Miyerkules, Pebrero 28, 2024

Kababata (Part 4) First Day of Class

 


Kababata (Part 4)

First Day of Class

 

John Mark

Unang araw ko sa kolehiyo, may nakilala agad ako na isang magandang babae, si Allysa. Siya ang unang nagpakilala sa akin at tinabihan ako sa upuan. Sana lang ay maging kapalagayang loob ko siya, maging kaibigan,

Wala pang professor na dumarating kaya maingay pa sa silid, kwentuhan pakilalahan. Isang lalaki ang nakakuha ng pansin sa akin. Matangkad din siya, halos sing-tangkad ko, gwapo, maputi. Pinagmasdan ko siyang mabuti, kasi ay parang may similarity kay Jonas. Pero para ding hindi dahil maitim si Jonas eh ito ay maputi. Naputol ang pag-iisip ko ng dumating na ang una naming professor.

-----o0o-----

Bago pa man dumating ang aming professor ay may napansin na ako pag-pasok pa lang ng lalaking gwapo. Kasi ay tila kinilig ang mga babae at ang mga lalake naman ay parang may inis o inggit dahil sa atensyong ipinakita ng kababaihan sa kanya. Natural lang naman dahil sa gwapo ito.

Pero bakit ako, marami namang nagsasabi sa akin ng maganda akong lalaki, na gwapo ako, na pwede akong maging artista, pero walang ganong paghanga sa mga babaeng narito sa room.

“Allysa, kilala mo ba ang lalaking iyon?”

“Oo, pero hindi niya ako kilala hehehe. Hindi mo pa ba alam? Sikat siya sa social media, maraming followers iyan at saka commercial model din iyan. Napapanood na siya sa TV, ang gwapo ano, crush ko nga siya eh. Buti at kaklase pa natin hehehe.”

“Anong pangalan?”

Hindi na nasagot pa ni Allysa ang tanong ko, dumating na kasi ang aming professor.

-----o0o-----

Sa unang araw nang klase, normal na ang pagpapakilala sa isa’t-isa. Malalaman ko ang pangalan ng lalaking iyon. Sana… sana lang ay siya iyon.

Iba ang style ng professor namin, inuna ang nakaupo sa bandang likuran paharap kaya yung hilera namin ni Allysa ang nauna, kinakabahan pa naman ako.

“Allysa, ano bang sinasabi kapag nagpapakilala. Wala kasi kaming ganito sa isla, magkakakilala kasi kami halos lahat eh, pati titser.”

“Isla?” tila hindi makapaniwalang sabi ni Allysa.

“Oo, isla, sa parteng north. Promdi.”

“Oy ha, hindi ko minamaliit ang mga taga probinsya, nagulat lang talaga ako ng sabihin mong isla. Gusto kong magpunta sa inyo. Simple lang, hindi naman ito autobiography, pangalan lang edad at kung saan galing. Sigurado ako, kahit sila ay magugulat.”

“Bakit?”

“Bihira kasi ang nag-aral dito sa Manila na galing sa napakaloyong probinsya, mas pa dahil ikaw ay sa isla. Tahimik na, magsisimula na.”

Isa-isa nang nagpapakilala ang aking mga kaklase. Kinakabahan pa rin ako. Malakas kasi ang kutob kong si Jonas ang lalaking iyon, basta, iba ang feeling ko. Kapag nag-react siya o, tiningnan man lang ako ng titig na titig na parang kinikilala, ay maniniwala akong si Jonas nga iyon.

Si Allysa muna ang nauna sa akin, tapos ay ako.

“I’M John Mark Vargas, 17 years old at galing akong probinsya, actually, sa isang malayong isla sa Norte. Mahirap lang po kami at sinwerte lang na nakapag-aral ako dito dahil sa may nag-sponsor sa akin. Sana lang po, respeto lang, hindi sana maliitin ang pinanggalingan ko. Gusto ko pong maging kaibigan ko kayong lahat. ”

Ewan ko kung bakit nila ako pinalakpakan, wala naman akong sinabing iba, wala naman akong pinagyabang, pero nainis ako dahil ni hindi kumibo itong si yabang. Ibig sabihin, mali ang aking hinala.

Marami pang sumunod, at heto na ang hinihintay ko. “Ako po si Jonas Vergara, from Quezon City, 17 years old. Alam kong marami na ang nakakakilala sa akin dito, pero sana itrato rin ninyo ako na hindi iba. Sabi nga ni John Mark, gusto ko rin kayong maging kaibigan lahat.

Marami ding pumalakpak sa kanya. Jonas nga siya, pero hindi siya ang Jonas na aking kababata, hindi kasi Vergara ang apelyido nila.

Tuloy-tuloy ang aming klase, nag-break lang kami ng lunch at balik uli kami ng 2PM. Hanggang five ang aming klase, pero Monday hanggang Thursday lang naman ang klase namin. Block section nga pala kami.

Labasan na, mabilis na nawala si Jonas, hindi ko na nakita pa kung saan nagdaan. Kasabay ko naman si Allysa na naglalakad at ibang kaklase. Panay ang tanong sa akin kung saan lugar ang aming isla, kung maganda raw doon, kung ano ang buhay sa isla. Pero dahil palabas na kami ng paaralan ay hindi ko na nasagot pa ang ibang tanong nila. May sundo si Allysa, tila may kaya dahil sa kotse ang sumundo sa kanya. Ako naman ay hindi na nagpasundo sa driver dahil isang sakay lang naman ako at malapit lang din, Quezon City din lang ako. Jeep lang ang sinasakyan ko tapos ay tricycle papasok sa aming village. Pwede rin naman lakarin kung hindi nagmamadali. Sa ngayon, naglakad na lang ako.

Hindi pa ako nakalalayo ay may bumusina. Napalingon ako dahil baka ako ang binubusinahan, kasi ay wala naman ibang naglalakd kundi ako at wala rin namang sasakyan pa.

Huminto ang kotse sa gilid kung saan ako nakatayo, bumukas ang bintana sa passenger side.

“Hey! Pasaan ka? Dito ba ang uwi mo?” wika ng nasa kotse.

Sinilip ko, kinabahan akong bigla, parang tinambol ang aking dibdib, ewan ko ba, kasi si Jonas Vergara ang nasa kotse na nagda-drive.

“Ha eh oo, diyan lang ako sa may Gumamela Street.”

“Sakay na, sabay ka na sa akin, doon din ako eh,” sabi ni Jonas.

Ewan ko, bakit ganoon? Nagkataon pang dito rin pala sila nakatira. “Ha eh huwag na nakakahiya naman sa iyo, saka malapit lang naman eh. Exercise na rin,” sabi ko.

“Ano ka ba, hindi ba sabi mo, gusto mo kaming maging kaibigang lahat, bakit ka mahihiya?” sabi pa niya.

Napilitan na akong sumakay. “Kilala mo na naman ako, di ba. Siguro naman ay natandaan mo ang pangalan ko.”

“Oo naman, sikat ka kasi. Jonas, di ba? Kapangalan mo nga ang kababata ko eh, Jonas din ang pangalan niya.”

“Ahhhhh. Gumamela na ito, saan banda ang sa inyo?”

Itinuro ko ang bahay nina Tiya.

“Mayaman pala kayo. Kaibigan ni Mama ang  nakatira diyan, tita Rosy nga ang tawag ko eh. Ano ka niya?”

“Ha! Ah eh siya ang sponsor ko, siya ang nagpapa-aral sa akin. Dito lang niya ako pinatira. Medyo tumutulong-tulong dito sa bahay. Saan banda ang sa inyo?”

“Dyan lang oh, pang-apat na bahay, sa kabilang side.”

Bumaba na ako. “Maraming salamat ha!”

“Wala iyon. Bukas, sabay ka na lang sa akin para hindi ka na magsasakay pa ng jeep. Daanan kita ng 8AM. Huwag nang tatanggi pa, magkaibigan tayo hindi ba? Basta, magtatampo ako sa iyo kapag hindi ka sumabay sa akin.”

Tumango na lang ako, ngumiti naman siya ay pinatakbo na ang kanyang kotse.

Ewan ko ba, ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. Siguro kung naging si Jonas siya na kababata ko ay baka mas masaya ako.

-----o0o-----

“Mark, bakit ka nakangiti? Kumusta ang first day mo sa school,” bati sa akin ni Nora, yung isang kasambahay ni Tiya.

“Ay ate, ikaw pala iyan. Okay naman. May naging kaibigan na ako kaagad, babae, maganda siya ate.”

“Hoy Mark, pag-aaral ang ipinunta mo rito, hindi pambabae. Alam kong madali kang makakakuha ng babae dito dahil sa may kalandian din ang mga iyan, lalo na sa kagaya mong gwapo. Pinaaalalahanan lang kita, hindi ako nakikialam.”

“Hala si ate Nora, advance masyado mag-isip. Pambababae agad ang nasa isip. Pero salamat at concerned ka sa akin. Ate, kaklase ko yung isang taga-riyan, yung malaki ring bahay pang-apat mula sa atin, sa kabilang side nga lang. Isinakay pa nga ako hanggang dito mula sa kanto, naglakad lang kasi ako eh.”

“Talaga? Si Jonas ba ang sinasabi mo? Ang gwapong bata nun ah, sikat iyon. Nasa commercial siya a TV, saka nagmo-model din iyon. Ano nga niya ako eh, follower sa twitter, na X na ngayon. Saka sa Tiktok. Ang galing niyang sumayaw. Marami siyang content sa youtube. Fans niya ako. Sayang, hindi ko nakita ng malapitan.”

Ay si ate. Hoy, hindi panlalalake ang ipinunta to rito, alalahanin mo ang pamilya mo sa probinsya ninyo. Paalala lang ito, hindi naman ako nakikialam. Hehehe.”

Pinalo niya ako sa braso. “Ito naman, humahanga lang.”

“Ako ba, pwede rin sa youtube? Paano ko siya mahahanap sa youtube?”

“Send ko sa iyo ang link. Alam mo na ba ang password ng internet dito? May wi-fi ba ang CP mo? Pati sa tiktok, send ko sa iyo.”

“Minamaliit mo yata ako ate eh. Ibinili kaya ako ni tiya ng bago. Hindi ko pa nga kabisadong gamitin eh, ngayon lang ako nagka CP na ganito, yung gamit namin ay puro text lang hehehe.

-----o0o-----

Pagkakain namin ay sandali lang kaming nag-usap ni tiya, kinumusta lang naman ang first day ko sa klase. Pagkatapos ay kaagad na akong pumasok sa aking silid. Kaagad kong kinuha ang aking CP at hinanap ko ang page ni Jonas. Baka may mga larawan akong makita na magpapatunay na siya ang Jonas na kababata ko.

Nang aking makita ay kaagad akong nag-follow sa account niya. Madami na nga pala siyang follower, malapit nang mag 3M. May mga video siya na nagmo-model, meron din na sumasayaw at kumakanta. Hindi naman marunong kumanta si Jonas, pero bata pa siya noon.

Iba-iba ang video niyang pinapakita, merong namamasyal lang, merong nagba-bike. Basta. Pero mas maraming views yung sumasayaw siya sa tiktok, lalo na kapag sexy, hehehe.

Nakatulugan ko na ang pagbrowse sa video ni Jonas.

-----o0o-----

Jonas

First day ng klase namin, medyo late na akong dumating, mabuti na lang at wala pang professor. As expected, pinagtinginan nila ako. Ayaw ko sanang tignan nila ako ng parang naiiba. Komo ba at medyo sikat ako sa social Media at nakikita sa commercial sa TV. Hindi naman ako artista. Ayoko kayang mag-artista. Ang dami kayang kumukuha sa akin para mag-artista, hindi ko lang talaga hilig. Kumikita na naman ako sa pakanta-kanta at sayaw lang, at malaki rin naman hehehe.

May napansin lang ako kanina, sa lahat ng tumingin sa akin ay naiiba ang titig nung isa kong kaklase. Iba, parang nagtataka, parang sini-sino ako. Akala ko tuloy ay kakilala ko.

Naisip ko na baka bading, pero malayo namang maging bading. Lalaking lalaki ang katawan at kilos, ang gwapo pa. Pero parang magaan ang loob ko sa kanya, parang gusto ko siyang makilala, maging kaibigan. Kaya nga ng mag-introduce kami sa klase ay tinandaan ko ang kanyang pangalan, John Mark, JM. Kapag naging kaibigan ko siya ay JM ang itatawag ko sa kanya.

Kanginang uwian ay makikipag-usap pa sana ako, kaya lang ay kausap niya yung babaeng maganda, mukhang magkakilala na sila matagal na, kasi bulungan ng bulungan eh. Naghinala nga ako na parang ako ang pinagbubulungan nila. Ewan ko ba kung bakit ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya, gayong bago lang kami nagkita.

Tuwa ko ng makita kong naglalakad sa daan papunta sa aming village. Nalaman ko na doon pala siya nakatira, kapitbahay pa namin. Doon daw sa mayamang sponsor niya siya nakatira. Ewan ko ba kung bakit ang saya ko ng malaman kong doon lang din siya umuuwi sa may amin. Inaya ko pa na sumabay na lang sa akin sa pagpasok. Gusto ko talaga siyang maging kaibigan.

Nag-open ako ng aking account sa youtube. Hala, gulat ako, kasi ay nag-follow kaagad siya sa aking account, hahaha. Alam na niya na may channel ako sa youtube. Nalaman ko rin na pati sa tiktok at sa X ay follower ka rin siya. Wow, may bago akong tagahanga.

Hinanap ko kung may account siya sa FB. Hayun meron. Request ako kaagad, hinintay ko kun mag-confirm siya. Wala pa. Baka hindi online. Bukas, sasabihin kong i-confirm na niya.

Natulog na rin ako, may pasok pa kami bukas. Bukas ay lilipat din ako ng upuan, baka bakante pa yung katabi niyang upuan, doon na lang ako uupo.

-----o0o-----

Pag gising ko kinaumagahan ay CP ko kaagad ang aking tangan. Aba may notification ako sa FB. Nag-confrim na sa request ko kay JM. Kaagad ko siyang tinawagan sa messenger video call. Ang tagal bago niya sinagot.

“Hello JM!”

“Kilala mo ako?” tanong niya.

“Oo naman, magkaklase tayo, magkaibigan.”

“I mean, tinawag mo akong JM.”

“Bakit hindi, JM, ang haba kasi ng pangalan mo John Mark, kaya JM na lang ang itatawag ko sa iyo para maigsi. Hoy, dadaanan kita sa tapat ng bahay ninyo ha, huwag mo akong iindyanin, eksaktong 8 nariyan na ako sa tapat.”

“Oo na, nagmamadali na nga ako eh. Mamaya na tayo mag-usap, maliligo pa ako.”

“Ang ganda ng silid mo ah, ang laki. Ikaw lang mag-isa diyan sa kwarto.” Tanong ko.

“Oo, dito ako pinag-kwarto, marami kasing kwarto rito. Yan din namang silid mo eh. Mag hang na ako, maliligo na ako, ikaw din. Bye.”

Hindi na ako naka-reply dahil nawala na siya kaagad. Ang saya ko talaga ng makausap ko si JM. Naku ha, hindi ako bading, pero bakit ganon. Nababading na ba ako? Hep hindi, gusto ko lang talaga siyang maging kaibigan, siya din naman siguro.

-----o0o-----

Eksaktong 8, nasa tapat na ako ng bahay nina JM, eksakto din na lumabas na siya ng gate, may babaeng kasunod siya.

“Jonas, si Ate Nora, fan ka niya, gusto lang daw magpa-picture kung pwede,” Sabi ni JM.

“Yun lang ba? Oo naman, magkakapit bahay naman tayo.”

Bumaba ako nang kotse at doon mismo sa harap ng bahay kami nagpa-picture, si JM ang kumuha gamit ang CP ni Ate Nora niya.

“Tayo naman. Ate Nora, kuhanan mo rin kami dito sa CP ko.” Sabi ko kay JM. Inakbayan ko pa siya.

“Eh halika ate, selfie tayong tatlo,” – si JM.

“Mark, send mo sa akin ang selfie natin ha?” sabi ni Nora.

“Sige Ate.” Sagot ni JM.

“Tara na, baka may traffic eh ma late pa tayo,” yaya ko kay JM.

-----o0o-----

Sa kotse ay hindi pa kami masyadong nagkaka-kwentuhan, hindi ko pa kasi siya masyadong kilala. Hindi ko pa alam ang mga hilig niya. Pero alam ko, magkakasundo kami. Parang iisa ang likaw ng aming bituka hehehe.

Sa school ay parang sikat kami kaagad, lalo na nang makita kaming sabay na dumating. “Good morning classmates!” bati ko na nakangiti. Nag good morning din sila, pati mga lalaki. “Pa good vibes lang guys hahaha.”

 

 

Itutuloy…………

 

 

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...