pagkain sa mesa at naamoy niya
ang bango ng nilutong sinangag ni Bobet. "Ang bango naman yata nitong
sinangag mo?" tanong niya habang umupo sa upuan ng hapag-kainan.
"Ngayon la lang ba naka-amoy ng lutong may tanglad?"
tanong ni Bobet. "Nilagay ko iyan sa kanin nung sinaing ko kanina. Mabango
di ba?"
"Marunong ka na atang magluto ngayon."
"Dati pa, hindi lang ako nagkaroon ng time na ipagluto ka
noong nasa bahay ka pa."
Hinango na ni Bobet ang tortang talong sa kawali at inihain sa
mesa. Iniusog ang upuan sa harap ni Kenneth at umupo. " O ano pang
hinihintay mo, kainin mo na yang talong ko, masarap yan."
Hindi nakapagsalita si Kenneth sa halip ay namula ang mukha nito
sa sinabi ni Bobet.
"Oh, may nasabi ba ako?" sabi ni Bobet.
"Wala. kumain na lang tayo," palusot ni Kenneth.
"Buti naman at kinakausap mo na ako ngayon." Nginitian
ni Bobet si Kenneth.
"Ah iyon ba? Nasanay lang siguro akong ako lang ang nandito
sa bahay." paliwanag ni Kenneth. "Kumusta naman kayo ni
Natasha?"
"Wala na iyon, kinalimutan ko na sya," wika ni Bobet,
"Sinubukan kong ibalik ang dati sa amin pero sa huli sumuko na rin ako
since mahal na mahal niya yung ipinalit niya sa akin."
Sinubukang hawakan ni Bobet ang kamay ni Kenneth ngunit pag
lapat pa lamang ng balat ni Bobet sa
kamay ni Kenneth ay iwinaksi na nya ito. Hindi na lamang pinansin ito ni
Kenneth at nagpatay malisya, inilihis ang usapan. "Anong plano mo ngayong
nandito ka sa Manila?"
"Wala actually," sabi ni Bobet, "I was thinking
na ikaw ang magtu-tour sa akin sa syudad. Di naman ako pwedeng basta lumabas
mag-isa dahil baka mawala ako. E mukhang busy ka pa ata sa college entrance
exams mo.."
"Pasensya na talaga," paumanhin ni Kenneth, "Baka
this weekend, sa Sabado isasama kita sa pinakamalapit na mall para
makapagpamasyal kasama ng mga kaibigan ko."
"Mas mabuti sana kung tayong dalawa lang," hirit ni
Bobet. "Naiilang pa kasi ako sa ibang tao dito, lalo na sa mga kaibigan mo,
baka mga sosyal at class sila at ma out of place lang ako sa inyo."
"Ano ka ba?" tumawa si Kenneth, "Hindi sila
ganoon, mababait ang mga iyon, magkakasundo-sundo rin kayo kapag nakausap mo na
sila."
Sa pag-uusap ng dalawa ay hindi na nila namalayan na natapos na
nila ang kanilang kinakain.
"Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan natin since ikaw
naman ang nagluto." Nagprisinta si Kenneth habang nililigpit ang
pinagkainan nila.
"Nakakahiya naman sayo. Ako na lang." Pilit na
kinukuha ni Bobet ang mga plato sa kamay ni Kenneth.
Dahil sa pag-agaw ni Bobet sa mga dalang plato ni Kenneth ay
hindi sinansadyang nahawakan ni Bobet ang mga kamy ni Kenneth. Nang mangyari
iyon ay parang tumigil ang oras para kay Kenneth. Walang masabi ang dalawa habang
nakatitig sa mata ng isat-isa. Unti-unting naglapit ang kanilang mga mukha,
isang akto na tutungo sana sa isang matamis na halik , ngunit pinigilan ito ni
Kenneth. Itinulak niya gamit ang mga plato si Bobet papalayo mula sa kanya at
sapat na ang lakas niya para mapaatras ang binata.
"Please!" paki-usap ni Kenneth. "Ako na ang
maghuhugas nito, manuod ka na lang ng T.V. sa salas." Tumalikod siya papunta
sa lababo.
Sa halip na pumuntang salas si Bobet ay dumiretso ito sa guest
room, sa tabi ng kwarto ni Kenneth, ito ang kwarto nya habang bumibisita kina
Kenneth.
Pagkatapos ng hugasin ni Kenneth ay dumiretso na ito sa kanyang
kwarto para simulan ang pag-aaral. Napansin ni Kenneth na nakabukas ang pintuan
ng guest room kung saan tumutuloy si Bobet. Balak niya sanang isara ang pintuan
ngunit napatigil ito sa nasilip sa loob ng kwarto; si Bobet na half naked na
sinisimulang paglaruan ang kanyang alaga.
... Itutuloy...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento