Sabado, Marso 23, 2024

Series From Other Blog # 19 - Everything I Have (Chapter 11) By: Joemar Ancheta (From: hotpinoyparkzonestories)

 


Everything I Have (Chapter 11)

By: Joemar Ancheta

(From: hotpinoyparkzonestories)

 

Formal ang birthday party ni Gerald. Lahat ng mga bisita nila ay malalapit lamang na kaibigan ng daddy niya, malalapit na kamag-anak nila at mga matatalik na kaibigan niya mula Elementary, High school at college. Kaya nga kahit hindi niya gusto ay nagiging formal pa rin ang dating ng birthday party na ibinigay sa kaniya.

Pinasundo niya ako sa driver niya. Asiwa ako noon sa suot kong white longsleeve at red tie kaya medyo tumagal muna ako sa loob ng sasakyan. Iyon kasi ang kulay na dapat masunod na isuot ng mga bisita. Hindi lang naman iyon din ang iniisip kong dahilan, mas naasiwa akong humarap sa mga mayayamang tao. Hindi ko kasi alam kung paano ako makihalubilo sa kanila. Kinatok niya ako sa loob ng Lexus niya dahil nga parang hindi ko kayaning bumaba doon at pagtitinginan ako ng mga naroong bisita niya. Siguro dahil naroon parin ang inferiority complex ko na aking nakuha noong pinagtatabuyan akong makipanood ng betamax nang bata pa ako.

“Bakit hindi ka pa bumababa diyan bhie?” mahinang bulong niya sa akin.

“Nahihiya ako. Hinintay na lang kitang puntahan mo ako dito.”

“Basta, ipapakilala kita bilang special friend at kung alam kong hindi makitid ang utak ng makakaharap natin, sana huwag kang maasiwa kung aaminin kong lover kita. Pero kay Daddy, matagal na niyang alam na may kinalolokohan akong lover pero hindi ka pa niya nakikita.”

Nakangiti siyang nakatingin sa mga bisita habang sinasabi niya iyon. Pabulong nga lamang ang kaniyang pagkakasabi dahil iniwasan din niyang marinig siya ng iba.

“Alam niyang ganito ako?”

“Naman. Nagulat siya noong una, hindi ako kinausap ng halos isang Linggo. Pero nang sinabi kong handa akong umalis at sumama sa iyo kung hindi niya ako maiintindihan kaya siya na rin lang ang sumuko. Lahat ng sinabi niya mula pagkabata ko ay ginawa ko, ngayon lang ako susuway at nang 21 years old ako, iyon ang naging deal namin, huwag na huwag siyang makikialam sa akin pagdating sa usaping puso dahil hindi din ako makikialam at irerespeto ko kung sinuman ang ipapalit niya kay Mommy.”

Hinawakan ko ang braso niya bilang pagpapahinto sa aming paglalakad papunta sa napakagarang bakuran nila ng puno ng mga nagsisiyahang bisita.

“Ganoon ka-open minded ang daddy mo?”

“Sabi ko naman sa iyo, walang hindi natatanggap ng taong may pinag- aralan at handang tumanggap sa pagbabagong dala ng pagbibihis ng lipunan. Nang una, nagalit siya, pinapadate ako sa kung sinu-sinong magaganda’t mayayamang babae dito pero wala akong nagustuhan hanggang sinabi kong itigil na lang namin ang lahat dahil nahanap ko na ang gusto ko at ikaw nga ‘yun. Nang sinabi kong magtatapos ka na ng medicine at isa ka sa pinakamatalino sa batch ninyo ay tumahimik na lamang siya. Ang gusto lang niya ay makilala ka at masabihang hindi mo ako sasaktan. Mabait si Daddy. Sa tingin ko magkakasundo kayo. Tara na at ipapakilala kita sa mga pinsan ko, barkada at siyempre kay Daddy.”

Sa tulad kong nahihiya ay hanggang sa pakikipagkamay lang ako, pagsagot kung may tinatanong sila at tagapakinig sa kanilang mga kuwento. Nakikitawa kung may nakatatawa. Kumuha at kumain ng paunti-unti. Sip lang ng alak. Dapat may tamang grace ang pagngiti at pagtawa. Hay ang mga mayayaman talaga. Nakapapagod maging plastik. Ngunit nakahanda si Gerald na alalayan ako at hindi niya ako iniwan.

“Halika na. Hayun na si Daddy. Sabi niya kasi kapag daw makita natin siyang pupunta doon sa bahaging iyon ng garden ay sumunod tayo. Gusto ka niyang makilala at gusto ka din niyang makausap ng tungkol sa atin. Siguro naman hindi mo sasabihin sa kaniya na pinaglalaruan mo lang ako. Ganyan talaga ang karamihan sa mga Daddies, inaalam kung ano ang pakay ng lover ng kanilang anak. Ito kasi ang gusto niya, ang makilala ka ng husto at makausap bago muling makipagparty sa lahat.”

“Natatakot ako. Paano kung hilingin niyang lalayuan kita.”

“Tange! Hindi ko inisip na magagawa ni Dad yan. Gusto lang niyang sukatin kung gaano mo ako kamahal at kung sakali mang hilingin niyang layuan mo ako, gagawin mo ba?”

“Magkano ba?” humagalpak ako ng tawa para lang mawala ang tensiyong nararamdaman ko.

“Ganun? May presyo talaga.”

Nagkukunyarian siyang pikon. “Bhie naman, alam mo namang priceless ka sa akin. Kulang ang yaman ninyo na pambili niya ng kalayaan mo mula sa akin. Kahit walang-wala ako, kaya kong ipaglaban ang nararamdaman ko sa iyo. Ibibigay ko na sa iyo dito ang regalo kong pinag-ipunan ko talaga.”

“Sweet naman ng baby ko.”

Nilabas ko ang nasa bulsa kong maliit na kahon at nilabas ko ang bracelet at isinuot sa kamay niya. “Happy birthday bhie. Isa lang itong materyal ngunit hindi nito kayang tumbasan ang tunay na pagmamahal ko sa iyo. Sumpa ko, hindi kita iiwan. Habang-buhay kitang mamahalin.”

Sa sinabi ko ay bigla niya akong hinila sa tagong lugar at hinalikan ako sa labi. Sa paghalik niyang iyon ay naramdaman ko ang mainit niyang luha na pumatak sa akin pisngi. Umiiyak na naman siya. “Bakit ka na naman umiiyak?”

“Wala ‘to. Masayang-masaya lang ako at sana pakikinggan ng Diyos ang dasal ko. Sana hindi na magwakas pa ang pagsasama natin ngunit kung hindi man magtagal ay masaya akong naranasan ang nagmahal at minahal ako ng husto ng taong minahal ko ng walang kasing tindi.”

“Mahal din kita bhie, alam kong mahirap mapanatili ang ganitong relasyon ngunit gusto kong manatili ka sa buhay ko hanggang sa huli kong hininga.”

Hinalikan ko siyang muli at pagkatapos ay pinunasan ko gamit ang aking panyo ang luhang bumabagtas sa kaniyang pisngi.

“We should be enjoying my birthday. Tara na at baka aalis na si Daddy do’n”

Hawak niya ang kamay ko habang pumunta kami sa daddy niya. Nakatalikod no’n ang daddy niya dahil nakaharap sa mga nagkakasiyahang bisita. Dumaan kami sa likuran niya.

“Dad, dito na kami.” Humarap ang daddy niya at ako ang hindi makapaniwala sa nakita ko. Para akong nanigas at hindi ko alam kung nasa katinuan pa ako. Nanginginig ang buo kong katawan at hindi ko magawang ngumiti. Sinikap kong ipinikit at iminulat ang mga mata ko dahil baka niloloko lang ako ng aking paningin. Gusto kong magising kung ang lahat ng nangyayari ay isang napakahabang panaginip lang.

“Dad, si Mario Bautista po. Ang lalaking naging dahilan ng katigasan ng ulo ko sa inyo.”

Sinabayan niya iyon ng tawa. Tumingin ako kay Gerald. Biglang parang gusto kong umalis doon at sabihin sa kanya ang isang katotohahanang nasa harapan naming dalawa. Pilit kong pinakalma ang sarili ko kahit nanlalamig na ang mga kamay ko. Huminga ako ng huminga ng malalim para hindi maramdaman ni Gerald ang pagkakaasiwa ko sa mga sandaling kaharap ko na ang ama kong matagal ko ng hinahanap. Ayaw kong maramdaman niya ang magkakahalong emosyon na hindi ko na halos kayang pigilan.

“Good evening po, sir.” Nangingig kong bati.

“Ngayon makikilala ko na din ang lalaking naging inspirasyon ng anak ko.” Tumitig siya sa akin. Iba ang kaniyang mga titig ngunit hindi nakaligtas ang kaniyang mapanuring mata sa akin. Gusto kong maramdaman niya ang bugso ng kaniyang dugo. Gusto kong sa pamamagitan ng pagtingin niya sa aking mga mata ay maramdaman niya ang koneksiyon ng isang ama sa kaniyang anak. Nilahad niya ang kamay niya. At kahit alam kong nanlalamig ang mga kamay ko ay inabot ko ang kamay niya.

“Nice meeting you po.” Garalgal na ang boses ko. Sasabog na talaga ang dibdib ko.

“Nanlalamig ka. Huwag kang nerbyosin sa akin. Kung mahal mo si Gerald, mula ngayon dapat mo na ring ituring ang sarili mong hindi iba sa akin.”

Mabait ang kaniyang ngiti at tingin ngunit para sa akin, hindi. Para sa akin, siya parin ang lalaking nanloko kay nanang. Gusto kong umalis na noon si Gerald para masabi ko sa mukha ng lalaking kaharap ko ang hirap na pinagdaanan naming mag-ina dahil sa sinumulan niyang hindi niya tinapos.

“So, pano, as what we agreed Dad, I have to go muna. Alagaan niya baby ko dad at huwag ninyong takutin. Hintayin ko kayo ni Daddy do’n bhie ha?” Ngumiti lang ako. Ngiting pilit ko lang na sinukli sa sinabi niyang baby. Hindi ko alam pero bigla na lang akong nandiri. Nang dadalawa na kami ay hindi ko na alam kung paano ko simulan ang lahat. Wala akong masabi na parang biglang natuyo ang aking lalamunan.

“Gusto ko sanang sabihin sa iyo, Mario na sana huwag mong sasaktan si Gerald. Sobrang ipinaglaban ka niya sa akin. Mahirap sa isang ama na makitang ang anak niya ay sa kapwa niya lalaki nagkakagusto. Nang una, katakot-takot na mura ang inabot niya sa akin ngunit kahit anong gawin ko ay talagang ayaw ka niyang isuko at dahil doon ay pinagbigyan ko na lang siya. Ipinakita kasi niya ang determinasyong ilaban ang gusto, ipaglaban ang mahal niya…”

“Na hindi mo nagawa noon kay nanang ko!” sa wakas ay nagkaroon ako ng pagkakataong isingit at simulan ang kuwentong dapat naming pag-usapan. Para siyang nakakita ng multo. Tumingin sa akin. Tinitigan niya ako. para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil nakita ko ang panginginig ng kaniyang labi.

“A-anong sinabi m-mo?”

“25 years ago. May naging katulong kayo na Loida ang pangalan. Nakipagrelasyon ka sa kaniya at binuntis mo. Dahil hindi siya marunong bumasa at sumulat, tinakwil mo siya at nang buo mong pamilya. Pinagtalikuran mo ang responsibilidad mo sa amin ni nanang dahil mahirap siya at mangmang.”

“Ikaw ang anak namin ni Loida? Ikaw ang anak kong matagal ko ng hinanap?”

“Hinanap mo ako? Hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdaanan namin ni nanang. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang loob ko sa ginawa mo sa amin. Hindi mo din alam kung gaano kahirap ang mga pagsubok na pinagdaanan ko habang ikaw ay masaya sa kayamanan mo. Mayaman ka nga pero wala kang budhi.”

“Hindi mo alam ang buong kuwento. Hindi mo alam ang tunay na nangyari sa amin ng nanang mo. Kung gusto mo, pag-uusapan natin iyan sa ibang araw huwag muna ngayon ngunit sana anak, bigyan mo ako ng pagkakataong ipaliwanag sa iyo at ikuwento ang buong nangyari. Tanging kuwento ni nanang mo ang alam mo. Kung gusto mong maintindihan ang buong detalye ay maaring sa ibang araw natin pag-usapan ito, anak.”

“Anak, tinawag mo akong anak? Alam mo ba kung gaano ko katagal gustong marinig ang salitang anak mula sa isang tatay? Alam mo din ba kung gaano ko hinangad na sana sa kabataan ko ay masundo ako at maihatid sa paaralan nang isang ama. Hindi mo alam kung gaano kahirap ang mabuhay mag-isa. Hindi mo ba alam kung paano abutin ang pangarap na kulang ang iyong buo kong pagkatao. Wala akong tatay sa 25 years at ngayon madali sa iyong tawagin ako ng anak?”

“Hindi mo din alam kung gaano kahirap maghanap ng anak na nawawala. Hindi mo din alam kung gaano magsisi sa mga nagawa mo sa nakaraan na kahit gustong balikan ay hindi na maari pa. Kaya nga hindi ko tinutulan si Gerald sa buhay pag-ibig niya ngayon dahil ayaw kong ulitin niya ang nangyari sa akin noon. Anak bigyan mo ako ng pagkakataong ipaliwanag sa iyo lahat.”

“Kung ang pakikinig ko sa mga paliwanag mo ay maibabalik niya ang naipagkait sa aking magandang simula ng pagkabata, sige payag akong pakikinggan kita. Sabihin mo sa akin, kaya bang ibalik ng paliwanag mo na iyan ang lahat ng sakit at hirap na pinagdaanan naming mag-ina? Alam mo bang nakakulong ngayon si nanang at kung sana naging lalaki kang ipinaglaban siya at hinarap ang responsibilidad mo sa aming mag-ina, malayo sanang nagyari sa amin ang mga pagkakamali at dagok na babaunin namin sa aming alaala habang nabubuhay.”

“Patawarin mo ako anak. Bakit nakakulong si Loida? Anong nagawa niya? Bigyan mo ako ng panahong ayusin ang pagkakamali ko. Wala na akong magawa sa kung ano ang nangyari sa nakaraan ngunit sisiguraduhin kong magbabago ang lahat at maayos ko din ang maling simula natin. Bigyan mo ako ng sapat na panahon at pagkakataon.”

“Tama na. Nakaya kong bumangon mag-isa at kaya ko ding magtagumpay na ako lang. Ngayon narinig mo ang lahat ng hinaing ko. Sapat na sa aking malaman mo ang niloloob ko.”

“Patawarin mo ako, anak. Alam kong masiyado ka lang nadadala ngayon sa galit mo sa akin ngunit kung handa ka ng makinig, sasabihin ko sa iyong maiintindihan mo din ang lahat ng nangyari”

“Patawarin? Paano kami ngayon ni Gerald ha? Hindi namin alam na magkapatid kami, nagkakilala bilang mga estranghero, nagkamabutihan, nagkaroon ng relasyon, nagkatikiman at ngayon ay sobrang nagmamahalan. Sabihin mo sa akin ngayon kung paano mababago ng paghingi mo ng tawad ang kamaliang iyan.”

Humahagulgol ako. sobrang napakasakit ng dibdib ko. Gusto kong tumakas sa lugar na iyon at sana sa paglayo ko ay tuluyang mabubura ng lahat ang maling simula. Gusto kong takasan ang maling nabuong relasyon dahil sa hindi namin sapat na nalaman ang tunay na kuwento ng pagkasino namin ni Gerald. Tumalikod ako. Binilisan ko ang paglakad. Gusto kong tumakas at gusto kong lahat ng alaala ng gabing iyon at buong kuwento naming ni Gerald ay tuluyan ng mabura. Sana kung nailuluha lang lahat, at sa pagpatak nito ay kasama niya ang mga butil ng alaala. Kung sana ganoon lang din kabilis mawala ang pagmamahal ko kay Gerald dahil sa hindi katanggap-tanggap na pagmamahalan. Dinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko nang makita niya akong humihikbing dumaan ngunit hindi ko na pinansin pa. Kailangan ko ng simulan ang paglimot. Hindi na tama pang pahabain ang pagkakamali. Kahit gaano kasakit, kailangan pa rin sundin kung ano ang tama at dapat para sa aming dalawa. Ngunit akala ko doon matatapos ang lahat ngunit mas marami pang nakakagimbal na pangyayari ang inyong matutunghayan.

 

 

Itutuloy……

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...