Everything I Have
(Chapter 4)
By: Joemar Ancheta
(From: hotpinoyparkzonestories)
“Anong nangyari sa
iyo Richie?” tanong ng aming coach.
Lahat na din ay
nagising dahil sa pagkabukas ng ilaw ngunit ako ay nanatiling parang tulog.
Nanatiling nagkukunyariang parang tulug na tulog. Nanginginig na ako. Isang
napakalaking kahihiyan ang ginawa ko dahil malalaman na lahat ang matagal ko ng
sikreto. Hindi pa ako handa. Hindi ko pa alam kung paano ako aamin kung sakali.
Hindi ko din alam kung paano ako muling makikitungo. Parang napakatagal ang
pagiging tahimik ng paligid ko.
“Wala Sir,
pasensiya na po. Nananaginip lang po ako.”
Nakahinga ako ng
malalim. Sobrang nagpapasalamat ako noon dahil pinagtakpan niya ako. Ngunit
hindi na ako dinalaw pa ng antok. Takot na din akong masaling ko pa siya.
“Mag-usap nga tayo
p’re.” iyon ang salitang kinagulat ko kinaumagahan pagkatapos ng aming laro.
Nilingon ko siya ngunit hindi ko matagalan ang pagkakatitig niya sa akin. Para
akong natutunaw sa hiya. Kung maari ko lang sana siyang iwasan kinaumagahan ay
ginawa ko na ngunit naroon na ako. Kailangan ko na lang harapin ang bunga ng
aking ginawa.
“Anong ibig sabihin
ng ginawa mo sa akin kagabi? Bakla ka ba?”
Hindi ako
makasagot. Hindi ko pa rin kayang aminin ang aking pagkatao. Hindi din naman
kasi ganoon kadaling aminin dahil hindi ko alam kung ano ang epekto niyon sa
akin, sa aming dalawa at sa buong team at campus.
“Hindi ka makasagot
di ba? Pinagkatiwalaan kita. Sana naman naging totoo ka sa akin tapos ang
masakit, ako pa ang kinakatalo mo. Akala mo ba hindi mo alam na naramdaman ko
ang mga ginawa mo kagabi sa akin? Tang ina naman, andaming babae diyan pero ako
pa ang kinatalo mo. Sayang ka. Sayang dahil ang ganda pa naman ng tindig mo,
ang gwapo mo pero anong silbi pa niyan e bakla ka naman pala. Dami mo sanang
paiiyakin na babae. Pasensiya ka na pero ayaw kong magkaroon ng barkadang
silahis.”
Napakalutong ng
tawa niyang iniwan ako doon. Wala akong nasabi. Hindi ko ipinagtanggol ang
sarili ko. Basta walang lumalabas sa akin na kahit anong kataga kung ang usapan
ay tungkol sa aking pagiging bakla. Parang iyon lang ang tanging kahinaan ko na
hindi ko kayang ilaban sa kahit sino. Kung alam niya kung gaano ko siya
minahal. Kung sana alam lang niya na mula grade six namin ay siya na ang tangi
kong pinagpantasyahan. Tapos sa isang hindi ko lang mapigilan na bugso ng
kalibugan ay tuluyan nasira ang tiwala at pagkakaibigan namin. Iyon ang
masakit.
Ilang taon kong
iningatan ang aming pagkakaibigan. Ilang buwan kong hinangad na mapansin niya
ako at magiging barkada pero sa isang paghaplos, sa isang gabing nalunod ako ng
tawag ng laman ay tuluyan na siyang lumayo sa akin. Oo nga’t nadaming babae,
sobrang dami ng babae at kung sana kaya ko lang baguhin ang aking nararamdaman.
Kung katulad lang sana ng pagbibihis ng damit ang pagbabago ng pagkatao ay
matagal ko ng binihisan ng binihisan ang diyaskeng damdamin na ito. Bakit
ganoon ang sinasabi? Kapag ba bakla ako ay sayang na ako? Kapag ba bakla ako,
wala ng pakinabang ang mundo sa akin? Kapag ba bakla ako, wala na din silbi ang
tindig ko’t kaguwapuhan? Alam kong hindi. Iyon ang gusto ko sanang maintindihan
niya na hindi porke bakla ako ay sayang na ako bilang tao.
Umagos ang luha ko.
Tama, umiiyak ako dahil sa sakit ng loob. Dahil sa pagkabigo ko. Hindi ko
gustong magtapos ang pagkakaibigan namin ni Richie ng gano’n lang ngunit
pinilit kong tanggapin. Pinilit kong intindihin. Akala ko hanggang doon na lang
lahat ngunit pag uwi ko sa bahay at hinanap ko ang dinala kong diary sa
sportfest ngunit wala na sa mga gamit ko. Hindi maaring mawala iyon sa loob ng
bag ko dahil alam kong kahit dinala ko man iyon ay hindi ko nagawang inilabas.
Si Richie ang mabilis na nagrehistro sa utak ko. Ngunit bakit at para saan?
Hindi na ako nakatulog sa gabing iyon. Alam kong sa oras na iyon, kung siya man
ang kumuha no’n ay alam na niya lahat ang buo kong sikreto sa kaniya, sa
pamilya ko at kay Juvie.
Kinaumagahan ay
naglalakad ako papunta sa school nang malagpasan niya ako gamit ang kaniyang
motor. Nang nakatapat sa akin ay sinigawan niya ako ng “Modelong Charing!”
Luminga ako sa
paligid ko noon dahil sa takot na baka may iba pang nakarinig. Nang nasa campus
na ako, hindi ko pa naibaba ang aking gamit nang lumapit sa akin si Juvie na
may luha ang mga mata.
“Sumunod ka sa
akin. Mag- uusap tayo.”
Doon kami sa likod
ng aming classroom nag-usap. Umiiyak siya. Noon ko lang naranasang iyakan ng
kahit sino. Bukod sa aking ina, may babaeng umiiyak at nasasaktan dahil sa mali
kong pagkatao. Alam kong nagkausap na sila ni Richie at iyon ang sasabihin niya
sa akin.
“Bakit mo ginawa sa
akin ito, Mhar?”
“Sorry. Alam kong
alam mo na.”
“So, totoo lahat
ang sinabi ni Richie sa akin?”
“Alam ko namang
hindi ko puwedeng hugasan ang kasinungalingan sa isa pang kasinungalingan.
Ngunit gusto kong malaman kung ano ang mga sinabi niya para maamin ko ang totoo
at masabi kung alin ang hindi totoo.”
“Wala siyang
sinabi. Pinabasa lang niya ang laman ne’to.” Nilabas niya ang diary ko na nasa
loob ng kaniyang bag. Yumuko ako. Hindi na ako nagsalita.
“Totoo ba? Sumagot
ka sa akin. Totoo ba ang lahat ng nakasulat diyan?”
Tumango ako.
Tinignan ko siya at sa isang iglap ay tumama ang palad niya sa pisngi ko. Isang
malutong na sampal ang pinakawalan niya sa akin.
“Niloko mo ako.
Akala ko totoo kang lalaki. Ginamit mo ako para makalimutan mo si Richie?
Ginamit mo ako para magselos siya at makuha muli ang atensiyon niya. Kung mahal
mo siya? Bakit hindi ka magpakatotoo? Kung mahal mo siya, bakit kailangan mong
gumamit ng ibang tao. Sa akin pa? Walang hiya ka!”
Puno ng luha ang
kaniyang mga mata ngunit mabilis naman niyang pinunasan ang mga iyon ng
kaniyang panyo. Tumingin siya sa akin nang matagal saka tumalikod.
“Juvie, sorry.
Patawarin mo sana ako.”
Ngunit hindi na
siya lumingon pa. Napaupo ako. Ganoon pala ang pakiramdam kapag may nasaktan
ka. Sobrang sakit din sa iyong may nagamit at naloko kang tao dahil lang sa
pansarili mong kagustuhan. Malaki ang naging kasalanan ko ngunit mas sinisi ko
si Richie sa lahat ng nangyari. Ang dating pagmamahal na naramdaman ko sa
kaniya ay biglang napalitan ng pagkamuhi. Galit na galit ako sa ginawa niya sa
akin. At nang bumalik na ako sa classroom namin ay nagkakantahan na sila ng
Modelong Charing ni Black Jack. Lahat sila nagtatawanan. Ang ilan ay nakatingin
lang sa akin at may mga tanong sa mukha. Karamihan ay namumula na sa katatawa.
At si Richie ay akala mo lead singer sa banda na may nalalamang
pakendeng-kendeng pa sabay na mga hagalpak niyang tawa.
Umupo lang ako.
Tahimik na parang walang naririnig o nakikita. Masakit, nakakahiya,
nanggagalaiti ako sa galit ngunit may iba pa ba akong puwedeng gawin?
Nagpupuyos na ang aking damdamin ngunit hindi ako paapekto. Hangga’t kaya ko,
kailangan kong pigilin ang galit sa dibdib ko. Kailangan kong magpakatatag.
Lalo ko pang inigihan ang pag-aaral. Lalo kong pinamukha sa lahat na kahit
ganito ang aking pagkatao ay maliit lang iyan na bahagi ng kabuuan ko. Oo nga’t
bakla ako ngunit ako at ako lang ang tanging nagbibigay ng karangalan sa aming
paaralan. At si Richie? Sino ba siya ngayong hindi na ako gumagawa ng kaniyang
assignment at hindi na makakopya sa akin sa mga exam? Di ba siya ang kung hindi
man bagsak ay laging pasang-awa lang ang grades dahil sa pagkalulong niya kay
Juvie na naging syota niya ilang araw bago natuklasan ang pagiging Darna ko.
Ensayo namin ng JS
Prom noon nang hindi ko alam kung bakit nanggagalaiti siya sa akin. Napakarami
niyang sinabi tungkol sa akin pagkabakla. Pinigilan siya ng bata pa ngunit
matalino naming teacher ngunit hindi siya nakikinig. Pakiramdam kasi niya ay
dahil siya ang pinakamayaman at star sa campus ay lahat puwede lang niyang
sabihin at gawin. Ngunit nang nabanggit na niya ang sikreto ko tungkol sa
pagkabuntis ng nanay ko ng ibang lalaki dahil nakasulat iyon sa aking diary ay
biglang kumulo ang dugo ko. Hindi na ako nakapagpigil pa ng sabihin niyang puta
ang nanay ko. Hamakin na ang buo kong pagkatao, sabihin na niya ang gusto
niyang sabihin sa akin pero wala siyang karapatang sabihan ang nanay ko ng
ganoon. Wala siyang karapatang maliitin ang nanay ko at sa isang iglap ay
malakas na suntok sa panga niya ang pinakawalan ko. Nang bumangon siya at
suntukin ako ng malakas ay nailagan ko ang suntok niya at nawalan siya ng
balance kaya sumubsob sa semento.
Mabilis siyang
bumangon. Hiyawan na ang lahat. Gusto kong ipamukha sa lahat na nang-aapi sa
akin na kaya ko ding lumaban. Alam kong narinig lahat ng teachers ko ang mga
sinabi niya kaya malakas ang loob kong gawin ang alam kong tama. Nang suntukin
niya ako sa mukha ay nasangga ko iyon at isang malakas na suntok ang sukli ko
sa kaniyang sikmura. Namula siya sa sakit. Kinuha ko ang kamay niya at
pinilipit iyon patalikod saka ko sinabing hindi ko iyon bibitiwan at lalo kong
pilipitin ang kaniyang kamay sa likod kung hindi niya babawiin ang kaniyang
sinabi tungkol sa aking ina. Iyon lang ang gusto kong sabihin niya noong una.
Ngunit nang murahin
niya ako at sinisigaw na bakla ako ay lalo ko pang pinilipit kasama ng
hinliliit niya hanggang sa sumuko at binawi ang sinabi niya tungkol kay nanang
at sa huli ay pinilit kong sabihin niyang siya ang bakla at hindi ako.
Pagkatapos ng insidenteng iyon ay todo suporta naman sa akin ang mga teacher
kong nakasaksi sa pag- aaway namin noon ni Richie na siya namang naintindihan
ng aming principal dahil may mga ilang kaklase ko din ang nagpatunay na mali
ang ginawa ni Richie sa araw na iyon. Nagtapos ako ng third year na First Honor
at si Richie nang pasukan na namin ng Fourth Year ay nilipat na ng kaniyang mga
magulang sa isang Catholic Private School.
Bakasyon noon nang
napansin ko ang bahagyang itinanda ni Nanang na walang ginawa kundi ang pagsusumikap
niyang itaguyod ang aking pag-aaral. Hindi na siya nanigarilyo o uminom ng
alak. Mula nang nagtapos ako ng Elementary ay tumigil na siya sa mga bisyo
niya. Ngunit naging dalawa ang pasanin niya dahil lalong nalulong si Tatang sa
kaniyang bisyo. Lagi silang nag-aaway dahil sa akin. Laging inuulit ni tatang
ang tungkol sa pagiging bakla ko na siya namang pinagtatanggol ni nanang. Naawa
na ako kay nanang dahil lahat ay ginagawa para sa akin.
Fourth year na ako
noon nang minsang naligo ako sa ilog nang magtakip-silim na. Nilabhan ko kasi
doon ang aking uniform nang maabutan ko doon si Kuya Berto na kapitbahay lang
namin. Ilang taon na siya ngunit nanatiling binata. May mga nagsasabing kaya
daw hindi nag-aasawa dahil sa lalaki din ang hanap niya. May mga nagsasabi din
na nabigo siya sa pag-ibig kaya sa edad niyang trentay-kuwatro ay binata parin
at sabi din ng ilan, guwapo kasi kaya mahirap siyang makahanap ng makakatapat
niyang magandang dilag sa baryo namin.
Sa hapong iyon,
alam ko na kung bakit si Kuya Berto ay binata parin. Iyon ay dahil lalaki siya,
lalaki siyang lalaki din ang hanap. Nagsasabon ako noon sa buo kong katawan
nang lumapit sa akin at sasabay daw siya sa paliligo ko. Sinabi kong walang
problema doon. Nakabrief lang ako noon at ganoon din siya.
Maskuladong-maskulado ang katawan ni Kuya Berto. Dahil magsasakta, kaya halos
puro muscles lang ang katawan. Guwapo nga siya at kung sana sa Manila
ipinanganak, magkakatalo sila ni Ian Veneracion sa tindig at dating.
Sinabi niyang
magpatagalan daw kami ng sisid sa tubig ngunit nang sumisid siya ay ang alaga
ko ang hinawakan niya. Nagulat ako noon ngunit mas nangibabaw ang aking
kalibugan. Wala pa akong karanasan, maliban sa haplos ko kay Richie. Hind ko pa
talaga naranasang nakipaghalikan o kaya ay makipagtalik. Nakita ko siyag
tumitig sa akin. Niyaya niya ako sa may batuhan na kung saan ay hindi kami
nakikita at wala naman ng ibang taong nagagawi doon kapag gano’n ng
nagtatakipsilim. Binaba niya ang brief ko. Hinawakan niya ang kargada ko na
parang sanay na sanay. Pinakiramdaman ko lang ang ginagawa niya sa akin.
Gusto kong makita
at malaman kung paano nga ba ginagawa ang lahat. Habang hinahaplos niya ang buo
kong katawan at kargada ay hinalikan niya ang likod ng aking tainga, pisngi at
tumagal sa aking labi. Mabango din pala ang hininga ni kuya Berto kaya nang
pilit niyang pinabuka ang bibig ko ay hinayaan ko lang siya. Nararamdaman ko
ang bigote niya ngunit nagpapadagdag lang iyon ng kiliti sa akin. Hanggang pati
dila niya ay pilit na niyang ipinapasok sa bibig ko.
“First time mo?”
paanas niyang tanong.
“Oo kuya.”
“Sige, tuturuan
kita. Gagawin ko muna sa iyo pero pagkatapos mo ay ikaw naman ang gagawa sa
akin sa kung anuman ang ginawa ko sa iyo. Kapag nilabas ko ang dila ko,
sipsipin mo din at sabayan mo na din ang paghawak sa katawan ko at alaga. Pero
gagawin ko muna sa iyo at kapag nagpalabas ka na, ako naman ang paliligayahin
mo.”
Hindi ko na
nagawang sumagot dahil ipinasok na niya ang dila niya sa bibig ko. Masarap
siyang humalik. Suwabeng-suwabe. Madiin na masarap. Hanggang binaba niya ang
halik niya sa mga utong ko at napapaliyad ako sa tuwing sinisipsip niya ng
bahagya at dinidilaan iyon hanggang sa dumako iyon sa aking tiyan at sumubsub
siya sa aking mga singit. Nakadama ako ng kakaibang sensasyon nang dilaan niya
ang singit ko. Magkahalong sarap at kiliti ang naramdaman ko lalo na kapag
paminsan minsan ay buong pinapasok sa bunganga niya ang itlog ko hanggang sa
dinilaan ang ulo ng titi ko at doon na ako halos napapamura sa hindi ko maipaliwanag
na sensasyon. Kakaibang sensasyon na noon ko lang natikman at nagsisisi ako
kung bakit ngayon lang nangyari ang sarap na iyon.
Sa ilang paghagod,
ilang paglabas-masok ay nanigas ang aking mga binti. Nanginig ang aking mga
kamay at tumirik ang aking mata kasabay ng paghawak ko sa kaniyang ulo para
idiin pa siya lalo.
“Ang laki. Nabibilaukan
pa ako?” reklamo ni Kuya Berto nang matapos.
Ako naman ang
gumawa sa kaniya sa ginawa niya sa akin. Malaki din ang sa kaniya ngunit wala
iyong sinabi sa akin. Sa tulad kong nagsisimula ay naduduwal pa ako at
nandidiri sa mga pinagawa niya sa akin. Ngunit ginawa ko ang lahat para
mapasaya siya katulad ng pagpapasaya din niya sa akin. Naulit nang naulit nang
naulit ang mga ginawa naming iyon. walang relasyon, hanggang sex lang lahat, libog
lang.
Malapit na akong ga-graduate
noon nang nagkayayaan kaming gawin iyon sa silong ng tulay. Sabado noon at
walang pasok. Dumaan siya sa bahay at sinabing sundan ko siya. Sumunod naman
ako. Ginawa naming iyon sa likod ng malaking poste ng tulay. Alam naman naming
tago ang lugar na iyon maliban na lamang kung pasadyang sisilipin kami.
Naghubad kaming dalawa. Tulad ng dati, ginawa na muna niya ang gusto ko at ako
naman ang gagawa pagkatapos niya. Nakaluhod na ako noon. Pikit matang sinusubo
siya nang nilayo niya ang ulo ko sa ari niya.
“Tang ina…ang
tatang mo!” Nagimbal ako sa narinig ko. Nang tumingin ako sa kaniyang
tinitignan, nakita ko si Tatang na nakatingin sa amin.
Itutuloy…..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento