Martes, Agosto 22, 2023

Nasibak Ni Insan Dos (Part 34) By: Firemaker JD

 


Nasibak Ni Insan Dos (Part 34)

By: Firemaker JD

 

Isa pang mabilisang pagsubo ang ginawa ni Jude na nagpaulol kay Ace. Sagad na sagad sa lalamunan niya. Tumatama na sa kanyang pisngi ang balat ni Ace. Kayang-kaya niya ang pito't kalahating pulgada ng binata. Medyo nabibilaukan, ngunit kinakaya.

Nagsimulang maglabas-masok iyon sa loob ng kanyang bibig, mabilis na minsay bumabagal, na minsan may kasamang pagsipsip. "Oooooohhhh shit! Sige paaaaagggh! Suuuuhhhck meeehhh!" ungol ni Ace sa binatang nakaluhod.

Parang musika sa pandinig ni Jude ang mga impit na ungol ni Ace kung kaya mas lalo niyang ginalingan. Kasabay nang paglabas-masok ng kahabaan ni Ace sa kanyang bibig ay kanya ring nilaro ang dalawang itlog. "Uuuuuuuuggghhh! What are you dooooghhhhhing?" ungol ni Ace. Nakikiliti siya sa ginagawang pagkiliti sa kanyang betlog, masarap sa pakiramdam.

Hindi na nakatiis si Ace at hinawakan na ang ulo ni Jude. Nagsimula na siyang kumadyot sa mukha ng binata, labas-masok, kadyot dito, kadyot doon, mabagal na bumibilis, pabilis ng pabilis. Ramdam niya ang paginat ng kanyang mga binti. Naninigas ang mga masel nya sa binti. Mas napasandal siya sa pinto ng kwarto. "Isubo mo paaaggghh akooohhh!" ungol ni Ace.

Niluwa ni Jude ang kahabaan ni Ace. Puno na ito ng laway. Ang dalawang itlog naman ang pinagtuunan ng pansin ni Jude. Dinilaan. Isinubo. Sinipsip. Sa una ay isa at lumipat sa isa. Nang matantya na ni Jude na kakasya sa bibig niya ang dalawang itlog ay sinubukan niya itong kainin. Hindi naman siya nabigo. "Aaaaaaghhhh! You are soooo gooooohhhd!" puri ni Ace.

-----o0o-----

"Aba, Chuchay. Dalian mo dyan sa banyo at maliligo pa ang Kuya Ace mo.." sita ni Mayang sa anak.

-----o0o-----

"Nagpupunas na po," sagot ni Chuchay. Ilang sandali pa ay lumabas na ng banyo ang dalagita.

"Katokin mo na ang Kuya Jude mo nang magising na niya si Ace. Alas sais na oh!" si Mayang.

"Opo, Ma," sagot na lamang ng dalaga. Agad na tumungo si Chuchay sa harap ng pinto ng kanyang Kuya Jude. Napatigil siya nang kakatok na sana ito sa pinto. "Baka magising si Kuya Ace," wika sa isipan ni Chuchay. Kaya hinawakan niya ang door knob upang sumilip sa loob, subalit napatigil muli siya. May naririnig siyang parang basang bagay. Shlurp. Shlurp. Nagtaka si Chuchay kung ano ang ginagawa ng kanyang kuya sa kwarto, dali-dali niyang pinihit ang door knob. Kahit na hindi nakalock ang pinto ay hindi iyon tuluyang nabuksan.

 "Ouch!" sambit ni Ace nang tumama ang bumukas na pinto sa kanyang likuran. Agad naman nailuwa ni Jude ang kahabaan ni Ace at agarang tumayo. Agad itong tumalikod, binuksan ang cabinet, kumuha ng twalya at inabot iyon kay Ace upang ipangtapis sa hubad nitong katawan.

Sumilip si Ace sa puwang ng pinto. "Ayy Kuya Ace! Gising ka na pala. Sorry!" sambit ni Chuchay sa bisita ng kapatid.

"No, it's okay. Ano ba yun?" sagot ni Ace. Masakit ang kanyang balls sa nabiting pagsabog. Tigas na tigas pa rin ang kanyang alaga kaya ingat na ingat siya sa pagbukas ng pinto.

"Ah eh. Wala na kasing gumagamit ng banyo baka gusto mo nang maligo," sagot ni Chuchay.

"Ahh okay sige sige. Lalabas na ako," sagot ni Ace na agad sinara ang pinto. Natawa ang dalawa nang makita ang kanilang namumulang mga pisngi. Napakamot si Jude sa kanyang ulo.

"Sige na. Maligo ka na," utos ni Jude kay Ace. Agad naman nag-iba ang mukha ni Ace. Mula sa pagtawa, biglang naging parang bata na hindi pinayagan makuha ang gusto.

"Jude, paano naman ‘to?" tanong ni Ace habang nakaturo sa nakatutok pa ring alaga.

Natawa si Jude na nahiya. "Next time. Sige na lumabas ka naaa.." wika ni Jude sabay tulak palabas sa binatang nakatapis lang ng twalya.

-----o0o-----

"Humayo kayo at magpalaganap ng pagmamahal. Maligayang Pasko sa inyong lahat." Bati ng pari sa Misa de Gallo at tumugtog na nga ang tugtog na pang-Pasko. Masayang nagbatian ang mga naruon. Agad na lumapit si Jude sa mga magulang. Nagmano at humalik. "Pa, Ma. Merry Christmas po," bati ni Jude sa magulang.

Sumunod naman sina Chuchay at Ace. Nagmano rin ang mga ito sa dalawang matanda.

"Chuchay, Merry Christmas kahit na napakasungit moooo.." bati ni Jude sa kapatid. Yumakap rin ito ng mahigpit.

"Tse!" sagot lang ni Chuchay ngunit gumanti rin ito ng yakap.

Hindi na rin nahiya si Jude na yakapin si Ace tutal Pasko naman. "Merry Christmas, Ace," bati ni Jude.

"Thank you for making me experience this," sagot na bulong ni Ace sa binata na yumakap rin sa kanya, may kuryente, may malisya.

"Sana masaya ang Pasko mo," sagot ni Jude.

"Oo naman. Masaya dahil kasama kita," wika ni Ace sabay dampi ng halik sa pisngi ng binata.

"Uy!" gulat na sabi ni Jude sabay tulak kay Ace.

Natawa naman si Ace sa inasal ni Jude. Nang biglang sumulpot si Lucas sa kung saan man. "Buti naman at naghiwalay na kayo. Kanina pa kayo nagyayakapan e," nang-aasar na sabi ni Lucas.

"Uy, insan. Merry Christmas," bati ni Jude sabay niyakap na rin ang pinsan.

"Kelan ba uuwi ang asungot na yan?" bulong ni Lucas na masama pa rin ang tingin kay Ace.

"Insan, sabi ni Father, magpalaganap ng pagmamahal," natatawang sagot ni Jude.

"Merry Christmas, Jude," bati ni Lucas sabay yakap sa katawan ng pinsan. Gumapang ang isa nitong braso sa bewang ni Jude at hinatak papalapit sa kanyang katawan. Ramdam iyon ni Jude ngunit hindi na lang niya pinansin. Mabuti na lang at dumating na rin ang dalawa pa niyang pinsan, mga tito at tita. Doon na humiwalay si Jude kay Lucas at binati na rin ang iba nilang kamag-anak.

"Merry Christmas, pre," bati ni Ace at inabot ang kanyang kamay upang makipagkamay. Ngunit tinignan lang ito ni Lucas at iniwan si Ace. Napatawa na lang si Ace sa inasal ng pinsan ni Jude.

-----o0o-----

"Bakit naman biglaang nagbago ang plans? Puro sweater pa naman dala ko," naiinis na sabi ni Migs sa mga kaibigan na sina Jed at Nico.

"Ewan ko ba dun kay Mac. Mas trip niya daw mag-excursion sa Mayon kesa mag-chill sa Baguio," sagot ni Nico.

Kasalukuyang nasa airport ang magkakaibigan habang hinihintay ang pagdating ni Mac. Ilang sandali pa ay dumating na ang kotse nila Mac. "Salamat sa pag-agree sa late changes ah," bati ni Mac sa mga kaibigan pagkababa niya sa kotse.

"No problem, dude. Ikaw naman nagbayad ng airfare namin e," natatawang sagot ni Jed.

Nakapasok na lahat sa lounge kung saan naghihintay na lamang ang apat sa boarding papuntang Legazpi. Nakasimangot pa rin si Migs dahil sa nabagong plano.

"Hey, Migs. Huwag ka nang magalit dyan. At least, makakapunta na tayo sa Mayon," lambing ni Mac sa nakakunot noong kaibigan.

"Ano ba kasing meron sa Bicol?" inis na tanong ni Migs.

"Ahh ehh," natigilan si Mac sa tanong ng kaibigan. "M-meron dun ATV around sa Mayon Volcano. Cool yun. Plus mapaprapractice pa natin photography skills mo. Andaming attractions dun," pang-eenganyo ni Mac sa kaibigan.

"And you know what Migs, meron urban legend na kapag nagpakita si Mayon ng buo at kasama mo yung taong mahal mo. Forever na kayo magkakasama," singit pa ni Nico.

"S-seryoso?" pagkukumpirma ni Migs habang nakatingin kay Mac na nakikipagkwentuhan kay Jed. Tumango lang si Nico.

Ilang sandali pa ay nagtawag na ang mga attendant upang makapagsimula na mag-board sa eroplano. Katabi ni Mac si Migs habang si Jed at Nico naman ang magkatabi sa kabilang row.

"Hindi ka na galit?" tanong ni Mac sa kaibigan.

"Hindi na. Thanks at sinama mo kame," tanging sagot ni Migs sabay ngiti. Ngiting may pag-asa.

"We will arrive at Legazpi airport around 11:30 in the evening. 30 minutes before Christmas Day. We want to greet you first a Merry Christmas and thank you for flying with us," bati ng piloto sa kanyang mga pasahero.

Dinim lights na ang buong eroplano upang makapagpahinga ang mga ito. Ngunit gising na gising pa rin si Mac. Nakasilay sa kanyang telepono. Pumunta si Mac sa private folder nito at kanyang sinulyapan ang nagiisang litrato ni Jude. Mahimbing na natutulog sa kanyang mga braso. "I miss you, babe," bulong ni Mac sa kanyang sarili.

-----o0o-----

Masayang natapos ang selebrasyon ng pamilya ni Jude at ni Ace. Busog ang lahat sa mga handang pagkain na niluto nila Chuchay at nanay ni Jude. "Ma, magpahinga na kayo. Kame na ni Chuchay ang magliligpit dito," presenta ni Jude.

"Sige, anak. Salamat," sagot ni Mayang habang inaalalayan ang asawa paakyat sa kanilang kwarto.

Nagsimulang maghugas si Jude ng mga hugasin habang si Chuchay naman ang naglilipat ng mga tirang pagkain upang mailagay sa ref.

"Hindi ba dadalaw si Denver dito?" tanong ni Jude sa kapatid.

"Bukas susunduin niya ako. May family lunch sa kanila. Bakit kuya?" tanong ni Chuchay. Wala pa rin siyang kamalay-malay sa relasyon ni Denver at Karla.

"Wala naman. Ikaw ba, sigurado ka na kay Denver?" seryosong tanong ni Jude.

"Oo naman, kuya. Sigurado naman na mahal niya ako at mahal ko siya," sagot ni Chuchay.

"Wala siyang iba?" biglang natanong ni Jude. Hindi na niya mapigilan ang sarili.

"W-w-wala?" patanong na sagot ni Chuchay. Maraming nagkakandarapa na babae pati bakla sa kanyang boyfriend. Pero wala pa naman siyang nahuhuli.

"Chuchay, bata ka pa. Marami ka pang makikilala. Huwag mo muna ibigay lahat lahat kay Denver," bilin ni Jude sa batang kapatid.

"Oo naman. Hanggang kamay lang siya sa akin," si Chuchay sabay aktong na parang nagjajakol.

"Hoooooy!" gulat na sabi ni Jude sabay wisik ng sabon sa kapatid.

"Joke lang kuyaaaaa!" natatawang sagot ni Chuchay.

"Ang saya ninyo d’yan ah. Tulong ako," singit ni Ace sa magkapatid.

"Naku, Ace. Magpahinga ka na sa kwarto. Patapos na rin naman kame dito," sagot ni Jude.

"Ikaw, Chuchay. Kailangan mo ba ng tulong ko?" si Ace sabay flex ng kanyang biceps. Natawa naman si Jude at Chuchay.

"Okay na kuya.." sabi ng dalaga.

-----o0o-----

"Ladies and gentlemen, we are happy to welcome you here in Legazpi," bati ng flight attendant sa mga pasahero. Mag-aalas dose na nang makasakay ang apat na magkakaibigan sa service nila papunta sa hotel na tutuluyan nila sa bakasyong iyon.

"Bro, good for four naman yung kwartong kinuha ko. Okay lang naman sa inyo diba?" si Mac sa mga kabarkada.

"Oo naman. Jed, Nico, kayo na magtabi sa kama ah," sabi ni Migs.

"No problem," sagot ni Jed.

Napansin ni Migs na tahimik si Mac habang nasa byahe. "Hey are you okay?" tanong ni Migs sa kaibigan.

"Yes," maikling sagot ni Mac.

"Iniisip mo ba sina Tita?" tanong muli ni Migs.

Umiling lang ang binata. Pinagmasdan na lang ni Mac ang mga mailaw na parol na nadaanan nila. Ilang sandali pa ay huminto na ang kanilang service sa tapat ng hotel. "Mga sir, welcome po sa The Oriental Legazpi. Merry Christmas po," bati ng driver.

"Thank you, Manong," si Mac sabay baba na sa maliwanag na lounge ng hotel.

"Marhay na banggi," bati ng mga empleyado ng hotel.

"We have a Christmas party po sa poolside and it's complimentary po if you want to join," sabi ng receptionist.

"Yes, we will," excited na sagot ng mga binata.

"Great! Ihatid na lang po namin sa room niyo ang mga luggages niyo," sabi pa ng receptionist.

"Yes. Thank you!" sagot ni Mac.

Hindi na nagbihis ang apat at agad nang tumungo sa poolside. Aninag nila ang Bulkang Mayon sa kalayuan dahil na rin sa liwanag na mula sa buwan. Medyo maraming tao rin ang naroon, halo-halo. May matatanda, bata, babae, lalaki.

"Mac, do you want something?" tanong ni Migs.

"Yeah. Beer na lang siguro," sagot ni Mac na umupo sa isa sa mga couches.

"Sige, I'll get one for us," si Migs at pumunta na siya sa bar.

Hindi pa rin makapagdesisyon si Mac kung kokontakin pa niya ang dating nobyo. Muli niyang binunot ang telepono mula sa kanyang bulsa. Pumunta siya sa kanyang inbox at hinanap ang message. Galing sa unknown number. Binuksan niya iyon. "I love you, babe," ang huli at tanging message na naroon. Napalunok siya, kinakabahan. Hindi niya alam kung anong gagawin. Magtetext ba siya? Tatawag? O hahayaan ang tadhana na gumawa ng paraan upang pagtagpuin muli sila ni Jude? Napahinga siya ng malalim at nagsimula siyang magtype.

"Mac!" tawag ni Migs na biglang sumulpot dala-dala ang dalawang bote ng beer. Nagulantang si Mac at dali-daling inexit ang messages.

"Sino tinetext mo?" usisa ni Migs.

"Wala. Nagsabi lang ako kina Mommy na nasa hotel na tayo," pagsisinungaling ni Mac.

-----o0o-----

Naunang pumasok si Ace sa kwarto ni Jude. Napansin ni Ace na umilaw ang cellphone ni Jude. Lumapit siya sa tokador kung saan nakapatong ang telepono ng binata. Napangiti siya nang makita sa tabi nito ang kanyang kwintas. Ngunit biglang nagiba ang kanyang mukha nang makita kung sino ang nagtext kay Jude.

1 message from Babe.

 

 

Susundan.

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...