Miyerkules, Abril 19, 2023

Short Stories From Other Blog Or Author # 49 - McDONALD (Part 2) - (From: Kwentong Malibog)

 


McDONALD (Part 2)

Credits to the Real Author (Raymond)

(From: Kwentong Malibog)

Published November 03, 2012

 

Sa school ay kaagad akong sinalubong ni Kaye. “Raymond, samahan mo ako mamaya ha!”

“Sige, basta ikaw.”

“San kayo pupunta?” tanong ni Kenneth.

“Sa SM Manila, Magpapasama ako kay Mond, may bibilihin kasi ako.”

“Pasabay na! Pupunta rin ako dun mamaya, magkikita kami ng girlfriend ko. Sa Letran siya nag aaral eh,” sabi ni Kenneth

Natahimik ako bigla. After ng class, pumunta na kami sa SM. Pagdating namin dun, naghihintay na ang GF ni Kenneth.

“Bhe, si Kaye at Raymond, nga pala, mga ka-blockmates ko, si Jane, GF ko.” Pag-papakilala sa amin ni Kenneth.

Ang ganda ng GF ni Kenneth. Bagay sila, kaya pala tumagal sila ng two years, haay! Umalis na si Kenneth kasama nang GF niya.

“Ikaw Mond? Bakit wala ka pang GF?” tanong ni Kaye.

“Gusto mo ikaw?” pabiro kong sabi kay Kaye.

“Ha?” Sira ka talaga!” sabi ni Kaye

Ramdam ko na matagal na akong gusto ni kaye, kung ligawan ko kaya siya. Tutal mukhang wala akong pag-asa kay Kenneth. Pagkatapos ng nakapapagod na araw, umuwi na ako sa apartment. Wala pa si Kenneth. Mukhang hindi na naman siya makakauwi. Pagkahiga ko sa kama, “Im Homeee!”

Teka, si Kenneth ‘yun ah? Tumayo ako sa pagkakahiga at sabay bumaba.

“Oh, pasalubong ko PIZZA HUT! Para sayo!” nakangiting abot ni Kenneth sa akin ng pizza.

Ampft!! Pota!, kinikilig ako. Si Kenneth pinasalubungan ako? Ano ba itong nararamdaman ko, parang nai-in-love ako bigla sa crush ko! “Ang bait mo naman, nag abala kapa! Tara kainin na natin itong pasalubong mo,” sabi ko.

“Sige, actually binili ko iyan para sa akin, kasi, hindi pa ako nagdi-dinner,” sabi niya na ewan ko kung nagbibito. Bigla akong napasimangot.

“Ahh. Ganun ba? Akala ko naman…” sabi ko naman na tila nagtatampo.

“Ikaw naman, niloloko ka lang eh, para sayo talaga iyan!” sabi niya na nakangisi.

“Gago ka talaga!” wika ko na nakangiti na.”Tara kainin na natin ‘to.”

Hayyy,hindi ko alam ang gagawin ko, may gf na siya pero lately nagiging sweet siya sa akin. Unti-unti na akong nai-in-love sa kanya pero hindi tama to. Tahimik lang kaming kumakain. Bigla ba namang may sinabi na ikinagulat ko. “Gusto kita.”

Nagulat talag ako, napatigil ako sa pagkagat ng pizza. “Hhhhh hhaaah!” pautal-utal kong sabi.

“Sabi ko gusto kita!”

“What do you mean?”

“Basta gusto kita, ‘yun na lang muna.”

Pagkatapos ng nangyaring iyon, mas lalo pa kaming naging close sa isa’t-isa ni Kenneth, everyday bago pumasok pinagluluto niya ako ng breakfast. Minsan kumakain kami sa labas, minsan naman sa bahay lang ako, nag mumukmok pag may date sila ng GF niya. Pero lagi naman may pasalubong kapag umuuwi. Habang lumilipas ang araw, mas lalong tumitindi ang nararamdaman ko sa kanya. Hanggang sa isang gabi, tabi kaming natulog ni Kenneth sa kwarto ko dahil nawala ang susi ng kwarto niya. Gabi na kaya hindi na niya mapuntahan ang may-ari ng bahay para mahiram yung duplicate ng susi para magamit.

Tahimik lang kaming nakahiga, Nagpapakiramdaman kaming pareho. “Kenneth, pano kung sabihin ko sayong mahal na kita?” una kong sabi

“Bakit mo naman natanong yan?” sagot niya.

“Hmmm, ‘yun kasi ang nararamdaman ko sa ‘yo.”

“Talaga? Bakla ka kasi,” wika niya sabay tawa. Hmmmm, paano kung sabihin ko rin sa iyo na nahuhulog na rin ang loob ko sa iyu? Teka, paano ka ba nagsimulang ma in-love sakin?” – si Kenneth

“First year pa lang tayo, nang una kitang nakita, crush na kita! Ewan ko ba, dati pa lang kasi nagkakagusto na ako sa lalake pero hindi ko na lang pinapansin. Tapos lately naging sweet at caring ka pa sakin kaya na fall ako sa ‘yo.”

“Taga saan ka ba talaga?”

“Jan lang sa Vicente Cruz.”

Malapit ka lang pala, bakit kapa nag apartment?”

“Maingay kasi sa bahay, 5 kaming magkakapatid, hindi ako makapag aral ng mabuti kaya naisipan kong humiwalay muna. Tapos, naisip kita. Kung hindi kita mapapa-payag na makahati sa upa, hindi ko na itutuloy. Kasi gusto talaga kita makasama, kaso dinededma mo lang ako. Eh ikaw? Bakit mo ako nagustuhan? ‘Di ba may GF ka? Bakit ka nagkakagusto sa lalake?” wika ko.

“Hindi ko rin maipaliwanag, kapag nakikita kita sa eskwela, iba ang nararamdaman ko, hindi ko maipaliwanag. Kaya nga nung tinanong mo ko about dito sa apartment, kinausap ko kaagad si mama para payagan ako. Remember the night na nag-inuman tayo? Alam ko lahat ng nangyari, hindi lang kita pinigilan kasi gusto ko rin naman.”

“Talaga? Hmm, gusto mo bang makipag relasyon sakin?”

May GF ako eh, tama na siguro na ganito na lang muna tayo. Pero gusto ko may tawagan tayong dalawa.”

“Okay sige, ano gusto mo? Honey kaya? Sweetie or baby?”

“Masyadong nang common. Teka isip ako. Hmmm, “McDO” nalang. Sabi nga ni Sharon Cuneta sa Commercial “Love ko to!”.” Sabi ni Kenneth.

“Ayos ‘yun ah, simula ngayon, ikaw na McDO ko ha.”

Masaya akong nakatulog, para bang nanaginip lang ako.

 Kinabukasan, sabay kaming pumasok ni Kenneth. Pagtawid namin, hinila niya ako. ‘Yun pala’y may dadaan pang sasakyan! Napayakap ako kay Kenneth. Nakakahiya, ang dami pa naman naming kasabay sa pagtawid.

“Ssalamat ha, nakakahiya, nayakap pa kita,” wika ko.

“Okay lang McDo, huwag mong pansinin mga tao sa paligid.”

Nag-start na ang klase at mabilis na natapos ewan ko ba, pag kasama ko si Kenneth, parang ang bilis ng oras.

Tuesday, walang pasok, nag Gym si Kenneth kaya naiwan akong mag isa sa bahay. Hapon ng nakauwi si Kenneth, naligo siya pagkatapos nagpalit ng damit. “Kamusta ang pag ggym?”

“Ayun, nakapapagod, kiss mo si McDo mo para mawala ang pagod.”

Lumapit ako sabay kiss sa lips! Mwah!”

“Sarap!”

Nag-ring anf CP ni Kenneth. “Teka lang, tumatawag sa akin si mama. Hello Ma? Ha? Bakit? Sigurado ka? Ma, hindi pwdeng mangyari iyun, sige na po pauwi na.” Ang narinig kong sabi ni Kenneth sa Mama niya.

Pagkatapos nilang mag usap, napansin kong natulala siya. “Ano ba ang sabi ng mama mo? Bakit parang problemado ka?” usisa ko.

Hindi na siya sumagot, bigla na lang umakyat, nagmamadali. Nagpalit siya ng damit. “McDo, uwi muna ako saC, may aayusin lang ako ha!” Paalam ni Kenneth sa akin.

“Anu ba kasi yun? Sabihin mo na. Nag-aalala ako.”

Basta, lagi mong tatandaan, kahit ano mangyari, mahal kita!”

Kitang-kita ko sa mga mata ni Kenneth na may mabigat siyang problema na haharapin sa kanila, hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko.

”Sige na, alis na ako, babalik ako agad pag ok na. Ite-text na lang kita ha. Ingatan mo sarili mo,” wika ni Kenneth.

Dali-daling lumabas si Kenneth ng pintuan at tuluyan nang umalis, hindi ko alam kung ano ang nangyari pero alam ko maaayos din kung anu maniyun.

Bakit kaya hindi pa nag tetext si Kenneth? 5 hours na ang nakalipas ah. McDo bakit hindi ka pa nagte-text! Ingat ka jan ha, mahal na mahal kita.

Lumipas ang isang araw, dalawa, tatlo hanggang isang lingo, wala pa ring text si Kenneth. Hanggang sa isang araw, my kumakatok sa pinto! Dali-dali kong binuksan ang pinto pero hindi si Kenneth ang nakita ko, “Sino po sila?” tanong ko sa bisita.

“Dito ba ang apartment na tinutuluyan ni Kenneth?” tanong ng bisita.

“Opo, dito nga po.”

“Ikaw ba si Raymond?”

“Ako nga po.”

“Pwede ba kitang makausap?”

“Pasok po kayo.”

“Ako pala ang nanay ni Kenneth, hiningi ko ‘yung address sa kanya para personal kang madalaw.”

“May nangyari po ba sa kanya? Hindi na po kasi siya nag-text mula ng umuwi siya sa inyo.”

“He’s ok. Pumunta lang ako dito para makausap ka.”

“Bakit po?”

“Nag-iisa kong anak si Kenneth, at ako ang may hawak ng cellphone niya, kaya ako rin ang nakababasa ng mga text mo, Kung ano man ang namamagitan sa inyong dalawa, sana tapusin mo na. Alam mo naman siguro na may girlfriend siya.”

Nagulat ako sa sinabi ng nanay ni Kenneth.

“Alam natin na mali ang relasyon n’yong dalawa, kaisa-isa kong anak iyon. Ayokong mabale wala lang ang mga pinag-hirapan ko at gusto ko na magka-apo. Isa pa, mga bata pa kayo. Hindi n’yo pa alam ang ginagawa n’yo.”

Wala pong namamagitan sa amin ni Kenneth, magkaibigan lang po kami.”

“Huwag mo nang ikaila, inamin na rin sakin ni Kenneth ang tungkol sa inyo. Hmmmmm, kaya ko pala siya pinauwi noon dahil sumugod ang nanay ng GF niya sa amin, 3 months na raw buntis si Jane. Magiging tatay sa si Kenneth. Mahirap man tanggapin, kasi ang bata pa ng anak ko, pero anjan na, kaya ang pakiusap ko lang sana sa ‘yo, ‘wag mo na siyang guluhin. ‘Wag ka na sana dumagdag pa sa mga problema ko at ng pamilya ko.”

Nangingilid na ang luha ko pero pinipigilan ko. “Sige po gagawin ko po ang gusto n’yo.”

“’Yun lang sana ang pakiusap ko sa ‘yo. Sige aalis na ako.”

Sige po, ingat kayo sa byahe.”

Pagkaalis ng nanay ni Kenneth, dahan-dahang umagos ang luha ko sa aking pisngi. Hindi ko na napigilan mapaluha sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Walang tigil sa pagluha ang mga mata ko, Humahagulgol na ako. Bakit ganito ang nangyari sa amin ni Kenneth? Bakit? Kama-kailan lang, masaya kaming dalawa, nag kukwentuhan, nag aasaran! Pinagluluto ng breakfast sa umaga, pag-gising ko siya ang unang nagpapa-ngiti sa akin, bakit ganito.

Natapos ang araw ng wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak, namumugto na ang aking mga mata. Nawalan ako ng gana sa pag-aaral, hanggang sa nabalitaan ko na lang na drop na si Kenneth. Siguro nga, dapat kalimutan ko na siya. Magiging ama na siya, normal na buhay, hindi tulad sa akin pag kami nagkatuluyan. Masakit at mahirap man tanggapin, pero kailangan kong magpatuloy mabuhay, mag-move on.

Lumipas ang halos dalawang buwan, hindi ko pa rin ganun katanggap ang nalaman ko. Umiiyak pa rin ako gabi-gabi! Lalo na pag nakakakita ako ng McDonald’s, bumabalik ang mga alaala noong magkasama pa kami ni Kenneth. Isang gabi naglalakad ako pauwi, may humarang sa aking tatlong lalaki.

“Akin na Cellphone mo! Pati bag at wallet kung ayaw mong masaktan!” wika ng isa sa lalaki.

Tumakbo ako, pero naabutan nila ako. Pinag bubugbog ako ng tatlong lalake.

“HOY ITIGIL NYO YAN!”

Biglang may sumigaw sa hindi kalayuan, tumatakbo ito papalapit, may katangkaran, maputi at matipuno ang pangangatawan. Pinag sasapak niya ang tatlong lalake na bumugbog sa akin. Nakatakbo ang tatlong lalake pagkatapos niya itong pag sususuntukin.

“Ayos ka lang ba? Wala bang nakuha sayo?” wika ng lalaki.

Teka, ang boses na ‘yon, parang narinig ko na dati. Medyo nahihilo pa ako kaya hindi ko namukhaan. Nang mahimasmasan ako, “Kenneth?” Totoo ba ‘tong nakikita ko? Si Kenneth nga!

“McDo ok ka lang ba? Wala bang nakuha sayo?”

Unti unting pumatak ang luha ko habang kinakausap ako ni Kenneth.

“Ang tagal kitang hinintay, hindi mo lang alam kung anong nangyayari sa buhay ko simula nung iniwan moko, gabi-gabi akong umiiyak.” Niyakap ko siya ng mahigpit. “Miss na miss na kita,” pabulong kong sinabi habang humahagulgol.

“Tumayo ka na jan, para kang bata! Iyak ka ng iyak! Tara, uwi na tayo.”

Karga karga ako ni Kenneth pauwi ng apartment. Pagdating sa bahay, “Anung nangyari? Bakit ka bumalik dito?”

“Kukunin sana kitang ninong sa anak ko.”

“Ahh, ganun ba!” malungkot kong tugon kay Kenneth. Ilang minuto ding tumahimik. Bigla niya akong hinampas sa balikat!

“Biro lang, ito naman!” wika niya na nakangisi.

“Nakakainis ka. Hindi magandang biro ‘yun.”

“Oh sige hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Inamin sa akin ni Jane na hindi sa akin ang ipinagbubuntis niya, may nakatalik siya habang kami, ayaw siyang panagutan kaya naisip daw niya na sa akin ipa-ako ang responsibilidad. Hindi ako pumayag. Ayokong maging ama agad sa batang hindi naman sa akin nanggaling. Kaya naghiwalay kami ni Jane. Ilang lingo din ang nakalipas, ibinalita sa akin ni Jane na pinananagutan na siya ng lalake. Kaya eto ako ngayon, binalikan ko na ang pinakamamahal at iyakin kong si McDo.”

“Hmp! Paano ang nanay mo? Pumunta siya dito para sabihan ako na iwasan ka na.”

“Ahhh iyun ba, alam ko iyun. Sinabi sa akin ni mama. Nag away nga kami dahil dun, pero ok na. Natagalan lang yung pagbalik ko dito kasi hindi niya agad natanggap yung relasyon natin, pero hindi din nag tagal pumayag din siya.”

“Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayong andito ka na ulit. Akala ko hindi na kita makakasama.”

Ngayon, handa na akong makipag relasyon sa iyo.”

Naghalikan kaming dalawa, sabik na sabik kami sa isa’t isa! Napuno nang nag-aalab na romansa ang gabing iyon.

“Gusto mo, ipasok mo iyan sa ano ko?”

“Sigurado ka?”

“Mahal kita kaya kakayanin ko.”

“Huwag mong pilitin kung hindi mo kaya, kuntento na ako sa ganito. Tsaka ayoko ng nasasaktan ka. Tingnan mo, kakayanin mo ba yan?” sabi niya na itinuturo ang alaga niya”

“Sabi ko nga hindi,” wika ko na nakangiti.

Nagsimula na ang magandang pagsasama namin ni Kenneth. Lumipas ang ilang taon, sabay kaming gumraduate sa kursong nursing sa Arellano University. At tulad ng inaasahan, pareho kaming nakapasa sa exam at ngayon R.N na kami,

Isang umaga na nagising ako ay wala si Kenneth. Pero nag-text siya. “McDo, kita tayo mamaya 3pm sa McDonalds tabi ng U.E.”

“Bakit?” replya ko.

“Basta pumunta ka na lang,” reply niya.

Naligo ako at nag handa para pumunta sa McDo. Isa, dalawang oras na akong naghihintay, wala pa siya. Habang hinihintay ko siya sa loob ng McDonald’s, napansin kong may pinagkakaguluhan ang mga estudyante sa labas. Naki-usyoso ako. Papalapit na ako, unti-unti kong naaninag kung anu ang pinag kakaguluhan nila. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko!

“Tumawag kayo ng ambulansya! Kenneth gumising ka!” Punong puno ng dugo ang buong katawan ni Kenneth. Nasa labas ako ng E.R, hindi mapakali, kabado at pawis na pawis. Tinawagan ko agad ang nanay ni Kenneth!

“Ma, si Kenneth po,” nangangatog na sabi ko sa nanay ni Kenneth.

“Bakit? Anon nangyari?”

“Naaksidente po siya, nabangga siya ng isang kotse, nasa E.R po siya ngayon dito sa UERM hospital. Pumunta na po kayo.”

Ilang oras na ang nakalipas, wala pa ring resulta. Dumating na ang nanay ni Kenneth.

“Asan na ang anak ko?” tanong ng nanay ni Kenneth

Saktong labas ng doctor. “Doc, ano na pong nangyari sa anak ko?”

“Kayo po ba ang ina ng pasyente? Hindi naging maganda ang resulta.” Sabi ng Doctor.

“Ha? Doc, iligtas n’yo po ang anak ko!”

“Misis, huminahon po muna kayo.” Sabi ng doctor.

“Doc, ano po bang findings?” tanong ko.

“Malakas ang pagkakatama sa ulo niya, dahil don, may mga namuong dugo sa utak ng pasyente. At basag ang lower part ng spinal column niya. Comatose na ang pasyente, unconscious na ang katawan niya ngayon.” Sagot ng Doctor

Dumaloy ng mabilis ang luha ko, hindi ko napigilang umiyak. “Doc, may pag-asa pa siyang maka recover diba?”

Sa case ng pasyente, maliit lang ang tsansa. Kung maka recover man siya, magiging gulay na siya. Imomonitor namin siya ng 24 hours, pag walang pagbabago, pwedeng hindi na magising ang pasyente ng tuluyan.” Paliwanag ng doctor.

Naging malungkot ang sitwasyon, iyak ng iyak ang nanay ni Kenneth, habang ako tinatatagan ko ang aking sarili. Lumipas ang oras, wala pa ring nangyari.

“Raymond, uwi muna ako sa bahay, babalik ako kagad, bantayan mo ang anak ko ha,” bilin ng nanay ni Kenneth.

Pagkaalis ng nanay ni Kenneth, dinala si Kenneth sa ICU. Pumasok ako, hindi ko napigilang umiyak. May pumasok na Nurse.

“Pamilya po ba kayo ng pasyente? May nakuha po kasi kami sa kanya, isang sobre at maliit na kahon. Pag mamay-ari po ata ito ng pasyente,” sabi ng nurse sabay abot sa akin ng kahot at sobre.

Pagkakuha ko ng sobre at maliit na kahon, binasa ko agad ang laman ng sobre. “Mcdo, Happy 3rd year anniversary! Patuloy kitang aalagaan at hindi kita sasaktan. Mahal na mahal kita, ikaw na ang nag silbi kong mata, puso at lungs ko. Kaya’wag mo akong iiwan kasi mamamatay ako. Hindi natin alam kung kelan hihinto ang oras na nakalaan sa atin. Maigsi lang ang buhay, mas magandang matapos ng masaya kaysa puno nang pagdurusa” sabi ng sulat

Dalawang singsing ang laman ng kahon. Sa ibabaw ng singsing may nakaukit na “McDo” at sa ilalim naman ay pangalan naming dalawa. Napatingin ako bigla kay Kenneth. “McDo, gumising ka na! Alam kong naririnig mo ako! Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka please! Gumising kana! Marami pa tayong pangarap diba?” panaghoy ko.

Walang tigil ako sa pag-iyak. Kinuha ko ang kamay ni Kenneth, “Ito ang simbulo ng pagmamahalan natin, ang daya mo, ikaw dapat ang mag susuot nito sakin, nakakainis ka. Huhuhu.”

Isinuot ko ang singsing sa kanya ganun din sakin. “McDdo, hihintayin ko ang pag-gising mo ha, habang natutulog ka pa, ako naman ang mag aalaga sayo. Ilang beses mo na akong iniligtas, hindi mo ko pinabayaan at hinayaang masaktan, ngayon ako naman ang mag aalaga sayo, hindi kita iiwan! Salamat sa singsing salamat sa importansya na pinakita mo palagi sa akin, hihintayin ko ang pag gising mo.”

Dumating na ang nanay ni Kenneth. “Anu daw ang balita sa anak ko?”

“Wala pa rin po. Pero mga 30 minutes babalik ang Doctor dito para malaman kung ano na po ang kalagayan niya. Ma, uwi muna ako babalik din ako kagad. Malapit lang naman po yung apartment dito.”

“Sige mag ingat ha.”

Mabilis akong umuwi, nagpalit lang ako ng damit kasi puro dugo at dali dali na akong bumalik sa hospital. Medyo traffic pero nakarating din. Pagpasok ko ng ICU, agade akong nagtanong sa kalagayan ni Kenneth. “Ma, ano na daw po ang lagay ni Kenneth?”

Nakatalukbong ng puting kumot si Kenneth, nabitawan ko ang mga dala ko sa mga nakita ko,

“Wala na ang anak ko,” sabi ng nanay ni Kenneth habang walang tigil sa pagiyak.

Muling dumaloy ang luha ko, hindi ko na alam kung kaya ko pang magpatuloy sa buhay ko ngayong wala na siya.

Dumaan ang maraming taon at iniwan ko na ang apartment, nagpatuloy akong mabuhay, tinatagan ko ang loob ko, sigurado akong ayaw ni Kenneth na nakikita akong nag kakaganito.

Ilang taon pa ang nagdaan, marami nang nagbago. Sariwa pa rin sa akin ang mga nangyari. Walong taon na ang nakalipas mula ng mamatay siya. Ngayon, kaharap ko ang iyong lapida.

“Kamusta ka na? Pasensya ka na kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob dumalaw sa puntod mo, marami ng nagbago, hindi ko akalaing magkakaroon ako ng asawa at anak. Dalawang taon na kaming kasal ni Kaye, nagkaroon kami ng isang anak, Kenneth ang pangalan niya. Alam ni Kaye ang tungkol sa atin, tanggap naman niya ako. Hindi ko pa din hinuhubad yung singsing na binigay mo. Itatago ko to habang nabubuhay ako. Miss na miss na kita McDo.

 

 

-----Wakas-----

 

Sana po’y nagustuhan n’yo. true story ko po iyan. – Raymond

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...