Kababata (Part 12)
Alaala
Jonas
Tuwang-tuwa ako ng
mabasa ko ang note galing kay JM, gustong sumabay sa kotse ko papauwi. Syempre,
tatanggihan ko ba siya eh mag-bestfriend kami. Saka chance ko na para
makipaglinawan.
Sa isang banda ay
medyo kinabahan din ako. Hindi kasi siya magbababa ng pride ng walang dahilan.
Nag-isip ako kung ano. Isa sa naisip ko ay yung kay Myla, baka may alam siya sa
nangyari sa amin, baka may makating dila ng nagtsismis sa kanya. Wala na akong ibang
alam pa para magtampo siya sa akin.
Wala naman siyang
nabanggit sa akin tungkol kay Myla, pero gusto niya ay mag-usap kami sa isang
tahimik na lugar. Sa bahay ko na lang siya inaya, wala naman ang parents ko
ngayon at nasa business trip.
Pumayag namn siya.
Masayang-masaya ako, parang nawala lahat ng aking alalahanin, nagawa ko pa nga
siyang biruin. Nakakatuwa kasi siyang inisin, nakaka-in-love hahaha.
Galit siya dahil
naghubad at nagbihis ako na naroon siya. Bakit daw hindi ako sa banyo nagbihis.
Tapos ay ang isinuot ko pa ay muscle sando at manipis na boxer short. Sobrang
conserbative pala ng mga taga-isla hahaha.
Pinaupo ko na siya
sa tabi ko, doon sa ibabaw ng kama, nakasandal kami pareho sa headboard ng kama
at nakaunat ang aming mga binti. Nilalandi ko pa siya sa pagkiskis ng paa ko sa
kanyang paa.
“Ano ka ba? Tumigil
ka nga!” pagalit niyang wika.
Tumigil naman ako,
dahil sa baka mapikon na hehehe. Ano ba ang gusto mong itanong sa akin. Salamat
at nagke-care ka pa rin pala sa akin,” ma drama kong wika.
“Asows! Wala nang
drama. Diretsahan na. Ano bang problema mo?”
Napag-isipan ko na
ang aking isasagot, sasabihin ko sa kanya ang totoo, baka kapag naihinga ko na
ang aking mga alalahanin ay gumaan na ang aking pakiramdam.
“Alam mo ba JM,
nagsimula ang aking problema, hindi naman siguro problema, alalahanin siguro
ang tamang term, dahil sa post mo na pulseras. Totoo, walang halong biro. Doon
nagsimula,” pag-amin ko.
“Ano naman ang
kaugnayan ng pulseras ko sa alalahanin mo?” tanong ni JM.
“Ganito kasi, palagi
namang mahimbing ang tulog ko, palagi akong madaling makatulog, pero nitong mga
nakaraan gabi ay nahihirapan na akong makatulog kaagad, palagi kong naiisip ang
pulseras na iyon. Baka naman kinukulam mo na ako ha JM ha!,” joke lang.
“Nakukuha mo pang
magbiro, baka naman nag-iinarte ka lang ha.”
“Hindi nga. Kapag
nakatulog naman ako ay sobrang babaw, konting kaluskos lang ay nagigising na
ako. Hindi naman ako takot, basta may kung anong pumapasok sa isipan ko na ang
hirap naman arukin, hindi ko maintindihan kung bakit. Para bang may nagsasabi
na may kaugnasayan sa akin ang pulseras na iyon. Tapos nalaman ko pa ng ang
nagbigay sa iyo niyon ay namatay ang mga magulang. Lalo akong nanamlay.”
“Ganun. Eh ano bang
naiisip mo sa pulseras na iyon?”
“Wala lang, wala
nga akong maisip eh, pero parang may bumubulong sa aking utak, may sinasabi na
hindi ko naman maunawaan. Isa pa ay ang kwintas. Alam mo ba na nag-search ako
sa google ng larawan sa internet, kasi interesado din ako. Pakita ko sa iyo,”
sabi ko.
Kinuha ko ang aking
CP at ipinakita ang larawan ng mga kwintas na nakuha ko sa internet. Isa-isa
iyong tiningnan ni JM, tila sinusuri ang bawat isa. Isa sa mga image ang
pinagmasdan niyang mabuti.
“Alam mo Jonas,
itong isang ito, ganitong-ganito ang ibingay kong kwintas sa kababata ko, pati
ang tali ay halos katulad. Ang kaibahan lang talaga ay parang sobrang kinis na
ng pangil. Yung sa akin ay medyo maitim na, dahil siguro sa kalumaan. Pero
halos katulad,” sabi ni JM.
Narito ang image ng
sinasabi niyang kwintas”
Pinagmasdan ko ring maigi, pinaka-titigan ko. Parang pamilyar na hindi ko mawari.
“Anong iniisip mo?”
tanong ni JM.
“Inaarok ko ang
aking isipan, para kasing nakita ko nga ang ganitong kwintas, hindi ko lang
masabi. Anyway, palagi ngang nasa isipan ko ang pulseras. At heto na nga,
nagsimula na akong managinip, halos parepareho lang naman ang aking panaginip,”
sabi ko.
“Ano naman ang
napapanaginipan mo?”
“Iyun nga ang
porblema, hindi ko na maalala. Pagkatapos kong managinip at magising ay wala na
akong matandaan sa aking panaginip. Minsan nga ay nagising ako nina Mama dahil
umuungol daw ako, ang akala nila ay binabangungot na ako, pero nang tanungin
ako ay wala akong nasabi. Tinanong ko sila kung may sinasabi ako, ang sagot
nina Mama ay para daw akong humihingi ng tulong,” kwento ko.
“Natigilan ka JM.
May iniisip ka ba?” tanong ko. Para kasing natigilan si JM. Sa aking palagay ay
may gusto siyang sabihin.
“Ha! eh… oo, pero
hindi na mahalaga iyon.”
“May iba ka pa bang
panaginip na naaalala mo?”
“Oo, naglalaro ako,
kami ng isang bata. Magkaibigan siguro kami.. Masaya kami. Kung ano-anong laro,
habulan sa dalampasigan, tumbang preso kalaro ang ibang mga bata, marami at
masayang masaya ako. Hindi ko naman matandaan ang pangalan ng batang lagi kong
kalaro at kasama, pero sobrang saya namin,” paglalahad ko.
“Hindi mo matandaan
kamo. May naaalala ka pa ba noong bata ka pa? Yung ikaw ay mga apat o limang
taon pa lamang. Natatandaan mo ba ang mga nakalaro mo noon?”
Nalito ako, may
pagtataka sa aking isipan. Bakit hindi ko napansin. Para akong natakot. Bakit
wala akong maalala. “JM, wala akong maalala, ang pinaka-malapit kong naaalala
nang bata ako ay noong ipasyal ako ni Mama at papa sa zoo at noong nag-aaral na
ako. Bakit ganoon? Posible bang wala akong maalala noong apat o limang taon pa
lang ako?” ang naguguluhan kong wika.
“Hindi ko alam,
kasi ako ay maraming natatandaan, lahat ng masasayang araw noong bata ako, ang
mga kalaro ko. Maging ang kababata kong hindi na nakita nang umalis siya ay
tandang-tanda ko pa, pati ang itsura niya. Ewan ko lang sa ganitong edad na.
Syempre, sobrang tagal na.”
“JM, pwede bang
dito ka na matulog? Samahan mo lang ako, parang natakot akong bigla, bakit wala
akong memories noong bata ako, please!”
“Okay, magpapaalam
lang ako kay tiya. Halika, samahan mo ako. Kukuha na rin ako ng bihisan para
bukas.”
“Salamat JM.”
-----o0o-----
Laking pasalamat ko
at hindi ako iniwan ni JM. Sinamahan niya ako sa pagtulog. Bago matulog ay
masaya kaming nagkwentuhan. Humingi ako sa kanya ng paumanhin kung ano mang ang
akin kasalanan. Inako ko na kasalanan ko kung bakit siya nagtampo sa akin.
Kahit wala namang partikular na pangyayari na sinabi siya ay minarapat ko pa
ring manghingi ng sorry. Nagkaunawaan naman kami.
“Eh di sa aking ka
na sasabay araw-araw sa pagpasok at pag-uwi?” tanong ko kay JM.
“Huwag namang
ganoon, kaibigan ko rin naman si Simon, malapit nating kaibigan. Kung tutuusin
nga eh mas dapat na maging close kayo kasi eh nakaka-laro mo na siya noon pa
man. Ayokong isipin niya na sinamantala ko lang ang kabaitan niya sa akin.
Ganito na lang, kakausapin ko siya na siya na sa kanya ako sasabay pagpasok sa
eskwelahan, at sa pag-uwi naman ay sa iyo para patas. Okay lang ba?”
“Yes! Ang galing mo
talaga.”
Mahimbing akong
nakatulog noong gabing iyon, hindi ako nanaginip. Sabi nga ni JM ay nakangiti
pa raw ako habang natutulog. May ipinakita pa nga siyang picture sa akin.
Natawa ako dahil kinuhanan pala niya ako ng picture habang natutulog. Okay lang
naman, pogi pa rin naman eh.
-----o0o-----
Sabado, walang pasok,
inaya ako ni JM na maglaro ng basketball. Natawagan na raw niya si Simon para
maglaro din, dinaanan nila ako sa bahay.
Masaya naman kaming
naglaro, nagkasundo rin kami na sa kanya sasabay sa umaga si JM at sa akin
naman sa hapon sa pag-uwi.
Minsan na naiwang
kaming dalawa ay kinausap ko pa siya tungkol kay JM. “Simon, napapansin ko na
masyado kong malapit kay JM. May gusto ka ba sa kanya?”
“Oo eh. Ewan ko ba
kung bakit sa kanya pa ako nagkagusto eh pareho lang kaming lalaki. Naglakas
loob akong magtapat sa kanya dahil sa nalaman ko buhat sa kanya na wala naman
kayong relasyaon, mag-bestfriend lang daw kayo. Kaya lang ay hindi niya ako
sinagot dahil sa hindi raw pwede. Tingin ko naman kasi ay may pagtingin din
siya sa akin,” pag-amin ni Simon. “May pagtingin ka rin ba kay JM?”
Putek, mabuti pa
siya at nakapagtapat na. Tagilid yata ako, tapos heto pa ang problema, si Myla,
siguradong wala na akong pag-asa, talaga sigurong kaibigan lang ang pagtingin
niya sa akin.
“Hah! Wala… wala.
Mag-bestfriend kami, baka pag nagkagusto ako sa kanya ay maging complicated
lang ang samahan namin. Mabuti na magkaibigan lang. Pero Simon ha, binabalaan
kita, huwag na huwag mong lolokohin ang bestfriend ko, tayo ang magkakalaban
kapag ginawa mo iyon,” banta ko kay Simon.
“Bakit ko namang
gagawin iyon ay patay na patay nga ako sa kanya. Nariyan na siya, change topic
na tayo,” sabi ko.
“Parang bigla na
lang kayong natahimik, ako ang pinaguusapan ninyong dalawa ano? Nalingat lang,
pinagtsismisan na ako. Tara na nga, mag-snack tayo dun sa karinderya ni Manang,
gusto ko ng lugaw na may goto,” wika ni JM.
-----o0o-----
Matagal-tagal din
hindi ako nanaginip, pero nitong nakaraang gabi ay nanaginip na naman ako,
ganon pa rin. Masaya akong naglalaro noong bata ako at pagkatapos ay ang nakakahindik
na pangyayari. Medyo may natandaan na ako sa nakakatakot kong panaginig, nasa
kakahuyan kami at sa paanan ko ay isang babae at isang lalaki, parehong duguan,
humihingi ako ng saklolo, noon na ako nagising.
Isang gabi,
nakasabay ko sa aming hapunan sina Mama at Papa. Pagkatapos naming kumain ay
nagusap pa kami sa sala. Kinamusta lang naman nila ako, ang pag-aaral ko.
“Pagpasensyahan mo
na lang kami anak at medyo nawawalan kami ng oras sa iyo. Marami lang kasi
kaming ginagawa sa opisina. Kapag may problema ka, tawag ka lang, ibang usapan
na kasi kapag problema na ang pinag-uusapan.”
“Naunawan ko po
kayo ‘Ma, ‘Pa, alam ko namang para sa akin lang kaya kayo nagsusumikap eh.”
“Salamat anak.”
“Mama, may gusto
lang po akong itanong sa inyo, kasi po, noong natulog dito si JM, natanong niya
ako kung may naaalala ako noong bata pa ako. Naikwento ko kasi sa kanya yung
panaginip ko na masaya akong naglalaro kasama ang ibang mga bata pero hindi ko
naman maalala ang mga pangalan. Bakit po kaya wala akong maalala?”
“Talaga ba? Hindi
mo na ba naalala nung magpasyal tayo sa zoo, sa ocean park at nung mag-birthday
ka, ilang taon ka nga noon?” sabi ni Mama.
“Six years old po
ako at maraming bata. Pero ma, nung halimbaya ay 5 years pa lang ako pababa, bakit
po wala akong naaalala. Blanko ang aking utak. Nagtataka nga po ako at
naglalaro ako sa dagat ay wala naman pong dagat akong napuntahan nung bata
ako.”
“Panaginip lang
naman iyon anak, hindi totoo. Saka bakit mo pa iisipin iyon ay ang tagal na
nun. Siguro, kaya ka nananaginip ng kung ano-ano ay dahil sa kung ano-ano rin
ang iniisip mo. Ikaw ba’y hindi pa matutulog, magpapahinga na muna kami at
papasok pa kami bukas.”
“Mamaya po ng konti,
sige po ‘Ma, ‘Pa, goodnight po.”
-----o0o-----
John Mark
Malapit na naman
ang bakasyon, miss na miss ko na sina Tatay at Nanay, pati na rin ang mga
kapatid ko. Gusto ko namang magbakasyon sa isla kahit na dalawang lingo lang.
Kakausapin ko si Tiya at magpapaalam ako na uuwi sa isla, sana ay payagan ako.
Natyempuhan ko si
Tiya Rosy na maganda ang mood, kumakain kami kaya inalis ko na ang hiya at
nagsabi na ako tungkol sa pagbisita ko kina Nanay.
“Tiya, isang lingo
na lang po at bakasyon na, gusto ko sanang dalawin sina Nanay at Tatay sa isla,
miss na miss ko na po kasi sila.”
“Iyan nga ang
itatanong ko sa iyo, kung gusto mong dalawin sila sa isla. Alam ko namang miss
na miss mo na sila. Dalawang taon ka na ring hindi nauuwi. Kelan mo ba balak?”
“Sa bakasyon po,
matapos ko pong mag-ayos ng ibang kakailanganin.”
“Sige, bibigyan
kita ng pambili ng ipangpapa-salubong sa kanila. Tapos may ipapadala ako sa
Nanay mo. Sige na, tapusin mo na ang pagkain mo, sobra ka namang excited
hehehe.”
Tuwang-tuwa ako,
biruin mo, bibigyan pa ako ng pera para ipambili ng pasalubong, sa allowance ko
lang ay malaki na ang naiipon ko sa binibigay niya, kasi ay libre naman ako sa
pasahe.
Kaagad kong
tinawagan si Jonas at ibinialita ko na uuwi ako sa aming isla. Naku, parang mas
excited pa itong lokong ito, magsasabi raw sa Mama at Papa niya at sasama sa
akin.
Nang matapos kaming
mag-usap ay napabuntong-hininga ako. Totoo kayang sasama siya. Siguro ay
makabubuti iyon, baka maalala niya ang nakaraan. Sana lang ay payagan siya ng
parents niya.
Tinawagan ko rin si
Simon. Hala, katabi lang siguro ang Kanyang parents habang nag-uusap kami,
nadinig ko kasi na nagsasabi na siya na sasama siya sa akin pag-uwi ko ng isla
hahaha.
Nang magkita-kita
kaming tatlo ay sinabihan nila ako na pinayagan sila ng sumama sa akin.
“Hala, baka hindi
kayo tumagal doon, kasi ay malayo iyon sa kabihasnan. Maaring may CP na rin,
pero mahirap lang ang buhay namin doon. Baka hindi kayo makatulog dahil sa
matigas ang papag,” babala ko sa kanila.
“Hoy JM. Hindi mo
ba alam na boy scout kami at nakatulog na kami sa gubat?” wika ni Simon.
“Saka huwag mo
kaming maliitin ha, cowboy ito, kahit saan mo kami dalhin, kayang kaya namin
makisalamuha, ano ka ba?” wika naman ni Jonas.
“Kayong bahala.
Kung sabagay, pwede naman kayong maunang umuwi kung hindi kayo tumagal eh.”
Sabi ko.
“Ano Jonas, tatagal
ka ba. Baka hindi eh huwag ka nang sumama,” hamon naman ni Simon.
“Para ano, para
masarili si JM? No way!” wika ni Jonas.
“Hoyyyyyy! Bakit
naman nabanggit ang pangalan ko sa kulitan ninyong dalawa?”
“Wala! Si Simon
kasi eh.”
“Anong ako, Ngayon
pa lang ay maghahanda na ako ng aking dadalhin,” sabi ni Simon.
“Ako, naka-ready
na. Nung sabihan ako ni JM, naghanda na ako ng baggage ko hehehe,” yabang ni
Jonas.
“Haayyy! Ewan ko sa
inyo. Mas excited pa kayo sa akin eh.”
-----o0o-----
Sinabihan ko rin
ang grupo sa school. Gusto sana rin nilang pasyalan ang aming isla lalo na si
Allysa, pero hindi raw siya papayagan sa kanila. Hindi rin pwede ang iba pa
dahil sa busy raw sila kapag bakasyon. Si Eduard ay sasama raw, pero hindi pa
raw final.
-----o0o-----
Nasa Pier na kami,
naghihintay na lang kami para pasakayin na ang pasahero. Natuloy na sumama sa
akin si Simon at Jonas. Hindi nakasama si Eduard dahil sa may biyahe daw sila
ng pamilya niya sa Boracay. Kung excited ako, mas excited pa ang dalawa, ang
daming dala-dala hehehe.
Itutuloy………………
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento