Sa Boarding
House ni Kuya (Part 1)
Ang Simula
Isang Seaman
si Anselmo. Isa siyang chef sa Cargo Ship na may biyahe sa kung saan-saan parte
sa mundo. Bukod sa malaking sweldo, libre pa siyang nakakaikot at nakakapasyal,
halos naikot na niya ng buong mundo dahil sa kanyang trabahong iyon.
May asawa na
si Anselmo at isang anak na lalaki. Masinop si Marta, ang asawa ni Anselmo,
lahat ng pinadadalang pera sa kanya ay ginagastos niya sa tamang
pangangailangan lamang kaya nakaipon siya ng malaki. Isinangguni nito sa
asawang si Anselmo na ipagagawa niya ang kanilang bahay ng isang boarding house
nang sa gayon ay kumita kahit papano ang perang naipon. Syempre pumayag si
Anselmo.
Isang
tatlong palapag na gusali ang pinagawa ni Marta, ang ground floor ang siyang
kanilang inokupa at ang pangalawa at pangatlong palapag ang siyang hinati-hati
para parentahan.
Apat na
kwarto ang sa second floor. Minabuti ni Marta na palagyan na ng kanya-kanyang
banyo ang bawat kwarto para daw hindi magkagulo kung common ang gagawing banyo.
Tatlo lang
naman ang silid sa third floor, bale naglagay kasi siya ng espasyo para sa
tambayan nang mangungupahan, pwede rin gawing sampayan iyon ng mga nilabhang
damit ng mga mangungupahan.
Bawal
magluto sa silid, nag-provide naman si Marta ng space para paglutuan sa ibaba,
bale sa ilalim ng hagdanan, kung gusto nilang magluto, meron ding labahan sa
bandang likuran.
Nag-takda na
ng mga panuntunan si Marta sa mga posible nilang tenant. Bawal mag-luto sa
silid, may kusina naman sa ibaba, bawal ding maglaba dahil sa may labahan
naman.
Hanggang
dalawa lang ang pwede sa bawat kwarto. Hindi niya gusto ang maramihan dahil
magulo at baka madaling ma-depreciarte ang gusali.
Bawal din
ang magpatulog ng bisita lalo na kung jowa nila ito. Mga lalake lang ang
tatanggapin dahil sa mas maarte raw ang mga babae.
Hanggang 12
ng gabi bukas ang gate ng boarding house, kaya dapat, lahat ng tenant ay nasa
kani-kanilang silid na bago pa man sumapit ang alas dose sa gabi, kapag wala pa
ay sorry na lang, matutulog sila kung saan.
Hindi pa man
natatapos ang gusali ay nagkasakit naman si Marta, Nadala ito sa ospital at
na-diagnosed na may stage 4 cancer ito sa colon. Nagtataka nga ang anak nito
dahil sa wala itong idinadaing na kahit ano.
Dahil sa
pagkakasakit ni Marta ay napilitang umuwi ni Anselmo. Ikinuha niya ng nurse na
mag-aalaga. Kailangan niyang sumakay uli ng barko dahil wala naman siyang
tutustusin para sa pag-papagamot na asawa lalo na at bata pa ang kaisa-isang
anak at nag-aaral pa sa high school at ang naipong pera ay nagamit na sa
pagpapagawa ng boarding house.
Wala ring
nangyari sa pagpapagamot ni Marta, tumagal lang ng isang taon at binawi rin ang
buhay. Napilitan nang bumaba ng barko ni Anselmo at hindi na muling bumalik pa.
Ang dahilan ay wala nang magbabantay sa anak.
Pagkalibing
ni Marta ay ipinagpatuloy na ni Anselmo ang pagpapatuloy sa nahintong pagpatayo
ng gusali, nakaipon naman siya kahit papano para ipagpatuloy ang nahintong
consturction, bukod doon may nakalaan din para sa naisip niyang negosyo.
Nagkaroon ng
pagbabago sa disenyo ng gusali, yung ground floor ay ipinaayos para gawing
karinderya para daw may mapagkitaan si Anselmo sa kadahilanang hindi na nga siya
sasakay uli ng barko. Magagamit niya ang kaalaman niya sa pagluluto.
Yung dating
salas ay nilagyan ng mga mesa para gawing dining place, yung isang bahagi ay
ginawang kitchen, bale dalawang kwarto na lang ang natira para sa mag-ama. Naglagay
din ng mga shelves dahil balak na lagyan din ng mga konting paninda at yung
bandang gate ay nilagyan ng parang bodega, para paglagyan ng kung ano mang
stocks dahil balak niyang magtinda rin ng beer at softdrins.
Makaraan ang
tatlong buwan ay natapos na rin ang gusali, nag-advertise na sila, naglagay ng
paskel na “wanted boarders”, bukas na rin ang karinderya.
Marami ang
nag-apply, nataon na opening ang klase, kaya karamihan ay mga estudyante. Medyo
may kamahalan ang bawat silid, kaya ang iba ay hindi ma-afford.
Isa sa naunang
tinanggap ni Anselmo ay si Noel at si Aris, parehong mga employee, isang
estudyante na galing pang Bicol na si Rene, ang taga Pampanga na si Ryan, si
James na galing Marinduque, Elmer at Joel na taga Lucena, at ang
magbabarkada na sina Mike, Dennis, Ram
at Uly na taga Laguna.
Eleven na
tao pa lang may available pang tatlo. Maraming applicant pero tila hindi pasado
sa standard ni Anselmo.
Ating
kilalanin muna ang mga naunang tenant.
Si Noel ay
may katamtamang pangangatawan, maganda sa pangkaraniwan, may tangkad na 5’8”
moreno, at nakakahawig ni Romnick Sarmenta noong bata pa ito. Isa siyang
empleyado sa gobyerno, sa MMDA.
Si Aris ay
isang empleyado sa isang leading softdinks manufacturer, magandang lalaki, may
tangkad ding 5’8”, moreno at hawig kay John Lloyd Cruz.
Si Rene na
isang Bicolano ay galing sa mayamang pamilya, may kaya at enrolled sa isang
pinaka-magandang kolehiyo sa Maynila, may itsura, may angas, sabihin nating
gwapo pero hindi naman artistahin, medyo maliit dahil 5’5” lang ang height
Si Ryan na
taga Pampanga, ay matangkad, over 6 feet na siya. Sa pangangatawan at itsura ay
nakakahawig niya ang basketbolisatang si Ricci Rivero, magaling din sa sports
na basketball.
Si James ay
taga Marinduque, artistahin ang kagandahang lalaki, may lahi kasing Koreano,
matangos ang ilong, maputi at makinis ang kutis at may height na 5’11”, maganda
rin ang pangangatawan.
Sina Mike,
Dennis, Ram at Uly ay tinaguriang F4 ng eskwelahan nila sa Laguna, gwapings
kasi at may kaya ang mga pamilya nila, iisa ang hilig, kumanta at sumayaw, may
mga content sila sa Tiktok at FB. Sa isang eskwelahan sila naka enroll at iisa
ang kursong kinukuha, IT course. Bale magkatabi ang silid nilang kinuha, room
23 si Mike at Dennis, room 24 si Ram at Uly.
Sina Elmer
at Joel ay galing namang Lucena, Quezon at mag bestfriend, typical na teenager,
medyo patpatin pa, pero may face value, ang ibig kong sabihin ng face value at
may magandang mukha.
Magkasama
sina Aris at Noel sa room 21, ang magkaibigan si Elmer at Joel sa room 22, si Rene
at Ryan sa Rom 31, bale sa thrid floor at wala pang ka roommate si James sa
room 32.
-----o0o-----
Naging
successful naman ang karinderya ni Anselmo, maraming kumakain at
nagte-take-out. Masarap kasi at mura lalo na sa mga tenant niya dahil
binibigyan niya ng discount kaya lahat yata ng tenant niya ay doon sa
karinderya na ni Anselmo kumakain, hindi na nagluluto. Pinangalanan ni Anselmo
ang kanyang karinderya na “Karinderya ni Kuya” kaya naging tawag na sa kanya ng
mga suki at tenant ay “Kuya”.
Naka-katulong
ni Kuya ang anak niyang si Rolly na kaga-graduate lang din ng senior high kaya
bale college na rin siya, kapag walang pasok sa eskwela, May kinuha naman si
kuya na serbidora at kahera.
-----o0o-----
Yan ang
simula, ang boarding house ni Kuya kung saan iikot ang iba’t-ibang kwento ng
mga tenant at ibang character.
Subaybayan
lang po at sana magustuhan n’yo rin.
Salamat.
Mukhang promising ang kwento, sana may mag rent din na barakong pulis o may barakong may asaway anak sa probonsya, and may barako to barako scene like top to bottom
TumugonBurahin