Linggo, Agosto 13, 2023

Nasibak Ni Insan Dos (Part 31) By: Firemaker JD

 


Nasibak Ni Insan Dos (Part 31)

By: Firemaker JD

Napahinto si Ace sa hindi kalayuan nang makita niyang may pumaradang kotse sa harapan ng bahay ni Jude.

Bumaba ang isang matangkad at morenong lalaki sa driver's seat at pinagbuksan ng pinto ang katabing pasahero nito. Bumaba rito si Jude. Napalunok si Ace nang muling mapagmasdan ang itsura ni Jude. Nakangiti ito. Masaya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Pinagpapawisan ang kanyang noo at palad kahit na naka-aircon ito sa sasakyan. "Ace, you can do it!" si Ace sabay paandar ng kanyang sasakyan palapit sa bahay ni Jude. Nagtaka at napatigil sina Lucas at Jude nang mapansin ang paparating na SUV. Huminto ito sa harapan nila. Tinted ang harapan ng sasakyan kung kaya hindi nila mamukhaan ang driver ng kotse. Pamilyar kay Jude ang kotseng ito. Kinabahan siya. Pero ayaw niyang mag-assume.

Bumukas ang kotse at nalanghap nga ni Jude ang amoy ng isang pamilyar na pabango. Napalunok si Jude sa namasdan, bumaba nga si Ace mula sa kanyang kotse. Gwapong-gwapo sa suot nitong polo at pantalon. Nakangiti na lumapit sa kanilang dalawa. "Surprise!" bungad ni Ace sa nakatulalang si Jude.

-----o0o-----

Madilim pa sa labas nang magising si Migs nang umagang iyon. Alas tres pa lang ng umaga. Ramdam ng binata ang sakit at bigat ng ulo dahil sa magdamagang inuman kasama ang mga kabarkada sa bahay nila Mac. Maaga kasi siyang bumagsak dahil puro hard ang tinira niya kagabi. Hindi niya tuloy maalala kung paano siya nakarating sa kanyang kinapwepwestuhan ngayon. Pinakiramdaman niya kung saan siya nahiga at nakatulog.

Malamig ang kwarto at nakahiga siya sa malambot na kama. Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Agad niyang napagmasdan ang maamong mukha ni Mac sa kanyang tabi. Kahit may dinadamang sakit ng ulo ay napangiti siya. Gusto niya talaga ang binata, gustung-gusto.

Inilapit pa ni Migs ang kanyang mukha sa katabi. Nakatagilid rin ang natutulog na si Mac kung kaya magkaharap na ang dalawa. Ramdam niya ang init ng pag-hinga nito. Napatingin siya sa mga labi ng kaibigan. Medyo nakabuka iyon. Amoy tuloy niya ang alak na ininom nila kagabi. Alam niyang nagpakalunod rin ito sa alak kagabi.

Muling dumampi ang init ng hininga ni Mac sa kanyang mukha. Hindi na niya matiis ang sarili. Marahan niyang dinampian ng isang halik ang noo ni Mac. Walang reaksyon mula rito. Isa pang halik sa pagitan ng mga mata, wala pa rin. Sa matangos na ilong naman, lalong wala. Kung kaya mas lumakas ang loob niya na dampian ng halik nakabukang labi nito, marahan, may bahid ng pagmamahal.

Hindi pa rin nagalaw si Mac. Kung kaya mas marubdib na halik ang ibinigay ni Migs sa kaibigan. Nalasahan niya ang labi ng katabi. Medyo matamis na mapait.

Gumapang na ang braso ni Migs sa katawan ng natutulog na kaibigan. Wala itong suot na pang-itaas. Mainit na balat ang agad niyang naramdaman. Mula sa bewang ng binata ay tumungo ang kanyang kamay sa malapad na likuran nito. Nakayakap na si Migs sa mainit na katawan ng natutulog pang kaibigan.

Napahinga ng malalim si Migs habang nakatitig pa rin sa mukha ni Mac. Wala pa rin reaksyon ang huli. "Nandito lang ako ha!" mahinang sabi ni Migs sa katabi na tila ba kinakausap ang natutulog na kaibigan. "Sana, makita mo rin ako, hindi lang bilang isang kaibigan," dagdag pa niya.  Isang halik muli ang idinampi ni Migs sa ilong ni Mac. "Gusto kita, Mac. Gustung-gusto kita," bulong niya.

Muling huminga ng malalim si Migs. Ramdam niya ang unti-unting pagsikip ng kanyang dibdib. Ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata. "Sana, pagbigyan mo rin ako na mahalin ka. Alam mo aalagaan kita ng mas higit kaysa kay Jude," dagdag pa ng binata. "Hindi kita sasaktan, hindi kita lolokohin. Ikaw lang ang mamahalin ko," sabi pa niya.

Alam niya na mahimbing ang tulog ni Mac at hindi rin naman nito maririnig ang kanyang mga sinasabi. "Mac, a-a-ako naman," nauutal na sabi ni Migs. "Ako naman ang pagtuunan mo ng pansin," dagdag niya na may himig pagmamakaawa, sabay pikit ng kanyang mga mata. Noon tuluyan bumagsak ang kanyang mga luha. Mas dinama niya ang init ng katawan ng katabi. Mas hinigpitan niya ang kanyang yakap sa kaibigan na iniibig.

-----o0o-----

"Ace? A-a-anong ginagawa mo rito?" nauutal na bati ni Jude sa bisita. Hindi pa rin nawawala sa kanyang mukha ang pagkabigla sa pagdating ng binata. Bumilis ang tibok ng kanyang puso lalo na nang makita niya ang maaliwalas na mukha ni Ace. Nakangiti ito. Fresh pa rin kahit na galing sa mahabang oras ng pagmamaneho. Maraming tanong ang tumatakbo sa kanyang isipan. Nananaginip ba siya? Totoo bang narito si Ace sa kanyang harapan? Paano nito nalaman ang address niya sa probinsya? May kasama ba ito? Kasama ba niya si Mac? Si Amanda? Anong ginagawa niya dito? Anong pakay niya? Bakit siya nandito?

Ang bilis-bilis pumasok ang mga iba't ibang sagot sa kanyang mga tanong. "Shit!" sabi ni Jude sa kanyang sarili.

"Kilala mo ba ang lalaking ito?" pagkukumpirma ni Lucas sa pinsan.

Ang boses ni Lucas ang nagpabalik sa realidad ni Jude. Nasa harapan pa rin niya si Ace. Totoo nga. "Ahh. Lucas, si Ace, kaeskwela ko," agad na pakilala ni Jude sa lalaking bagong dating.

"Ace, pare," nakangiting bati ng binata kay Lucas, sabay abot ng kanyang kamay.

"Lucas," seryosong sagot ni Lucas, inabot ang palad ng bisita. Hindi man lang ngumiti. Kinamayan niya si Ace, mahigpit. Tinitigan niya ang bagong dating. Hindi naman nagpatinag sa titigan si Ace mata sa mata, lalaki sa lalaki.

Agad naman napansin ni Jude ang namumuong tensyon sa pagitan ng dalawang binata. "Insan, pakidala na ito sa loob," pakiusap ni Jude sa pinsan upang maputol ang titigan ng dalawa. Agad niyang inabot ang box ng cake kay Lucas.

"Anong ginagawa mo rito?" ulit na tanong ni Jude kay Ace nang makaalis na si Lucas. Nakangiting humarap ito kay Jude. Muli tuloy niyang napagmasdan ang gwapong mukha ng binata.

"Wala naman. I just realized na gusto kong lumanghap ng sariwang hangin," nangingiting sagot ni Ace.

"Dito pa talaga sa Bicol?" sunod na tanong ni Jude. Nagtataka siya kung bakit umabot pa si Ace sa kanila kung sariwang hangin lang naman pala ang habol.

"Why not?" balik na tanong ni Ace.

"Nag-drive ka talaga ng 12 hours para makalanghap ng sariwang hangin? Yung totoo?" sarkastikong sabi ni Jude.

Hindi agad sinagot ni Ace ang tanong ng kaharap. Nag-unat-unat muna siya ng katawan sa harapan ni Jude. Ngayon niya naramdaman ang pagod at ngalay sa mahabang pagmamaneho. Ni-rotate niya ang kanyang leeg, itinaas ang kanyang dalawang kamay at  nag-stretch. Mas nalanghap tuloy ni Jude ang pabangong gamit ng binata, napalunok. May kakaibang epekto na naman si Ace sa kanyang katawan.

Nagpatuloy pa ang binata sa ginagawang pag-uunat. Hindi tuloy nakaligtas sa paningin ni Jude ang malapad na dibdib nito, ang ma-muscle na mga braso habang nagpe-flex. Huminga ng malalim si Ace at muling tumingin kay Jude.

Mula sa katawan ni Ace ay napabalik ulit ang tingin ni Jude sa mga mata ng binata, seryoso. Tinging ala-Ace, nakatutunaw, nakalulunod, nakakakaba, nakakapagpabilis ng tibok ng puso.

"Hindi lang naman sariwang hangin ang pinunta ko dito, Jude," sagot ni Ace sa mas seryosong tono.

Hindi makagalaw si Jude sa kanyang kinatatayuan habang pinakikinggan ang sagot ng bisita. Mas lumapit si Ace sa natigilang binata. Dahil mas matangkad siya kay Jude ay inilapit ni Ace ang kanyang mukha sa mukha ng binata. "Ikaw. Ikaw talaga ang pinunta ko dito," dagdag ni Ace.

"Kuya Jude!" tawag ni Chuchay sa kapatid habang palabas ito ng kanilang bakuran. "Kuya Juuuuude! Bakit ba ang tagal mo dyan sa labas? Halika na sa loob. Kanina ka pa hinahanap nila Papa at Ma. Ay!" natigilan na sabi ng dalagita nang makita ang isang matangkad na lalaki sa harapan ng kapatid. Magkalapit ang mga mukha nito na tila ba hahalikan ng gwapong binata ang kanyang kuya. "K-k-kuya?" nauutal na tawag ni Chuchay sa kapatid.

Dito na napabalikwas si Jude at napaatras palayo sa mukha ni Ace. "H-h-hello po?" bati ni Chuchay sa lalaki.

"K-k-kapatid ko. Si Chuchay," nauutal na pakilala ni Jude sa kapatid kay Ace. Malakas pa rin kasi ang kabog ng kanyang dibdib sa pinaggagagawa ni Ace.

Tumayo ng maayos si Ace at agad na hinarap ang kapatid ni Jude. Lumapit ito sa natigilang dalagita. "Hi Chuchay! Ace, schoolmate ni Jude sa Manila," pakilala ni Ace sabay abot ng kanyang kamay, nakangiti.

Nagulat si Jude sa bilis ng pagbago ng itsura at mood ni Ace. Mula sa mukhang seryoso kanina ay agad na napalitan ng mukhang makakaakit kanino man, charming, mesmerizing.

"Oh mmmyy!" hindi mapigilan ang kilig ni Chuchay nang makita ng husto ang itsura ni Ace. Kinusot pa ng dalagita ang kanyang mga mata upang ikumpirma kung totoo ba ang kanyang nakikita. Kalbo, mapungay ang mga mata, may pagkatangos ang ilong, ang tumutubong buhok sa baba, perfect smile. Mukhang modelo sa magazine ang tingin nita dito. Kahit na may lahi si Denver na kanyang nobyo ay may mas itsura ang kaklase ng kapatid. Agad na niyang kinamayan si Ace. "Hello, kuya. Pasok po kayo sa loob," yaya niya.

Agad na inakay ni Chuchay si Ace papasok ng kanilang bahay. Wala naman nagawa si Ace kundi mapasama na lang kay Chuchay. Naiwan si Jude sa labas ng bakuran.

"Chuchay! Akala ko ba ako ang hinahanap nila Mama. Bakit si Ace ang sinasama mo?!" padabog pero natatawang sabi ni Jude sa kapatid na babae. Sumunod na ring siyang pumasok sa loob ng kanilang bahay.

"Magandang araw ho," bati ni Ace sa mga taong naroroon. Lahat naman sila’y agad napatigil sa kanilang mga ginagawa.

Napanganga pa ang ilan nang mapansin ang bagong mukha sa kanilang baryo. Tumahimik ang kanina'y masayang kwentuhan ng mga kamag-anak nila Jude.

"Ma, Pa, kaeskwela ni Kuya galing Maynila." Si Chuchay na ang bumasag sa katahimikan.

Agad namang natauhan si Mayang, nanay ni Jude at agad pinaupo ang bisita ng anak. "Ay, iho. Pasok ka sa aming munting bahay," agad na sabi ni Mayang.

"Mano po," si Ace pagkalapit sa ina ng binata.

Nagulat naman ang lahat maski si Jude sa inasal ni Ace. Hindi niya aakalain na ang barumbadong si Ace ay may ganitong pagkatao.

Lumapit naman si Ace sa matandang lalaki na sa tingin niya ay ang ama ni Jude. "Magandang araw ho. Masaya po ako na nakalabas na kayo ng ospital," magalang na bati ni Ace kay Tinoy sabay mano rin dito.

Napangiti naman ang matandang lalaki. "Aba, Jude! Kay gandang lalaki naman nire," komento ni Tinoy sa anak.

Napangiti ng pilit na lamang si Jude na nakatayo pa rin sa bandang pintuan ng kanilang bahay. Hindi pa rin siya makapaniwala na narito ang binata sa kanilang probinsya.

"Halika. Kumain ka muna," yaya ni Mayang sa binata matapos makapagmano sa lahat ng matatanda na naroon. "Nag-eroplano ka ba papunta rito?" tanong ni Mayang sa bisita ng anak.

"Hindi ho. Nag-drive lang po ako," sagot ni Ace.

Nanlaki ang mata ni Mayang nang marinig iyon. "Ano?! Ilang oras ka nabyahe nyan?" gulat na sabi ni Mayang habang naglalagay ng handa sa plato para kay Ace.

"Mga 12 hours din po," tugon ni Ace na nakangiti pa rin. Inabot ni Ace ang plato mula sa ina ni Jude.

"Ano bang dahilan at napunta ka rito?" tanong ni Mayang.

Saktong napakagat si Ace sa lumpia kung kaya nasamid siya ng marinig ang tanong ng ina ni Jude. "Ah. eh. May ihahatid lang po akong mga school works kay Jude. Napansin ko po kasi na hindi na sya nakapasok," alibi ni Ace

"Aba! Ang bait mo naman iho," sabi ni Mayang na ngiting-ngiti. "Oh maiwan ko muna kayo," paalam ni Mayang nang lumapit na rin si Jude sa kanila.

"Anong school works? Hindi naman tayo magkabatch." nagtatakang tanong ni Jude kay Ace. Napangiti lang si Ace sabay kagat muli sa lumpia.

-----o0o-----

Maghahapon na nang magsiuwian na ang mga bisita ng pamilya ni Jude. "Tay Tinoy, uuwi na po ako," paalam ni Lucas sabay mano sa kanyang tiyuhin.

"Maraming salamat, Lucas ah," sabi naman ni Mayang sa pamangkin.

"Wala ho yun," sagot ni Lucas.

"Hatid na kita sa labas," biglang singit ni Jude nang marinig na uuwi na ang pinsan. Tumango lang si Lucas na tila ba'y nagtatampo sa binata.

"Dapat kasi sumabay ka na kina Tita kanina nung umuwi sila," sabi ni Jude. Nauna kasing umuwi ang pamilya ni Lucas at dala ang sasakyan. Nagsimulang maglakad ang mag-pinsan patungo sa hiway kung saan pwedeng maghintay ng masasakyan si Lucas. "Mamamasahe ka pa tuloy," dagdag pa ni Jude.

Walang imik si Lucas. Tila ba lumalabas lang sa kabilang tenga ang pinagsasabi ni Jude. "Huy, kanina ka pa walang imik dyan. Anong iniisip mo?" tanong ni Jude sa pinsan.

"Hindi mo naman ako kelangan ihatid. Kaya ko naman. Nakakahiya pa sa bisita mo," seryosong sagot ni Lucas.

Napakunot naman ng noo si Jude. Batid niya ang tonong iyon ng pinsan. Napangiti si Jude na kinalingon naman ni Lucas. Naiinis siya sa pinsan.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" napipikon na tanong ni Lucas.

"Kaeskwela ko lang naman si Ace," sagot ni Jude.

"Nag-drive mula Maynila hanggang dito. Schoolmate?" wika ni Lucas. Nasa tono pa rin ng binata ang pagkainis.

"Hindi ko pa nga alam kung bakit nandito yun," sagot ni Jude. Tumigil si Lucas sa paglalakad na kinataka naman ni Jude. "Bakit?" tanong ni Jude.

"Anong mayroon sa inyo ng Ace na yun?" seryosong tanong ni Lucas na kinatigil rin ni Jude.

Ano nga ba? Ano nga ba ang relasyon nila ni Ace? Bakit nga ba narito si Ace? Ano ba ang importanteng sasabihin nito sa kanya?

"Tingnan mo! Hindi mo rin ako masagot," naiinis na sabi ni Lucas na nagpatuloy nang maglakad. Hindi na niya hinintay kung sasabay pa si Jude sa kanyang paglalakad. Hindi na niya rin nilingon ang pinsan. Abot-tanaw na lamang ni Jude ang pagsakay ng pinsan sa jeep nang mahimasmasan siya sa kanyang iniisip.

-----o0o-----

"Si Jude po?" tanong ni Ace pagkabalik niya sa loob ng bahay. Nag-banyo kasi siya nung umalis ang mag-pinsan.

"Hinatid lang si Kuya Lucas sa sakayan." Si Chuchay ang sumagot habang inaalalayan ang kanyang tatay.

"Chuchay, ako na," alok ni Ace sa kapatid ng kaibigan. Kinilig naman si Chuchay sa kilos ng bisita. Agad na inalalayan ni Ace ang ama ni Jude paakyat sa kwarto nito.

"Ayy salamat naman iho," si Mayang nang makaakyat ang asawa kasama si Ace.

"Okay lang ho," sagot ni Ace.

Nakasunod pa rin si Chuchay sa likuran ni Ace. Langhap niya ang amoy ng bisita. Kahit na kanina pa itong umaga ay humahalimuyak pa rin ang pabango nitong suot.

"Kuya Ace, saan ka pala mananatili dito?" tanong ni Chuchay sa bisita.

Napakamot si Ace. "Maghahanap na lang po ako ng hotel," sagot ni Ace.

"Naku, Kuya. Huwag na," mabilis na sagot ng dalaga.

"Oo nga, iho. Dito ka na lang manatili. May espasyo pa naman sa kwarto ni Jude," alok ni Mayang.

Napangiti ng lihim si Ace. Umaayon sa kanyang mga plano ang mga nangyayari. "Talaga ho? Maraming salamat po. Sa makalawa, babalik na rin po ako ng Manila," sagot ni Ace sa alok ng nanay ni Jude.

"Hindi ka ba hahanapin sa inyo? Magpa-Pasko na oh!" biglang singit ni Jude. Napalingon naman sila sa kababalik lang na binata.

"Wala naman akong kasama doon para magcelebrate ng Christmas," may lungkot sa tono ni Ace pero nakangiti pa rin ito.

Napatigil si Jude dahil napagtanto niya na mag-isa lang ito sa Maynila. Hindi rin naman niya nakukumusta ang tungkol sa pamilya si Ace. Kaya nga nagulat siya nang dumating ang binata sa kanilang bayan.

"Ayun naman pala. Eh di dito ka na mag-Pasko, Kuya Ace," masayang alok ni Chuchay sa bisita.

Nagkatinginan naman sina Jude at Ace nang marining ang alok ng dalagita. "Oo nga naman. Para maranasan mo ang Paskong probinsya," dagdag pa ng tatay.

"Kung okay lang po kay Jude," sagot ni Ace na napakamot pa sa ulo nito.

-----o0o-----

"Okay ka lang, Ace?" tanong ni Jude pagkapasok niya sa kanyang kwarto. Naka-twalya lamang siya pagkapasok. Katatapos niya lang kasing maligo matapos tulungan ang kanyang nanay at kapatid magligpit ng mga ginamit kanina sa salo-salo. Tumulong rin naman si Ace sa pagaayos ng bahay pero pinauna niya na ang binata makaligo.

"Yes. Okay naman," sagot ni Ace habang dinadama ang kama nila ni Jude. Kahit manipis lang ang katre na kanilang tutulugan ay hindi naman ito amoy-luma. Komportable rin naman

"M-m-mabuti naman," tanging nasagot ni Jude. Napansin niya na naka-sando at boxers lang si Ace. Lantad tuloy sa kanyang mga mata ang halos kabuoan ng katawan ni Ace. Ang makinis at mamasel nitong braso na sinamahan pa ng tattoo. Ang medyo balbunin nitong hita at binti. Mas maputi si Ace kaysa kay Jude kung kaya kita talaga ang balahibo nito sa katawan.

Napangiti si Ace nang mapansin ang pagmasid sa kanyang katawan ni Jude habang nagpupunas ito ng katawan. Tinaas niya pa ang kanyang mga kamay upang malantad kay Jude ang kanyang kilikili. Medyo umangat tuloy ang suot nitong sando.

Napalunok si Jude nang mapansin niya ang pag-angat ng sando ni Ace. Lumabas tuloy ang mga pandesal nito sa tyan. Ang pusod na may kaunting buhok pababa sa garter ng boxers shorts. Mas napukaw ang atensyon niya sa umbok sa suot na boxers nito.

"Fuck!" bulong ni Jude sa kanyang sarili. Agad na umiwas ng tingin sabinata. Biglang uminit ang kanyang pakiramdam kahit na kaliligo lang niya. Medyo nahiya siyang muling tignan ang nakahigang binata sa kanyang kama. Matagal na rin kasi ang huli nilang pagtatabi sa kama, bago pa sila magkabalikan ng dating nobyong si Mac. Lumalakas ang kanyang tibok ng puso. Kinakabahan siya sa maaring mangyari ngayong gabi - sa piling ni Ace.

Isang oras na rin ang nakalipas ngunit hindi pa rin makatulog si Ace. Malamig ang simoy ng hangin na nagmumula sa bintana ng kwarto. Tanging mga ingay ng mga kuliglig at tuko ang kanyang naririnig. Gising na gising pa rin ang kanyang diwa. Hindi makapaniwala si Ace na nasa tabi na niya ang unang lalaki na nagpagulo sa kanyang isipan at nararamdaman. Dama niya ang init na nanggagaling sa katawan nito.

Dahil madilim sa kwarto ay pinakikiramdaman na lamang ni Ace ang bawat galaw ng katabi. Hindi niya kasi alam kung gising pa si Jude. Wala kasi itong imik. Wala ring ingay mula rito. Marahang nilingon ni Ace ang kanyang tabi. Hindi niya maaninag ang mukha nito. Ngunit agad siyang umayos nang maramdaman niya ang pag-iba ng posisyon sa paghiga nito. Alam niyang humarap ang katabi sa kanyang katawan. Ramdam na rin niya kasi sa kanyang braso ang hangin sa bawat paghinga nito.

Napalunok si Ace. Mas lalo siyang nininerbyos. Amoy na amoy pa rin niya ang bango mula sa bagong ligong katawan ni Jude. Ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Dumadagundong iyon. Kung may hahawak lang sa kanyang dibdib ay madadama ang pagtibok ng kanyang puso. Iba talaga ang epekto ni Jude sa kanyang katawan. Nag-iba rin siya ng pwesto. Marahan siyang humarap sa katabi na nakapikit pa rin. Unti-unti ay minulat niya ang kanyang mga mata. Agad niyang naaninag ang mukha ng binata. May liwanag na tumatama sa maamong mukha nito Nakapikit pa rin ito pero pansin din niya ang mabilis na paghinga.

"Shit!" bulong ni Jude sa sarili nang mag-iba rin ng pwesto si Ace. Agad siyang pumikit pero ramdam niya na humarap ang binata sa kanya. Naramdaman niya kasi ang hininga nito sa kanyang mukha. Napalunok si Jude. Kanina pa siya nagpapanggap na natutulog. Hindi siya makatulog dahil sa presensya ni Ace. Lalo na ngayon at solo niya ang binata. Walang Mac, walang Amanda. Huminga siya ng malalim at unti-unting minulat ang kanyang mga mata.

Hindi nga sya nagkamali na nakaharap si Ace sa kanya. Kitang-kita niya ang buong mukha ng lalaki. Medyo singkit na mata, matangos na ilong, namumulang labi, may kaunting balbas na lalong nagpapalalaki sa itsura ng binata. Kumakabog na ang kanyang dibdib. Hindi na niya mapigilan ang sarili. Mas bumilis tuloy ang kanyang paghinga. Napansin ni Jude ang marahang pagmulat ng mga mata ni Ace. "Shit! Gising pa si Ace," sabi ni Jude sa kanyang sarili kung kaya agad siyang pumikit.

Ilang minuto rin pinakiramdaman ni Jude ang katabi. Wala itong ginagawa. Ayaw naman niyang imulat ang kanyang mga mata at baka gising nga rin si Ace. Ilang minuto pa ang nakalipas nang maramdaman niya ang pagbangon ni Ace mula sa pagkahiga. Ramdam niya ang marahang pagtayo ng binata pababa sa kanilang kama. Nakarinig na lamang si Jude ng pagbukas ng pinto. "Saan kaya ito pupunta? Baka magbabanyo," sa isipan ni Jude.

Ilang minuto rin ang hinintay ni Jude at hindi pa rin bumabalik si Ace sa kanyang higaan. Bumangon na rin si Jude sa kanyang higaan at sinundan pababa si Ace. Agad niyang tiningnan ang kusina ngunit wala roon ang binata. Wala rin sa banyo, wala rin sa salas. "Nasaan kaya yun?" tanong ni Jude sa sarili nang makita na wala rin si Ace sa labas ng bahay.

 

 

Susundan……..

 

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...