Martes, Oktubre 8, 2024

Call Boy (Part 13)

 


Call Boy (Part 13)

 

Tinawagan ko si Bien para kausapin. Gusto ko talagang matulungan ang dalawang batang iyon, mababait naman sila at may pangarap.

“Hintayin mo ako diyan sa condo. D’yan na lang tayo mag-usap,” wika ni Bien sa kabilang linya.

-----o0o-----

Habang wala pa siya ay nag-shower na muna ako, baka maamoy ako ng amoy pulasi.

Pagkapaligo ay naisipan kong magluto, nagluto ako na afritadang manok. Nagustuhan iyon ni Bien nang minsan kumain siya dito at nagkataong iyon ang akin niluto.

Hindi pa ako tapos magluto ay nadinig kong may nagbukas na ng pinto. “Hmmm ang bango ah. Anong niluluto mo Aldrin?” tanong ni Bien habang papalapit sa akin.

“Ahhh, afritadang manok. Gusto mo bang dito kumain?”

“Hindi na, naghihintay sa akin ang asawa ko, nagluto rin siya. Ano ba ang sasabihin mo sa akin?”

“Nagmamadali ka ba?” tanong ko na medyo nilalambing–lambing pa si Bien.

“Sabihin mo na kaagad, nagmamadali talaga ako.

“Ito naman, naglalambing lang eh.”

“Saka na yung lambing, ano ba iyon. Kelangan mo ng pera? Magkano.

“Hindi pera. May ipakikiusap lang sana ako sa iyo. Kanina kasi ay nagpunta ako doon sa mga pinsan ko. Akala kasi nila ay maganda na ang trabaho ko. Gusto nilang magtrabaho, kaya lang ay wala masyadong pinag-aralan, kaya hirap makahanap ng trabaho. Kahit daw atsoy, katulong ay okay sa kanila. Baka naman maipasok mo sa kompanya ninyo, kahit janitor, messenger, basta trabaho.”

“Hala, bakit iba ang ipinakikiusap mo sa akin? Ikaw ba, ayaw mo bang magtrabaho sa kompanya ko? Pwede kang gwardya, driver. O baka naman gusto mo ay manager kaagad,” sabi ba naman ni Bien.

Nakaramdam ako ng pangliliit, ng pagkapahiya. Tama naman siya. Bakit hindi ko kaagad naisip na baka pwede akong magkatrabaho ng marangal sa kompanya nila para hindi ko na kailangang maging callboy. Kung sabagay ay na-focus ako sa pagpapayaman at kung mamamasukan ako ay parang imposible ang pagyaman. Ano rin ba ang tinapos ko?

“Eh Bien, gusto ko nga sana. Matagal ko nang gustong hilingin sa iyo na ipasok mo ako sa iyong kompanya. Pero wala naman akong alam na trabaho kundi ang maging fitness instructor. High school lang ang tinapos ko. Anong trabaho naman ang pupuwede sa akin? Eh sa totoo lang, sa laki ng pinasusuweldo mo sa akin ay sapat-sapat na, pwede pa akong yumaman. Magkano ba naman ang kikitain ng isang messenger? Nang isang janitor?” pag-amin ko.

“So kuntento ka na na maging isang callboy?”

“Hindi, mag-iipon ako, mag-iisip ako ng isang negosyo na kakayaning kong pamahalaan, yung hindi na kailangan pa ang may mataas na pinag-aralan. Planado na talaga iyon na after three or four years at may malaki na akong naipon ay  titigil na talaga ako sa pagko-callboy at magsisimula na ako ng panibagong buhay.”

“Ayos ah, may ambisyon ka rin naman pala. Ibig sabihin ba, kapag pinakawalan na kita ay maghahanap ka na uli ng bagong customer?”

“Wala na akong choice. Kahit papano, sa binayad mo sa akin ay may naipon na rin ako. Naka-limang buwan na rin ako sa iyo at konti lang ang nababawas ko sa binabayad mo sa akin.”

“Aba, milyonaryo ka na rin pala hahaha. Bakit mo nga naman iisipin pa na magtrabaho kung bilang isang janitor lang o gwardya hahaha. Ang galing mo! Teka nga, nalalayo tayo, sino ba yung sinasabi mong pinsan?”

“Gusto mo bang makilala, mababait sila, gwapo pa. Hindi na sila bata, mga binata na, 18 na sila.”

“Saka na lang, baka umasa kaagad eh wala naman talaga akong maibibigay na trabaho sa kanila, walang bakante pa. Aalamin ko sa ibang kompanya ko.

“Eh Bien, nakaka-awa kasi ang kalagayan nila. Sa isang squater sila nakatira ngayon, malapit sa pulasi, mabaho, pwede ko ba silang dito muna patirahin pansamantala?

“Hindi pwede. Hindi ba may dati kang inupahang apartment. Sabi mo ay babayaran mo ng advance ang renta. Ibig sabihin ay ikaw pa rin ang tenant doon. Bakit hindi mo roon patirahin pansamantala ang mga pinsan mo. Hindi masasayang ang binabayad mo.

“Aba, oo nga ano. Bakit ba hindi ko naisip iyon,” ang nasambit ko lang.

“Baka naman… hmmm, huwag kang magkakamali.”

“Ang sama naman ng iniisip mo. Kasi, gusto ko rin silang mabantayan. Kung magkakasama kami ay hindi sila makagagawa ng palso. Pero mas tama ka, doon na lang sila. Baka mabisto pa nila ang trabaho ko,” sabi ko

“Aalis na ako, Hindi mo talaga kailangan ng pera?”

“Kung bibigyan mo ba ako eh, ibibigay ko naman dun sa dalawa kong pinsan.”

“Pakipot pa. Kung sabagay, milyonaryo ka na rin.” Sabi ni Bien.

Akala ko ay hindi na ako bibigyan, pero nang makita kong kinuha ang wallet niya sa bulsa sa likod ay napangiti ako. Basta ko na lang naman ibinulsa ang ibinigay niyang pera, hindi ko na binilang.

“Malalaman mo sa akin kung mabibigyan ko sila ng trabaho. Sigurado ka ba na hindi mo sila ano ha!”

“Bien ha, hindi ako makikipagrelasyon sa lalaki, gusto ko pang yumaman muna. Kumusta nga pala si Rosa, okay na ba ang baby na… ninyo?”

“Okay na siya at malusog daw ang baby namin sa tiyan niya. Hindi pa nga nailalabas ay gusto kaagad na sundan. Kaya sigurado kang tatagal ka pa rito, kaya huwag na huwag kang magkakamaling gumawa ng kalokohan. Hindi lang putol ang allowance mo, pati na iyang alaga mo.”

Nahawakan ko tuloy ang harapan ko. Natatakot talaga ako sa mga pagbabanta ni Bien ng ganon. Kasi alam ko na kaya talaga niyang gawin.

“Ayaw mo ba ngayon, quickie tayo.”

“Hindi na, aalis na ako.”

“Kasi may James ka na,” sabi ko na kunwari ay nagseselos.

“Gago! Pero tama ka, kahapon ay nagkantutan kami.”

“Ayaw mo na sa akin?”

“Gago! Ikaw pinatira ko sa condo, si James pampalipas libog ko lang.”

“Mahal mo ba ako?”

“Hindi ko alam, ang sigurado ko ay gusto pa ni Rosa na magkaanak at gusto niyang sa isang lalaki lang, ikaw iyon. Swerte mo nga eh.”

“Si James naka-abroad, ako wala.”

“Tumigil ka nga, akala mo naman totoo. Alis na ako.”

Tumalikod na si Bien at sumara na ang pinto. Ewan ko ba, dahil sa kabaitan din niya ay parang gusto ko na rin siya, ibang klase rin kasi siya kung magmahal.

Pagkaalis ni Bien ay kaagad kong tinawagan si Raul. Sinabi ko na magbasta na sila ng kanilang gamit dahil susunduin ko sila. Sinabihan ko rin na ipagbilin sa mga kapitbahay ang kanilang bahay o magpatira ng kaibigan doon dahil mawawala sila ng matagal.

-----o0o-----

Maaga kong pinuntahan sina Raul at Allan kinabukasan. Dala ko ang kotse. Nag-text ako na puntahan na lang ako sa labasan dahil sa may dala akong sasakyan.

“Kuya, totoo ba na sa iyo muna kami titira?” tanong ni Raul.

“Hindi ka naniniwala?”

“Naniniwala syempre, kasi naman ay napakabilis ng pangyayari. Hindi namin sukat akalain kuya eh. Salamat kuya, hulog ka sa amin ng langit.”

“Buti hindi kayo nabagsakan, ang bigat ko kaya hehehe. Huwag naman kayo agad mag-celebrate. Hindi kayo sa akin titira, Doon ko kayo dadalhin sa inuupahan kong bahay. Kasi ako ay stay-in sa bahay ng amo ko, driver lang ako, Magkaka-kotse ba ako ng ganito?” pagsisinungaling ko.

“Maraming salamat pa rin. Sigurado naman sigurong maayos ang bago naming titirhan,” wika ni Allan.

“Maliit lang iyon. Mas maayos naman kesa sa tinirhan ninyo, Kasya lang kayong dalawa. Ano, inihabilin n’yo ba sa kapit-bahay ang inyong barong-barong?”

“Opo kuya Aldrin, kaibigan po namin  iyon at kapwa kolboy hehehe.”

“Dala na ba ninyo lahat ng gamit n’yo.”

“Opo Kuya, konti lang naman, damit lang at ilang abubot.”

Lumarga na kami. Sa clinic ko muna sila dinala para makapagpa-examine. Kampante naman sila na malinis sila. Pagkagaling sa clinic ay pinag-grocery ko muna sila. Yung perang binigay sa akin ni Bien ang gagastusing ko muna. Sobra-sobra pa iyon.

Sa bahay muna ng may-ari ako nagtungo para sabihan na may titira na sa apartment, pinakilala kong mga pinsan ko.

“Mabuti naman para may maglilinis na. Binisita ko kahapon at puro agiw na. Mabuti at napalinis ko na,” sabi ng may-ari.

“Marami pong salamat. “May advance pa po akong isang buwan ano, heto po para sa susunod na tatlong buwan. Wala pa po kasing trabaho itong mga pinsan ko kaya ako na muna ang sasagot. Hindi ko naman pwedeng isama sa pinagtatrabahuhan ko dahil hindi papayag ang amo ko.” Sabi ko sa may-ari. “Me pasobra na po ako para sa mga naglinis, Pasensya na po.”

Natuwa pa ang may-ari dahil sa pasobra ko. Nagpaalam na rin kami at nagtuloy na kami sa apartment.

“Wow! Dito tayo titira Allan. Hindi na mabaho gaya dun sa inalisan natin,” tuwang-tuwang komento ni Raul.

“Asus! Pang-mahirap din ito, Tingnan mo nga, ang liit lang,” sabi ko.

“Mas okay naman ito kesa sa dati. At least hindi kami makiki-dumi hehehe.”

“Wala munang booking-booking ha. Pababantayan ko kayo sa mga tropa ko dito. Walang kalokohan akong mababalitaan ha. Ayusin muna ninyo ang mga pinamili nating grocery. Tingnan nyo nga muna kung gumagana pa yung maliit kong ref.”

Matapos ko muna sila maisa-ayos ay nagpaalam na ako. Nagbilin ako na kapag may problema ay tumawag lang sa akin. Sinabi ko rin na palagi ko silang bibisitahin.

-----o0o-----

Ang lahat ng ginawa ko tungkol kina Raul at Allan ay ipina-paalam ko ky Bien para hindi siya maghinala. Busy pa raw siya kaya hindi pa niya nakakausap ang mga empleyado niya sa ibang kompanya kung may mapagsisingitan sa dalawa. Ang sabi ko naman ay ang mahalaga ay may aasahan.

-----o0o-----

Mag-iisang buwan na akong walang sex. Mahirap din pala ang ganon. Yung nasanay na palaging may nakaka-sex tapos bigla-bigla ay matitigil. Nakakasakit ng puson at bayag, kaya naman puro jakol ako. Pero hindi ako kuntento.

Tinawagan ko si Bien. “Bien, pwede ba ikaw ngayon?” bungad ko sa telepono.

“Pwede saan?”

“Libog ako, gusto ko ng ka sex. Paano ba yan. Halika na muna dito kahit isang round lang.” ang diretsahan kong sabi sa kanya.

“Busy ako, papuntahin ko diyan si James.”

“Hindi, hindi na bale, magjajakol na lang ako. Ayoko.?

“Basta!”

“Wala akong ibabayad sa kanya. Kung siya din lang, hahanap na lang ako ng iba, yung babae, hindi katulad kong callboy.”

“Hindi pwede, me usapan tayo. Pinapayagan na nga kita kay James eh.”

“Hindi na nga bale. Okay na ako kay Maria.”

“Sinong Maria? Aldrin ha, sinasabi ko sa iyo.”

“Sino pa eh di si Mariang palad. Ang sama mong mag-isip. Hindi lang advance mag-isip, ang sama pa. Sige na, sige na. bye.”

Grabe itong si Bien, ayaw talaga akong gagamit ng iba. Kelangan ko rin naman talaga ng sex eh. Kapag siya ang may kailangan, kahit anong oras.

May inis din akong nararamdaman. Kasi… kung bakit si James ang naisipan niyang ipagamit sa akin. Siguro ay sila na talagang dalawa. Bakit kaya naiinis ako? Nagseselos na ba ako? Mas gusto ko si Rosa, pero bakit hindi ako nasasabik sa kanya masyado. Siguro at sex lang talaga ang gusto ko sa kanya. Magkaka-anak nga ako, hindi ko naman maaangkin. Haay buhay. Ganito yata ang buhay ng maging callboy.

Naalala kong bigla sina Raul at Allan. Pwede siguro ako sa kanila, secret lang. Bigla ko ring naalala ang resulta ng test nila, bukas na pala iyon. Hindi ko na sila isasama.

Papasok na sana ako sa silid ko ng may nag-buzzer. Nang sumilip ako sa peephole ay si James pala. Talagang pinapunta ni Bien. Hanep talaga.

 

 

 

 

>>>>>ITUTULOY<<<<<

2 komento:

  1. Excited na ako sa next chapter!!! Parang na-iimagine ko din na makaka jaming ni Aldrin sina Raul at Allan. Ha ha ha!!! ;-)

    TumugonBurahin

I Heart You Sir (Part 2/2)

  I Heart You Sir (Part 2/2)   Simula noon ay sa apartment na ako ni Sir Jerry tumira. Masayang-masaya ako, kasi kasama ko na sa iisang ...