Huwebes, Hulyo 31, 2025

Sa Babuyan at Manukan (Part 21)

 


Sa Babuyan at Manukan (Part 21)

 

Zaldy’s POV

“Ahhh, akala ko GF mo ang gumugulo sa isipan mo eh. Kung hindi GF, baka naman BF? Hehehe, joke lang.” biro ko kay Sendong

Napatitig si Sendong sa akin, titig na titig, tila hindi na kumukurap ang mga mata.

“O bakit ganyan ang tingin mo sa akin?”

“Ang totoo, ang tungkol nga sa boyfriend ang nagpapagulo sa isipan ko. Hindi ko nga maintindihan eh. Kasi, simula pa kanina doon sa lagoon, para bang masyado akong attracted sa iyo. Huwag mong isipin na bading ako, pero para kasing gusto na kita,” pag-amin ni Sendong.

Nawalan ako ng kibo. Ang totoo, ganun din ang naramdaman ko kanina. Kaya nga palagi na lang gusto kong magkadikit kami, magkausap. Ano bang nangyayari sa akin.

“Ha! Eh talaga ba?”

-----o0o-----

“Hala Sendong, baka maniwala ako sa iyo. Paniwalain pa naman ako,” sagot ko ring pabiro.

“Naku, huwag mo nang intindihin iyon, alam ko namang hindi mangyayari na magkagayon. Nakakainggit nga si Gerald, mukhang nagkaka-intindihan na sila ng kaibigan mo. Alam mo, hindi halatang bading siya,” sabi ni Sendong.

“Hindi naman talaga bading iyon. Eh si Gerald ba ay bading?”

“Hindi rin Zaldy. Bad boy iyon dati, bully sa school. Malakas ang loob na mambully kasi nga anak ng mayor namin. Pero hindi na ngayon, nagbago na siya.”

“Pupwede kayang magka-ibigan ng tapat ang dalawang lalaki lalo na at hindi naman mga bading,” naitanong ko.

“Wala akong masabi, kasi wala pa akong alam na ganon. Kung sakali, yung dalawa nina Gerald at Vincent. Pwede siguro, kasi nga, ako tumibok sa iyo ang puso ko,” sabi ni Sendong na napahawak pa ang kamay sa kamay ko na nakababa sa may upuan. Hindi ko inalis ang kamay ko, hinayaan ko lang. “Zaldy, me karanasan ka na ba sa kapwa lalake. Alam mo, dito… nauuso ang ganon eh.”

“Tama ka nga, uso na ngayon ang BL, boys love baga. Pinauso kasi iyon ng mga Thailander sa pagka-alam ko. Sa tanong mo kung nagkaroon na ako ng experience sa bading… oo. dalawang beses na. Ikaw rin ba?”

“Huwag ka sanang magagalit ha Zaldy, oo, kay Mikel. Magkatabi kasi kami palagi sa pagtulog, minsan nahuli niya ako na nagjajakol, sabihin ba naman na tutulungan daw ako. Hayun, me nangyari tuloy, pero isang beses lang iyon, promise.

“Hindi kaya nanlalaki lang dito si Mikel?”

“Hindi Zaldy, Sa pagka-alam ko at pagkakilala ko kay Mikel ay hindi gagawa ng ganon. School-bahay, lang siya palagi. Wala namang papasyalan dito. Minsan nagko-computer games at nagpi-picnic lang sa lagoon kasama ang mga kaklase, babae at lalaki.”

“Sana nga.” –ako.

“Sandali Zaldy, me hayop ka sa buhok mo, sandali-aalisin ko, baka kung anong insekto iyan, siguro kanina pa bago tayo pumasok sa kotse.

Dumukwang si Sendong para abutin ang kung anomang insektong nasa may buhok ko raw, nagtapat ang aming mukha, halos ga-hibla na lang ng buhok ang pagitan sa aming mga labi, halos maduling pa nga ako dahil nakatitig ako sa kanya ng malapitan, pumikit na lang ako. Naamoy ko ang halimuyak niya, lalaking lalaki, pati na ang mabango niyang hininga na amoy listerine na menthol.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, tumatambol, mabilis. Pati paghinga ko ay mabilis, para akong nahahapo. Hindi na ako nagulat nang maramdaman ko na lumapat na ang labi niya sa aking labi, banayad ang dampi, malumanay ang pagdikit.

Ayaw kong magmulat ng mata, baka kasi mapahiya at hindi ituloy, naghihintay ako na laplapin na ako at tutugunin ko naman siya. “Ahhhhhhhh,” ang lumabas sa aking bibig.

Kasunod niyon ay ang pagsiil na niya ng halik sa aking labi, mariin, mainit, nagbabaga at siyang gusto kong gawin niya. Naramdaman ko pa ang pagpasok ng kanyang dila sa loob ng bibig ko dahil sadya kong ibinuka, binundol ang dila ko ng dila niya sa loob ng bibig ko kaagad ko naman iyong nahuli at sinipsip saka ako naman ang nagpasok ng dila sa bibig niya.

Kalaunan ay nag-e-espadahan na kami ng dila, nag-eskrimahan, nagsipsipan at umuungol. Naglagablab na ang aming damdamin, wala na ako sa katinuan dahil ang nasa-isipan ko na lang ay ang gumanti sa mga halik niyang ubod ng sarap, ubod ng init,  punong-puno ng pagnanasa at pagmamahal, dama ko iyon kahit sa mahihina niyang ungol at kagat sa aking labi.

Matapos ang mahigit limang minutong paglalaplapan namin, bumitiw na siya at hinalikan ang magkabila kong pisngi, ang aking tenga na kinagat-kagat ang eralobe ko bago sinundot ang loob ng matulis niyang dila saka sinipsip. Napakasarap, ibayong sarap na halos ikapugto ng aking hininga sa tindi ng sensasyon.

Sunod ay halos isubo ang buo kong baba, bago dinilaan, nabasa na ng kanyang laway ang aking baba dahil tila ba kinain na niya iyon. Dumiretso siya sa aking leeg, hinimod ang magkabilang gilid, banayad na kinagat-dagat  ang aking adam’s apple saka pinagapang ang dila sa aking balikat.

Wala akong pag-tutol ng hubarin na niya ang aking puting tshirt saka muling sininghot ag aking balikat mula kanan hanggang sa kaliwa, pagkatapos ay itinaas ang aking mga braso at inilagay sa likoran ng aking ulo saka sininghot ang aking kilikili.

“Ahhhhh Sendong ooohhhhhh ahhhhhmmmm ahhh ahhh ang sarappp ooohhhhhhh.”

Sobrang sarap ang aking naramdaman sa paghimod na ginawa niya sa magkabila kong kilikili, ibang klaseng sensasyon iyon, nanunuot sa buo kong kalamnan. Hindi matapos-tapos ang aking pag-ungol.

Nang pagapangin na niya ang kanyang dila at labi sa aking dibidb, ay napapa-angat na ang pwetan ko, para bang nabahiran ng siling labuyo, para bang napaka-init sa pakiramdam ko at hindi ako mapakali sa pagkakaupo.

Hindi na ako nakapagtimpi pa, sobra-sobra na ang sarap na idinulot niya sa akin, wari ko ay lalabasan na ako, at hindi ko iyong gusto. Naitulak ko siya kaya napahiga na siya sa upuan. Masikip ang espasyo, pero ewan ko kung paano namin nagawang magromansahan doon.

Inangkin ko muna ang kanyang labi, marunong naman akong humalik kaya alam kong nagustuhan din niya ang aking estilo. Halos magkabuhol-buhol ang aming dila sa paglulumikot niyon sa loob ng bibig niya, at kapag nakalabas ay paguumpugin namin, pagsasayawin naming ang aming dila na magkadikit, ahhhh ibang sarap, ibang libog ang tumama sa amin, grabeng pagnanasa.

Hinubad ko na rin ang kanyang muscle shirt, puta, napa-palatak ako sa ganda ng kanyang katawan, walang panama ang sa akin, Lalong tumindi ang aking libog, lalong rumagasa ang aking pagnanasa, umalsa lalo ang aking harapan.

Ang sarap lamutakin ng matambok niyang muscle sa dibdib, na tila tumitibok-tibok pa, ang kanyang utong na tila nakausli at may kalakihan na tila ba sa ina na ilang beses nang nagpasuso, grabe na talaga, ang sarap susuhin,

Gaya ko ay halos mamilipit din siya sa sobrang kiliti, sa sobrang sensasyon pabang pinagdiskitahan kong laspagin ang masarap niyang dibdib.

Hindi ko rin kinaligtaan ang kanyang abs. malalakas na ang ungol niya kaya napagsabihan ko. Sa sobrang tahimik ng gabi, ay malamang na kahit kaluskos ng pusa ay may makakarinig.

Wala na, huling baraha na ang kasunod, at  iyon ay ang kanya nang burat. Pero hindi ako sumusubo ng burat.

Nataranta ako nang hubuin nang kusa ni Sendong ang kanyang short, puta tirik na tirik, tigas na tigas, ang haba at ang taba, medyo kinabahan ako at baka ipasubo sa akin.

Pero ang ganda ng kanyang titi, ang ganda ng pagkakatuli, walang nakalaylay. Sa totoo lang, nahalina ako, narahuyong tikman iyon. Dinilaan ko ang dulo, inikot ko ang dila sa paligid ng pinaka-ulo, bigla ang tila pangingisay ni Sendong.

“Ohhhh ang sarap Zaldy, ang sarap mahal ko,” ang nawika ni Sendong.

Ibang ang epekto sa aking nang sinabi niyang iyon, Nakaramdam ako ng kakaibang saya sa aking dibdib, iba ang pintig ng puso ko.

Dahil doon, nagawa kong isubo ang kanyang burat, Dahil hindi ako sanay ay nasasagi ng ngipin ko ang kanyang burat.

“Sandali Zaldy, masakit. Iwasan mong masagi ng ngipin ang burat ko. Hindi ka pa ba nakasubo ng titi?” Nagtatakang tanong ni Sendong na ang tono ay parang tuwang-tuwa.

“First time ko, gusto ko kasing masiyahan ka.”

“Ohhh Zaldy, ang saya ko, ako pala ang nakauna sa iyo, lalo kitang minahal,”

Pagkasabi niyon ay pinatigil niya muna ako sa pagtsupa. “69 tayo para patas.”

Napakahirap ng pwesto namin, masikip. Ganon pa man nagawa rin namin ni Sendong na makapag 69.

Sandali lang naman kami dahil sa nilabasan na kami pareho sa loob ng aming mga bibig. nagmamadali akong kumilos para maidura ang tamod na iyon. Kahit na naidura ko kaagad, marami pa rin akong nalunok.

Si Sendong naman ay nilunok yata lahat ang aking tamod. Mukhang sanay nang kumakain ng katas.

Wala kaming imikan, nakaramdan ako ng konting pagkapahiya. Tapos ay nagaya na akong bumalik na ng higaan at baka magising si Mikel at hanapin kami.

Dahan-dahan ang pagsampa ko sa kama, iniiwasan kong magising si Mikel. Magtatanong sigurado iyon at wala akong alam na isasagot.

Nahiga na rin si Sendong at yumakap pa sa akin. Hinayaan ko na, hindi naman siguro maghihinala si Mikel ng kung ano, masikip kasi sa higaan.

-----o0o-----

Nagising ako na wala na si Sendong, pero si Mikel ay tulog na tulog pa rin. Bumangon na ako at tumungo sa kusina para maghilamos. Nadatnan ko si Sendong na nagluluto.

“Good morning Sendong. Ang aga mo yatang gumising. Ano ang niluluto mo?” tanong ko.

“Good morning din babe hehehe. Sinangag ko ang natirang kanin kagabi, tapos nagsaing din ako. Normal na kasing agahan namin ang pritong daing, isda, itlog at kung anong natirang ulan kagabi. Magkape ka muna.”

“Mamaya na,” tugon ko. Nag-hilamos at nagmumog muna ako, hindi ko namalayan na nasa likoran ko na pala si Sendong kaya pagharap ko ay nagulat pa ako. Pero siya, ay nahalikan ako kaagad sa labi. Naitulak ko siya tuloy, baka kasi may biglang pumasok ng kusina. Nagmadali akong pumasok ng banyo, pero sumunod din siya. Isinara niya ang pinto at muli, inangkin niya ang aking labi.

Hinayaan ko na siya, masarap naman kasi hehehe. Muntik pa ngang tsupain pa ako, sinansala ko lang at pinalabas na siya.

Paglabas ko ng banyo ay nasa may pintuan naman sina Vincent at Gerald.

“Gagamit ka ba ng banyo?” tanong ko kay Vincent.

Hindi na siya sumagot, obvious naman na gagamit sila, wala lang akong matanong. Kaso sabay silang pumasok ng banyo. Dinig ko pa ang paghaharutan ng dalawa. Nagkatitigan pa kami ni Sendong.

“Inggit ka,” sabi ba naman ni Sendong.

“Ako maiinggit, nauna na nga tayo sa kanila eh.”

Tawa lang kami ng tawa ni Sendong.

Hindi pa nalabas sina Gerald at Vincent sa banyo, ay heto naman sina Dindo at Oscar, nakapila sa may pintuan ng banyo.

“Sinong nasa loob, yung bang mag-jowa?” tanong ni Dindo na ewan ko kung nagbibiro.

Confirmed na nga yata, sina Vincent at Gerald na. Sino kaya ngayon ang top at sino ang bottom? Hala, ano ba itong nasa isipan ko.

Maya-maya ay bumaba na rin si Nanay Sela, kasunod si Mikel.

-----o0o-----

Pagkakain ay hinihiram ni Vincent ang susi ng kotse. Ihahatid lang daw niya si Gerald sa bahay nila.

“Ano Gerald, ipapakilala mo na ba sa parents mo itong si Vincent?” tanong ni Oscar.

Napakamot sa ulo si Gerald, tila nahihiya, pero hindi siya nagkomento, tahimik lang.

“Kayo na ba ba ni Gerald Vincent. Hindi ko ipahihiram itong susi kapag hindi mo ako sinagot,” sabi ko na may pamba-blackmail pa.

“Oo na, kami na na nga,” pag-amin ni Vincent sabay kiss sa pisngi ni Gerald na tila kinilig naman.

Namilog ang mata at bibig ni Mikel, parang hindi makapaniwala. Dati kasing crush ni Mikel itong si Vincent, may nangyari pa nga sa kanila kaya nga nabugbog ko eh.

Nakabawi naman agad sa kabiglaanan si Mikel. “Wow… congratulations sa inyong dalawa. Pero okay lang ba sa inyo ang long distance relationship?” tanong ni Mikel.

“Pupuntahan ko si Vincent sa Manila, tapos schedule namin na siya naman ang pupunta rito para magkita kami. Tapos, sasabihin ko kina Mama na sa Manila na lang ako magpatuloy sa pag-aaral sa senior hight next year,” sabi ni Gerald.

Nagkakatuwaan pa kami ng may bumusina sa tapat ng bahay ni Nanay Sela.

“Sendong, nariyan na si Mang Kanor, naka-ayos na ba ang mga itlog?”

“Opo Tiya, sandali lang at iiayos ko pa itong nahuli,” tugon naman ni Sendong.

“May mga bisita ka pala Sela,” bati ni Mang Kanor.

“Oo, kapatid ni Mikel, matagal na palang hinahanap at heto, natagpuan na nila. O siya, bahala na sa iyo si Sendong,” sabi ni Nanay Sela saka umakyat na sa itaas. Si Mang Kanor naman ay pumasok na sa isang silid o bodega kung saan naroon ang mga tray ng itlog.

Maya-maya lang ay dumating na si Sendong na may bitbit na malaking basket, puno iyon ng itlog.

“Ang dami ah, ano pang gagawin diyan?” tanong ko.

“Iso-sort pa kung small, medium, large o jumbo,” tugon ni Sendong.

“May maitutulong ba ako?”

“Konti lang ito, kaya ko na, magpahinga ka na lang diyan,” sabi niya saka pumasok na kung saan naroon si Mang Kanor. Ako naman ay lumabas na nang bahay, pinanood ko si Mikel na winawalis ang mga laglag na tuyong dahon sa harapan.

Naupo ako sa gilid, medyo maalikabok sa harapan dahil nagwawalis nga si Mikel. Napatingin ako sa loob, me konting siwang sa bintana, basag kasi ang isang piraso ng dyalosi kaya kita ang nasa loob kahit nakababa lahat ng dyalosi.

Nag-aayos ng mga itlog si Sendong sa tray. May sinasabi si Mang Kanor na kahit mahina at halos pabulong ay nadinig ko pa rin.

“Miss na kita Sendong, pwede bang magkita tayo mamaya?” sabi ni Mang Kanor.

“Hindi pwede, may gagawing akong assignment, uuwi ako bago dumilim,” tugon ni Sendong.

Nagtataka ako kung bakit gustong makipagkita ni Mang kanor kay Sendong.

“Pa kiss na lang,” pangungulit ni Mang Kanor na bigla na lang yumakap kay Sendong at tangkang halikan sa labi ito. Naitulak tuloy nito ang matanda.

“Mang Kanor, huwag naman, may ibang tao at baka makita tayo,” sabi ni Sendong. Saktong napadako ang tinigin nito sa may bintana, nagtama ang aming paningin. Kitang-kita sa reaksyon nito ang pagka-gulat.

Kahit ako ay nagulat sa ginawang iyon ni Mang Kanor. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit ginawa iyon ng Matanda. Kung walang takot na ginawa iyon, ibig sabihin ay may something sa kanila. Tumayo na ako at umalis sa lugar na iyon.

“Kuya, bakit nakasimangot ka?” nagtatakang tanong ni Mikel

Pero hindi ko siya pinansin, tuloy-tuloy akong pumasok sa silid.

 

 

Itutuloy…..

 

1 komento:

  1. Jusko naging bading na silang lahat, kumain ng tite at nagpakabotm na silang lahat, nawalan na ng saysay ang lalakeng top sa kwento

    TumugonBurahin

Inabot ng Libog Sa Gitna ng Traffic By: Tristan

  Inabot ng Libog Sa Gitna ng Traffic By: Tristan     Hi. Ako nga pala si Tristan, 27 years old, fair skin, medium built, 5’8″ ang t...