Sabado, Enero 4, 2025

Apoy (Part 3/4) By: Migs (From: AsianBearMen)

 


Apoy (Part 3/4)

By: Migs

(From: AsianBearMen)

 

Humahanap ng tyempo si Sam upang kausapin na si Lance. Nakatyempo siya isang araw, kinauasap na niya ng masinsinan ito.

“Ilang taon na din tayo. Pero hindi pa rin naalis sa akin ang maging guilty lalong lalo na kay Emily at sa mga anak mo. Batid ko na kapwa din tayo nahihirapan sa ating sitwasyon,” ang panimula ni Sam.

“Bakit? Hindi mo na ba ako mahal?” ang tanong ni Lance.

“Hindi na mawawala ang pagmamahal ko sa iyo. Pero habang tumatagal tayo eh lalong lumalalim ang sugat na maari nating maidulot kay Emily. Ayaw kong dumating ang panahon na malalaman niya ang lahat ng tungkol sa atin,” ang paliwanag ni Sam.

“Sam, mahigit anim na tao na nating naitago ito kay Emily. Ngayon ka pa ba bibigay?” ang sabi naman ni Lance.

“Iyun na nga Lance. Mahigit anim na taon na tayong nagtataksil sa kaniya. Papaano kung malalaki na ang mga anak mo at nalaman din nila. Ano kaya ang pwede nilang gawin sa iyo? Sa akin? Kaya sana hanggang sa wala pang nakakaalam ng ating lihim ay putulin na natin ito,” ang pagsusumamo ni Sam.

“Meron na ba akong kapalit? Si Edward ba?” ang mga tanong ni Lance.

“Walang third party na involve. Wala din kinalaman dito si Edward,” ang tugon naman ni Sam.

“Simula kasi ng makilala mo si Edward ay nagbago ka na sa akin. Madalas na din kayong magkita ni Edward,.” ang sumbat ni Lance.

“Lance, please, huwag natin idawit dito si Edward. Desisyon ko ito. Basta ang alam ko ito ang tama. Kung sakali man na masaktan ako sa desisyon ko ay buong puso kong tatanggapin,” ang sabi naman ni Sam.

Pilit pa rin iniuugnay ni Lance si Edward sa desisyong iyon ni Sam. Nais mang sumigaw ni Lance sa nararamdamang sama ng loob ay hindi niya magawa dahil nasa pampublikong lugar sila. Kahit ano pa ang sabihin ni Lance ay talagang desidido na si Sam sa nais niyang hiwalayan nila ni Lance. Hindi man lubusang sang-ayon si Lance sa nais mangyari ni Sam ay napilitan na rin niya itong tanggapin. Naghiwalay sila ng gabing iyon na masama pa din ang damdamin ni Lance sa pangyayari.

Nang magkaroon naman ng pagkakataon si Sam na kausapin si Edward ay agad din niya itong ginawa. Pinakiusapan muna niya si Edward na huwag muna silang magkikita. Ipinagtapat din niya kay Edward ang hiwalayan nila ni Lance at ayaw niyang mabuntungan ng sisi si Edward kapag nakita sila ni Lance na magkasama. Sumang-ayon naman si Edward dahil naging abala din naman siya na kabubukas na business. Hindi din nagtagal ay nakabili na din ng sarili niyang condominium unit si Edward. Agad din siyang lumipat dito upang makaiwas na din sa kaniyang bayaw.

Makalipas ang mahigit tatlong Linggo ay nabigla si Sam na madatnan niya si Lance sa kaniyang pag-uwi sa bahay.

“O Lance, anong ginagawa mo dito?” ang tanong ni Sam.

“Wala lang nadaan lang ako,” ang tugon ni Lance.

Masaya ang aura ni Lance ng gabing iyon.

“Kumain ka na ba?” ang tanong ni Sam.

“Hindi pa. Kanina pa ako inaalok ni Mama. Pero sabi ko hintayin na lang kita,” ang tugon ni Lance.

“Saan na pala sina Mama at Papa?” ang tanong ni Sam.

“May pinuntahan lang. Pero dito din daw sa loob ng subdivision n’yo. Birthday daw ng kumare ni Mama,” ang sabi naman ni Lance.

“Tara na sa dining room at ng makakain na,” ang alok ni Sam kay Lance.

Sabay na nag-dinner ang dalawa. Masaya naman ang kanilang naging kwentuhan habang naghahapunan. Wala ng sumbatan at sisihan sa isa’t isa. Masasayang alaala na lamang ang nagpag-usapan ng dalawa pati na din ang tungkol sa kani-kanilang trabaho.

Matapos silang kumain ay nagbukas ng dalawang bote ng beer si Sam. Inabutan niya ng isang bote si Lance.

“Bago ka umuwi, inom ka muna ng beer,” ang alok ni Sam kay Lance.

“Sam, pwede bang dito muna ako magpalipas ng gabi?” ang hiling ni Lance.

“Pwede naman pero anong idadahilan mo kay Emily?” ang tanong ni Sam.

“Wala si Emily until tomorrow night. Nasa Baguio siya right now at nag-attend ng convention nila doon,” ang sabi naman ni Lance.

“Eh sinong kasama ng mga anak mo?” ang tanong na naman ni Sam.

“Isinama silang dalawa ni Emily. Pati yung yaya nila kasama din sa Baguio. Kaya nag-iisa lang ako sa bahay,” ang sagot naman ni Lance. “Kaya nga naisipan ko na dito na lamang matulog,” ang dugtong pa ni Lance.

Nagpatuloy pa ang kwentuhan ng dalawa sa harapan ng TV. Ang tig-isang bote ng beer ay nadagdagan pa ng ilang bote. Hanggang sa dumating na ang mga magulang ni Sam.

“Mukhang nagkakaigihan na naman kayo ah,” ang biro ng ama ni Sam ng makita silang masayang nag-uusap.

“Hindi naman po Papa. Na-mi-miss ko lang kasi ang anak n’yo. Ni hindi na kasi ako kinakausap mga ilang Linggo na,” ang sabi naman ni Lance.

“Gabi na Lance ah. Buti pa siguro dito ka na matulog. Mukhang nakarami na din kayo ng beer na nainom.” ang alok naman ng ina ni Sam.

“Ganun na nga po ang usapan namin ni Sam. Wala din po sina Emily at mga bata sa bahay. Nag-iisa lang ako doon. Kaya minabuti ko din na dito na lang magpalipas ng gabi,” ang sabi naman ni Lance.

“O sige. Maiwan na namin kayo. Inaantok na kami kaya umuwi na kami. Pero huwag kayong iinom ng marami,” ang bilin naman ng ama ni Sam

“Pa, last bottle na po namin ito. Wala na din po kaming iinumin. Sige po Ma, Pa, matutulog na din po kami pagkaubos namin nito,” ang sabi naman ni Sam.

Ganoon na nga ang nagyari. Matapos maubos ang huling bote nila ng beer ay pumasok na sila sa silid ni Sam.

“Ligo lang muna ako,” ang paalam ni Sam.

“Sabay na tayo,” ang hiling naman ni Lance.

Hindi naman tumanggi si Sam. Bago sila pumasok sa banyo ay isa-isa muna nilang inalis ang lahat ng kanila kasuotan. Nang muling makita ni Sam ang hubad at matipunong katawan ni Lance ay parang gusto niya ito yapusin. Subalit pinigilan niya ang sarili at gusto niyang pangatawanan ang desisyon niyang tapusin ang kanilang relasyon. Pagpasok nila sa loob ng banyo ay kapwa sila tumapat sa showerhead ng buksan na iyon ni Sam. Nagdikit ang kanilang mga katawan habang patuloy ang pagdaloy ng tubig sa kanilang katawan.

Maya-maya pa ay biglang niyapos ni Lance si Sam. Hinalikan sa kaniyang mga labi. Hindi na din napigilan ni Sam ang kaniyang sarili. Nakipaghalikan na din siya kay Lance habang patuloy pa din ang tulo ng tubig mula sa shower na dumadaloy sa kanilang unti-unti ng umiinit ng katawan.

“I miss you Sam. Sana isang masamang panaginip lang ang pagtapos mo ng ating relasyon,” ang nabanggit ni Lance.

Hindi naman nagsalita si Sam. Nagpatuloy lamang siya sa paghalik sa mga labi ni Lance. Ang mainitang halikan nila ay nauwi sa isa pang mainitang pagtatalik sa loob mismo ng banyo. Pagkatapos nilang makapagpapalipas ng init ng katawan ay itinuloy na nila ang kanilang paliligo. Nang matapos silang makapaligo at makapagpunas ay kapwa na lamang sila nahiga sa kama ni Sam na wala pa rin saplot sa katawan.

“Wala na bang chance na magkabalikan tayo?” ang biglang naitanong ni Lance.

“Lance, I have decided already. Sana maintidahan mo ako. Sana din hindi na maulit ito. Papaano kita malilimutan kung palagi ka lang nandyan.” ang sabi naman ni Sam.

“Sige kung ayaw mo ng relasyon eh ganito lang muna tayo. Paminsan-minsan ay magkikita tayo. Pwede naman tayong sex partners lang. Alam ko naman miss mo din junior ko,” ang sabi naman ni Lance.

“Ayan ka naman. Ipagmamalaki mo na naman yang otcho pulgada mong batuta. Madami dyang bading sa labas na pakitaan mo lang ng otcho pulgada mong batuta ay tiyak na magkakandarapa na sa iyo,” ang biro naman ni Sam.

“Kidding aside. Sorry pala at napaghinalaan ko kayo ni bayaw. Sorry sa mga nasabi ko sa iyo noon,” ang sabi naman ni Lance.

“Sabi ko naman sa iyo na walang third party involve. Gusto ko lang talaga na matapos na ang pagiging-guilty ko kay Emily at sa iyong mga anak.” ang sabi naman ni Sam.

“I know na wala ngang third party. Bahay-opisina ka lang. At si Edward naman ay sobrang busy din sa negosyo niya,” ang sabi ni Lance.

“Papaano mo naman nalaman ang activities namin for the past weeks?” ang tanong ni Sam.

“Sorry sa ipagtatapat ko. I hired people kasi para alamin ang mga lakad nyo. Alam mo naman na noong nag-usap tayo ay malakas ang kutob ko na may kinalaman nga si Edward sa desisyon mo,” ang pagtatapat ni Lance.

“Nagawa mo yun. Ibig sabihin talagang pinagdududahan mo ako na may third party involve?” ang medyo pagalit ng nasabi ni Sam.

“Sorry. Pero talagang I don’t want to lose you. Ewan ko ba kung bakit napamahal ka ng husto sa akin. May asawa ako at pamilya. At kung yung sexual na pagpapaligaya mo sa akin lamang ang hanap ko eh pwede naman ako makahanap dyan ng mas magaling pa sa iyo. Pero iba ka. Ikaw ay isang tao na dapat lamang mahalin,” ang pagpapaliwanag ni Lance.

“Labis naman pagdududa yan. Naghire ka ng mga tao para manmanan mga kilos namin. Sobra na yan Lance. Isipin mo na lang na para din sa pamilya mo ang iniisip ko. Kung makasarili lang ako eh hindi ko tatapusin ang relasyon natin,” ang sabi naman ni Sam.

“Sorry na. Wag ka ng magagalit. Nagawa ko lang iyon kasi mahal talaga kita. Ayaw ko talagang mawala ka sa buhay ko,” ang paghingi ng tawad ni Lance.

“Mahal ba yung pagdudahan mo ako. Hindi ako ang mundo mo Lance. Pamilya mo dapat ang isama mo sa pag-inog ng mundo mo. Sila lamang at wala ng iba.” ang sabi naman ni Sam.

“Sorry na, please,” ang pagsusumamo ni Lance.

Hindi na umimik pa si Sam. Tumalikod siya kay Lance at pilit nagbingibingihan kahit na paulit-ulit ang pagsusumamo ni Lance. Nang hindi na inimik ni Sam si Lance ay nagpasiya na lamang si Lance na manahimik na. Kahit na may samaan ng loob ang dalawa ay nakuha pa din nilang matulog na magkatabi.

Kinaumagahan ay nanlamig sa pakikitungo kay Lance si Sam. Hindi iyon nakaligtas sa pandama ng mga magulang ni Sam. Kaya naman ng makaalis na si Lance ay inusisa si Sam ng kaniyang mga magulang. Umamin naman si Sam kung ano ang tunay na dahilan kung bakit naging ganoon siya kay Sam. Naintindihan naman siya ng kaniyang mga magulang. Subalit ipinagtanggol pa rin si Lance na nagawa niya yun dahil mahal talaga siya ni Lance. Muli ay nagbingi-bingihan lamang si Sam sa nasabi ng mga magulang niya.

“Free ka ba tonight?” ang text na natanggap ni Sam isang araw habang nasa opisina siya mula kay Edward.

Medyo matagal-tagal na din na hindi sila nagkikita ni Edward kaya pumayag siyang magkita sila ni Edward ng gabing iyon.

“No commitment yet. Pwede naman,” ang reply ng text ni Sam.

“Sige, dadaanan na lang kita sa bahay n’yo at around 7PM para hindi ka na magdala ng sasakyan,” ang text muli ni Edward.

“Sure. Sige I’ll wait for you sa bahay na lang,” ang reply din ni Sam.

Medyo natrapik si Sam sa kaniyang pag-uwi. Pagdating niya ng past 6 o’clock sa kanilang bahay ay naroroon na si Edward na naghihintay kausap ang Mama ni Sam.

“Kanina ka pa ba?” ang tanong ni Sam.

“Before 6PM yata noong dumating ako,” ang sabi naman ni Edward.

“Sorry medyo trapik paglabas sa opisina. Eh 7PM pa naman usapan natin ah.” ang sabi naman ni Sam.

“Excited kasi ako sa ibabalita ko kaya napaaga ako. Buti naman at nandirito si Mama na nakakwentuhan ko,” ang sabi naman ni Edward.

“Sige, wait lang. Magpapalit lang ako ng damit,” ang paalam naman ni Sam.

“Ayos na yan iho. Ganiyan ka na lang,” ang sabi naman ng Mama ni Sam.

“Mag-jeans lang ako ma, para mas comfortable ako. At para bagay din sa suot ng kasama ko,” ang sabi naman ni Sam.

Matapos makapagpalit ng damit si Sam ay agad na din silang umalis. Nagtungo sila sa isang bar sa tabi ng Manila bay. Maingay ang music sa loob ng bar kaya naman mas pinili nila ang outdoor area ng bar para mas makapag-usap sila.

“Kumusta na kayo ni bayaw?” ang tanong ni Edward.

“I don't know. He's been acting weird the last time we met. Grabe ang bayaw mo. Parang ayaw niya talaga akong palayain,” ang tugon ni Sam.

“I can feel that also. Iba din ang treatment niya the last time na bumisita ako sa bahay nila. Wala naman siyang nababanggit na masama pero nararamdaman ko na parang gusto niya akong i-confront,” ang sabi naman ni Edward.

Naikweto tuloy ni Sam kay Edward ang nangyari sa huli nilang pagkikita.

“Timing din pala na naging busy ako sa aking business at hindi talaga tayo nagkita. Siguro right now meron nagmamasid sa atin at for sure makakarating ito kay bayaw,” ang sabi naman ni Edward.

“Ewan ko ba Edward. Bakit naging ganoon si Lance. Ako siguro ang may kasalanan kaya siya nagkaganoon,” ang nabanggit na lamang ni Sam.

“I know he's straight guy. He's madly in love with my sister noong una ko siyang nakilala. Kung sabagay hindi naman talaga umaamin ang tulad namin ni bayaw kung may experience kami sa kapwa namin lalaki. Siguro nga kasalanan mo yun Sam. Pinadama mo sa kaniya ang labis na pagmamahal kaya ganoon na lamang ang ginagawa niya upang hindi ka mawala sa kaniya. Parang yun din ang nakikita ko sa iyo kaya napapamahal ka na sa akin,” ang sabi ni Edward.

“Ikaw din ba tutulad sa bayaw mo? Maawa naman kayo sa akin. ‘Wag n’yo naman pahirapan ang aking kalooban,” ang pakiusap ni Sam.

“Hindi Sam. Ibahin mo ako sa bayaw ko. I can let go of you kung saan ang gusto mo at kung doon ka magiging maligaya. Pwede kayong magbalikan ni bayaw at mananatiling lihim iyon kay ate. Ganiyan kita kamahal. Siguro naman makakakita din ako ng iba pang mamahalin. Pwedeng tulad mo din o sa isang babae. Basta all out support ako sa magiging desisyon mo,” ang sabi naman ni Edward.

“Salamat for understanding. Naguguluhan na kasi ako kay Lance. Akala ko nga noong una ay sexual lang ang magiging relasyon namin. Pero naging mas malalim pa pala doon,” ang nabanggit ni Sam.

“It's weird talaga. Lagi nating hinahanap ang love sa opposite sex or ang lagi nating pinaplanong makakasama habang buhay ay ang opposite sex. Pero hindi pala laging ganoon,” ang sabi ni Edward.

Nagpatuloy ang kanilang usapan tungkol kay Lance. Pero nauwi din iyon sa kwentuhan nila tungkol sa mga pinakaabalahan nila lately. Natapos ang inuman nila sa masasayang kwentuhan. Pag-alis nila sa bar na iyon ay niyaya ni Edward si Sam na dumaan muna sa kaniyang condominium unit. Hindi naman tumanggi si Sam. Makalipas ng ilang minuto ay narating na din nila ang condominium unit ni Edward.

Pagpasok nila sa condo ni Edward ay ipinakita kaagad ni Edward ang kaniyang silid. Biglang sinabihan niya si Sam na ang silid na iyon ang magiging saksi ng kanilang pagmamahalan kapag naging silang dalawa na. Natawa na lamang si Sam at sinabing hindi mangyayari iyon. Biglang tinanong ni Edward si Sam kung may pag-asa ba siyang mahalin ni Sam. Hindi sumagot si Sam. Niyapos ni Edward si Sam at sinabihan ito na huwag matakot na aminin sa sarili ang nararamdaman. Bigla niyang hinalikan sa mga labi si Sam.

Hindi na iniwas ni Sam ang kaniyang mga labi. Marahil iyon din ang gusto niya, ang mahalikan ang mga labi ni Edward. Naging mainit ang tagpong iyon sa pagitan ng dalawa. Ang halikang iyon ay nauwi sa muli nilang pagtatalik. Isang pagtatalik na kahit papaano ay naibsan ang bumabagabag sa kalooban ni Sam tungkol kay Lance. Doon na din nagpalipas ng gabi si Sam.

-----o0o-----

“I need to talk to you Edward,” ang sabi ni Lance ng minsang bumisita si Edward sa bahay nina Lance.

“Tungkol saan yun kuya?” ang tanong ni Edward.

“Tara dito tayo sa labas,” ang yaya ni Lance kay Edward bago niya tuluyang kausapin si Edward.

“Bakit dito?” ang tanong uli ni Edward ng makapunta na sila sa may garahe ng bahay.

“I know you know kung tungkol saan ang pag-uusapan natin at alam mo din na di pwedeng marinig ng ate mo ang mga iyon,” ang sabi ni Lance.

“Hindi kita maintindihan kuya,” ang pagmamaang-maangan ni Edward.

“Alam ko na alam mo na ang tungkol sa amin ni Sam. Alam ko rin na meron ng namamagitan din sa inyong dalawa. Bayaw, kabaliwan na itong ginagawa natin. Hindi babae si Sam. Lalaki din siyang tulad natin,” ang medyo pagalit na nabitiwan ni Lance.

“What's wrong with you bayaw?” ang tanong naman ni Edward.

“Everything is wrong. Mali na nga ang pakikipagrelasyon ko kay Sam. Tapos heto ikaw na kararating lamang, pinapatos mo pa ako. Mali din ‘yun,” ang sabi naman ni Lance.

“Ano bang nagawa kong mali sa inyo ni Sam?” tanong muli ang binitiwan ni Edward.

“Please bayaw, leave Sam alone. Naguguluhan na ang tao simula ng dumating ka sa buhay niya. Alam ko na gagamitin mo lang siya. Yang business na sinasabi mo, yang pagbili mo ng condominium, sa tingin mo ba uunlad ang negosyo mo. Sasapat ba ang ipon mo para mabayaran mo ang condominium mo. Gagatasan mo lang si Sam,” ang panunumbat na ni Lance.

“Ano bang pinagsasabi mo dyan? Wala akong masamang ginagawa kay Sam. At wala sa intensyon ko na gawin iyon kay Sam,” ang sabi naman ni Edward.

“Kilala kita Edward. Noon pa man hindi mo kayang ituwid ang buhay mo. Kaya ka iniwan ng asawa mo. You are so immature. You can not stand with your own feet. Lagi kang naghahanap ng aakay sa iyo kapag lugmok ka na sa problema.” ang dagdag pa ni Lance.

“Kuya Lance sumusobra na ang panghahamak mo sa akin. Noon maaari kong tanggapin ang mga sinasabi mo. Ibahin mo na ako ngayon. Wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganiyan. Wala kang alam sa mga napagdaanan ko sa buhay. Kung ano man ang nalaman mo noon ay nakaraan na yun. Iba na ang Edward na kaharap mo ngayon,” ang pagtatanggol sa sarili ni Edward.

“Basta ang nasisigurado ko lamang ay ang pera lamang ni Sam ang habol mo. Nalaman mo na nag-iisang anak siya at for sure sa kaniya lamang mapupunta ang mga naipundar ng kaniyang mga magulang,” ang sabi pa ni Lance.

Nakahalata si Emily na parang nagtatalo ang magbayaw sa kanilang garahe. Kaya naman naisipan niyang lumabas ng bahay ay magtungo sa kinaroroonan ng magbayaw.

“What's wrong honey? Parang nagtatalo na kayo,” ang tanong ni Emily.

“Wala ate. Nabentahan ko daw ng defective spare parts yung isang ka-opisina ni kuya. Eh hindi naman pinakabit sa shop namin yun. Sarili niyang mekaniko ang ginamit niya. So wala kaming liability kung nasira ito ng mekaniko sa pagkakabit,” ang palusot na lamang ni Edward.

“Ganoon ba honey. Sabihan mo ang ka-opisina mo na sa susunod, hayaan na lang sina Edward ang mag-asikaso ng ipapaayos niyang sasakyan. Pero Edward, baka naman pwede mo bigyan ng consideration. Tutal officemate naman ng kuya mo yun,” ang sabi naman ni Emily.

“Sige ate. Oh kuya, pabalikin mo na lang officemate mo. Ako ng bahala sa partner ko. Baka maihirit ko din na mapapalitan ng supplier namin iyon.” ang sabi ni Edward.

Nanahimik na lamang si Edward. Kahit pilit niyang tinatago ang galit sa bayaw ay halata pa din iyon ni Emily.

“Ikaw naman honey, yun lang naman pala ang problema. ‘Wag na kayong magtalo pa. Payag na si Edward,” ang dugtong pa ni Emily.

“Sige, sasabihan ko officemate ko bukas,” ang sabi na lamang ni Edward.

Agad din pumasok si Lance sa loob ng bahay. Si Emily naman ay niyaya ang kapatid na pumasok din upang makapaghapunan na sila. Tumanggi si Edward at sinabing may dinner meeting pa siya sa isang client niya. Hindi naman na siya napilit ni Emily. Agad na din lumisan si Edward.

 

 

Itutuloy………

1 komento:

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...