Roommate
Romance (Part 2)
By: N.D. List
This was how
it all started.
Unang araw ni
Mico sa 5 day training. Dahil hindi particular ang company namin sa accent,
ayus na sa amin ang nakapagsasalita ng fluent na English. Pagkatapos ng orientation
from HR, may meet and greet muna sa kaniya-kaniyang assigned na Team Leader.
Isa si Mico sa mga napunta sa team ko na ikinatuwa ko naman, not because of
anything personal, kundi dahil nakikita ko na magiging magaling siyang agent at
hindi magiging sakit ng ulo.
Iba ang aura
ni Mico ngayon dahil naka-casual na damit lang siya. Naka-Gap na polo shirt, jeans
na hindi kita ang brand at K-Swiss na sapatos. Pero hindi pa rin maitatanggi
ang pagiging anak-mayaman dahil sa kakinisan ng balat. Kung kahapon ay mukha siyang
artista sa pormal niyang damit, ngayon naman ay mukhang siyang teenager pero napaka=aliwalas
ng mukha. Palangiti kasi siya at para bang anghel na walang masamang buto sa
katawan.
Magkahalong
excitement at kaba ang nararamdaman ng mga bagong agents. Ipinaliwanag ko sa
kanila ang expectations ng company from them, gayun din ang expectations ko.
Very light lang ang discussion. As much as possible gusto kong maging
komportable ang mga agents ko sa akin at sa company para mas madaling mag build
sa kanila ng rapport. Sinabi ko sa kanila na mas preferred kong maging open
sila sa akin at sabihin kaagad nila kung may problema, kahit anong.
Pagkatapos ng
shift ay nagsiuwian na lahat ng ka-shift ko. I stayed in the office for about
15 minutes dahil may mga tinutulungan akong Call Center Manager ng cluster ko
para sa mga proposals namin na ide-deliver within that week. Kahit hindi ko
trabaho, tumutulong na din ako sa kaniya dahil madami din naman akong
natututunan.
Pagpunta ko sa
locker ko pagka-tapos, nagulat ako nung makita ko si Mico na andun pa din at
kausap ang guard.
"O Mico,
bakit andyan ka pa. Hindi ka pa ba uuwi?"
"Wala po
kasi akong dalang sasakyan ngayon TL. Inaantay ko yung text ng kuya ko. Sasabay
ako sa kaniya pauwi kasi may ka-meeting po daw siya sa bandang Shaw."
"Sa
Bulacan ka pa ba umuuwi?" Naalala ko na sinabi niyang sa Malolos, Bulacan
ang bahay ng kuya niya kung saan siya nakatira.
"Wala pa
kasi akong mahanap ng boarding house or room for rent, TL. Baka may alam ka.
Patulong naman ako,"
Nakita ko ang mukha
niya na problemadong-problemado, dahil wala pa siyang titirhang malapit.
“Nagrerent ako
ng studio type na apartment 10-minute drive away dito sa office. Magkatabi kami
ng unit ni Jael, yung matangkad na TL na naka stripes na red kanina. Pero
magkaiba kami ng unit na inuupahan. Kaso may ka-roommate na kasi siya. Pero
yung dalawang kwarto sa baba namin pinabe-bed space nung may-ari. Try mo."
"Talaga?
Ayus! Sana may bakante. Uuwi ka na ba, TL? Pwede bang tingnan ko na ngayon? Te-text
ko si kuya na dun na lang niya ako sunduin," excited niyang sabi.
"Pwede
din. Kuya Jov, pakisabi sa shuttle, pahatid na ako. Wala naman yata na siyang
ihahatid," sabi ko sa guard.
Pagdating
namin sa boarding house, itinuro ko sa kaniya yung mga kwarto na pinapa-bed
space sa baba. Sinabi ng katiwala na may binili lang daw sa labas yung may-ari
na nakatira lang sa kabilang bahay kaya inaya ko muna siyang umakyat para
ipakita ang kwarto ko at yung kwarto nina Jepoy at Jael.
Bukas ang pinto
nina Jael at nakita namin siyang naggigitara at walang damit. Maganda ang
katawan ni Jael. Maputi din siya at mahilig mag-ayus ng katawan. Kung titingnan
mo siya ay wala sa hitsura niya ang naglalagay ng kung ano-ano sa mukha at
lotion sa katawan pero banidosong tao din siya. Tipikal na alpha male kasi ang
dating niya at walang bahid ng kalamyaan sa katawan. 26 years old na siya. Mas
matanda ako sa kaniya nang apat na taon. Binati ko siya at lumabas siya nung
nakita niya kami.
"Pare
mukhang nag-O-T-Y ka nanaman ah," bungad ni Jael sabay tawa.
"Oo,
tinapos ko lang yung report ni Cho. Darating si Thomas Keller sa lunes ‘di ba?"
"Ayus
yan. Pasok na pasok ka na sa promotion niyan pag kailangan na ng additional CCM,"
ani Jael, sabay tawa.
"Wala
yata sa Jepoy? Pumasok?" tanong ko.
"Wala,
nagsine na naman siguro ‘yon. Hindi siya naka uniform eh."
"Ay, nga pala
Ja, si Mico, isa sa mga bagong agents natin. Alam mo ba kung may bakante pa sa
bed space sa baba?'
Nakipagkamay
si Mico kay Jael. Natawa ako. "Hayup sa handshake ha parang politiko.
Pormal na pormal," sabi ko.
Napa-ngiti si
Mico na may halong pagkapahiya. Tumawa si Jael.
"Oo
kilala ko siya. Puta kinikilig yung mga babae sa team ko sa kaniya. Basang-basa
siguro ang mga panty nila pag nakikita ka nila Mico," ani Jael.
Nagtawanan kami ng malakas ni Jael habang
namumula naman ang mukha nito, pero nakangiti naman.
"Bihis
lang ako Mico. Maupo ka muna dyan habang hinihintay yung may ari. Pabalik na
siguro yon. O kung gusto mo pasok ka dito para makita mo ang kwarto ko. May
iced tea ako sa ref. Medyo magulo nga lang ang kwarto ko ng konti."
Pumasok ako sa
apartment ko at sumunod naman siya. Maluwang at convenient naman ang mga unit
namin ni Jael. Dalawa yung higaan sa unit ko. Isang double bed na gamit ko saka
isang single na extra na pinaglalagyan ko lang ng mga bag at kung ano-ano.
Naupo siya sa isang kama habang iniinom ang iced tea na binigay ko. Ako naman
ay pumasok na sa banyo para magpalit ng damit. Lumabas ako ng banyo ng walang
damit at naka shorts na pambahay. Mukhang nagulat si Mico ng makita niya ang
katawan ko. Halos anim na buwan din kasi kaming regular na na nagwo-work out ni
Jael bago magsara yung Gym na malapit lang sa apartment namin.
Hindi naman sa
pagmamayabang, maganda ang katawan ni Jael pero mas maganda ang hubog ng
katawan ko sa kaniya. Nagulat siguro si Mico dahil wala sa hitsura ko ang may
ganong hubog ng katawan. Pormal kasi akong magdamit sa office at bumo-border sa
pormang teacher. Pero hindi naman ako baduy magdamit.
"TL, parang
puro kayo mga model ng Bench dito ah. Ganun ba lahat ng TL sa company natin? Nagta-transform
pagdating sa bahay?" Tawanan kami.
"Bakla
kasi yung may-ari nito. Requirement niya yung ganito ang katawan bago niya
tanggapin," Tawanan pa din kami.
"Dapat
pala TL sama n’yo ako kung san man kayo bumibili ng abs na ganiyan."
Tumigil kami
sa pagtawa nung may kumatok sa pinto. Si ate Karla, yung may ari ng bahay.
Sinabi namin sa kaniya na naghahanap ng matitirhan si Mico pero unfortunately
eh wala na daw available sa baba. Meron daw isa na 2 months pa daw baga matapos
ang contract niya sa trabaho niya kaya doon pa lang magkaka-bakante.
Pagkapaalam ni ate Karla, nakita na lumungkot ang mukha ni Mico.
"’Di bale,
madami namang boarding house sa street na 'to. Samahan kita bukas pag walang
overtime," sabi ko.
Napaisip si
Mico. "TL, ikaw nga pala, nasan ang roommate mo? Sino ang natutulog
dito?" ani Mico na itinuro ang kamang kinauupuan niya.
"Ako lang
mag-isa dito. Pero minsan, pag gabi, may nakikita akong nakahiga diyan na
matandang babae. Pero hindi natutulog at nakatingin lang siya sa akin magdamag.
Tahimik siya at namamaga ang kaniyang mukha."
"Putangina!"
Napatayo siya
ng mabilis. Ako naman ay hagalpak lang ng tawa. Naupo siya sa kabilang kama.
Matatakutin pala siya sa mga multo.
"Sama na lang
ako sa iyo dito TL. Mabait naman ako. Wala din akong bisyo. Malinis naman ako sa
katawan at sa bahay. Hati tayo sa renta. Para tipid."
"Naku,
mas gusto ko kasi yung mag-isa. Yung wala masiyadong inaalala."
Hindi na siya
nagpilit. Nahiya din siguro. Pero nakita kong hinayang na hinayang siya.
Tumunog ang cellphone niya at binasa niya ang text Tumayo siya at nagpaalam na
dahil nasa baba na daw ang kuya niya. Malungkot pa rin ang mukha.
Si Mico yung
tipo ng bata na dahil napakaamo ng mukha ay napakahirap niyang tanggihan. Medyo
nag-alala din ako para sa kaniya. Siya yung tipo ng tao na dahil napaka-inosente
ng mukha ay parang lapitin ng mga taong manloloko. Lalo na sa Makati.
"Kung
gusto mo pwede ka dito for a few days habang naghahanap ka pa ng magandang room
na mauupahan. Tapos tulungan na lang kitang maghanap after work."
"Yessss!"
Lumiwanag ang
mukha niya at parang mapapatalun pa sa tuwa. Parang akmang yayakapin pa niya ko
pero bigla siyang nahiya at napa-palakpak na lang siya ng isang beses ng
malakas.
"TL, kung
okay lang sayo pwede ba start na ako ngayon araw na dito matulog? Nakaready na
kasi ang mga gamit ko kung sakaling makahanap ako ng malilipatan. Kukunin ko na
lang dun sa kotse".
"Hahaha!
Tangina ang lupit mo ah. Seryoso ka ba?"
"Oo, TL.
Ang hirap kasi mag-byahe pa Bulacan kaya ni-ready ko na lahat. Kahit yung
pambayad ko ready na TL. Sige na please. Wala pa nga ako masiyadong
tulog."
"Ayus
ah!" Napapailing na lang ako at natatawa sa mga pangyayari. Napatango na lang
ako at hindi alam ang sasabihin. "Aaahhhh... hhmm... okay."
Pagkatapos nun
ay inaya ako ni Mico na sumama sa kanila na kumain muna para na rin daw
makilala ko ang kuya niya. Hindi na din ako tumanggi. Magaan naman ang loob ko
sa kaniya at masaya naman siyang kasama dahil mabiro din.
Bigla akong
nagdalawang isip nung pababa na kami at papunta sa kotse nila. Magkapareho din
kaya sila ng ugali ng kuya niya? Makakasundo ko din kaya siya?
Itutuloy-----
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento