Everything I Have
(Chapter 8)
By: Joemar Ancheta
(From: hotpinoyparkzonestories)
Nang tinanong ako
ni Gerald kung gusto ko siya, alam ng puso kong hindi ko lang siya gusto kundi
may namumuong pagmamahal ngunit tumatanggi ang utak ko. Pagmamahal na mabilis
na umusbong. Tinatanggi ng utak ko na naroon ang pag-ibig ngunit sadyang
mapilit ang puso at alam kong bibigay at bibigay kahit anumang prinsipyong
pinanghahawakan nito. Gusto ko na siyang sagutin noon ngunit ngumiti lang ako.
Maraming mga takot sa nakaraan na pumipigil sa akin, ngunit sa tuwing
nagkakatagpo ang aming mga mata o kahit yung alam kong nandiyan siya ay pilit
nitong hinihigop kahit katiting na himaymay ng nakaraan. Mahal ko na din ba
siya? Bakit parang napakabilis naman akong nahulog? Bakit hindi ko na ngayon
kayang paglabanan ang lahat?
“Nagugutom na ako.
Siguro mas magugustuhan pa kita kung kakain muna tayo.” Pabiro kong pagtatapos
sa aming usapan.
Pumasok kami sa
isang restaurant na kahit hindi man ganoon ka-class ay nakagagaan ng loob ang
kinakantang love songs. Magkakalayo ang bawat table na parang nasa gitna lang
ng gubat dahil sa mga artificial na puno ngunit puno ng mga totoong halaman at
bulaklak ang paligid na binagayan naman ng mga maliliit na falls. Tama lang ang
lakas ng live band na hindi kailangan magsigawan ang mga kumakain para
magkarinigan. Noon lang ako nakapasok sa ganoong lugar at inalalayan naman ako
ni Gerald para hindi ako makaramdam ng pagkailang.
Habang kumakain
kami ay kunukuwento niya sa akin kung gaano kahirap sa kaniyang pigilin ang
nararamdaman niya sa akin. Kilala daw kasi ako sa buong campus bilang tahimik
ngunit matalino sa College of Medicine. May mga sandaling kapag nagkakasalubong
kami ay natatakot siyang masalubong ko ang kaniyang mga titig. Iyong papasok
siya ng library para magresearch at magreview ngunit lahat ng konsentrasyon
niya ay mawawala dahil ang utak ay nakatuon sa akin at hindi sa kaniyang
binabasa. Nalulungkot siya sa maghapon kung hindi niya ako makita. Kailangan pa
niyang hintayin ang oras na paglabas ko bago siya uuwi. Kung nakikita na niya
akong naglalakad pauwi ay doon na rin siya sasakay sa sasakyan at masaya na daw
siyang lilingunin ako sa tabi ng daan hanggang tuluyan niya akong malampasan at
sa gabi mukha ko ang laman ng kaniyang isip. Akala niya hanggang doon na lang
ang lahat. Akala niya magiging masaya na siya ng pagano’n gano’n lang.
Sinikap siyang
mapansin ko siya sa pamamagitan ng pagtatabi sa akin kapag nagreresearch ako
pero ni hindi ko daw matapunan ng tingin. May isang araw daw na tumingin ako sa
kaniya ngunit blangko ang utak ko. Iyong parang tinitignan ko siya ngunit hindi
ko siya nakikita. Siguro iyon yung mga panahong ang utak ko ay nakatuon lang sa
isang direksyon. Iyon ay ang aking pag-aaral. At dahil sa tatlong taon na
pagtitiis niya at sobrang nahihirapan na siya ay naglakas loob na lamang ang
siyang makipagkilala sa akin. Iyon na daw ang pinakamahirap na nagawa niya sa
buhay niya. Hindi kasi daw niya alam kung paano simulan ngunit naisip niyang
kung hindi siya gagawa ng unang hakbang ay baka pagsisihan niyang dadaan ako sa
buhay niya na hinayaan niyang takot at hiya lamang ang tanging dahilan kung
bakit nagiging blangko ang kuwento naming dalawa. Kaibigan, iyon muna daw ang
hangad niya ngunit nang nakausap na daw niya ako, hindi na lang iyon ang gusto
niya at kung papayag daw ako ay higit pa dun ang ninanais niya.
“Bakit ako?”
“Bakit nga hindi ikaw? Nasimulan ko na ito.
Handa kong tapusin ang lahat kahit anuman ang magiging kapalit. Lagi ko ding
iniisip kung papasukin ko ito, dapat paghandaan ko kung anuman ang magiging
kapalit ng kasiyahang ito. Una, magugustuhan mo ba ako?”
“Gusto mong sagutin
ko ang mga tanong mo sa unang araw na paglabas natin?”
“Look, we’re not
born yesterday. Sa katulad natin, sa una pa lamang ay alam na natin kung
magugustuhan natin ang isang tao o hindi. Hindi natin kailangan ng mahabang
ligawan dahil naniniwala akong sa unang tingin o sa unang paglabas ay nalalaman
kaagad natin kung puwede o hindi puwede. Hindi ko maipaliwanag pero alam kong alam
mo yung sinasabi ko sa iyo. Siguro dahil kapwa tayo ng kasarian kaya mabilis
nating malalaman kung magugustuhan o kaya nating mahalin ang isang tao at alam
din natin na hindi talaga puwede at walang patutunguhan kaya hindi na dapat
pang tinutuloy. Kaya sana sagutin mo ako ayon sa iyong nararamdaman ngayon.”
“Bakit ka
nagmamadali?”
“Hindi ako
nagmamadali. Kung hindi ka handa sa relasyon, at least I should know what’s in
you about me. Sagutin mo lang ang tinatanong ko ang I’ll be directing you in
some points that I presumed you knew, but you are just denying its existence.
Huwag na sana natin pahirapan ang sitwasyon. Matatanggap ko naman kung sakaling
ayaw mo. Hindi ko puwedeng pilitin kang gustuhin ang bagay na sa una pa lamang
ay ayaw mo na.”
“Hindi sa ayaw.
Mahirap ako. Pag-aaral ko lang ang tanging pag-asa ko para umangat. Iniiwasan
kong ma-involve na maaring ikakasira ng aking pag-aaral.”
“Okey, I get it.
Gusto mo din ako ngunit natatakot kang masira ang mga pangarap mo dahil sa
akin. Makakaasa kang hindi ko gagawin iyon. Mahal kita at handa kong patunayan
sa iyo na everything I have, I am very much prepared to give it up para sa iyo.
Bago ko gustong pasukin ito pangalawang inisip ko ay kung ano ang masasabi ng
ibang tao. Tingin ng iba, hindi ito karaniwan. Pagmamahalang tinututulan ng
simbahan at ayaw tanggapin ng karamihan sa ating lipunan. Ngunit naisip ko,
hindi ba kapag nagmahal tayo ang dapat nating iisipin muna ay kung ano ang
sasabihin ng taong mahal natin hindi yung uunahin nating pakikinggan ang
sasabihin ng iba? ‘Di ba dapat, ang unang pakikinggan ay kung ano nga ba ang
tunay na sinasabi ng puso’t utak ng dalawang sangkot na nagmamahalan bago ang
pagkutya ng ibang tao? Hinanda ko na ang sarili ko. Hindi naman nakakahiyang
magmahal. Sa una lang tayo pag-uusapan ngunit pagdaan ng panahon, matatanggap
din ang lahat. Lahat ay kayang matanggap ng lipunan kung walang inaagrabyado at
tinatapakan.”
“Alam mo bang mga
sinasabi mo sa akin? Hanggang kailan ang pagmamahal na ‘yan? Sa tingin mo anong
mapapala natin kung sisimulan natin ito?”
“Lahat ng sinasabi
ko ngayon ay napag-isipan ko na bago ko tinangkang simulan ang tungkol sa atin.
Kaya alam ng puso ko at naintindihan ng utak ko ang lahat ng sinasabi ko dahil
iyon ang nararamdaman ko. Sa tanong mo kung hanggang kailan kita mamahalin.
Hindi nasusukat ang nararamdaman. Wala din kasiguraduhan ang bawat relasyon
ngunit hindi natin kailangan bigyan ng takdang panahon at isipin kung hanggang
kailan, ang dapat tinatanong ay kung paano natin tinanggap ang pagmamahal na
iyon, kung paano natin inenjoy at kung paano tayo binago bilang tao. Sabi nga
nila, minsan ang mga magagandang bagay pa ang hindi nagtatagal ngunit alam
natin na ang mga magagandang bagay at pangyayari ang siyang nananatili sa ating
alaala at iyon ang gustung-gusto nating balik-balikan at ang mga pangit na
nakaraan na nangyari sa ating buhay ay pilit nating tinatakasan at
kinakalimutan.”
Naisip kong tama
siya sa sinasabi niya. Sa mga oras na iyon, lahat ng mga sinasabi at lahat ng
mga nangyayari ngayon kahit hindi ako lubusang makapaniwala pa ay gusto kong
uulit-uliting isipin hanggang pagtanda ngunit ang nangyari sa akin sa aming
baryo ang pilit kong kinakalimutan at tinatakasan. Sa sandaling iyon ay
natatangi siya sa paningin at sa kaniyang mga sinasabi ay lalo akong nahuhulog
sa kaniya. Alam kong hindi na kinakaya pa ng aking utak na pakinggan dahil ang
dating bulong ay ngayo’y sigaw na ng aking utak.
“Doon sa tanong
mong anong mapapala natin kung sisimulan natin ito?” pagpapatuloy niya at
nanatili akong tagapakinig. ”Kailangan bang kapag nagmahal tayo ang iisipin
natin ay kung anong mapapala natin? Doon palang sa pagbibigay laya sa
nararamdaman natin at pagiging masaya sa hatid ng pag-ibig sa buhay natin ay di
pa ba sapat iyon na gantimpala natin? Kapag nagmahal tayo, ang sana isipin
natin ay kung ano ang kaya nating ibigay at hindi iyong kung ano ang mapapala
natin sa kaniya dahil kung ginawa natin iyon, hindi siya ang minahal natin at
hindi tayo nagmahal ng iba kundi ipinakita lang natin ang pagkamakasarili.
Sarili mo parin ang minahal mo at hindi siya.”
Napayuko ako. Dama
ko ang lahat ng sinabi niya. Naroon ang katotohanang hindi ko kayang itanggi.
Nang magsalita ako ay nabigla ako ng tinatawag ang pangalan niya sa entablado.
“Dito kami kumakain
ni Daddy. Nakasanayan na kasi nilang kapag nandito ako ay kailangan kong
umakyat sa stage para kumanta. ‘Di mo naitatanong, may boses ako. Dati si Daddy
o mga kaibigan niya kinakantahan ko, ngayon, ikaw at ikaw lang ang gusto kong
kantahan. Isa ito sa mga pinangarap kong mangyari. Napakatagal ko ng
pinaghandaan ang kantang ito para sa iyo at ngayon, isa sa mga pangarap ko sa
gabing ito ay makakamit ko na. Sa iyo ko lang gustong kantahin ito at sana
maging memorable sa iyo ang gabing ito lalo na kapag marinig mo ito. Makinig ka
saka huwag mo akong pagtawanan.”
Namula ako. Hindi
ko alam ang sasabihin ko. Hindi ako sanay na binibigyan ako ng ganoong
atensiyon. Nanginginig na ako lalo pa’t bago siya tumayo sa aming mesa ay
hinawakan muna niya ang kamay ko. Kinindatan ako at sinabi niya… “Damhin mo ang
bawat lyrics dahil lahat ng iyon ay para sa iyo.”
I
feel like I never measure up to who you see
Sometimes
I think I can't give you all the love you need
You
keep changing everyday
Amazing me in
everyway.
Dama ko ang hagod
ng kaniyang napakalamig na boses. Palakpakan ang mga tao ng pumailanlang ang
napakaganda niyang boses at hindi ko napigilan ang hindi maluha dahil may
kakaibang dating sa akin lalo pa’t sa mata ko siya nakatingin nang kumakanta
siya.
Naikuwento niya
kung paanong hindi ko siya napansin noon. Na natatakot siyang simulang mahalin
ako dahil baka hindi niya kayang matumbasan ang gusto kong pagmamahal. At
araw-araw, hindi siya napapagod na lihim akong mahalin dahil para sa kaniya,
bawat pagdaan ng araw ay may nababago sa akin.
If
I could be the perfect man in your eyes
I
would give all I'm worth to be a part of your life
I
could promise the world but it's out of my hands
I can only give you
everything I have
Nahg hinatid niya
ako sa bahay ay isang halik ang hindi ko makalimutan. Nagpasalamat ako sa
napakamemorabale na gabing iyon. Isang gabing hindi ko kalilimutan dahil
binuksan niya ang puso kong matagal ko ng sinara dahil sa mga hindi magandang
nakaraan. Binigyan niya ako ng panibagong buhay at pag-asang liligaya din ako
sa ngalan ng pag-ibig. At nagsimula nga
ang kuwento ng aming pag-iibigan magmula ng gabing iyon. Siya ang lalaking para
sa akin. Ang lalaking hindi man tumpak na mamahalin ko at naramdaman kong ginawa
niya lahat ang dapat para sa aming dalawa kaya siya ang naging pinakamahalagang
bahagi ng aking buhay. Hindi na noon mahalagang mapasa-akin ang mundo dahil
kumpleto na ako sa kaniya at sa mga nakakaya niyang ibigay sa akin.
I
never dreamed I could ever feel the way I do
I
hope and pray I will always be enough for you
I
can only do my best
I have to trust you
with the rest
Ni minsan ay hindi
ko naisip na makakatagpo ako ng katulad ni Gerald sa buhay ko. Ni hindi ko
naisip na muli akong magmahal at mamahalin pa ako ng higit sa inaasahan ko. Hindi
siya naging balakid sa pag-aaral ko. Mas naging madali sa akin ang bawat
pagdaan ng araw. Kasama ko siya sa pagrereview. Sabay naming pinag-aaralan ang
mga bagay na hindi namin naiintindihan sa aming mga subjects. Kapag natutulog
siya sa pagod ay hahagkan ko ang kaniyang labi at kapag nagising ay siguradong
ako ang hindi niya titigilang na halik na karaniwan ay nauuwi sa mainit na
pagtatalik.
Bago ako matulog sa
gabi ay lagi akong nananalangin na sana ay hindi na matapos pa ang aming
kasiyahan. Sana din ay magiging sapat na ako para sa kaniya. Kuntento na akong
siya lang sa buhay ko at sana ganoon din siya sa akin. Ginagawa naman niya ang
lahat ng nakakaya niyang gawin para sa akin. Una, mula sa bed spacer ay
nagkaroon ako ng sarili kong kuwarto sa magandang apartment. Mula sa halos
walang mga gamit na naging kumpleto ang mga kasangakapan ko mula appliances
hanggang sa kaliit-liitang kailangan sa kusina dahil gusto niyang ipinagluluto
ko siya habang naggigitara siya at kinakantahan niya ako.
Wala siyang alam na
trabahong bahay at nang minsang umuwi ako ay nakita kong nagkasugat-sugat ang
mga kamay niya dahil sa gusto niyang ibida sa akin na habang wala ako ay
naglaba siya ng mga pantalon kong maong at ilang piraso ng damit. May washing
machiene naman ngunit nagtaka akong kamay niya ang ginamit niya. Gusto daw kasi
niyang ipakitang nag-effort talaga siya pero dahil masakit ang kamay ay washing
machiene padin ang tumapos.
Dahil sa
pinagalitan ko siya ay hindi na niya naulit pa. Minsan din ay halos himatayin
siyang lumabas sa banyo dahil sinikap niyang linisin iyon, gamit ang muriatic
at sinara ang pintuan at bintana dahil ayaw niyang makita ko ang ginagawa niya.
Naalala ko din nang minsang nagluto siya ay puro tilamsik nang mantika ang
kaniyang mukha pagkagising ko ng tanghali at ang nakahain na ulam ay halos
sunog lahat at walang lasa. Hindi namin nakain at ang resulta, lumabas na lang
at trinit ako sa isang mamahalin restaurant bilang bayad daw sa perwisyong
ginawa niya.
If I could be the perfect man in your eyes
I
would give all I'm worth to be a part of your life
I
could promise the world but it's out of my hands
I can only give you
everything I have
May mga gabing
magigising na lang ng ala-una sa madaling araw na biglang may yayakap sa akin
at sasabihing namimiss daw niya ako kaya nakapantulog pa siyang tumakas sa
bahay nila. Kahit halos dalawang oras lang iyon ay parang nakapatagal niyang
yayakap sa akin at bago lumiwanag ay kailangan na niyang bumalik sa bahay nila
ngunit nakaiskor na siya sa akin. Kung hindi ako pagod ay lumalabas parin kami
sa madaling araw, bumibili ng balut, kumakain sa lansangan ng lugaw,
maglalasing-lasingan sa daan at magtatagu-taguan kami at kung nahanap ko siya
at mahanap niya ako ay nauuwi sa mainit na halikan na pilit itinatago sa mga
taong dumadaan.
I
promise I will hold you through the changes and fears
When
life seems unclear
And
when I can't be right there with you
I know there's
angels by your side
Sa mga panahong
hindi kami magkasama ay parang may kulang sa akin. Nang isinama siya ng Daddy
niya sa ibang bansa ay lalo kong naramdaman ang pangungulila kahit pa halos pag-karaan
ng dalawang oras kung tawagan niya ako at kinakanta niya ang linyang ito sa akin…
“And when I can't be right there with you, I know
there's angels by your side” …nang umuwi siya sa bakasyong iyon ay doon
lamang niya naisip na wala pala siyang nabili para sa sarili niya kundi ang
lahat pala ng nabili niya ay para sa akin. Dahil sa higit isang linggong
pagkakalayo namin ay tatlong araw siyang natulog at di bale nang magsinungaling
siya ng magsinungaling sa mga tawag ng daddy niya huwag lang muna siyang uuwi
na hindi siya nakakabawi sa pagkakamiss niya sa akin.
Sa buong maghapon
nga lang o kahit dadaan ang isang araw na hindi namin makita ang isa’t isa ay
para na kaming tatamaan ng depression at kahit inaabot na kami ng madaling araw
sa pagtetexan at pagtatawagan ay hindi kami nagsasawang gawin iyon ng
araw-araw. Hindi kami nauubusan ng pag-uusapan, hindi kami nagsasawang
banggitin kung gaano naming kamahal ang isa’t isa.
Naging positibo ang
kinalabasan ng pagdating ni Gerald sa buhay ko. Naging consistent ako sa mga
may mataas na general average sa buong Department namin at si Gerald ay
nakapasok din sa Top 5 habang ako ay nasa Top 2.
Mabilis na dumaan
ang panahon, dumating ang anniversary namin at iyon ang unang pagkakataong
napunta ako sa Boracay. Kahit dalawang araw lang kami doon ay pinuno namin ng
pagmamahalan.
“Salamat sa isang
puno ng saya na pagmamahalan bhie.” Garalgal niyang sinabi nang nakahiga kami
sa buhangin at hawak kamay kaming nakamasid sa kalangitan. Maliwanag ang buwan
noon. Hindi kasi naging maganda sa akin ang pagkakasabi no’n. Parang mabigat
medyo nabubulol pa siya. Kaya dumapa ako at tinignan siya sa kaniyang mga mata.
“Umiiyak ka?”
nakita ko kasi ang mabilis na pag-agos ng luha.
Pumikit siya. Alam
ko kasi na kapag pumikit siya ay kailangan kong halikan ang labi niya.
Hinalikan ko siya at hinawakan niya ang batok ko. Pilit niyang binuka ang labi
ko gamit ang dila niya at nagpaubaya lang ako pero may naramdaman akong matigas
na bagay na nilipat niya sa bunganga ko. Nilayo ko ang labi niya sa labi ko at
niluwa ko ang matigas na bagay na iyon at nagulat ako ng isang singsing ang
aking nakita.
“Hirap pala yang
teknik na iyan. Hirap kasi mag-isip ng bago at mahina talaga ako sa mga
ganiyang plano.” Natatawa niyang sabi sa akin. “Meron din ako dito pero isusuot
ko muna sa iyo ito baby ko he he.”
Hindi ako nakapagsalita.
Napipi ako at hindi ko iniexpect na mabibigyan ako ng singsing ng taong lubos
kong minahal.
“Salamat baby at
ngayong isang taon na tayo, siguro sapat na rin na panahon para taas noo kitang
ipakilala sa angkan ko. Bahala na. Naghintay ako ng isang taon dahil ayaw kong
mapahiya ako sa family ko na ipakilala kita tapos iiwan mo rin lang pala ako.
Gusto kong kapag mag-out ako sa family ko, iyon ay yung taong alam kong
mamahalin niya ako at hindi masasayang yung risk na ginawa ko na mag-open sa
tunay kong pagkatao. Sana hindi mo ako ipapahiya na baka ilang araw o buwan
lang ay tuluyan kang mawawala sa akin. Gagawin ko ito dahil naniniwala akong di
mo ako iiwan kahit anong mangyari. Gusto kong marinig ‘yun sa iyo. Sumumpa ka
muna para may panghahawakan akong lakas na tuluyan i-open sa family ko ang
tungkol sa atin. Apat na buwan pa birthday ko na, iyon ang pagkakataong
sasabihin ko na lahat. Kung hindi man ako maintindihan, alam kong nariyan kang
magiging lakas ko at sandigan hanggang darating yung araw na matatanggap din
ako. Alam kong mahihirapan sila sa una ngunit sa pagdaan ng araw ay matatanggap
din nila ang lahat.”
“Pinapangako ko sa
iyo ‘yan bhie”
“Sabi ko sumumpa
ka, ayaw ko ng pangako lang.”
“May pagkakaiba ba
‘yun?”
“Sa akin meron.
Gusto kong isumpa mo.”
“Sinusumpa ko.”
At muli naming
pinagsaluhan ang isang mainit na halik at nabigla ako ng binuhat niya ako. Wala
siyang pakialam noon sa mga nakangiting tumitingin sa amin. Pumikit na lang ako
para hindi ko makita ang reaction ng mangilan-ngilang tao na naroon pa sa
beach. At nang nasa kuwarto na kami ay doon namin itinuloy ang walang puknat at
kamatayang sarap ng aming pagtatalik.
Ngunit isang buwan
pagkatapos ng anniversary na iyon ay may mga nagbago. Pagbabagong nakapahirap
kong tanggapin. Tatlong buwan bago ang pagpapakilala niya sa akin ng formal sa
family niya ay may mga unos pang dumaan na sadyang sumubok sa katatagan ng
aming pagmamahalan. Siguro iyon ay bunga na rin sa sobrang pagmamahal. Sabi nga
nila, lahat ng sobra ay hindi na nagiging maganda. At doon ko napatunayan na
ang pagmamahal ay hindi lang puro saya, dumarating din talaga ang oras ng
pagsasakripisyo, ng pagluha, ng pagsuko kahit pa gaano katindi ang
nararamdamang pagmamahal.
Itutloy……
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento