Roommate
Romance (Part 4)
By: N.D. List
Maraming pong
salamat sa mangilan-ngilang nagka-interas magbasa ng kwento ko. Inuulit ko po,
hindi po ako writer at wala po akong alam sa creative writing. Sumubok lang po
ako. Please be patient. :)
Paumanhin din
po kung wala pang masiyadong nakakalibog na nangyayari sa kwento. Ginagawa ko
po ang lahat ng aking makakaya para mag-insert ng nakalilibog na eksena para
naman akma pa din sa tema ng blog na 'to ang kwento ko. Pasensiya na po kung
nakukulangan.
Sa
pagpapatuloy po ng kwento.
Continuation
ng flashback
Ginising ako
ng alarm ko ng alas otso ng gabi. Kinapa ko ang switch at binuksan ang lamp
shade at umupo muna at tumunganga. Si Mico ay himbing na himbing pa sa pagtulog,
nakatihaya, bukol na bukol ang malaking biyaya. Tangina 'tong batang 'to.
Pinagpala talaga. Pati titi mayabang.
Maya-maya'y
gumalaw si Mico, nagkusot-kusot ng mata at tumingin sakin. "TL anong oras
na?".
"Gabi na.
Bumangon ka na dyan at papasok na tayo."
Nag-unat siya
at lumiyad. Lalo tuloy bumukol ang mayabang niyang tite. Tumayo ako at binuksan
ang ilaw. Pagbukas ko ng ilaw ay kinuha ni Mico ang extra niyang unan at
tinakip sa harapan niya. Tingnan mo 'tong mokong na 'to. Akala yata niya
pag-iinteresan ko pa ang titi niya.
Tamayo ako at
pumunta na ng banyo para maligo. Napansin ko ang drawer ko malapit sa salamin.
Ibang klase talaga ang anak mayaman. Kung dati ay suklay at wax lang nakapatong
sa drawer ko, ngayon ay halos mapuno na. May shaving cream, after shave,
lotion, paper towel at kung ano-ano pang abubut. Yan ang mayaman. Andaming
kalakal.
Paglabas ko ng
banyo ay natutulog pa din siya. Dahil nakatapis sa baywang ko ang twalyang
ginamit ko, kumuha ako ng isa pang twalya para magtuyo ng buhok. Umupo ako sa
kama niya at tinapik tapik ang pisngi niya.
"Hoy!
Gising na!"
Dumilat siya
at ngumiti lang sa akin. Tapos pumikit ulit. Inalog-alog ko ang dibdib niya,
Wala.
"Mico,
hindi ko pangarap maging yaya mo ha. Pag hindi ka tumayo ngayon dyan mawawalan
ka ng tirahan. Pag na-late ka mawawalan ka pa ng trabaho!"
"Heto na
nga!"
Biglang tayo niya
ay nag-unat, nagkambyo ng naninigas na titi at nagkamot ng ulo gamit ang
dalawang kamay. Pasuray-suray siyang pumunta sa banyo.
Habang
nagpapatuyo ako ng buhok ay iniisip ko kung ano itong napasukan ko. Sanay akong
mag-isa lang sa bahay. Walang iniintindi at malayang gawin ang lahat ng gusto.
Kahit lumabas ako ng banyo na isa lang ang gamit na twalya dahil hindi ko na
kailangan magtapis paglabas. Pwede akong maglakad lakad ng nakabuyangyang ang tite.
Pinatay ko ang
aircon. Tahimik. Bigla akong napalundag at nagulat ng may malakas na nagsalita
sa likod ko. "TL, paabot naman ng twalya!".
"Putangina
naman Mico! Bakit ka ba nanggugulat!"
"Hahahahahaha.
Sorry, TL! Paabot naman nung twalya sa bag. Wala pala akong twalya dito,"
hagalpak ni Mico. Nakalabas ang ulo sa pinto at medyo nanginginig pa dahil
pumapasok ang lamig sa banyo.
Kinuha ko ang
twalya at inabot sa kaniya. Sinarado niya ang pinto. Tapos bumukas ulit.
"TL, yung isa pa pala. Yung kulay blue. Sa bag din."
"Tsk tsk
tsk!"
Naupo ako sa
kama pagkabihis ko at inaantay siyang lumabas. Lumabas siya ng nakatapis din
ang isang twalya at isa naman ay naka balabal sa balikat niya. Inaayos niyang
mabuti ang nakabalabal na twalya at ingat na ingat na hindi makitaan ng
nipples. Kutis mayaman talaga 'tong isang 'to. "Baby fats" and all.
"TL, wag
mo nga akong tinitingnan ng ganiyan. Hinuhusgaan mo ang baby fats ko. Pag ako
nagka-abs, pati ikaw mapapayakap sa akin."
Mabilis siyang
nangalkal ng damit, pumasok sa banyo at nagbihis. Pagkalabas ay mabilis na
nag-ayus ng buhok, pumili sa apat na pares ng sapatos at sinuot ang napiling
sneakers.
"O, TL.
Ano pang tinatanga mo dyan? Pag na-late tayo baka mawalan pa ako ng trabaho ng
dahil sa iyo," sabay labas niya ng pinto na tumatawa. Napangiti nalang ako
at tumayo.
Sigh!
Sana'y akong
mag-isa sa tinitirhan ko. Ngayon ay may kasama akong batang anak-mayaman na
ngayon lang yata nahiwalay sa kaniyang yaya.
Nung
naglalakad kami papunta sa lugar kung saan kami pi-pick-up-in ng shuttle ay
nadaan ulit kami sa kainan nina Camille. Napansin kong sumisilip-silip si Mico
sa loob ng kainan. Umakbay siya sa akin.
"TL,
maaga tayong gumising bukas. Kumain muna tayo dito bago pumasok."
"Sige.
Ikaw lang naman ang nahihirapang bumangon ng maaga".
Walang naging
problema si Mico sa trabaho. Madali niyang natutunan ang proseso at madaling
masanay kumausap ng mga customer. Maayus din siyang makitungo sa buong team na
hawak ko at ganun din naman sila sa kaniya. Madalas din siyang makakuha ng
commendation sa mga nakakausap niya na customer dahil bukod sa maalam siya sa
service ng kliyente ay natural sa kaniya ang magsalita ng ingles.
As usual,
nag-extend na naman ako at umabot ako ng kalahating oras pagkatapos ng shift
bago natapos. Paglabas ko ng office ay nakita ko ulit si Mico na kausap si kuya
Jov.
"O,
andito ka pa. ‘Di ba binigay ko na sa iyo yung susi kanina?" tanong ko.
"Wala
naman akong gagawin dun TL, kaya inantay na kita."
-----o0o-----
"TL, daan
tayo kina Camille ha. Dun nalang tayo mag-breakfast."
"Pwede
din. Ayaw mo magbihis muna bago kumain? Mas gusto kong kumain ng mas
komportable ang suot ko."
"Sige
ayus lang. Bihis muna tayo."
Pagdating
namin sa bahay ay nakita na naman naman si Jael na nasa labas at nag-gi-gitara.
"Oy,
jamming muna tayo. Puta OT kayo ng OT. Marunong ka bang gumitara Mico? O baka
inuutusan mo lang isa sa mga katulong n’yo na maggitara," pang-aalaska ni
Jael.
"Tsk. Si
TL Ja, O! Lakas mang-asar. Oo medyo marunong ako."
"Ayos!
Kunin mo yung gitara sa loob, p’re." utos ni Jael sa akin.
Kinuha ko ang
gitara sa loob saka ko binigay kay Mico.
Nagsimula siyang
tumipa at kumalabit ng string saka niya binutingting ng konti yung kwerdas para
itono ang gitara. Nagsimulang mag-pluck.
"Ayos
ha!" pagbibilib ni Jael.
"Tangina
neto!" sabi ko. "Parang ikaw na lang ang anak ng Diyos ha. Binigay na
sayo lahat. Anak-mayaman, makinis, heartthrob, Talented pa!"
"Siguro
malaki din titi mo ano?" gatong ni Jael.
Tawanan kami
ng malakas na ikinapula na naman ni Mico.
"Tsk!
Sina TL lakas mang-alaska. Nag joint force pa kayo. Kay Jepoy ba 'tong gitara
na 'to?" iniba ni Mico ang usapan.
"Kay kuya
Jov yan. Yung guard natin. Minsan, nagja-jamming kami dito nun. Hindi
naggigitara yong si Jepoy, puro DOTA ang alam nun at saka babae."
"Oy dota.
Miss ko na yan. Dota tayo minsan, TL."
"Oo sige,
kung gusto mo bukas after shift. Gamitin mo yung desktop ni Gab may naka
install naman dun. Hindi naman niya ginagamit yon. Apple boy yan eh. Macbook
parati ang gamit."
"Bakit,
TL, nagsawa ka na ba sa dota?" baling sakin ni Mico.
"Hindi
naman nagdodota yan. Puro libro yan," sabat ni Jael. "Ako nga lang
ang gumagamit nong desktop na yon eh. Hahaha. Minsan nga dun na ako sa kaniya
natutulog pag sobrang init. Wala akong aircon eh. Kinukumbinsi ko pang
magpalagay si rich boy Jepoy."
Masaya kaming
nag-jamming ng halos isang oras. Puro Eraserheads, Rivermaya ang mga binanatan
namin. Halos pare-pareho naman kami ng hilig ng music nina Jael. Bumanat din
kami ng Matchbox 20 at ilang Maroon 5 songs. Hindi naman kami singer pero
maayos naman kaming nakakakanta. Trip lang talaga.
Nag-aya si
Jael na uminom kahit tig-dalawang bote lang ng Redhorse pero tumanggi muna kami
dahil nakapag-plano na kami na kakain sa kina Camille. Nagkasundo kami na sa
weekend nalang uminom.
-----o0o-----
Balik tayo sa
kasalukuyan...
May nadinig
akong nagsasalita sa labas kaya lumapit ako sa pinto.
"Ano
pare? Ayus ka na dito? May susi ka ba? Mukhang hindi uuwi si Jepoy eh. Tutuloy
siguro yon sa bahay ng girlfriend niya. Libog na libog kanina sa dance floor
eh. Nakakahiya ang mga gago!" boses ni Jael.
"Ayus na
ako TL, may susi ako. Pahinga lang ako dito," boses ni Mico, utal.
Matagal na
hindi nagsalita si Jael. Nung mga ilang sandaling wala nang nagsasalita, naisip
ko na baka umalis na siya kaya bubuksan ko na sana ang pinto ng may biglang
kumatok.
Nakita ko na
nasa harapan si Jael pagbukas ko ng pinto. Maliit talaga ang mundo.
Magsisingit
lang ako ng flashback tungkol kay jael:
Dahil siguro
sa magkatabi kami ng tinitirhan, si Jael, isa siya sa mga naunang naging
kaibigan ko sa Makati. Siya din ang pinakamadalas kong makasama. Kasa-kasama sa
break, after parties, out of town R&R ng office kung saan-saan, partner in
crime.
Wala siya masiyadong
bisyo. Hindi nagyoyosi, hindi mahilig sa night out, konting inom lang. Well,
hindi masiyadong konti pero namimili din siya ng kasama. May pagka-low profile
din kasi ng konti, although magandang lalaki din at habulin. Tapat sa
girlfriend at tipong family man type, pag nag-asawa na. Well, almost tapat sa
girlfriend.
May mga
pagkakataon din na may mga pinapatulan siya na hindi naman niya tinatago sa akin.
Halos kinukwento niya lahat sa akin. Alam naman kasi niya sa tahimik akong tao
at walang makakalabas pag kaming dalawa lang ang nag-uusap. Siguro ay masasabi
ko naman na naging magkaibigan kami. Madali naman kasi siyang pakisamahan kahit
papano.
Problema lang
talaga ang pagiging mainitin ng ulo niya. Typical na lalaking hindi magpapaisa,
hindi uurong sa away. Paminsan-minsan ay medyo selfish, pero considerate din
naman.
Nung una ay
medyo aloof sakin si Jael. Ganon naman yata talaga. Pag bago ka sa opisina
madalas nahuhusgaan ka ng mga dadatnan mong empleyado. Ikaw ang bagong salta at
territorial ang pioneering employees. Outcast ka. Kaya minsan kailangan ding
iwasang magmarunong. Lie low. Pero eventually na-realize naman ng karamihan na
ayus naman akong makisama.
Siguro
nagsimula yung kompetisyon namin nung unti-unti akong napapansin sa office.
Unti-unting bumabango ang pangalan ko sa management. Siguro'y dahil pioneering siya
kaya nakaramdam din ng konting selos at inggit. Nasa isip niya siguro na lagi
akong napapaboran. Medyo unti-unting naha-highlight din ang kakulangan ng
maraming TL sa office nung magsimula akong mag root cause analysis sa mga bagay
na pumapalpak. Naging epal ako sa paningin nila.
Mas lalong
tumindi ang pagkainis niya sa akin nung nalaman niyang malaki ang agwat ng
sweldo ko sa kaniya. Noon siya nagsimulang magparinig ng kung ano-ano sa akin
sa facebook. Na pinagpiyestahan naman ng mga kabarkada niya sa office.
"Ang mga
bakla talaga magaling sa management."
"Mag-ingat
sa bading na maepal na kupal."
Kung ano-ano
pa ang mga status na nilagay niya sa facebook na naging dahilan kaya hindi
naging maganda ang environment sa office para sa akin.
Nag-peak ang
galit niya sa akin nung isa ako sa dalawang na-promote na CCM, at siya naman ay
kasama sa mga nag-apply na hindi pumasa. Hindi na kami nag-uusap nung mga
panahon na yon. Napakalaki ng galit niya sa akin. At dahil wala naman siyang
bala laban sa 'kin, dinaan na lang niya sa paninira.
Pinaka-matinding
paninirang ginawa niya sakin ay yung pagkakalat niyang may pagnanasa ako kay
Mico. In-imply niya na na-hire siya dahil ako ang nag interview at gwapo siya.
Binahay ko pa.
"Ang mga
baklang gago, nag-aampon ng gwapo. ‘Di ba, Mico?"
Hindi kumibo
si Mico sa status na 'yon. Hindi din namin pinag-usapan. Pareho naman naming
alam ang totoo. Ni minsan ay hindi din ako nagkaroon ng libog kay Mico. Mabait siyang
bata, magalang. Natuwa ako na naging malapit kami sa isa't-isa na parang
magkapatid o higit pa. Masaya ako pag uma-akbay siya sa 'kin sa mall, pag
hinihintay niya ako tuwing uwian, kapag hindi sila kumakain ni Camille sa
eatery nila hanggat hindi ako dumadating.
Masarap kasama
si Mico, masarap yakapin, guluhin ang buhok, asarin, gulatin, takutin. Masarap
maging kapatid, mapagmahal. Pero yun lang ang naramramdaman ko sa kaniya.
Mahirap paniwalaan, pero yun lang ang nararamdaman ko sa kaniya noon.
Nagkaroon ng
barkada si Mico na parati niyang kasa-kasama nung tumagal na. Mga barkada na
pareho niya ng hilig, dota, basketball, babae. Mga bagay na wala naman akong
interes. Nakaramdam ako ng konting selos sa parehong paraan na nalulungkot ang
isang tatay kapag napapansin niya na mas gustong kasama ng anak niya ang mga
kalaro niya minsan. Iba ang saya niya pag kasama niya ang kaibigan niya.
Konsolasyon sakin na pagkatapos ng maghapon na paglalaro, sa'kin pa din siya
umuuwi pag gabi. Sa 'kin pa rin siya tumatakbo pag may problema. Sa akin
yayakap pag nasasaktan. Ako parin ang kuya niya.
-----o0o-----
Balik tayo sa
kasalukuyan:
Ilang sandali
kaming nagkatinginan ni Jael. Tinatantya ang isa't-isa. Ito ang unang pagkikita
namin ni Jael mula nung nag-resign na siya sa office. Hindi din ako sumama sa
send off party niya.
Hindi naman siya
mukhang lasing. Yun ang maganda kay Jael. Umiinom siya para makisama pero hindi
niya pinababayaan ang sarili niyang malasing. Siguro dahil din sa naka-motor siya
parati. Kaya hindi din ako natatakot pag umuuwi kami galing inuman at
nakaangkas ako sa kaniya.
"Pare,"
basag niya. Tumango lang ako.
Tahimik ulit.
"Ikaw na
bahala dito," sabi niya sabay turo kay Mico. Saglit siyang natahimik ulit.
Mukhang nag-iisip ng sasabihin. Hindi din niya siguro alam kung ano ang
sasabihin, kaya nagpa-alam na lang din siya.
"Sige,
pare."
Bumaba na siya
at naglakad palayo. Mukhang wala siyang dalang motor. Siguro dahil nag-alala na
baka malaglag itong lasing na 'to pag inangkas niya.
Habang palayo si
Jael, napaisip ako kung tinuring niya akong kaibigan, kung may halaga ako kahit
konti sa kaniya, kung may kahit katiting man lang ba siyang pagsisisi si ginawa
niya sa akin. Kung ano man, si Jael ang isang tao na kung pwede lang ay ayaw ko
nang makita kahit kailan.
Nilapitan ko
si Mico para akayin papasok. Nung hawakan ko siya para i-angat, pinilit niyang
idilat ang mga mata niya, tumingin sakin at yumakap.
“Uy! Tara
na!"
Siniksik niya
ang mukha niya sa tiyan ko. Saglit akong natigil. Nag-alala ako na may makakita
samin at magmukha kaming tanga.
“Uy, tayo na
diyan! Lika na sa loob.”
Inangat niya
ang mukha niya at tumingin sa akin saglit, tapos ay napapikit ulit sa sobrang
lasing. Nakatusok ang baba niya sa tiyan ko.
“TL, sorry sa
mga nagawa ko. Tanggapin mo na ulit ako, TL.”
Saglit ulit
akong natigil. Itatayo ko na sana siya nang biglang nag ring ang cellphone niya.
Pinilit kong kuhanin nag cellphone niya sa bulsa para tingnan kung sinong
tumatawag. Si Josh. Sinagot ko na din.
"Hey,
I've been calling since Thursday! What's goin' on?"
"Josh,
Gab 'to"
"Uy, Gab!
Kumusta? Si Mico? Ano bang nangyayari sa batang yan? Nung Thursday pako
tumatawag ah."
"Tulog siya,
bro, nakainom. May problema ba? Gusto mong gisingin ko?"
"Ah,
hindi na, huwag na lang, bro. Tawag na lang ulit ako bukas. Actually kausapin
din sana kita. Sa Makati kasi ako either next week or the week after ng limang
araw. Magche-check in naman ako sa hotel pero kung okay sana sa iyo, gusto kong
sa inyo muna tumuloy. Namimiss ko din kasi ang kapatid ko. Saka medyo
nag-aalala din ako sa kaniya. Nadadalas ata ang inom. Hindi ka ba nila kasama?
Iba na ba ang mga kabarkada niya dyan? May problema ba siya?" sunod-sunod
na tanong ni Josh.
Hindi ako
nakasagot kaagad. "Sige, bro, ayus lang. Walang problema. Usap nalang tayo
next week. Text-text na lang. Medyo busy din kasi ako sa office the past couple
of months kaya ‘di ko din masiyadong nakakausap si Mico."
"Sige,
bro. Pakisabi nalang kay Mico"
Pagka end ko
ng tawag, ay nakita ko ang wallpaper ni Mico sa phone. Picture naming apat nina
Josh at Camille dun sa bahay nila sa Meycauayan kasama ang lola nila. Nakaupo
si Josh at ang lola nila. Nakatayo naman kaming tatlo sa likod. Nasa gitna si
Mico at nakahawak sa bewang ni Camille sa kanan at nakaakbay naman ang isang
kamay sa akin sa kaliwa. Sinuksok ko ulit ang cellphone sa bulsa ni Mico.
Tinayo ko si siya
at inakay papasok. Inupo ko siya sa kama niya at humarap ako sa kaniya.
Napatingin siya sa akin at nang makita niya ang mukha ko ay tinawag niya akong
kuya.
"Si Gab
'to!"
"Kaya
nga... Kuya kita ‘di ba? Ikaw ang kuya ko dito." Sinandal niya ang ulo niya
sa akin. Nakadikit ang pisngi sa tiyan ko. Yumakap ulit sa akin.
"Ano bang
nangyayari sa 'yo at nadadalas ang paglalasing mo ng ganiyan?"
"Ayaw mo
kasi akong patawarin kuya, alam ko na nga ang mali ko eh, nagsisisi na ako.
Mahal kita kuya. Namimiss na kita. Pabalikin mo nako dito," pagmamakaawa niya.
Natahimik ako.
Nakaramdam na naman ako ng awa sa kaniya. Madalas wala si Jepoy sa bahay at
parating nasa girlfriend niya kaya malamang ay mag-isa lang siyang natutulog
parati sa kabilang unit. Hindi siya sanay mag-isa. Baka natatakot din. Ilang
beses ko na siyang nadinig na kumakatok pero hindi ko pinagbuksan. Kunwari na lang
ay hindi ko nadidinig.
Sinalo ko ang
ulo niya ng kamay ko at dinikit ang palad ko sa kabilang pisngi niya. Ginalaw
ko ang hinlalaki ko at masuyong hinahaplos mukha niya. Bumuntong hininga ako.
"Ayus na
tayo, Mico. Tigilan mo na ang kakainom ng ganiyan. Ayos na tayo."
Pinilit niyang
tumingin sa akin. Nakatusok na naman ang baba niya sa tiyan ko, pinilit
ngumiti.
"Tatanggapin
mo na ulit ako dito?" Buo na ang ngiti niya, parang bata. Pumikit ulit.
Hindi ako sumagot. Hinawi ko ang buhok niya at tinulak palayo sa kaniyang noo.
Sinuklay-suklay ng daliri ko ang buhok niya. Paano mo matitiis ang mukhang
anghel.
"Ang
sinabi ko lang ayos na tayo".
Matagal bago siya
sumagot.
"Mahal mo
bako kuya?"
Hindi din ako
sumagot kaagad.
"Alam mo
naman na mahal kita kahit ‘di ko sinasabi. Na-miss din naman kita. Na-dissapoint
lang talaga ako. Pero hinahanap-hanap ko din ang pangungulit at panggugulat mo
sa akin. Na-miss kita. Masakit din sa akin."
Buong buo na
ang ngiti ni Mico. Nagbalik ang ngiting parang kakainom lang ng gatas sa
commercial. Pagkatapos ay bigla siyang ngumuso.
"Kung
mahal mo ako kuya, kiss mo ako."
Sinampal ko siya
ng mahina. Lasing talaga tong isang 'to. "Parang kang gago!" sabi ko.
"Tsk!
Kiss lang eh. Mahal mo ako ‘di ba?"
"Tangina
nito! Pag mahal may kiss?"
"Sus...
sige na nga kuya paliguan mo na lang ako. Baby mo ako eh. Para hindi amoy
lasing ang kwarto."
Bumuntong
hininga ako. Kinalas ko ang yakap niya at dahan-dahan ko siyang hiniga.
Nakababa pa din ang mga paa sa sahig.
"’Wag
kang gagalaw dyan."
Tinanggal ko
ang pagkabutones ng polo niya. Tinanggal ko din ang pagkabutones ng pantalon niya
at binaba ang zipper. Pinasok ko ang kamay ko sa kaliwang bulsa niya. Pagkatapos
ay sa kanan.
"Asan ang
susi mo, kukuha ako ng damit mo sa kabila"
"Tsk!
Brief mo nalang ang ipasuot mo sa akin kuya. Gusto ko brief mo," usal niya.
Hindi ko siya
pinansin. Kinapa ko ang maliit na bulsa niya at nakita ko ang susi. Lumipat ako
sa kabilang kwarto para kumuha ng damit.
Pagbalik ko sa
unit ko ay nakita ko si Mico na nakahiga parin sa ganong posisyon pero wala
nang damit, hubo't hubad, nakabuyangyang pati ang makinis at malaki niyang
tite. Sira ulo talaga 'tong isang 'to. Naisip ko tuloy na pinagti-tripan lang
ako ng gago.
Tumayo ako sa
harapan niya at pinagmasdan ko ang hubad niyang katawan, makinis, maputi, mapula
ang nipple na dati ay tinatago-tago niya sa akin. Nakikita ko ang kilabot sa
makinis niyang balat na dala ng lamig. Unti-unti na ding nagkakahubog ang kaniyang
tiyan. Ilang buwan din siyang sumama-sama sa
amin ni Jael bago pa kami nagkaroon ng problema.
Ang dating
tinatago-tago din niyang titi sa akin ay nakabuyangyang na ngayon sa aking
harapan. Malaki kahit hindi galit. Maamo at makinis na titi. Ang swerte na
Camille sa isang to. Langit siguro ang naramramdaman ni Camille pag kinakain niya
ang titi ng artistahin at anak mayaman.
Pinilit kong
hindi tamaan ng libog. Huminga ako ng malalim.
"Hoy,
bunso!" sarcastic ang boses ko habang tinatapik ang binti niya.
"Tumayo
ka na dyan. Paliliguan ka na ni kuya".
-----Itutuloy-----
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento