Huwebes, Setyembre 5, 2024

Call Boy (Part 4)

 


Call Boy (Part 4)

 

Kumita ako kaagad sa unang sabak ko sa pagko-call boy. Malaki pala talaga ang kinikita ng mga call boy at simula pa lang ito.

-----o0o-----

Sa aking pagko-call boy ay may nakilala rin akong isang call boy, si James. Siya yung tipo ng call boy na may class. Maganda ang mga kasuotan, maraming alahas. Tinuruan niya ako para makakita ng mayayamang customer. Hindi daw lahat ng customer ay bading, may ma tunay daw na lalaki na mas nasisiyahan sa serbisyo ng isang lalaki rin. Sila yung hindi pumapatol sa bading.

Doon daw ako magtatambay sa mga lobby ng hotel sa bar na medyo sosyal at kung ano ano pa. Ang presyohan, depende daw sa gusto nilang mangyari.

Mas marami din naman daw na paminta siyang naseserbisyuhan at pawang malalaking magbayad dahil kung hindi negosyante ay anak mayaman at discreet iyon.

May nakita si James na kakilala, nilapitan siya nito at ipinakilala ako. Sandali lang naman silang nag-usap dahil may meeting daw doon. Hiningi na lang nito ang aking phone number.

Simula na iyon ng pagkakaroon ko ng kontak at alam kong dadami pa iyon.

-----o0o-----

Isang gabi ay may tumawag sa akin, wala sa aking kontak ang number niya. Si Kyle daw siya. Nang tanungin ko kung saan nakuha ang number ko ay ayaw niyang sabihin kung sino. Okay na rin naman sa akin. Gustong makipagkita sa akin ayaw daw niyang makipag-bargain sa telephone kaya pumayag akong makipagkita sa kanya, sa isang resto bar sa isang mall kami nagkita.

Pupunta raw ng Boracay si Kyle at gusto niya ay may kasama. 4days 3nights daw siya roon. Tinanong ako kung magkano daw ang aking sisingilin, gusto lang daw niyang may kasama at hindi importante sa kanya ang sex. Sakaling may sex na mangyari ay bukod daw ang ibabayad sa akin. Wala akong ideya pa kapag ganoon, siya na lang ang nagkusa. Binigyan niya ako ng 50K. Napa wow ako sa sarili. First time na isasama ako sa bakasyon eh kikita pa at all expenses ay sagot niya.

Wala naman kaming intimate na ginawa, sadyang gusto lang ng kasama. At dahil hindi naman talaga ako boring na kasama dahil likas na masayahin ako ay tuwang-tuwa siya sa akin. Nang huling gabi na namin ay ako na ang kusang tumabi sa kanya, at sinabi ko na wala ng extra charge dahil naging mabait siya sa akin. Pinaligaya ko siya nung gabing iyon.

Pag-uwi namin ng Manila ay binigyan pa niya ako ng another 10 K. Mukhang yayaman talaga ako.

Naging paborito akong kasama ni Kyle. Basta gusto niyang magbakasyon ay ako ang tinatawagan at isinasama, syempre, bayad ako.

Dumami ng dumami ang mga customer ko at pawang mayayaman. Sa totoo lang ay malaki na ang naiipon ko. Iba-ibang klase ng tao ang naging, cutomer ko. At totoo ang sinabi ni James na may tunay na lalaki na bumabayad para lang makipag-sex sa isang lalaki rin.

May naging cutomer akong pulis, sundalo, general pa nga yata, professor sa isang unibersity, doctor, abogado, pawang mapepera. Para naman sa kalusugan ko ay palagi akong gumagamit ng condom at regular ang check-up ko. May medical certificate nga ako buwan-buwan.

Pero ang lahat ng bagay ay may katapusan, maaring maganda dahil sa nagkapera na at sinuwerte sa negosyo kaya huminto na, meron naman minalas. Basta may nangyari sa akin  na nagpabago sa takbo ng aking buhay.

-----o0o-----

Tumambay ako sa lobby ng isang hotel sa may Luneta. Syempre, alam n’yo na ang pakay ko. Kaso medyo inaalat yata ako. Dati rati ay marami na akong nakakausap doon ng mga kakilala, hindi man nagpapa-book ay nakakausap ko. Kadalasan nga ay nalilibre ako ng lunch doon.

Inabot na ako ng gutom, nag-iisip ako kung doon ako kakain. Alam naman ninyong mahal doon ang pagkain. Pero inisip ko na baka makakita ako ng customer na kumakain doon. Nagpasya na akong doon kumain. Nag-stay ako roon ng higit isang oras, pero mabobokya yata ako. Nakakahiya din naman na mag-stay ng matagal kaya hiningi ko na ang bill at pagkabayad ay lumabas na ako ng restong iyon. May narinig pa akong bulong ng isang waiter na, “call boy iyon. Sayang ano, ang gandang lalaki, hindi na lang nag-artista”. Hindi naman ako na-offend sa narinig kong iyon, medyo natuwa pa nga ako eh hehehe, artistahin daw ako.

Naupo muna ako sa lobby at nakinig ng tumutugtog ng piano ng may lumapit sa akin at kinausap ako. “Brod, kung pwede ka raw makausap ng boss ko,” sabi na lalaki.

“Sinong boss mo. Okay lang, sige, narito lang ako.” sabi ko naman.

“Eh gusto niya doon sa room niya.”

“Eh sino ba siya? At ano ka niya?”

“Makikilala mo rin siya. Driver ako niyan.”

“Alam mo brod, mahirap na makipag-usap na hindi nagpapakilala eh, baka kung ano na iyan, mahirap na,” sabi ko.

“Hindi, kakausapin ka lang niya. Mabait iyon, Sinasabi ko sa iyo, walang masamang mangyayari sa iyo.”

“Kasama ka ba?”

“Ihahatid lang kita sa room niya. Naka check-in kami rito. Eto na lang ha, sikreto ito ha at huwag mong mabanggit-banggit sa kanya kapag nagkausap kayo ang sinabi ko.”

“Ano ba iyon?”

“Tila natipuhan ka ng boss ko. Ilang beses ka na niya kasing nakikita rito. Mayaman iyon, swerte mo kapag naging kayo. Promise, magbubuhay milyonaryo ka,” Pangungumbinsi ng lalaking driver.

Syempre iteresado ako. Baka nga naman yumaman ako ng walang kahirap-hirap. “Pwede ka bang kunang ng picture?” tanong ko.

“Bakit?” balik tanong niya.

Ise-send ko lang sa kaibigan ko para sabihing kapag may masamang nangyari sa akin sa araw na ito ay ikaw lang ang hanapin. Anong name mo? Yung totoo,” sabi ko.

“May ganoon pa, sige kung ikapapanatag ng loob mo ay sige lang,” sabi ng lalaki.

“Nagsisiguro lang naman ako, hindi naman siguro masama dahil sa hindi ko kilala ang taong sinasabi mo. Baka trap ito eh.” Sabi ko.

Kinuhanan ko siya ng picture at sinend ko sa aking sarili, sa isang CP ko na nasa bahay. Tapos sumama na ako sa kanya.

Hindi na kumatok pa ang driver pagdating namin sa room ng kanyang boss, nakapag-text na pala siya na nakarating na kami kaya bumukas na kaagad ang pinto. “Sir, heto na po siya.”

“Halika, pasok ka, sa loob tayo mag-uusap,” aya niya, naiwan na ang driver sa labas.

“Anong Pangalan mo?” tanong ng lalaki.

“Aldrin… Aldrin Crisostomo,” sagot ko.

“Tawagin mo na lang akong Bien kapag tayo lang dalawa ang magkausap, kapag may kaharap tayong ibang tao ay Mr. Garcia ang itatawag mo sa akin o di kay ay Sir,” sabi niya.

Pinagmasdan akong mabuti ni Bien mula ulo hanggang paa, pinaikutan pa niya ako, sinuring mabuti ang aking katawan. Pinisl-pisil ang mga muscles ko sa braso, sa balikat at kinapa pa ang aking dibdib, saka pinisil din. Tila isa akong paninda na sinisigurong malinis at sariwa.

“Hmmm, makinis ang balat, tamang-tama ang chest, malapad ang likod at balikat, okay ang mga muscles, maskulado. May abs ka ba?” tanong ni Mr. Garcian.

“Meron po, six packs.”

“Okay. Eh anong sukat nito?”

Nabigla ako sa tanong na iyon dahil basta na lamang niyang dinakma ang aking harapan at saka pinisil.

“Sir… hindi ko po alam, hindi naman po ako nagsusukat ng ari. Pero may kalakihan naman po sa pangkaraniwan,” ang naging sagot ko.

“Naniniwala naman ako, me nakapa ako eh. Aprub ka sa akin. Ang totoo niyan ay may ilang beses na kitang nakita, dito rin sa hotel na ito. Mas madalas kasing dito ako kumakain. May negosyo kasi ako malapit dito. Unang tingin ko pa lang sa iyo ay humanga na ako, gwapo, matangkad at disenteng tingnan. Yun ang unang impression ko sa iyo. Pero naghinala na ako na may iba ka pang pakay dito kaya nagpaimbistiga ako kung ano talaga ang ginagawa mo rito, nalaman kong isa kang call boy,” kwento ni Bien.

Nakikinig lang ako sa sinasabi niya. May katotohanan naman iyon at hindi ko ipagkakaila sa kanya.

“Dahil nga sa nalaman kong bayaran kang lalaki ay lalo akong naging interesado sa iyo kaya ipinakausap kita sa aking driver na anyayahan na makipag-usap sa akin. Hindi ako basta-basta nakikipag-usap kung kani-kanino lang. Dapat ay alam mo iyan, kaya dito kita pinapunta para mag-usap tayo.”

“Ano po ba ang pag-uusapan natin Sir?”

“Okay, itinanong mo na rin lang ay mabuti pang malaman mo na. May asawa ako, may isang anak na lalake na edad limang taon. Hindi ko kayang ibigay sa kanya ang pangangailangan niyang sekswal, kaya naisip ko na ihanap siya ng isang lalaking pwedeng magpaligaya sa kanya. Ito lang ang gagawin mo, gusto kong paligayahin mo ang misis ko, sisipingan mo siya, kakantutin hanggang gusto niya, kahit buong magdamag.”

Gulantang ako. Sino ba naman matinong lalaki ang nanaisin na ipatikim ang kanyang asawa sa iba at magbabayad pa. Kahit naman hindi ako magtanong ay mukhang nahulaan na ni Bien sa ekspresyon ng aking mukha ang pagtataka at ang gusto kong itanong sana.

“Nagtataka ka ano? Mahal ko ang asawa ko,at ibibigay ko sa kanya ang kahit ano mapaligaya ko lang siya. Alam kong masaya naman siya sa piling ko, naiibigay ko sa kanya ang materyal na bagay at ang pagmamahal, may hindi lang ako kayang ipagkaloob sa kanya. Aldrin, isa akong bakla at hindi ako nasisiyahan, hindi ako tinitigasan at lalong hindi ko kayang makipagtalik sa kanya, kaya malungkot din siya sa gabi o di kaya ay kung nakakaramdam siya ng libog. Kaya ang naisip kong paraan ay ihanap siya ng lalaking pupuno sa aking pagkukulang.” Mahabang litanya ni Bien.

Kunot pa rin ang noo ko, may gusto pa akong itanong na hindi ko naman maitanong. Hindi ko kasi alam kung paano, baka kasi masamain niya.

“Hep! Alam ko ang gusto mong itanong. Nagtataka ka kung bakit ako nag-kaanak, tama ba ako?”

“Opo,” sagot ko.

“Hindi na naman imposible sa panahong ito ang magkaanak ng walang namamagitan sa mag-asawa ano. Salamat po doctor, salamat siyensya ang sagot,” sabi niya.

“Ano po ang gagawin ko, palihim kaming magkikita, hindi ko po alam ang gusto mong mangyari,” naguguluhan kong wika.

“Heto. Ang alam ng aking asawa ay impotent ako kaya nga nagpatulong na kami sa doctor para magkaanak. Walang nakakaalam ng sakit kong ito kundi kami lang dalawa, tatlo na ngayon, ikaw ang ikatlo Aldrin, kaya kapag may nakaalam ng sakit kong iyon ay ikaw lang ang paghihinalaan ko at hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin,” sabi ni Bien na tila may pagbabanta na.

“Opo, makakaasa po kayong walang iba akong pagsasabihan, pangako po. Isipin na lang ninyong wala kayong sinabi sa akin,” tugon ko na may konting kaba.

“Mabuti kung ganon. Alam nga ni Misis ang sakit ko. Nasabi ko na naman sa kanya na payag ako na makipagtalik siya sa iba, pero ako ang hahanap ng tamang tao na gagawa sa kanya ng ganon. Heto ang kondisyon Aldrin. Makinig ka.”

“Opo, nakikinig po ako.”

“Kapag ngustuhan ka ng misis ko, yung serbisyo mo ha, hindi yung dahil gusto ka niya, na mahal ka niya, naintindihan mo ba ako?”

“Opo, naintindihan ko po ikaw.”

“Yun nga, kapag nagustuhan ang serbisyo mo at gustong ikaw palagi ang makasiping niya, ay bawal ka munang tumanggap ng ibang booking. Hanggat hindi ko sinasabing nagsasawa na sa iyo ang aking asawa ay wala kang ibang sasamahan, lalo na mga bading.”

“Okay po.”

“Kapag nagsawa na siya sa iyo ay malalaman mo sa akin at iyon ay sasabihin ko sa iyo para naman makapagpatuloy ka sa iyong trabaho at kumita. Ngayon, siguro ay itatanong mo kung paano ka naman kung hindi ka hahanap ng customer. Bibigyan kita ng allowance buwan-buwan. Siguro ay sapat na sa iyo ang 300K buwan-buwan. Kinwenta ko na kung sa araw-araw ay may customer ka at babayaran ka ng 10K ay aabot ng 300K ang iyong kikitain, tama ba ako?”

Napa-palatak ako. Biruin mo naman na kikita ako ng 300K buwan-buwan at sure iyon. Napaka-swerte ko naman. Minsan nga ay wala akong kita sa loob ng isang lingo kaya kung minsan ay pumapatol na ako sa mga barat. “Tama po.”

“Kapag naman nagsiping kayo, may nangyari dahil hindi naman araw-araw ay kakantutin mo siya ay may additional na 20K. Ganito pa, may ikinabit akong camera aa silid namin, at mapapanood ko ang nangyayari sa inyo. Kapag hindi nasiyahan ang asawa ako ay tapos kaagad ang kontrata. Kailangan mong ibalik ang ibinayad ko sa iyo, propoportional sa serbisyo mo. Maliwanag ba?”

Patay! Grabe… negosyante nga ito. “Opo.”

“Habang nakakontrata ka ay doon ka muna titira sa aking condo. Hindi alam ni misis na may condo akong binili at doon ako natutulog kapag alam mo na, nangangailangan din ako. Nagkaintindihan na ba tayo?”

“Opo naintindihan ko po.”

“Bago ko pala makalimutan, dahil nasa ganyang trade ka, dapat ay may certificate ka. Alam mo na kung anong certificate iyon.”

“Ay opo. Meron po akong dala ngayon, noong nakaraang araw lang ito. Gusto mo pong makita?’

“Hindi na, naniniwala ako sa iyo. May bank account ka ba?”

“Opo, sa BDO.”

“Good, magta-transfer ako ngayon din ng halagang 300K. Advance ko na at simula na ng ating kontrata. Bukas ay ipasusundo na kita sa driver ko ihatid ka sa aking condo.”

“Sige po.”

“O saan ka pupunta?”

“Uuwi na po ako at maghahanda ng mga dadalhin kong damit at ibang personal na bagay. Hindi ko po muna iiwan yung tinitirhan ko dahil napaka-mura niyon. Magbabayad po muna ako ng advance na dalawang buwan na renta para siguradong hindi paupahan sa iba.”

“Okay. Pero sandali muna. Naka-transfer na ako sa account mo. May mareresib ka sigurong notification na may nagtransfer sa iyong account na ganitong amount. Iba ang pangalan ng lalabas doon, hindi pangalan ko. At bago ka umuwi, paligayahin mo muna ako.”

“Ngayon na po?”

“Ngayon na, nalibugan ako sa iyo gago ka. Tingnan mo nga ang harapan mo, umbok na umbok.”

“Eh kasi hinawakan mo kanina, ganyan po iyan kapag nahahawakan ng iba. Sige po, pero baka pwede pong mag-shower muna ako, gusto ko pong malinis at mabango ako bago ko ikaw sipingan.” Sabi ko.

“Sabay na tayo, hindi pa rin ako nagsa-shower.”

 

 

 

>>>>>ITUTULOY<<<<<

2 komento:

  1. Kakaiba din itong customer na ito ni Aldrin. Mukhang dito iikot ang kwento. Ha ha ha!!! ;-)

    TumugonBurahin
  2. Aldrin goodluck sayo... magpabuffet ka naman hahaha

    TumugonBurahin

Gupit

  Gupit   “Mauro… may kilala ka bang barbero? Yung pwedeng mag-home service?” tanong ko sa kasama ko sa bahay na si Mauro. Kuya meron....