Biyernes, Marso 15, 2024

Kababata (Part 9) Pulseras

 


Kababata (Part 9)

Pulseras

 

Jonas

Naglalabas pa lang ako ng aking kotse sa garahe ay nakita ko nang may nakaparadang kotse sa tapat ng bahay nina JM. Alam kong kotse iyon ni Simon. Nakaramdam ako ng panlulumo, alam kong sinusundo nito si JM.

Nagbakasakali pa rin ako na baka may sasabihn lang, sa ibang unibersidad kasi napasok si Simon, kaya lang ay pwede rin naman talagang isabay niya si JM dahil madadaanan naman niya ang aming unibersidad. Kaya nga nagmadali ko nang pinaandar ang kotse. Hindi pa ako nakararating ay lumabas na ng gate si JM kaya bumusina ako para makuha ang kanyang atensyon. Lumingon naman siya.

“Sa kanya ka ba sasabay?” tanong ko.

“Oo, sinabihan kasi niya ako na dadaanan ako at pumayag akong sumabay sa kanya. Sige Jonas, magkita na lang tayo sa School,” tugon ni JM.

Nauna na silang umalis, ako naman ay hindi kaagad nakasunod, parang ayaw ko na ngang pumasok noon. Pero naisip kong kausapin siya, baka nagtampo dahil sa hindi ko naisabay kahapon, kaya hindi sinasagot ang tawag ko at wala ring reply sa mga text ko.

Si JM pa rin ang nasa isipan ko habang ako ay nagda-drive. Ngayon ko lang nabigyan ng pansin na parang lumamig ang pakitungo niya sa akin. Doon pa lang sa mga laro namin ay madalas na sina Simon ang kausap at kagrupo niya kapag wala kaming laro. Pansin ko rin na parang iniiwasan ako lalo na kapag naroon din si Myla. Shet! Tangina, hindi kaya may nakita siya sa amin ni Myla? Nakupo, huwag naman sana.

Hala, naalala ko, may sinabi siya kahapon sa grupo habang nagbibiruan. Pilit kong inisip ang sinabi niya kahapon sa grupo. “Hindi kelan man magkakatotoo ang sinasabi mo dahil hindi kami pumapatol sa kaparehong gender. Isa pa, may nobya na uli si Jonas, ayaw pa lang niyang sabihin sa atin, pero ako, alam ko hehehehe.”

Hala, si Myla kaya ang tinutukoy niya na nobya ko uli? Naghihinala ba siya sa amin? Patay ako nito. Tama, si Myla siguro ang tinutukoy niya, kasi noong tournament ay parating nakabuntot sa akin si Myla at may papunas-punas pa ng pawis sa akin at asikaso ako palagi sa tubig at kung ano-ano. Pero wala naman kaming ginagawang masama o ikatatampo niya.

Pero… Hahhh. Shet! Paano kung may nalaman siya? Paano kung may nakapagsabi sa kanya?” Paano kung siya mismo ang… huwag naman sana.

-----o0o-----

May one hour kaming break bago sa last subject namin sa umaga. Papunta na kami sa aming tambayan para mag snack ng kausapin ko si JM.

“JM, pwede ba kitang makausap ng tayo lang?” sabi ko.

“Hah! Tungkol saan?”

“Basta. Guys, maiwan muna namin kayo ha, gusto ko lang kausapin ng sarilinan itong si JM, okay lang naman, ‘di ba?”

Inaya ko siya sa may parking area, doon kami nagusap sa aking kotse para walang ibang makaririnig.

“Ano ba ‘yun? Bakit kelangang pang tayo lang?”

“Gusto ko lang malaman kung may tampo ka sa akin at bakit.”

“Bakit mo naman naisip na may tampo ako sa iyo.”

“Kasi, lately ay parang iba ang pakitungo mo sa akin, parang ang lamig-lamig mo sa akin. Feeling ko nga ay umiiwas ka sa akin eh. Kahit doon sa tournament natin.”

“Pansin mo iyon? Ikaw nga ang napapansin ko na may ipinagbago. Ayaw kong isipin na dahil sa nabo-bore ka nang kausap o kasama ako, pero hindi dahilan iyon para ikatampo ko sa iyo. Karapatan mo naman, natin na maghanap ng bagong kausap o kabarkada, wala namang pipigil sa iyo.”

“Si Myla ba ang dahilan?”

Tinitigan lang niya ako, parang may gustong sabihin na hindi masabi, parang nag-aalangan. Nagbaba na lang siya ng tingin at ibinaling sa labas ang mga mata.

“Siya ang lumalapit sa akin, siya ang nagsusumiksik. Hindi ko naman siya maitataboy dahil ako naman ang magiging masama sa paningin ng iba,” paliwanag ko.

Bumuntong hininga lamang siya. “Alam mo Jonas, wala naman akong pakialam sa mga bagay na ganon. Siguro may gusto sa iyo at tingin ko ay may gusto ka rin dahil sa ine-entertain mo. Eh sa ganong bagay ay hindi ako makikialam at hindi ko ikatatampo. Masaya ako kung saan ka masaya, hindi naman kita pinakialaman nung kayo pa ni Estella ah. Teka nga, matanong lang kita, kayo na ba?”  tanong ni JM.

“Naku ha, hindi! Totoo, maganda siya, pero hindi siya ang napupusuan ko.”

“So may napupusuan ka na pala, sino naman iyon.”

“Saka na, kapag may linaw na, hindi ko pa naman siya nililigawan eh.”

Habang nag-uusap kami ay ang likot-likot ng kamay ni JM, kung ano-ano ang binubusisi. Ano kayang…

“Ay putsa.” Nagulat si JM dahil may mga bagay na nahulog buhat sa compartment. Bumagsak ang iba sa may paanan niya. “Sorry, nahatak kong bigla hehehe.”

Pinulot niya isa-isa ang bumagsak. “Ano ito? Panty ito ah, Jonas, ano ito souvenir? Bakit naman dito mo pa itinago, baka mapagkamalan kang bading niyan, nagsusuot ng panty. Siguro… ay! Bakit ganito? Ano ito, parang may… hmp.” Tila nandidiri si JM na ihinagis sa akin ang nalaglag na panty buhat sa compartment na napulot niya.

Hindi ako makapagsalita, gusto kong magpaliwanag, pero anong paliwanag. Bakit ba dito pa sa kotse ko kinausap?

“Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag, hindi issue sa akin iyan,” wika ni JM na binuksan ang pinto at bumaba na. “Tara na, malapit na ang time natin.

Hindi na niya ako nahintay pa at tuloy-tuloy nang lumakad papuntang building namin.

Nanlumo ako. Naalala ko nga pala ng minsang may ginawa kami ni Myla. Dito ko nga pala siya na… ah shettttt. Hindi na niya nakuha pang isuot ang panty na iyon dahil natalsikan ng aking tamod, naiwan niya at doon ko lang naitago at nalimutan ko na. Pucha naman oh.

-----o0o-----

John Mark

Ewan ko ba kung bakit ako apektado, wala naman kaming relasyon, magkaibigan lang kami. Naalala ko tuloy si Jonas, ang aking kababata. Kasi, noon gusto ko ay kami palagi ang magkalaro, ang magkasama. Baka likas na sa akin ang ganon. Pero hindi rin siguro, marami naman akong kaibigan at hindi ganon ang feeling ko. Haayyy, bakit ko ba iisipin iyon, buhay niya iyon kaya wala akong pakialam.

-----o0o-----

Isang araw na naman ang lumipas, ewan ko ba, parang wala ako sa mood. Hindi ako kumikibo, tahimik lang.

“JM, halika na, sumabay ka na sa akin pag-uwi,” yaya ni Jonas sa akin.

“Ay Jonas, dadaanan daw ako ni Simon, baka nasa labas na siya at naghihintay, sige ha, ingat ka sa pagdrive.”

Hindi ko alam kung anong naramdaman ni Jonas ng sandaling iyon. Hindi pa naman ako nakakalayo ng may marinig akong pamilyar na boses.

“Pwede bang makisabay? Baka pwedeng pahatid lang doon sa may mabuhay Rotonda, may dadalawin kasi ako sa hospital,” wika ng pamilyar na boses.

Hindi ko na nilingon pa, kilala ko na naman kung sino ang babaeng iyon.

-----o0o-----

Naka red light ang traffic light, hindi kami umabot kaya huminto na si Simon. Nagkataon naman na nakatabi pa namin habang nakahinto ang sasakyan ni Jonas. Nakita ko siya at masayang-masayang nakikipag-usap kay Myla. Nagsalubong pa ang tingin namin ni Jonas, pero kaagad din bumaling ng lingon sa katabi, parang hindi ako kilala.

Go na, ewan kung sinasadya, halos hindi naglalayo ang kanilang sasakyan, hindi naman sila nagkakarera dahil sa hindi ganoon kaluwag ang daan.

Pag-tapat namin sa may hospital sa may rotonda, akala ko ay liliko na siya dahil dinig ko ay doon nagpapa-hatid si Myla, pero diretcho pa rin sila. Inisip ko na lang na baka sa St. Luke’s.

Lumiko na kami papasok sa aming village, pero sila ay direcho pa rin patungong Cubao area. “Saan na naman kaya ang punta ng dalawang iyon, maghohotel?” tanong ko sa sarili. Masama na ang aking naiisip dahil sa panty na aking nakita sa compartment ng kotse ni Jonas. Gusto kong mainis, napa-hinga na lang ako ng malalim.

“Okay ka ba JM? May problema ka ba?” ang naitanong ni Simon, napansin siguro ang pagbuntong hininga ko.

“Ha? Wala. Okay lang ako,” tugon ko.

“JM, may gagawin ka ba sa Sabado? Gusto ko sanang mag road trip, boring kasi kapag sa bahay lang eh. Sama ka, biyahe tayo kahit saan tayo dalhin ng kotse hehehe.”

“Sige, anong oras?”

“Umagang-umaga para makita natin ang pagsikat ng araw, napaka-romatic siguro, tapos ay tuloy tayo sa may Luneta para abangan naman ang paglubog ng araw, mas lalong romantic iyon hehehe.”

“Asus… kinikilig ako hehehe,” biro ko.

“Ito naman, minsan lang magpakilig eh. So final na, sama ka.”

“Oo naman, 4 pa lang, ready na ako. Hayan na ang amin, salamat ha.”

“Bukas, 4AM nariyan na ako sa gate nyo, hindi na ako kakatok.”

Tumango na lang ako.

-----o0o-----

“Uy ha, sinong naghatid sa iyo, si Jonas o si Simon?” tanong ni Nora pagkakita sa aking pumasok ng bahay.

“Si Simon, napadaan sa tapat ng eskwelahan namin.”

“Bakit hindi si Jonas, eh magkaklase kayo.”

“May iba siyang kasabay, yung muse namin sa basketball team.”

“Nagseselos ka ba?”

“Hoy Nora ha, ano na naman yan. Masyadong matabil ang bunganga mo talaga. Nandiyan na ba si Tiya?”

“Hindi ka na nasanay doon sa Tiya mong iyon, mas matagal pa ang inilalage sa opisina niya.”

“Baka sakali lang, magpapaalam sana ako. Sige, akyat muna ako at magpalit ng damit.”

Naghubad na ako ng aking uniform at naghanap ng damit sa cabinet. Hinatak ko ang isang tshirt na nakatupi, paghatak ko ay may nalaglag. Ewan ko, hindi ako nakakilos kaagad, tiningnan ko lang ang bagay na nalaglag, habang pinagmamasdan ko iyon ay natulo ang aking luha. Dinampot ko iyon habang nagbabalik sa aking alaala ang sandali kung saan nangako kami sa isa’t-isa ng kababata kong si Jonas na mananatili kaming mag-bestfriend kahit na nagkalayo kami. Tandang-tanda ko pa ang aming sumpaan noon. Tanda ko rin na nagpalitan kami ng bagay na mahalaga sa amin.

“Jonas, para talagang hindi mo ako makalimutan, saan ka man mapadpad, ibibigay ko sa iyo itong aking kwintas. Anting-anting ito ng aking lolo na ipinamana sa akin. Kapag suot daw ito ay maililigtas sa kapahamakan ang may suot nito. Sa iyo na ito at sana huwag mong huhubarin.”

Iyon ang ibinigay ko sa kanya, isa iyong kwintas na may nakapalawit na ngipin nang buwaya.

May ibinigay din si Jonas sa akin isa iyong pulseras na gawa sa buto na kulay pula at itim na tinuhog na siyang tangan ko ngayon na matagal ko nang hinahanap. Nawala na sa aking isipan kung saan ko naitago, hinubad ko iyon dahil sa maliit na sa aking pulsuhan.

“Ito lang ang maibibigay ko sa iyo JM. Sabi ng Inay ko, ang pulseras daw na ito ay magtataboy sa kung ano mang sakit na pwedeng dumapo sa may suot nito. Hindi mo ba napapansin na hindi ako nagkakasakit?”

Nakaramdam ako ng kalungkutan. Bigla kong naalala sina Tatay at Nanay. “Kumusta na kaya sila at ang mga kapatid ko.” Ang nasambit ko. Nai-dial ko ang number nila para makamusta. Matagal-tagal na rin naman na hindi kami nagkakausap. Ang hirap kasing tumawag doon, mahina at kung minsan ay wala pang signal.

Sa kabutihang palad ay nakausap ko sina Tatay at Nanay pati na ang mga kapatid ko. Nagpapasalamat ako at ayos daw sila roon, malusog at walang karamdaman. Matagal-tagal din kaming nagkausap kaya masayang-masaya ako.

Pagkatapos naming mag-usap ay kinuhanan ko ng picture ang aking pulseras at ipinost ko sa aking FB.


(Sa Ganitong Buto Gawa ang Aking PUlseras)

Isang alala buhat sa aking kababata na matagal na matagal na hindi ko nakikita. Simbolo ito na malayo man kami sa isa at isa ay hindi kami maglilimutan, mananatili kaming mag-bestfriend. Sana ay hindi mo nga ako nakalimutan. Kasi nanatili ka sa aking puso at isipan.

#Kababata #Bestfriend

Pagka-post ko ng picture ay marami kaagad na nag-comment, mula sa aking mga kaibigan at maging sa ibang tao na nakakita siguro ng aking post.

May nagtatanong kung sino daw ang taong iyon at baka kakilala nila, may nagwi-wish na sana raw ay magkita na kami at kung ano ano pa na magaganda ang sinasabi.

-----o0o-----

Sabado, 4AM daw ako dadaanan ni Simon. Pinayagan ako ni Tiya na sumama. Lumabas na ako ng bahay bago pa man mag 4. Nakita ko kaagad na may nakahimpil na kotse sa may gate namin, pagbukas ko ay nasa labas na ng kotse si Simon at binuksan na ang pinto ng kotse sa passenger seat katabi ng driver.

“Wow ha, para akong prinsipe hahaha,” nakangiti kong bati.

“Okay ba? Nag-almusal ka na ba.” Tanong ni Simon.

“Hindi pa, kasi ay alam kong aayain mo akong kumain,” sagot ko.

“Ay hindi, kasi nag-almusal na ako,” wika naman niya.

Sumimangot kaagad ako at medyo tumagilid ng upo, inismiran ko pa siya. Ewan ko ba kung bakit ako umarte ng ganon! Pa baby kuno. Pero alam ko naman na nagbibiro siya.

Medyo malayo na rin naman ang natatakbo ng sasakyan, at tila wala ngang balak na ako ay pakainin, nakakaramdam na ako ng gutom. Hindi rin nagtatanong kung saan ko gustong kumain. Gusto ko na talagang magtampo, mabuti na lang dahil sa huminto siya sa isang restaurant.

“Anong gagawin natin? Bakit ka huminto?” tanong ko.

“Restaurant ito, ano pa eh di kakain. Masarap ang goto lugaw dito, nakakain na kami dati rito ng parents ko minsang nagsimba kami rito.”

“Ano na bang lugar ito?”

“Antipolo, hindi ka pa ba nakapupunta rito?”

“Hindi pa, alam mo naman na bahay lang at eskwela ako.”

“Sige, mamaya ay daan tayo sa simbahan para makapagdasal ka na makita mo na ang sinasabi mong kababata at bestfriend,” wika ni Simon.

Napatingin ako sa kanya, nabasa niya ang post ko. Sa himig ng pagsasalita niya ay parang may inggit o selos, hindi kasi normal ang pagka-bigkas niya, tila may konting kaplastikan.

-----o0o-----

Unti-unti nang lumiliwanag, papasikat na ang araw. Nasa simbahan na kami noon. Marami akong ipinagdasal, ang aking pamilya sa isla, ang aking tiya at kasama sa bahay, ang aking mga kaibigan at syempre ang aking bestfriend na si Jonas. Idinalangin ko na ligtas sila lahat at walang karamdaman. Hindi naman ako nagtagal sa pagdarasal, lumabas na rin kami.

Sa unang pagkakataon, simula ng tumira ako sa bahay ni Tiya ay ngayon lang ako nakakita ng pagsikat ng araw. Napakaganda ng pagsikat ng araw, nagbibigay ng pag-asa sa akin, nagbabadya ng maganda ang panahon. Ang sarap ng aking pakiramdam.

Sa isla kasi, ay palagi kong nakikita ang pagsikat at paglubog ng araw. Iba ang feeling ko roon, punong-puno ng pag-asa na darating din ang araw na makakamtan ko ang pinapangarap ko sa buhay at sa aking pamilya. Unti-unti na namang natutupad ang pangarap na iyon.

Sumakay na uli kami ng kotse at nagpatuloy sa paglalakbay. “Saan ba talaga tayo patungo?” usisa ko kay Simon na mabagal na nagpapatakbo ng sasakyan.

“Walang kasiguruhan, hindi ba road trip ito, kaya kapag may gusto kang tingnan, mag-picture-picture ay hihinto tayo.”

“Ano bang daan ito? Saan ito patungo?” tanong ko uli.

“Rizal pa ito, sakop pa ito ng Antipolo. Itong daan na ito ay patungo ng Tanay tapos ay Laguna.”

“Uy, maganda raw doon,” excited kong wika. Bago pa lang kasi akong nakapasyal sa lugar na ito.

“Kaya nga dito kita dinala. Ano nga pala ang idinasal mo kanina?”

“Marami, pamilya ko, kasama sa bahay, mga kaibigan, kasama na ikaw. Idinalangin ko na sana ay hindi ka magbago kahit na anong pagsbok ang dumating sa iyo hehehe.”

“Ipinagdasal mo rin ba ang nawawala mong bestfriend?”

“Hindi naman siya nawawala, hindi ko lang alam kung saan nakatira, bata pa kai kami noon, maglilimang taon lang kami pareho ng magkalayo, may umampon kasi sa kanya.”

“Ampon lang ba ang sinasabi mong kaibigan?”

“Oo, namatay kasi sa aksidente ang magulang ng kababata kong iyon. Alam mo ba na kasama siya sa aksidenteng iyon? Pero konting galos at pasa lang ang natamo niya sa katawan, nakaligtas siya. Ang sabi pa niya ay iniligtas siya ng kwintas.”

“Kwintas? Anong kwintas? Paano siya iniligtas ng kwintas?” tanong ni Simon.

“Binigyan ko siya noon ng kwintas, pamana pa sa akin iyon ng aking lolo sa aking tatay na ibinigay naman sa akin. Ang sabi ay anting-anting daw iyon. Ibinigay ko iyon sa kaibigan ko bago nangyari ang aksidente. Ang kwento ni Tatay ay anting-anting daw iyon na nakakapagligtas sa kapahamakan ng may suot. Parang totoo naman dahil sa nakaligtas nga si Jonas.”

“Jonas? Sinong Jonas? Jonas na kaibigan natin?”

“Hindi! Nagkataon lang na magkapareho ang pangalan nila, Jonas din kasi ang pangalan ng kababata ko.”

“Ahh! Akala ko naman ay si Jonas na kaibigan natin, kasi kung siya iyon ay bakit parang ngayon lang kayo nagkakilala.”

“Dito nga lang kami nagkakilala eh. Ay hindi pala, sa school. Kaklase ko at nagkataong taga-rito rin sa ating village. Simon… hindi ba halos magkasing-edaran lang tayo nina Jonas, nakalaro mo ba siya ng bata pa kayo?”

“Hindi eh, kasi nang malipat kami rito ay high school na ako. Pero nakalaro ko siya sa basketball. Kaming ngang dalawa ang palaging nagkakalaban eh, magaling daw kasi kami pareho, iba ang grupo niya at iba ang grupo namin. Pero hindi kami naging close, kahit na hanggang ngayon. Actually, ngayon lang kami nagkasama sa isang team. Tila nga palagi kaming naglalaban, maging sa iyo.”

“Hah, bakit naman napasama ako sa laban ninyo?”

“Kasi alam ko at nakikita ko sa ikinikilos niya na may gusto rin siya sa iyo, ewan ko lang kung nagtapat na siya sa iyo. Ako kasi, sinabi ko na, hindi kasi ako matatahimik kapag sinarili ko lang ang nararamdaman ko. Ewan ko ba kasi sa pusong ito at ikaw pa ang nagustuhan eh pareho pa tayong lalaki, siguro nga bakla tayo.”

“Ikaw lang, huwag mo akong idamay hehehe.” Sabi ko,

“Alam mo JM, may napapansin din naman ako sa inyo eh, sa sobra ninyong close, hindi kaya nagkadevelopan na rin kayo. Aminin mo nga sa akin, may gusto ka na rin ba kay Jonas?”

Napaangat naman ang pwet ko sa tanong na iyon. “Ay naku Simon, malapit kaming magkaibigan, pero hindi nangangahulugan na hihigit pa sa pagkakaibigan ang mararamdaman ko. Tumigil ka nga. Saka, tigilan mo na na yung love-love mo sa akin, hindi totoo iyon. Sinong straight na lalaki ang magkakagusto sa kapwa lalaki. Huy ano iyon? Ang laking elesi, saan iyon,” wika ko.

“Windmills iyon. Dumaan tayo doon, malapit na lang tayo roon,” wika ni Simon.

Huminga uli ako ng malalim at tinanaw ang malayo pang windmill. Iniisip ko pa rin ang tanong ni Simon sa akin. Ano ba talaga ang damdamin ko kay Jonas?

 

Itutuloy………………

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...