Sabado, Hulyo 20, 2024

Kwento ni Ambeth (Part 14) - Sa Dromitory ni Kuya

 


Kwento ni Ambeth (Part 14)

Sa Dromitory ni Kuya

 

College na ako. Sa isang sikat na unibersidad sa Maynila ako kumukuha ng kursong Fine Arts. Panibagong pakikisalamuha na naman at karanasan ang tinatahak ko sa ngayon.

Ang pantasya kong maging kami ni Sonny ay inalis ko na sa aking isipan, napatunayan kong babae ang gusto ni Sonny. Pero hindi ko parin inaalis ang paniniwala na magkakaniig pa rin kami hehehe, pareho kasi kaming malibog. Ang huli naming pagtatalik ay naganap noong nalasing siya matapos malaman ang pangloloko sa kanya ng kanyang nobya.

Nagkikita pa rin naman kami sa aming bayan, kapag umuuwi kami pareho, pero bihira na nga lang, may kanya-kanya na kasi kaming lakad at bagong mga kasama at kaibigan.

-----o0o-----

Nalalayuan ako sa kasalukuyan kong tinutuluyan, Itinira ako ng aking Nanay sa isa niyang kaibigan na nagpapa-board. Okay sana, kaya lang nasa parteng project 2/3 iyon. Isang sakay lang naman, kaya lang ay higit isang oras din ang biyahe papuntang unibersidad namin na nasa EspaƱa, ang hirap pang sumakay lalo na kapag umuulan. Kaya nagsabi ako kay Nanay na gusto kong lumipat ng ibang boarding house, yung malapit sa aming unibersiad.

May sinabi sa akin ang isa kong kaklase na may alam daw siyang boarding house na malapit lang sa aming school, pwede pa raw lakarin lang, makakatipid na ako sa oras sa byahe, makakatipid pa ako sa pamasahe. Sinabi kong lahat iyon sa aking nanay, pumayag naman ito.

Kaagad akong nagpasama kay Liza, ang aking kaklase at nagpasama sa nasabing boarding house. Sakto naman na may bakante pa raw na isa.

Dalawahan daw ang bawat kwarto, pinakita ni Kuyang may-ari sa akin ang nasabing kwarto.

Tatlong palapag ang dormitoryo, pero dalawang palapag lang ang pinauupahan. Ang ground floor ang inookupa ni Kuyang may-ari at mayroon silang karinderya doon. Tamang-tama, hindi ko na poproblemahin pa ang kakainin ko dahil doon na lang ako kakain sa karinderya.

Apat na kwarto mayroon sa second floor at tatlo sa third floor, May parang rooftop sa third floor na open na ginawang sampayan ng mga boarders.

Malalaki naman ang bawat kwarto at ang maganda pa ay may sariling banyo ang bawat kwarto.

Bawal magluto sa loob ng kwarto, pero may inilaan naman lutuan para sa boarder kung gusto nilang magluto. Pero sabi ni Kuya ay hindi na raw nagluluto ang karamihan sa boarders at doon na lang sa karinderya niya kumakain, mura lang daw naman ang ulam, may discount pa sa mga boarders.

Sa Madaling salita ay nagkasundo kami ni Kuya, nakatipid pa nga ako dahil sa mas mababa pa ng 200 pesos ang renta ko kesa doon sa bording house ng kaibigan ni Nanay. Nagkasundo kami na maglilipat ako sa darating na Sabado dahil kakausapin ko pa ang dati kong landlady para makuha ko rin ang aking deposit. Nakapagbayad naman na ako ng deposit at advance payment na 1 month kay Kuya.

-----o0o-----

Sabado ng umaga ako lumipat, wala naman akong masyadong gamit, mga damit lang, at gamit ko sa eskwelahan. Wala roon ang aking roommate, ang sabi sa akin ni kuya ay isa ring estudyante at Justine ang pangalan. Umuuwi raw ito sa kanila tuwing Friday after na class nila at nabalik sa gabi ng Sunday. Mabuti naman at wala akong abala sa pag-aayos ng aking gamit. Itinuro naman sa akin ni Kuya ang aking cabinet.

Maayos naman ang silid, malinis. Pagsapit ng 12 ay bumaba ako at kumain sa karinderya ni Kuya, Marami pala talagang kumakain doon, mura daw kasi at masarap. Mabuti na lang at may naupuan pa ako, naki-share ako sa nagiisang kumakain sa isang mesa.

“Ikaw ‘yung bagong lipat sa room 21?” tanong ng lalaking naka-share ko sa mesa.

“Oo, ako nga. Dito ka rin ba nagre-rent?” tanong ko.

“Hindi, anak ako ng may-ari, ako nga pala si Rolly,” pakilala sa akin ng anak daw ni Kuya.

“Ako naman si Ambeth.” Kumusta naman dito, makakasundo ko ba ang ibang tenant dito?’

“Ay oo naman. Mababait ang pinipili ni Papa na titira dito, hindi pwede ang luko-luko. May mga konting gusot din naman, pero naayos din naman kaagad. May nakilala ka na bang iba rito?”

“Wala pa, ikaw pa lang.”

“Makikilala mo rin sila. Mamaya akyat ako sa kwarto mo, kwentuhan tayo ha, kung hindi abala sa iyo hehehe.”

“Okay sige. Sa bandang hapon na lang, nag-aayos pa kasi ako ng mga gamit ko saka may gagawin pa akong iba.”

“Okay.”

Nagpatuloy na ako ng pagkain, nauna siyang nakatapos at nagpaalam na rin sa akin.

-----o0o-----

Hapon, bandang 4 na nang may kumatok sa aking pintuan, si Rolly pala, may dalang dalawang soft drinks at chitchirya. Inabot sa akin ang isang softdrinks na maliit lang naman. “Eto o, hindi ka yata nagmiryenda,”

“Salamat, hindi pa naman kasi ako gutom eh, ang dami ko kasing nakain kanina.”

“Ayos ka ba naman diyan?”

“Oo, malinis naman ang silid, maayos eh, mabango pa,”

“Si Justine. Oo maayos iyon, sobrang linis, ayaw ng madumi at magulo, pero mabait iyon, gwapo pa, mas gwapo ka naman hehehe. Alam mo nagkakataon naman na puro gwapo ang nagrerenta dito gaya mo.”

“Hindi ako gwapo, maganda, hehehe,” biro ko.

“Bading ka? Hindi halata,”

“Weh. Hindi ko naman inililihim ang kasarian ko, hindi lang talaga ako mahilig magayos at magbihis babae, gusto ko pa ring magdamit ng sa lalaki. Hindi ko lang talaga makayang umarte na parang tunay na lalake.”

“Alam mo, maraming bading dito dati, isa na ako hehehe, secret iyon kay Papa. Gaya mo, lalake ang gusto ko, pero hindi rin ako nagbibihis nang babae.”

“Talaga ba?”

“Yung kaalis lang dito, muntik pa ngang magahasa ng isa naming tenant eh, hindi lang natuloy, pinainom ba naman ng pampalibog yung lalaki, umalis na rin dito si Wilson. Yung manggagahasa sana ay si Bernard at Noland, pinaalis na ni Papa, ayaw daw ng ganon.”

“Mabuti naman, delikado pala tayo kung narito pa siya hehehe. Rolly, sabi mo ay bading ka rin, ibig bang sabihin may mga gwapo ka nang natikman dito hehehe?”

“Oo naman, pero huwag mong mabanggit-banggit ke Papa ha! Wala siyang alam sa mga ginagawa ko ritong kalandian.”

“Me pumapatol naman.”

“Wala nang pogi na hindi pumatol sa bading Ambeth.”

“Hindi naman siguro lahat.”

“Yung kapit-kwarto mo, sa room 22, si Arnold, parang syota ko na iyan eh, kaya huwag mo nang didiskartehan ha.”

“Hoy ano ka ba, hindi ako ganoon, bading ako, pero hindi ako nanghahada, ang gusto ko ay yung mamahalin ako.”

“Meron ditong tenant na tila ibinahay na ng bading. Solo lang ito, ayaw ng bading na may kasama sa silid kaya bale dalawa ang binabayad nito.. Ang balita ko eh pinapag-aaral na ng mayamang bading, hindi nga lang pwedeng magsama dahil sa ayaw payagan ng magulang na magboard, magagalit. Hatid-sundo pa ng kotse yung bading kapag pumapasok sa isang exclusive na paaralan eh. Paminsan-minsan lang nagagawi dito at syempre pag nagawi eh alam mo na.”

“Talaga ba? Anong pangalan at saang room siya?”

“Sa third floor at …”

Hindi na naituloy ang sasabihin ni Rolly dahil sa may tumawag sa kanya, ang kanyang papa. Kaagad na siyang bumaba.

-----o0o-----

Linggo, dumating na ang aking roommate. Tama si Rolly, gwapo nga siya at sobrang neat kung manamit. Hindi naman siya bading sa palagay ko, pero sobrang linis manamit.

“Hi, ako nga pala si Ambeth ang bago mong ka roommate,” pakilala ko sa aking sarili.

“Ako naman si Justine. Swerte mo, kaalis lang ng kasama ko dito, si Aries. Kasi lumipat na siya ng tirahan, ang paalam sa akin ay magsasama na daw sila ng syota niyang bading. Ay sorry, bading ka rin di ba?”

“Oo at proud bading ako hehehe.”

“Oo naman, wala namang akong tutol sa mga bading, masarap ngang maging kaibigan ang bading eh.”

“Kaya lang, baka hindi ako ang bading na gusto mo, tahimik kasi ako at hindi umaakting na magaslaw. Mabuti na okay lang sa iyo na bading ang ka-roommate. Hindi ka ba natatakot na baka gapangin kita?”

“Bakit naman ako matatakot, sa laki ng katawan ko at nipis naman ng sa iyo, eh baka may kalagyan ka kapag ginawa mo iyon. Okay lang sa akin ang bading, huwag lang bastos gaya ng iba.”

“May karanasan ka na rin ba sa bading?”

“Oo naman, meron pa bang lalaking wala… hehehe. Pero pumapatol lang ako sa disenteng bading, malibog din kasi ako eh at takot na makabuntis. Kaya para makaraos, pumapatol ako sa bading, karamihan naman ng pinatulan ko ay parang tunay na lalaki, mga gym buff hehehe, sa gym nga ako nahuli eh. Hoy Ambeth, hindi madalas, minsan lang, promise.”

“Binabayaran ka? Sorry sa term ha, kasi ang alam ko sa mga lalaking pumatol sa bading ay dahil sa pera, ikaw rin ba?”

“Hindi ah, nireregaluhan, tinatanggap ko naman, hindi naman pera eh, in kind, tulad ng sapatos, load sa CP. Hoy! Ang dami mo nang alam sa akin, ikaw ba.”

May naging jowa ako sa aming bayan, isang dating kargador sa palengke. Niligawan talaga ako, nagsabi pa sa nanay ko na liligawan ako at nagpunta nga sa aming bahay para manligaw. Gwapo siya, matipuno ang katawan gaya mo. May nangyari din sa amin, siya ang una at huli, kasi iniwan din ako, ipinagpalit ako sa mayamang bakla.”

“Ganon. Ibig sabihin ay hindi ka talaga niya mahal. O baka naman may dahilan. Nag-usap ba kayo bago kayo naghiwalay.”

“Hindi na eh, ano pa ba ang pag-uusapan, pera iyon, wala ako nun. Kumain ka na ba, tara sa baba, kain na tayo.”

Mabuti naman at kokonti pa ang kumakain. Doon kami naupo sa isang mesa na may dalawang kumakain, mga boarders din pala dito.

“Rexy, si Ambeth, bago kong roommate at kagaya mo rin siya, disente nga lang hindi gaya mo. Ambeth siya si Rexy, sa third floor siya, Room 31.”

Nagtanguan naman kami at nagngitian. “Grabe ka naman Justine, bakit ba, hindi ba ako disente. Sa kama lang ako hindi disente no, alam mo iyan.”

“Gago ka talaga, kelan kaya kita nakasama sa kama. Si Arnold yang katabi mo Ambeth, kapit kwarto lang natin,” pakilala ni Justine sa isa pa. May ibinulong pa sa akin si Justin, “Syota iyan ni Rolly, yung anak ni kuya,” wika pa niya na palihim na tumingin kay kuya at parang ayaw iparinig.

“Ano naman yang ibinulong mo Justine, sinisiraan mo ba ako sa bago nating dormmate ha, ikaw talaga. Marami akong alam sa iyo.”

“Alam na niya, kinuwento ko na, ano pa ang sasabihin mo.”

“Alam mo Ambeth, lahat dito ay magkakaibigan at magkakabiruan. Kaya masanay ka na ha, baka pikon ka ay lalo ka nilang bibiruin.” Sabi ni Rexy.

“Sanay ako sa biruan. Pero syempre, huwag namang below the belt, saka walang personalan hehehe.” Sagot ko naman.

Matapos kumain ay umakyat na kami kaagad. Pagpasok namin sa silid ay kaagad na kumuha ng twalya sa kanyang cabinet si Jusitine at maliligo daw muna bago matulog. Maaga daw siyang matulog dahil sa alas otso ng umaga ang kanyan first subject.

Inamoy ko ang aking sarili, medyo maantot na nga dahil sa hindi pa ako naligo matapos akong mag-ayos ng aking gamit. Naghanda na rin ako ng twalya at maliligo na rin ako pagkatapos niya.

Hala, sobrang tagal palang maligo nitong si Justine, grabe, kalahating oras na ay hindi pa lumalabas ng banyo, matatae pa namn ako. Gusto ko na sanang katukin at baka may nangyari na sa kanya. Hayum after 40 minutes, lumabas na rin.

“Nainip ka ba Ambeth? Pasensya ka na hah, ganon talaga ako maligo, masanay ka na hehehe,” sabi ni Justine.

Hindi naman ako kaagad nakasagot, napatuong ang aking tingin sa maganda niyang katawan. Nakatapis lang siya at prominent ang bukol niya, wala pa sigurong suot na brief.

Pormado na ang mga muscles sa buong katawan, tamang tama lang. Tangina, gusto kong lapain kaagad. “Hinay-hinay Ambeth, hindi mo pa kilala iyan, baka ka masaktan,” paalala ng aking isipan sa akin.

“Oh, bakit para kang natuka ng ahas diyan, nakanganga ka pa. Hoy Ambeth ha, binabalaan kita, alam mo na ang ibig kong sabihin,” paalala ni Justine.

“Hoy Justine ha, sobra ka naman. Bawal bang humanga? Ayaw mo bang mapuri ang kagandahan ng katawan mo? Hindi lang ikaw ang nakitaan ko ng magandang katawan, marami, isa na roon ang ex ko. Saka ako ang nililigawan, hindi ako ang nanghahada. Hindi kita type, sinasabi ko na sa iyo.”

“Pikon ka ha. Hindi ba sinabi na namin sa iyo na bawal ang pikon? Hindi din kita type, kung type kita eh hinalikan na sana kita hehehe.”

“Makaligo na nga, baka kung saan pa mapunta ang ating usapan,” pagtatapos ko sa aming usapan. Tumalikod na ako, dala ang mga pamalit kong damit.

Sa aking paliligo ay si Justine pa rin ang nasa isipan ko. Totoong gwapo siya, makisig, matipuno ang pangangatawan, sakto para sa aking ang kanyang katawan, matambok ang dibdib, ang braso at binti ay parang sa isang atleta, halatang alaga ang katawan sa gym. Para lang hindi bagay sa kanya ang maamong mukha, kasi eh maangas kung magsalita, para bang may yabang.

Hindi rin maipagkakaila na may ipagmamalki, ang sarap niya siguro. Ilan na kaya ang nakatikim ng kanyang hotdog? Hehehe, sana ako rin.

-----o0o-----

Naka isang linggo na ako sa dormitory ni Kuya, nakilala at na meet ko na ang iba pang tenant, tulad ni Jepoy na roommate ni Arnold, room 22 sila katabi ng sa amin. Sa room 31 ay kasama ni Rexy si Reynold. Yung iba ay hindi pa lalo na yung sinasabi ni Rolly na nagsosolo sa room 33, yung katabi ng open area na sampayan.

Maayos naman kasama si Justine, kahit papano ay nagkakakilanlan na kami ng aming ugali, kaya naman pakisamahan.

Sa paglipat ko ay hindi na ako palaging nagmamadali, pwede akong gumisng ng medyo tanghali na dahil 9AM ang una kong subject at saka nilalakad ko lang. Pwede namang mag-tricycle, pero iikot lang ng konti dahil kelangang tumawid sa kabila hehehe. Ginawa ko minsan iyon ng may konting baha sa daraanan ko.

Maaga rin ang uwian ko, 3PM ay tapos na ang last subject ko Naglalakad ako ng ma-pahinto ako dahil parang nakita ko si Ernest sa tapat ng dormitory.

 

 

 

>>>>>Itutuloy<<<<<

1 komento:

  1. OMG!!! :-() Ang muling pagkikita. Ano ang lihim ni Ernest? Magkabalikan kaya sila (Sana, I really love happy ending). love you, Author!

    TumugonBurahin

Gupit

  Gupit   “Mauro… may kilala ka bang barbero? Yung pwedeng mag-home service?” tanong ko sa kasama ko sa bahay na si Mauro. Kuya meron....