Huwebes, Hunyo 6, 2024

Roommates/Dormmates (Part 3)

 


Roommates/Dormmates (Part 3)

 

Hindi ako mapakali dahil wala pa si Aris, Kanina ko pa nakitang pumasok na siya ng gate kasame si Rolly. Ewan ko ba kung bakit ako nag-aalala, wala naman akong paki kung ano man ang gawin nila. Pero si Rolly ang kasama niya at may nakita akong ginawa nila ni Arnold. Masama na naman ang nasa isip ko.

Bumangon uli ako, bumaba. Nakita kong tila maliwanag pa ang bodega nina kuya ng softdrinks at ibang paninda. Nagtataka ako dahil palaging patay ang ilaw doon. Nagtingin-tingin pa ako sa paligid, wala namang ibang papasukan doon maliban sa loob ng bahay nina Rolly. Baka naman doon sila pumasok.

Aakyat na sana ako ng makarinig ako ng konting kaluskos sa loob, ng bodega, may tao sa loob. Naisip kong baka magnanakaw, pero sarado ang gate at naka-lock na.

Dahan-dahan akong lumapit sa may pinto. Sinubukan kong pihitin ang door knob. Aba umikot, hindi naka lock. Itinulak kong bahagya. “Sandali lang, masakit!” ang narinig kong winika ng nasa loob. Narinig ko nang mabuti dahil sa konting siwang ng pinto, pero hindi pa rin kita ang loob.Itinulak ko pa ng bahagya,

“Putang-ina,” mura ko sa aking isipan. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Si Aris kinakantot si Rolly. Mabuti na lang at nakatalikod sila sa akin at hindi ako nakita. Kaagad na rin akong umalis, Iniwan ko na nakaawang ang pinto para maghinala silang may nakakita sa ginawa nila.

Nalungkot na naman ako. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako nasasaktan. Sira na yata ang ulo ko. Hindi ko na namalayan ang pagpasok sa loob ng kwarto si Aris

 

-----o0o-----

Maaga akong gumising para maglaba at para hindi na ako tulungan pa ni Aris, maiinis lang ako sa kanya kapag nakita ko. Isinama ko pa rin na labhan ang kanyang brief at sando. Nangangalahati na ako sa aking nilalabhan nang may magsalita sa may likuran ko. “Mabuti naman at may makakasabay akong maglaba, Hindi ka pa naman matapos Wilson di ba?” tanong ni Wesley, dormmate ko rin at taga second floor din.

Hindi pa naman, bakit? Marami ka bang lalabhan? Saka bakit ka narito, hindi ka ba umuwi sa inyo ngayon?” sunod-sunod kong tanong.

“Me ginawa kasi kami ng mga kaklase kong project, kagabi lang natapos. Eh marumi na ang mga damit ko, kaya heto, ako na lang ang maglalaba,” tugon ni Wesley. Estudyante rin na kumukuha ng architecture.

Nagkwentuhan kami habang naglalaba, mga bagay-bagay sa kursong kinukuha niya, sa hilig. Hilig daw niyang maglaro ng basketball at manood ng sine. Mahilig din siyang gumitara.

“Turuan mo naman akong mag-play ng gitara. Mahirap bang pag-aralan?” tanong ko.

“Ewan ko kasi wala namang nagturo sa akin eh, natuto na lang ako. Ngayon pwede ka nang matuto, manood ka lang sa youtube, me lesson doon. Pero ang importante eh dapat may gitara ka hehehe,” wika ni Wesley na may pagpapatawa pa.

Hangang sa pagpapatuyo nang nilabhan ay magkasabay kami at doon niya ako inaya na mag-malling at manood ng sine. Naalala kong inaya rin ako ni Aris, pero wala na akong ganang sumama pa sa kanya,

“Sige, Ngayon na lang, doon na tayo kumain ng tanghalian at gusto ko ay sa Cubao, nakakasawa na sa Manila eh hehehe.” Sabi ko.

“Doon nga kita aayain eh.”

“Okay! Sige, maliligo lang ako, message kita kapag ready na ako ha?”

Bumaba na kami, unang silid ang sa amin at ang kanila ay sa bandang dulo. Pagpasok ko ay kagigising lang ni Aris. Binati ko naman siya, kaswal lang uli, hindi ako nagpahalatang may nakita na naman ako.

“Tinanghali ka yata ng gising ah. Saan ka ba nanggaling, hinintay kita hanggang eleven eh. Ang tagal mong dumating, nakatulugan ko na tuloy ang paghihintay sa iyo.” Sabi ko.

“Napasarap ang kwentuhan namin eh, hindi ko na namalayan ang oras.”

“Sino ba ang kausap mo, si Rolly?” sunod kong tanong na alam kong ikinabigla niya. Hindi tuloy makasagot agad, parang nag-isip pa ng isasagot.

“Oo, nang matapos kaming mag-usap ng isang kaibigan eh nakita ako ni Rolly, kami naman ang nagkakwentuhan.”

“Ahhhh. Iyon palaa naman,” sagot ko sa himig na may pagdududa. Ewan ko lang kung napakiramaman niya iyon. “Sandali ha, maliligo na ako, nasa-sampayan nga pala ang mga brief mo nalabahan ko na, pati yung sando, kinuha ko na lang diyan sa lagayan mo ng maruming damit.”

“Salamat. Ako na lang sana ang naglaba, nakakahiya naman sa iyo.”

“Asus. Okay lang iyon, minsan lang naman. Sige na.’

Nagtuloy na ako sa banyo. Hinihintay kong ipaalala ang date namin, may idadahilan na sana ako sa hindi ko pagsama, mabuti na lang at nalimutan na niya o sadyang kinalimutan, malamang na nakahiging uli siya na may alam na naman ako.

Bihis na ako, tinawagan ko si Wesley sa messenger. Nasa banyo si Aris noon, ipinarinig ko ang pag-uusap namin. Nagpaalam naman ako sa kanya na may pupuntahan ako habang naliligo siya..

Mabilis naman kaming nakarating ni Wesley, sa LRT kasi kami sumakay. Sa Cubao Station kami bumaba sa may Gateway Mall.

“Nakapasok ka na ba sa sinehan na iyan?” tanong ni Wesley na itinuturo ang isang sinehan sa tapat ng mall.

“Hindi pa, Minsan lang kasi akong magawi rito. Bakit ba?”

“Wala naman, may nakapagsabi kasi sa akin na may mga kakaibang nangyayari sa loob ng sinehang iyan,” sabi ni Wesley.

“Ano naman daw iyon?”

“Nababalitaan mo naman siguro yung ilang lumang sinehan sa Recto at sa Avenida, yung alam mo na, Ganun din daw diyan.” Ani pa ni Wesley.

“Meron pang isa sa banda roon, ano nga bang pangalan nun? Nalimutan ko na. ‘Lika na, kumain kaya muna tayo malapit na lang ding mag alas dose.” Aya ni Wesley.

Kumain na kami sa fastfood center ng mall. Syempre, may kwentuhan. Masarap din kasama itong si Wesley, matagal na kaming nagkakasalubong sa dorm, pero hanggang sa ngiti at tango lang, pero ngayon ay parang close na kami kaagad. Palabiro kasi siya at matatawa ka naman sa pakwela niya. Kung gandang lalaki naman ang paguusapan, walang panama si Daniel hehehe.

Tumagal siguro kami sa fastfood center na iyon ng mahigit isang oras, nakakalibang kasi ang aming kwentuhan. Simula kasi ng magkwentuhan kami ay masasabi kong mayroon kaming chemistry.

Pagkakain namin ay bumili na siya ng tiket para sa pelikulang napili namin. Naghintay pa kami ng kalahating oras bago ang showing. Paglabas ng sinehan ay naglibot-libot lang kami sa loob ng Mall at bandang hapon na kami umuwi.

Pagpasok ko sa aming kwarto ay naabutan kong nanonood sa maliit naming TV si Aris. May nakita akong dalawang basyong bote sa ibabaw ng lamesita habang ang isa ay hawak pa niya.

Ewan ko, parang na-guilty ako, kasi inaya rin niya akong mag-malling at manonood daw kami ng sine, pero ano itong ginawa ko, sa iba ako sumama. Pero masisi ba niya ako? Ayoko sa marupok, ayoko sa… ah basta.

“Bakit naman sa iba ka sumama, hindi ba nagusap na tayo kahapon? Galit ka ba sa akin? Akala ko ba eh nagka-unawaan na tayo!” may higing ng pagtatampong wika ni Aris.

Hindi ko malaman ang isasagot, dapat ko bang sabihin ang nakita ko kagabi kaya nawalan ako ng ganang sumama sa kanya? “ Ah eh… eh… nalimutan ko kasi, hindi mo naman kasi pinaalala, saka natutulog ka pa kasi eh. Nakatapos na akong maglaba ay nakahilata ka pa kaya. Napuyat ka yata kagabi eh, saan ka ba nagpunta pa at hindi ko na alam ng dumating ka. Past eleven na kaya akong natulog.”

Siya naman ang natigilan, biglang natameme, wala kaagad naisagot. Alam ko naman kung magdadahilan siya ay hindi iyon totoo. Kung aamin siya ay siguro hihingi ako ng paumanhin sa kanya.

Wala yatang maisagot. “Alam mo ba na bumaba pa ako para tignan ka, Nag-aalala rin kasi ako, kaso naka lock naman na ang gate. Wala na akong alam kung saan ka pwedeng hanapin. Pero bukas pa ang ilaw ng bodega ni Kuya gayong sarado na ang karinderya nila. May kumaluskos pa nga eh. Hindi ko na inalam kung bakit, baka kasi naiwan lang bukas ang ilaw,” dagdag ko pa.

Lalo siyang walang naisagot, tumayo at bumaba na lang basta dala ang mga basyo ng beer, isosoli na siguro kay Kuya.

Parang may cold war na naman kami, wala na namang kibuan. Inaya ko pa na kumain na ng hapunan bandang alas-syete, pero busog pa raw siya at walang gana. Nang kumakain na ako ay nalaman ko kay Kuya na kumain na pala siya, kasi tinanong ako kung bakit hindi kami nagsabay pa. Hindi ko na lang ito sinagot.

Isang lingo na ang lumipas ay nag-iiwasan pa rin kami, Kadalasan ay hindi ko na siya naabutan sa umaga, nakapasok na siya ng trabaho, at sa gabi naman ay tulog na pag dating ko. Sa araw ng dayoff naman ay tila wala lang, tahimik kami pareho. Gusto ko mang kausapin ay nag-aalangan ako, baka kasi mapahiya pa ako. Ayokong-ayoko pa naman na kapag kinausap ko ay hindi ako sasagutin, yung parang babale-walain lang ako. Siya na lang ang mauna, wala naman akong kasalanan sa kanya eh. Siya ang may ginawang mali.

-----o0o-----

Nabobore ako sa aming silid, may kasama nga ako, pero parang pipi. Wala rin si Wesley dahil sa umuwi ito sa kanila. Kaya ang ginawa ko ay bumaba ako, naka-short lang ako at tsinelas. Ni hindi ako tinanong ni Aris kung saan ako pupunta, dedma lang. Lalo lang akong nainis.

Sa ibaba ay wala naman akong maisip na tambayan. Naglakad-lakad ako sa labas, Ewan ko, bigla ko na lang naisip na pumunta ng cubao,  Nag LRT uli ako. Naalala ko ang kwento ni Wesley nang bumaba ako sa may Gateway Mall.

Tinanaw ko ang sinehan mula sa ibaba ng mall, mukhang ayos naman; Curious din ako kaya tumawid ako sa kabila at nagtingin ng mga picture na naka-display. Lumang movie naman ang palabas. Naisip kong manood, hindi pa kasi ako nakakasaksi ng sinasabing kababalaghan sa loob ng sinehan kaya heto bumili ako ng tiket. Mabuti na lang at naka cap ako at may dala ring facemask.

Pagpasok ko ay nagmasid-masid lang muna ako sa loob, tumayo muna ako doon sa may harang bago ang hilera ng mga silya, inaadjust ko pa ang aking paningin. Nang malinaw na ang tingin ko ay kokonti naman ang nanonood, luma na kasi ang palabas. Naupo na ako doon ako sa gilid sa may aisle para madali lang makalabas. Hindi pa ako nagtatagal ay may naupo na sa may harapang silya kung saan ako nakaupo.

Wala namang problema, kaso ay lingon ng lingon sa banda ko, ewan ko kung bakit. Ito na kaya ang sinasabing kababalaghan at natipuhan pa ako. Kinabahan ako hindi dahil takot, yung parang excited baga. Para bang gusto ko na may mangursunada sa akin, maranasan ko ang nararansan ng iba sa ganitong sitwasyon, sex in public places hehehe.

Tumayo ako at tinungo ang CR, nasa labas ang CR, sa may lobby. Sinundan ako ng lalaki, natandaan ko dahil sa tshirt niyang stripes. Hindi naman niya ako makikilala dahil naka facemask ako at naka cap pa. Hindi niya mabibistahan kung gwapo ba ako o pangit, alam ko na syempre, mapili rin ang mga bading, gusto nila eh kagaya kong pogi hehehe.

Wala namang itong ginawang move. Balik ako sa loob, sa pagkakataong ito ay gumitna-gitna ako, para may space na mauupuan siya sa tabi ko na hindi kailangang makiraan. Nakita ko kasing bata pa ang lalake at parang estudyante at gwapo. Hindi naman siya mukhang bading. Hala, baka ako ang pinaghihinalaan nitong bading na nanghahada. Halata bang bading ako? Manigas siya, maaring bading nga ako pero hindi ko ugali ang manghada, pahada siguro, pwede pa.

Gaya nang inaasahan ko at ninanais, naupo nga si pogi sa tabi ko. Kaagad binunggo nito ang tuhod ko ng tuhod niya, para-paraan talaga. Nag-excuse naman, pero alam ko sinadya niya iyon.

Diretso lang ang mata ko sa screen, kunwari ay hindi ko siya pansin, pero nakikita ko sa gilid ng aking mata na panay ang tingin niya sa akin, tapos ay naramdaman ko na lang ang pamamasyal ng kanyang kamay sa aking hita.

Nilingon ko ito, nakiliti kasi ako. Aba ngumiti pa, nakita ko tuloy ang kanyang mapuputing ngipin na pantay-pantay, walang sungki.

Dahil gusto ko ang ginagawa niya at guso kong ma-experience ay hinayaan ko lang itong pangahas na lalaking ito. Pangahas talaga at walang takot dahil sa hinimas na niya ang harapan ko na medyo tigas na at pagkatapos ay pinisil, tuluyan nang nanigas ang aking ari.

Aba, lumalabis na talaga ang lalaking ito, mabilis nang nabuksan ang zipper ng short ko at nadukot sa loob ng aking brief ang matigas kong ari, sinalsal niya iyon hanggang sa tuluyang isubo. Tangina! Ang sarap pala talaga ang matsupa, ngayon ko lang naranasan na may sumubo a aking burat. Dahil sa first time ko at talaga namang nasarapan ako ay kaagad din akong nilabasan.

Para naman akong natauhan, mabilis kong naisara ang aking pantalon at mabilis na naglakad papalabas ng sinehan, dirediretso ako sa ibaba at tumawid sa kabila. Naglakad-lakad na ako sa loob ng mall.

Wala naman talaga akong balak na mag-mall kaya bumalik na ako ng dorm, wala si Aris. Marahil ay na bore din dahil sa walang makausap. Natulog na lang ako,

Hapon na nang magising ako, naroon na si Aris. Bumangon ako at nagbanyo, pagbalik ko ay “Gallit ka ba sa akin? Ano na naman ba ang ikinagalit mo?” si Aris, inabangan siguro ang pag-gising ko.

Aba! May gana pang magtanong. “Siguro, alam mo na namang kung bakit. Huwag ka nang mag-maang-maangan pa. Alam mo para hindi na tayo ganito na parati na lang nagkakasamaan ng loob ng wala namang dapat, kung wala nga, eh kinausap na namin ni Wesley si Renz, yung ka roommate niya, Gusto kong makipag-palit sa kanya doon na ako kay Wesley at si Renz ay dito na kapalit ko. Pumayag ka sana dahil ang pagpayag mo na lang ang hinihintay namin. Mas mabuti na ang ganon dahil hindi kita mapapansin sa ginagawa mo. Isa pa, hindi rin kasi magkasundo si Wesley at Renz gaya natin, mas bagay na kayong dalawa ang magsama,” mahaba kong litanya.

“Bahala kayo sa buhay ninyo, wala akong pakialam sa kasunduan ninyo!”

Ewan ko, sukol si Aris, hindi nakapag-rason, alam kasi niya ang tinutukoy kong dahilan.

Biglang pumasok sa isipan ko ang ginawa ko kanina, parang nagsisisi ako na ewan ko. Pero mas matimbang na parang gusto kong bumalik. Shet, ano ito, kagaya na rin ba ako ni Rolly at nang ibang ka dormmate ko. Bakit hindi ko gapagangin si Aris, matagal ko nang gustong may mangyari sa amin, kaya lang ay hindi naman siya kumikilos. Dapat siguro na ako na ang kumilos. Pero hindi, paminta kaya ako hehehe.

Lunes, nagulat ako ng bandang 6 ay nakita kong nakapila si Wesley sa counter sa aming resto, bumili pala ng fries at drinks tapos ay naupo na, hindi ako napansin. Hindi ko alam kung talagang sinadya niya akong puntahan. Dahil hindi pa naman ako masyadong busy ay nilapitan ko siya. “Nagawi ka yata rito, meron naman kaming branch na malapit sa inyong kolehiyo,” sabi ko na hindi niya pa ako nakikita.

“Hey hahaha. Mabuti at nakita mo ako, talagang pinuntahan kita, wala naman akong gagawin sa dorm, maiinis lang ako sa aking roommate. Ano, nagkausap ba kayo ni Aris?”

“Ay oo, mukhang ayaw, walang sinabi, tinalikuran lang ako, gago kasi ang mokong na iyon eh.”

“Ganun ba, sayang. Masaya sana kung tayo ang magkasama ano.”

“Ewan ko lang din, kasi naman, gabi na ako dumarating, malamang tulog ka na rin noon, hindi rin tayo masayadong magkakausap.”

“Hapon kaya ang klase ko, pwede tayong magpuyat hehehe.” Sagot ni Wesley. “Hintayin na kita hanggang sa pagsasara ninyo, okay lang ba?”

“Ikaw ang bahala, baka mainip ka.”

“Hindi. Dito ko na gagawin ang assignment ko at dito na rin ako mag-aaral ng lesson ko para bukas.”

“Sige, hindi kita maasikaso ng husto ha. Mamaya ay busy na naman ako. Sige ha, mamaya, sabay tayong kumain, sagot ko na ang dinner mo.”

“Yes!”

Natawa naman ako sa reaksyon niya.

Naging close na kami ni Wesley, kabaligtaran naman ng kay Aris. Unti-unti ay nawawala ang crush ko sa kanya.

Sa pag-uwi ko ay minsan sa room ni Wesley ako tumatambay, inaabot na nga ako ng halos midnight. Hindi naman talaga puyat, kasi ay 10 o 11 am naman ako nag-oopisina. Officially ay 1pm naman talaga ang simula ng aking duty dahil me naka-duty sa umaga. Ewan ko kung anong feeling ni Aris, palagi kasing nakasimangot, siguro Nanay niya si Aling Simang simangot hehehe.

Sabado, nadinig kong may kausap si Aris sa phone habang nagsesepilyo ako sa banyo. Mukhang may date sila ni Noel, aalis sila ng Lingo, ewan ko lang kung magpapaalam pa sa akin. Matagal-tagal na rin namang wala kaming pakialamanan, ewan ko nga ba kung bakit ayaw pang pumayag na si Renz na lang ang pumalit sa akin na roommate niya, siguro ay nangiinis lang talaga.

Malamang ay ma-bore na naman ako dahil umuwi si Wesley sa kanila noong pang Friday at wala namang sinabi na babalik ng Sunday. Haaay nakakainis.

Sunday, tinatamad talaga ako, kaya ang ginawa ko ay nagpa-laundry na lang ako at yung maliliit na damit tulad ng brief ang nilabhan ko. Hindi naman talaga ako nagpapa-laundry ng brief, nakakahiya hehehe. Baka may mantsa pa ang pundilyo eh hahaha.

Heto, wala na naman akong magawa. Nakakainip talaga, Ayaw ko namang tumambay sa karinderya, nag-aamoy ulam ako hehehe. “Bakit kaya hindi uli ako manood ng sine doon sa Cubao?” ang naisip kong gawin.

Ang bilis ng aking desisyon, gumayak ako kaagad. Tsinelas lang uli, ang suot ko, leather naman iyon at walking shorts. Syempre kelanagan discreet ako, nag-cap ako at may dala rin akong face mask, buti na lang at hindi na pinapansin ang taong naka-face mask. Dati kasi eh kung hindi may sakit at baka daw holdaper ang nakatakip ang bibig.

Nasa lobby pa lang ako ay gulat ako dahil nakita ko ang isa kong ka-dormmate na palaging kasama nina Noland at Bernard at maging ni Arnold. Nakita niya ako, hinintay kong batiin ako, pero hindi,. Dahil sa nakatakip ang mukha ko at naka-cap pa na halos hindi makita ang aking mata ay hindi niya ako nakilala. Masama kaagad ang naisip ko, advance talaga ako kung mag-isip.

Pumasok na akong una, nagsigarilyo pa kasi siya. Naupo ako sa dati kong inupuna noong may chumupa sa akin, sa medyo gitna rin, madilim kasi sa bandang  iyon, ayaw kong makita ako ni Rexy, yung dormmate ko.

Tahimik lang ako nang may tumabi sa akin. Nang aking lingunin ay laking gulat ko dahil si Rexy iyon. Patay ako, anong idadahilan ko kapag nakilala niya ako, baka mabisto pa na bading ako.

Pero ano naman kaya ang ginagawa nito sa sinehang ito ng pugad pala ng mga bading at lalaking mahilig sa sandaling ligaya gaya ko, tangina. Gusto ko nang lumabas, pero baka lalo itong maghinala na may ginagawa akong kahalayan. Shet, malaking iskandalo ito sa dorm kapag nagkataon.

 

 

 

 

*****Itutuloy*****

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Babalik Na Si Kuya

  Babalik Na Si Kuya   Matiyaga akong nakatambay sa termainal ng bus dito sa bayan, darating kasi ang aking kuya na matagal nang hindi u...