Bakasyon ni Kenneth –
One Year After (Part 5) The Promise
Credits to the Real
Author
(From :Dying Stranger}
(Published: June 1, 2019)
Kenneth POV
Pasensya na talaga at medyo matagal ang update. I have to catch myself up sa story ni Kenneth.
After ilang years sa hiatus ay nasundan din ang kanyang kwento. Sana magustuhan
po ninyo.
-----o0o-----
Sa isipan ko ay kung anu-ano ang pumapasok habang hawak ko ang
kamay ni Manny. Ang init ng mga palad niya, hindi nakakapaso at somewhat
comforting. I was at ease habang hawak n'ya ang aking kamay. Nawala ang anxiety
ko sa mga oras na iyon. Hinigpitan ko ng kaunti ang aking pagkakahawak sa kamay
ni Manny na may kasamang gigil, gusto ko ang nararamdaman ko ng panahong iyon.
Naramdaman n'ya iyon at imbis na bumitaw sa pagkakahawak ay mas
lalong ding humigpit ang hawak nito sa aking kamay. Lumingon ito at ngumiti.
"Are you enjoying the night?"
"Ano ba ako dito? Emotional support mo?" wika ko na
may pagkabagot. Dahil sa ‘di gaanong maliwanag ay hindi pansin ng mga kaklase
namin na magkahawak ang aming mga kamay. "Look, I should be home already
kung hindi mo lang ako pinigilan."
"Oh, come on." Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin.
"Just this one, you owe it to yourself na to have fun. Minsan lang
dumating sa buhay natin ang prom."
That time, although
nararamdaman ko ang comfort ng company ni Manny, ay hindi ko maalis sa isip ko
si Bobet. I was with my friend, Manny pero I want Bobet to be with me then.
"Haven't you forgotten him?" tanong ni Manny,
"Mahirap talaga kalabanin ang firsy love."
"What?" naguguluhan ako sa sinabi ni Manny.
"Anong pinagsasabi mo?"
"Look." Nabanaag ko sa hitsura ni Manny na seryoso ito
at hindi nagbibiro. "I like you, and I thought I've made it clear sa ‘yo,
pero it looks like the signs I've been giving were all for naught. Looks like I
failed. Si Bobet pa rin ang mahal mo."
"I'm really sorry Manny." Awa ang naramdaman ko kay
Manny. Awa dahil kaibigan ko s'ya at dahil hindi ko kayang suklian ang
nararamdaman n'ya para sa akin. I wanted to explode that time dahil naiinis ako
sa sarili ko for the love that I have for Bobet. "I'm sorry because I
can't give you back what you want. I'm stuck in the past but I want none of it.
Kung alam mo lang, ayaw ko sa nararamdaman ko."
"It's fine." Ngumiti lang ito, pero nakikita ko sa
kanyang mga mata ang lungkot. "I"m happy as what we are, as friends,
but I want you to promise me something."
"Ano yun?" tanong ko.
"That you won't let your feelings for him hurt you
again." sabi ni Manny. "I've decided to wait for you Kenneth, until
mawala yang love na nararamdaman mo for Bobet. If ever that happens I will be
there and will try to win your heart."
Tumango lamang ako. Alam ko naman na kapakanan ko lamang ang
iniisip ni Manny. Naintindihan ko din na hindi maganda ang nararamdaman ko para
kay Bobet. Masaya ako na nagtapat sa akin si Manny at the same time malungkot
ako dahil I can't return the favor. We manage to stay friends and a good one at
that and all that time na nagkasama kami ay natutunan kong mahalin ang kaibigan
kong si Manny. Slowly sa tingin ko ay nahuhulog na rin ako sa kanya, sa effort
nya.
Back to the present...
"Mabuti naman." naririnig ko ang lungkot sa boses ni
Manny sa telepono. "I want you to think about your actions habang kasama
mo s'ya d'yan. If ever na you decide to fall for him I'll accept defeat naman.
I only want what makes you happy after all."
"Alam ko naman yun Manny." I wanted to comfort Manny
pero maging ako'y conflicted sa nararamdaman ko. A part of me wanted to give
Bobet a chance. He wouldnt make an effort to go all the way here, samahan ako
at umiyak sa harap ko para lang sabihin mahal n'ya ako. A part of me naman
can't fully trust if he's in it to commit at nagloloko lang. Also nand'yan pa
yung feelings ko kay Manny. "Thank you Manny sa pagpapaalala. I know what
I have to do for now."
Binaba ko ang aking phone and I turned to Bobet, "Bobet,
salamat sa gabing ito but I need time to think on what I feel about you."
"Pero Ken..." he tries to cut me off.
"Bobet, I can't say that I can return the favor. A lot is
going on in my mind now and I need to think. Please hayaan mo muna ako." Iniwanan
ko ang mangiyak-ngiyak na si Bobet at dumiretso sa aking kwarto. Ni-lock ko ang
aking pinto at humiga sa aking kama. Inisip kong mabuti ang susunod kong
gagawin ngunit ayaw makisama ng utak ko. To much is going on to make something
up out of this chaos kaya minabuti ko na lamang matulog.
Nanumbalik sa akin ang promise ko kay Manny when he called
tonight. I can't let what I feel for Bobet hurt me again. I have to remain calm
and stay strong.
With all my might I must resist him.
I must resist Bobet while he is with me.
…..Itutuloy…..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento