Everything I Have
(Chapter 7)
By: Joemar Ancheta
(From: hotpinoyparkzonestories)
Akala ko iyon na
ang una at huling pagkakita ko kay Gerald. Inaamin ko, may mga sandaling gusto
kong subukang magmahal muli ngunit dapat ay mahalin din ako. Nakakatakot nga
lamang dahil dalawang beses ko ng sinubukang ibigay ang hilig ng katawan at
puso ngunit naging mapait lang na nakaraan ang aking napala. At hanggang ngayon,
dala-dala ko pa rin ang takot na iyon.
Kinabukasan nang
papasok palang ako sa aming gate ay may biglang kumalabit sa akin. Biglang may
kumuha na naman sa notebook ko na nakaipit lang sa aking kili-kili. Late na ako
noon sa klase ko ngunit heto siya’t parang alam lahat ang schedule ko pati ang
oras ng aking pasok.
“I will only return
this kung payag kang samahan ako for dinner.” natatawa niyang paglalayo sa mga
notes ko sa tuwing kinukuha ko iyon sa kaniyang kamay.
“Late na ako. Give
that back please.” Pagsusumamo ko.
Malapit na kasing
maubos ang pasensiya ko. Pasalamat siya, cute siya sa araw na iyon sa paningin
ko na kapag tumatawa ay lalong nagiging guwapo. Napaka-boyish niya lalo na
noong parang nakikipagbasketball pa ang dating niyang nilayo-layo sa akin ang
notebook.
“Do you know how to
accept deals? I am offering a fine arrangement. Dinner tonight with me, yeah?”
“You are such an
easy go lucky spoiled brat.”
“No, I am the
wittiest, most gorgeous, well-off and delectable guy in our campus and you are
the most boring goodlooking and intelligent chap I’ve ever known.”
“You’re wrong, I am
the yummiest intellectual yet poor student who has plenty of dreams. Now, give
me my notes and go back to where you belong.”
“Bakit ba ang hirap
mong yayain?”
“Kasi mahirap ka
ding kausap.”
“Ano bang gusto
mong pakiusap sa iyo? With matching white roses and chocolate pa ba?”
“Kung kaya mo bang
gawin bakit hindi.” pagbibiro ko sa kaniya.
“Hay boring.”
Nagkukunyarian siyang malungkot. “Okey, heto na ang notes mo. Go ahead… I have
a class too. See you mamayang 6:30. Alam ko kasing iyon ang oras na lumalabas
ka ng gate. Huwag ka ng magtanong kung bakit alam ko. Reserve that question in
our dinner.”
“Hey, what made you
think that I accepted your deal?”
“Whatever Gerald
likes, Gerald gets it.”
Kinindatan niya ako
at ngumiti. Halos manghina ang tuhod ko sa nakita kong pagpapacute niya dahil
sa totoo lang, tinamaan na ako ng kakaiba sa kaniya. Pero hinay-hinay lang
Mario. Friendship lang ang kaniyang gusto. At… ayaw ko ng muling masira pa
dahil sa tibok ng puso at tawag ng laman.
Tumalikod ako at
kahit sa klase ay ngiti niya ang patuloy na tumatakbo sa aking isip. Pagkatapos
ng klase ko ay lumabas na ako ng gate. Naglalakad ako nang biglang may
humintong magarang Lexus RX sa tapat ko. Bumukas ang pintuan at bumaba ang
nakangiting may edad ng driver.
“Sir, chocolates po
saka white roses.”
Pumasok kaagad si
Gerald sa isip ko. Ginawa nga niya. Namula ako. Tumingin ako sa paligid dahil
parang nahihiya akong tanggapin iyon. Hindi ako sanay na binibigyan ng
atensiyon ng kapwa ko lalaki. At ano itong chocolates at white roses na
kadramahan. Isang napakalaking kalokohan.
“Nasa’n po yung
nagbigay niyan kuya?” tanong ko habang kinukuha ko ang iniabot sa akin bago
mapansin pa ng ibang mga dumadaan.
Binuksan ng driver
ang sasakyan at tumambad sa akin ang ngumingiting si Gerald. Hindi ko alam kung
anong sasabihin ko. Pero mas naisip kong ituloy ang pagka-hard to get. Lumapit
ako. “Ano ‘to?
“Di ba sabi mo
gusto mo ng marosas at machokolate na usapan para sa dinner?”
“Tinotoo mo?”
“Sumakay ka muna
dahil naglilikha na tayo ng traffic.”
Narinig ko nga ang
mga busina kaya bago kami masita ay sumakay agad ako na hindi ko alam kung saan
kami pupunta.
“Ako ang mamili
kung saan tayo.” sabi ko.
“Di ba dapat ako
ang mamili dahil ako ang nagyaya?”
“Alam ko Gerald
mayaman ka. Sa totoo lang kung saan mo man ako ngayon dadalhin, siguradong
hindi ko maeenjoy dahil hindi ko nakasanayan ang buhay mo. Mahirap kitang
abutin pero siguro naman kaya mo akong salubungin sa gitna.” Seryoso kong
sinabi sa kaniya.
“Okey, tatanungin
kita. Ibubulong ko sa iyo ha?”
“Ano yun?’
pagtataka ko.
“Are you
comfortable na nandito ang driver ko? Sagutin mo ako ng pabulong din dahil ayaw
ko marinig niya ako.”
Naglikha ng
kakaibang sensasyon ang init ng kaniyang hininga sa aking tainga. Tumayo ang
mga balbon ko sa kamay.
“Hindi nga eh. Lalo
na parang nakikinig siya sa usapan.”
“Manong mauna na
kayong uuwi. Idadaan ko kayo sa bahay, then kung darating ngayon si Daddy from
Hongkong tell him na lumabas ako with my friend. Don’t worry about me.”
“Bilin kasi ni Sir
na hindi ko kayo iiwan.”
“Manong naman, I am
22 years old. Halos pitong taon mo na akong sinasamahan. Halos pitong taon na
ninyo akong binabantayan. Hindi pa ba kayo nagsasawa? Kakausapin ko si Daddy
pagdating niya. Hindi ko na kaya yung ganito. I want to have my own life!
Decide on my own, and go wherever I wanna go…ALONE!”
“Papagalitan ako
no’n”
“Kaya nga ako ang
kakausap at ako ang pagagalitan. Matanda na ako. Gusto ko naman ng freedom this
time. Idaan mo muna sa bahay tapos aalis kami ni Mario”
“May magagawa ba
ako?” hirit ng matanda.
“Meron naman,
sundin mo lang ako.” Nakangiting sagot ni Gerald.
Pumasok kami sa Forbes
Park. Alam kong doon nakatira ang mga may kaya at mayayamang pulitiko, artista
at negosyante ng bansa. Para akong nakapasok sa isang napakayamang bansa na
wala makikitang nagdarahop. Doon ko nakita ang nakatagong yaman ng bansa. Lahat
ng bahay ay parang mansiyon. At alam ko na kung itabi ako kay Gerald ay isa
lang akong langgam na umaakyat sa isang puno ng matibay na nara.
Hindi ako
nakapagsalita at para akong natatameme sa nakikita ko lalo na ng pumasok kami
sa isang sa tingin ko ay unang pagkakataong nakakita ng ganoon kagarang bahay.
Napakalaki nito, may sariling swimming pool, nakahilera sa parking lot nila ang
mga mamahaling sasakyan at nalula ako sa mga mamahaling appliances at display
sa loob ng bahay.
Hindi na kami
pumasok pa sa pinakasalas doon lang kami sa beranda ng bahay ngunit nasisilip
naman ang loob nito.
“I told you, I am
the witty, gorgeous, well-off and delectable guy in the campus and masuwerte ka
dahil ikaw ang napili kong maging kaibigan. In my entire life, ngayon lang ako
nagsama ng bagong kakilala at hindi tiga dito sa Forbes. Ikaw lang iyon, Mr.
yummiest intellectual yet poor medical student.”
“Talaga lang ha.
Pambobola ba yan, pagyayabang o pang iinsulto.”
“Whatever, hindi ka
naman kasi naniniwala sa mga sinasabi ko di ba?” sabay kindat.
Muling para akong
biglang nadala sa kakaiba niyang karisma.
“Hindi!”
“Naku, may back up
ako diyan. Yaya Chayong, yaya!” tawag niya at ilang sandali pa ay lumabas ang
isang medyo may katandaan ng babae na nang makita ako ay parang nagulat at
tinitigan ako ng matagal.
“Yaya, sabihin mo
nga kay Mario kung nagdadala ako ng bagong mukha at bisita dito sa bahay mula
ng ipinanganak ako maliban sa mga kapitbahay natin?”
“Kaya nga po ako
nagulat na makita siya dito Sir kasi ngayon ko lamang po siya nakita. Hindi
talaga nagsasama si Sir dito, ngayon ko lang nakita na may kasama at ngayon ko
lang din nakitang nakangiti ng ganyan ang alaga ko.”
“Dinagdagan pa
talaga.” nakangiti siya.
“Yaya, kapag uuwi
si Daddy ngayon, tell him baka gagabihin na ako ng uwi. Am sure magagalit iyon
pero ngayon lang ito. Gusto ko maenjoy ang buhay ko. Saka if magalit man then
bahala na.”
Huminto siya na
parang may iniisip.
“Hintayin mo ako
dito, kasi may kukunin ako sa loob saka magpapalit na lang ako ng damit. Are
you comfortable with that white polo?”
“Do I have a choice
e, you just abducted me along the street.”
“Hmmmnnn, I think
may mga magaganda akong damit na hindi ko pa naisusuot that I could give it all
to you. Yung mga iba nga may mga tag price pa. Yeah! I’ll just give it all na
lang kaysa sa mapagkamalan uli kitang librarian sa campus.”
“Yabang neto.”
medyo pikon kong sagot.
“Honestly, guwapo
ka pero you’re out of fashion.”
“Oo na. Sige maliitin
mo pa ako,” pikon na talaga ako.
Kasalanan ko bang
halos pangkain ko lang ang pera ko. Kung sana alam lang niya ang pinagdaanan
ko. Pag-alis niya ay yaya naman niya ang tinanong ko. “Nasa’n? po ang mommy
niya” tanong ko dahil puro daddy lang ang bukambibig niya.
“Namatay na ang
mommy ni Sir sa sakit na cancer noong 15 palang siya. Kaya nga sobrang
hinihigpitan yan ng daddy niya dahil ayaw niyang mawala pati iyan na
kaisa-isang anak niya ngunit alam mo, nagugulat ako ngayon sa kaniya kasi
parang kahapon ko lang nakita masaya ‘yan. Ang kuwento sa akin ay kahapon lang
daw niya nakausap ang matagal na niyang crush sa library. First year palang
iyan noon nang kinukuwento sa akin kung saan niya nakita, kung ano ang damit at
kung gaano katalino. Third year na siya pero kahapon lang daw niya nakausap
dahil natotorpe daw siyang kausapin. Wala pa kasing naging girlfriend ‘yan. Ang
hindi ko lang matanong ay kung lalaki ba o babae ang kinukuwento sa akin dahil
minsan nadudulas niyang sinabi na sobrang cute daw ng labi at bigote ng crush
niya. May babae bang may bigote? Pero nang tinanong ko ay bigla siyang tumawa
at sinabi niyang jino-joke lang daw ako. Sana naman hindi bakla si Sir kasi
sigurado magagalit ang daddy niya dahil alam kong diyan sila hindi magkakasundo.”
Wala akong naihirit
pang iba. Parang sabik ang matandang may makakuwentuhan kaya tuluy-tuloy ang
pagbibida nito sa mga bagay na hindi naman siya tinatanong. Tatlong taon?
Tatlong taon niya akong sinusundan? Fourth year ako at siya naman ay third
year. Hindi ko siya napansin samantalang ako ay napapansin niya ng tatlong
taon? Ganoon na ba ako katagal na-detached sa mundo?
Paglabas ni Gerald
ay may dala siyang maleta. “Hayan hinakot ko na lahat ang mga hindi ko pa
naisusuot na mga gamit ko, shoes, jeans, shorts, shirts… lahat… kumpleto pati
pabango”
Nang nasa sasakyan
na kami ay tinanong ko siya. “Sigurado ka bang friendship lang ang habol mo sa
akin?”
“Ano sa tingin mo?”
“Tinatanong kita
ako ang dapat sagutin mo.”
Tinabi niya ang
sasakyan. Tumingin sa akin. Tumitig saka napabuntong-hininga.
“Alam mo, pinigilan
ko ito. Sabi ko no’n hindi tama. Hindi ko gusto. Tama na yung kaibiganin na
lang kita. Ngunit kagabi, naisip ko, I have to try it. Sa buong buhay ko ngayon
lang ako naging masaya. Yung kasiyahang hindi naibibigay ng money and material
things. There is this happiness in me when I am with you na… basta… hindi ko
maipaliwanag.”
“Natatakot ako.
Pa’no mo alam na ganito ako.”
“Basta kapag
pumasok ako at wala akong magawa, ikaw ang lagi kong tinitignan. Mas interesado
ka kasing tumingin sa mga lalaki kaysa sa mga babae. Yung kapag sinusundan kita
ay halos mabali ang leeg mo sa mga ibang lalaki. Pinagtaguan kita dahil
nahihiya at natatakot akong magsalubong ang ating mga mata. Yung takot na baka
hindi ko kakayanin. Kahapon lang ako naglakas loob dahil hirap na hirap na ako.
Alam kong mahirap ang tanong ko o alam kong masyadong mabilis na magsabi ako
pero tinanong mo na ako at siguro naman, may karapatan na din akong tanungin
kita? Gusto mo ba ako? Alam ko kasing masyadong maaga para tanungin kita kung
mahal mo ako. Sa akin tama na munang malaman ko kung gusto mo din ako?”
Hindi ako
nakasagot. Bigla na lang akong nalito? Iniisip ko kung tama bang pasukin ko ito
at ang magiging kapalit na naman ay ang pagkabuwag ng mga pangarap ko malapit
ko ng makamit. Ayaw ko na sana lalo pa’t naiisip ko si nanang na naghihitay sa
aking pagtatagumpay. Isusugal ko bang muli ang aking puso kasabay sa pagtahak
ko ng landas patungo sa tagumpay?
Itutuloy…….
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento