Me And Steve’s Love Story
By: James
Good day readers! Tawagin
n’yo na lang akong James, 18 years old from Cavite pero nag-aaral sa Manila.
Itong ikwekwento ko sa inyo ay isa sa mga hindi ko akalain na mangyayari pala
sa buhay ko.
Bisexual ako pero hindi
ako nagpapahalata talaga. Pumupunta din ako sa gym para mag-work out, at
tumingin tingin na rin hahaha.. Mahilig ako mag laro ng Tennis. I’m 5’9″,
maputi at chinito.
Noong una ay ayaw akong
payagan ng parents ko na mag-aral sa Manila dahil daw gala ako, baka daw may
mangyaring masama sa akin at kung ano ano pa. Pero dahil konti lang ang
nag-ooffer ng Dentistry sa universities sa Cavite, pinayagan nila ako na
mag-aral sa Manila. Kumukuha ako ng kursong Dentistry sa UE. 3rd year college
na ako at ang istoryang ito ay naganap last year.
“P’re sama ka ba sa Sunday,
nood Cheerdance kasama buong tropa,” text ni Bryan, kaklase ko.
“Sige sige. May ticket na
ba? ‘Di ba mahirap makahanap ng ticket pag CDC?” – text back ko.
“Oo meron na. May kilala
si Celine, siya nag asikaso,“ text back ni Bryan,
“Yon! Nice! Bigay mo na
lang ticket sa akin bukas para sure haha,” reply ko.
Dumating ang araw ng UAAP
Cheerdance Competition (CDC). Galing akong Cavite dahil umuwi ako from dorm.
Akala ko sobrang traffic pero hindi pala kaya 10am pa lang nasa MOA na ko,
nag-mukha akong sobrang excited dahil sobrang aga ko. Dahil maaga pa, kaya
pumunta muna ako sa coffee shop. Nakakainis, ang daming tao kahit 10am pa lang.
Pagka-order ko ay umikot ako pero wala talagang maupuan kaya nagtanong ako sa
isang lalaking naka-upo na parang walang kasama, “Ahmm excuse me, may kasama ka
ba? Can I share a seat with you?” sabi ko sa lalaking naka-yellow.
“Sure,” agree ng lalaki.
Tapos inalis niya yung bag
niya sa upuan. Umupo ako at tinitigan ko yung guy. Fuck! Sobrang cute niya. Ang
gwapo niya at sa tingin ko magkasing-height lang kami, maputi din siya.
”Taga-UE ka, right?” gulat
ako bigla siyang nag salita.
“Ahh oo. Paano mo
nalaman?” sagot ko.
“Ayan oh nakalagay sa
shirt mo.”
Ang tanga ko. Oo nga pala
naka-UE shirt ako. Natawa na lang ako. “Ahmmmmm ikaw taga-UST ka?”
“Haha Yup!” Hinawakan niya
yung shirt niya at parang pinagmayabang sa akin.
Naisip ko na ipagpatuloy
yung conversation namin kaya nag-tanong ako agad. “Bakit ang aga mo?”
“Hinihintay ko kasi yung
bibilhan ko ng ticket, sabi agahan ko daw. Ikaw… bakit ang aga mo rin?” sagot
naman niya.
“Galing pa kasi akong
Cavite, akala ko traffic kaya inagahan ko,” sagot ko.
“Ohhh.” Iyun lang ang
reply niya, so sa tingin ko parang tapos na yung usapan namin. After 5 minutes,
nilabas ko yung envelope ko na puno ng papel at kinuha ko yung hand outs ko
para mag-aral muna.
“Uy… naghahanap ka ng
dorm? Condo?” Nakita niya siguro yung brochures na nasa ilalim ng nilabas kong
hand outs.
“Ahh oo. Ayoko na kasi don
sa dorm ko eh, magulo,” sagot ko agad.
“Gusto mo samin? Condo
along Espaniya-P.Noval. Tatlo pa lang kami don eh.”
“Hmmm magkano at may pool
ba dyan at gym?”
“Oo meron, tsaka safe doon.
Ako palang tapos isang taga-FEU at isang graduating na taga-UST din,” sabi niya.
“Oh sige. Kailangan ko na
kasi lumipat eh, sobrang gulo don sa dorm ko,” sagot ko.
Ngumiti siya na parang
tuwang-tuwa sabay sabing, “Kunin ko na lang number mo para text ko sa iyo ibang
details.”
Napaisip tuloy ako na ang
swerte ko naman, sana matuloy para magkaroon naman ako ng gwapong roommate.
Kaya agad agad kong binigay number ko.
Niyaya ko siya na mag
lunch dahil 11am na din naman. Sumama siya at pumunta kami sa isang fast food
chain. Nakapag-usap pa kami nang matagal. Nalaman ko na 2nd year na siya at
kumukuha ng kursong Interior Design. Nagkwento siya about sa condo. Para tuloy siyang
ahente sa mga real estate, binebenta niya talaga yung place sa sakin. Haha
“Gusto mo sabay pa tayong
mag gym eh, twice a week akong nag -dyi-gym doon. Swimming din minsan,” sabi niya.
“Sige ba. Sana matuloy
paglipat ko”
Dumating na daw yung bibilhan
niya ng ticket. Naghiwalay na kami at nagkita na din kami ng mga kaklase ko.
Mag sisimula na yung CDC. Sobrang ingay sa loob. Pumunta na kami sa UE side.
Umupo ako at tumingin sa UST crowd. Parang siya ata yung nakikita ko na
nakatulala lang. Kumaway-kaway ako, mga 20 sec din akong kumakaway para makita niya
ako. Yesss! Lumingon siya at nagkatitigan kami. Kinawayan niya din ako.
Biglang nag ring yung
phone ko. Sinagot ko pero hindi ko masiyadong marinig kaya lumabas ako. “Uy
bakit ka kumakaway?” Tawa siya ng tawa. “Tara kita tayo saglit lang,” sabi niya.
Nagkita kami malapit sa
CR. Pagkakita namin, nagsalita siya agad “Bro, hindi ko pa pala nahihingi
pangalan mo,” sabay tawa.
“Oo nga no, kanina pa tayo
magkasama at nag-uusap.” sagot ko.
“Steve nga pala.”
“James, bro.”
Nag-shake hands kami.
Kilig na kilig ako sa mga panahong yon. Sobrang cute niya tapos magkahawak pa
kami ng kamay.
Pagbalik ko sa loob.
“James sino yung kinakawayan mo kanina? Mukhang gwapo ah kahit malayo pa lang,”
sabi ni Celine.
“Sus landi mo talaga.
Kaibigan ko yun.”
“Siya din ba yung kausap
mo sa labas? Nakita ko pagkatapos ninyo magkatitigan, parehas naman kayong
hawak ang phones n’yo” usisa niya.
“Siya nga. Wag ka nga
magulo dyan, iintrigahin mo na naman ako eh,” sagot ko.
“Sungit neto. Hayaan mo
hindi ko siya aagawin sa iyo.”
Napatigil ako sa sinabi niya.
Mukha ba akong defensive? Buti na lang nagsimula na yung show.
Lagi akong napapatingin sa
UST side, tinitignan ko kung ano reaksyon niya sa mga performers. Isang beses
na tumingin ako, nakatingin din pala siya. Nagulat ako kaya napa-thumbs up na
lang ako bigla. At ganon din siya.
Natapos yung show, umuwi
ako sa Cavite at nagpaalam sa parents ko na kung pwede na ba akong lumipat asap
dahil may nahanap na akong malilipatan, kahit hindi ko pa talaga nakikita yung
condo haha. Pinayagan nila ako basta daw ay safe doon at malinis.
Tinext ko si Steve sabi ko
pinayagan ako. Sabi niya sasamahan niya daw ako sa Monday after ng class ko. So
ayun nga, nagkita kami.
“Bakit pawis na pawis ka?”
tanong niya sa sakin.
“Nagmadali kasi ako baka
kanina ka pa naghihintay,” sagot ko.
“Sus, ayos lang,” sabi
niya sabay akbay sa sakin.
Shit talaga ang swerte ko
dito. Ngiting-ngiti tuloy ako habang naglalakad kami.
Pinakita niya sa akin yung
room nila. May isang lalaki na nasa loob. Si Kuya John daw yun. “Tatlo kami
dito, bali ako, si Kuya John tsaka si Will,” pakilala niya sa akin.
Nag-hi ako kay Kuya John.
Nalaman ko na siya pala yung graduating na taga-UST. “Ingat ka dyan James
malakas yan kumain baka maubos lang grocery mo dito hahaha,” biro ni Steve.
“Ulol!” sabi ni John, sabay
batok kay Steve. Nagtawanan na lang kami.
Malaking tao si Kuya John
at medyo mataba. Naikwento din ni Steve na si Will ay wala dahil nasa school
pa. Siya daw ay kumukuha ng Accountancy sa FEU. “Matalino yun tsaka may itsura
din kagaya mo. Paiba-iba ng girlfriend,” sabi ni Steve.
Kwinento pa niya sa akin
yung mga conditions, contract, etc about sa condo. Maayos at maganda yung unit.
Sinamahan niya din ako sa pool, gym, canteen, at kung saan saan pa.
After a week, nakalipat na
ako doon. May dalawang double deck na magkatapat yung room. Doon ako sa taas,
sa baba ko si Steve. Si Will sa kabilang double deck naman sa taas din at sa
baba niya ay si Kuya John.
Maayos ang pag-stay ko sa
unit na yun. Masayang masaya yung mata ko dahil may dalawang gwapo na kasama.
Uso nakahubad. Boxers lang kadalasan ang suot. Ilan beses ko na sigurong napag
jakulan sina Steve at Will. Laging sila ang iniimagine ko, threesome kami.
Hahaha! Pero hindi ko pa din pinapahalata na bi ako kahit medyo may
pagka-malambot ako minsan, sana lang hindi nila napapansin.
Ilang araw pa ang lumipas,
parang nahuhulog na ako kay Steve. Crush na crush ko na talaga siya. Minsan
sabay kaming tatlo nina Will mag gym at mag swimming. Si Kuya John minsan lang
namin nakakasama dahil graduating at sobrang busy. Minsan matutulog ako wala siya,
yun pala madaling araw na nakakauwi. Kaya kaming tatlo nila Steve at Will yung
naging pinaka-close.
Isang araw, kami lang ni
Will ang nasa condo. Sabay kaming kumakain, tahimik. Bigla siyang nagsalita, “P’re
may tatanong ako sa iyo sana hindi ka magalit,” sabi niya.
Kinabahan ako. “Ano yun?
Nakatatakot naman yang pagkakasabi mo,” pautal-utal kong sagot.
“Ahh p’re, bakla ka ba?”
prangkahang tanong sabi niya.
“Ahhh, ehhh, ba-kit mo
naman naitanong?” kabadong sagot ko.
“Wag ka magagalit ah.
Curious lang ako kasi lagi ko kayong napapansin ni Steve na sobrang close eh.
Parang magsyota na nga kayo eh.”
“Ahh yun ba?” Iniisip ko
kung aamin ba ako. Inamin ko na rin na bisexual ako. Kabadong-kabado ako habang
sinasagot ko siya.
“Whoaaa! Di nga? Sabi ko
na nga ba eh! Ayos lang yan pre. Basta huwag mo akong pagnanasahan ah,” sabi ni
Will.
“Sira! Hindi kita type no!
Tsaka may nililigawan akong babae ngayon.” Nasabi ko na lang na may nililigawan
ako kahit wala naman.
“Baste pre, ayos lang
naman yan sa akin. Pasalamat nga ako at inamin mo eh.”
“’Wag mo sasabihin sa iba
ah!”
“Oo ba. Basta huwag kang
magtatago ng secret sa sakin,” nakangiti niyang sabi “Si Steve, natanong ko na
din eh kung bakla siya,” dugtong pa niya.
“Owws! Anong sabi niya?”
usisa ko.
“Secret! Interesadong-interesado
ka naman.. Uyyyy!”
“Tangina nito. ‘Wag mo nga
akong asarin. Sasapakin kita. Baka may makaalam pa”
“Eh bakit ka defensive?
Ayos lang naman sa akin basta ‘wag ko lang kayong mahuhuli.”
“Bahala ka nga dyan!”
“Gusto mo pakilala pa kita
sa mga taga-FEU eh, dami akong kakilala na gwapong bisexual don.”
“Sus!” Nagtawanan na lang
kami at sabay punta sa CR.
After nung umamin ako kay
Will ay mas naging kampante ako. Mas naging close pa kaming tatlo. Inuman
minsan pag walang exam. Swimming, gym.. Sabay lagi kumain at minsan nag
hihintayan din sa school. Napapansin ko na mas nagiging touchy si Steve sa
sakin. Minsan natutulog siya sa braso ko, gusto nga din lagi kaming magkasama.
Niyayaya niya din ako sa sine palagi at treat niya daw. Para kaming nag de-date
palagi.
Niyaya niya ako na manood
ng UST game. “Eh wala naman yung team ko doon. Sino i-cheer ko?” sabi ko sa kaniya.
“Edi UST! Sama ka samin
manood.”
“Sino kasama?”
“Mga kaklase ko.”
“Baka ma-OP lang ako doon,”
sabi ko.
“’Wag na nga! Kay Will ka
na lang sumama tutal manonood din naman siya,” galit na pagkakasabi niya.
“Ang drama naman neto!
Sige na. Sama na ko sa iyo. Pahiramin mo ko UST shirt ah tsaka baka tahimik
lang ako don, nakakahiya sa mga kaibigan mo.”
“Basta sagot kita. ‘Wag ka
mag-alala, mag-e-enjoy ka,” wika niya sabay yakap sa sakin.
Dumating yung araw ng
game, nagbibihis na kami. “Oh eto suotin mo,” ani Steve, sabay hagis ng dilaw
na t-shirt.
“Uy tangina couple shirt
talaga kayo ah,” singit ni Will.
Oo nga parehas kami ng UST
shirt. Napayuko na lang si Steve sabay sabing, “Dalawa kasi yung nabili kong ganiyang
shirt, akala ko kasi nawawala yung una eh hindi pala tsaka favorite ko yung
design na yan. Alangan namang mag UE shirt o FEU siya don,” sagot ni Steve.
“Daming explanations ah,”
pang-aasar ni Will. Nagkatininginan na lang kami ni Will at kumindat siya sa
akin na may halong tawa.
Sabay sabay kaming tatlo
na pumunta sa venue. Hindi pa start kaya pumunta muna kami sa isang coffee
shop, “James, naaalala mo pa tong inuupuan natin?”
“Hmmm ano meron?”
“Dito tayo unang
nagkakilala.”
“Oo nga no! Buti naaalala
mo pa!”
“Syempre naman, bestfriend
kaya tayo.”
Napalunok ako bigla sa term
na ‘bestfriend’.
“Tumigil nga kayo dyan mga
bro, mas malandi pa kayo sa magsyota eh,” biglang singit ni Will. Tawanan na
lang kami pero nasa isip-isip ko, “ang kj neto, panira ng moment”.
Kasama namin si Will
papunta pero hindi daw siya manonood, mag mo-mall lang daw siya.
Kasama ko si Steve sa UST
crowd. Pinakilala niya ako isa isa sa mga kaibigan nga. “Ikaw Steve ah, siya na
ba bago mo?” pang aasar nung isang babae kay Steve. Napangiti na lang si Steve.
“Si James nga pala, ka
live-in ko.”
Nagulat kaming lahat sa
sinabi niya. Lumapit ako sa kaniya, suntok sa tyan ng mahina at sabay bulong ng
“Gago!”
Napahawak siya sa akin,
“Joke lang!” bawi niya.
“Ang sweet n’yo naman.”
“Bagay kayo. Cute nyo oh.
Magkamukha pa.”
“Yieeeeee!”
Mga pang-aasar nung mga
babae.
“Tama na. Umupo na tayo,
nakakahiya kay James.”
Natapos yung game pero
hindi muna namin pinuntahan si Will. Gusto kasi ni Steve na kumain na kaming
dalawa lang, treat niya daw. Tahimik sa restaurant. Sobrang sweet nung music at
konti lang ang tao. Magkatapat kami, kitang-kita ko yung kagwapuhan niya. Medyo
awkward yung moment na yun kasi tahimik, tapos yung mga nasa paligid, mga mag
boyfriend-girlfriend.
Habang naghihintay ng
order ay nagsalita siya. “James, wala ka bang gustong sabihin sa akin?”
“Bakit? Wala naman.”
“May gusto kasi akong
sabihin sa iyo eh.”
“Ano yun? Bakit? Anong
sasabihin mo?”
Kinakabahan ako nung mga
panahon na yun, sobrang seryoso siya.
“Pwede ka bang tumayo?”
Tumayo naman ako. “Bakit?
Anong meron?” Nakatitig lang ako sa kaniya habang nakatayo ako, siya nakaupo.
After ng mga 10 sec, bigla siyang mabilis na tumayo sabay halik sa akin.
Napatigil ako. Hindi ko alam gagawin. Umupo siya bigla… napaupo din ako.
“Sorry” sabi niya. “Mahal
na kita James.”
Tahimik pa rin ako.
Nagsalita siya ulit, “James ramdam ko na may gusto ka din sa akin at alam ko na
bi ka din.”
Gulat na gulat ako. Hindi
pa rin nag si-sink-in sa akin yung mga pangyayari, nakatingin sa amin yung mga
nasa ibang table. Nakatatakot, nakagugulat.
“I love you, James.”
Lumipat siya ng upuan at
tumabi sa akin. Bigla ko na lang siyang niyakap. “I love you too,” bulong ko sa
kaniya.
Matagal kaming nagyakapan.
Dumating na yung order namin pero bago kami kumain, nagsalita siya ulit “Thank
you, thank you James! So pano yan, tayo na ba?”
“Hmmmmm. Oo! Yes!” At ako
naman ang nagnakaw ng halik sa kaniya.
Masaya kaming kumain
habang magkatabi. Umalis na kami sa restaurant at pinuntahan si Will na
naghihintay na sa amin kanina pa. “Ano Steve? Success ba?” pagbungad ni Will.
“Fuck. Alam mo?” sabi ko.
“Oo naman. Kasabwat ako niyan
eh. Pano ba yan.. congratulations! Libre n’yo naman ako.”
Napatingin ako kay Steve
at nagtawanan kami.
Lumipas ang mga araw,
naging sikreto ang relasyon namin ni Steve. Si Will lang ang may alam. Sa
tingin ko ay nakakahalata na din si Kuya John sa mga nangyayari pero wala lang
sa amin yun.
Isang araw ay umuwi si
Will sa province niya at si Kuya John naman ay as usual hindi na naman
mahagilap. Kaming dalawa lang ni Steve sa kwarto. Habang nag-aaral ako sa sahig
ay bigla siyang tumabi. “Oh bakit dito ka nag-aaral? Ayaw mo sa table?” tanong niya.
“Mas kumportable kasi ako
dito,” sagot ko, pero tumayo na din ako para pumunta sa table. Habang
naglalakad ako ay bigla niya akong niyakap patalikod. “Salamat Steve.
Pinapasaya mo ako palagi.”
Hindi kami nagsusuot ng
sando o t-shirt sa room kaya ramdam na ramdam ko yung katawan niya sa akin.
Humarap ako sa kaniya at hinalikan niya ako. Sobrang sarap niya humalik. Ang
lambot ng labi niya. Lalong pang umalab ang halikan namin. Napunta kami sa
gilid ng kwarto hanggang sa kama. Pumaibabaw siya sa akin. Hinubad niya boxers
ko at siya na din naghubad ng sa kaniya. Parehas kaming hubo’t hubad.
Hinalikan niya ako sa
buong katawan ko, sa kili-kili, sa abs at hanggang sinubo niya na ako. Sobrang
lakas ng ungol ko. Tumigil siya at ako naman ang gumawa ng mga ginawa niya sa
akin. Halos sabunutan na niya ako habang sinusubo ko ang ari niya. Pinadapa niya
ako at ipapasok na niya sana yung ari niya sa pwetan ko, pero pinigilan ko siya,
“Steve... hindi ko kaya. ‘Wag muna.”
Hindi ko talaga kaya na
mag pa-tira. Naintindihan naman niya. Kaya naghalikan na lang kami at sabay na
nagpalabas.
Nakatulog kami at nagising
na lang nang may marinig na ingay. “Putangina. Nawala lang ako ang lala na ng
mga pangyayari ah!”
Nagulat ako bakit nandito
na si Will. Bigla akong tumayo at kumuha ng shorts para saming dalawa ni Steve.
“Sorry p’re, nadala lang
ng emosyon,” sagot ni Steve habang hubo’t hubad pa.
“Magbihis na nga kayo.
Tangina amoy zonrox pa. Buti ako ang nakahuli sa inyo, hindi si John.”
Nagtawanan na lang kaming
tatlo at nagbihis na kami.
Ayos lang naman daw kay
Will na magkarelasyon kami basta daw ay wag kami magpapahuli sa kaniya dahil
hindi niya daw kaya makita. Ang laki ng pasalamat namin kay Will dahil tanggap niya
kami.
Isang beses magkakasama
kaming tatlo. Nagpunta kami sa isang college party nung february at may lumapit
na magandang babae. Parang nakikipag flirt kay Will. Habang naguusap sila ay
biglang hinawakan ni Steve yung kamay ko. Nakita yun nung babae at biglang
umalis. Tawanan kami.
“Fuck naman mga pre, akala
ata bakla din ako! Bat naman kayo nag holding hands bigla?”
Sobrang tawang-tawa kami
sa kaniya dahil sa ginawa namin.
Naikwento din niya na
nahulog daw siya agad sa akin nung unang pagkikita namin. Kaya daw siya
pursigido na mag condo ako sa kanila dahil na love at first sight siya.
“Thankful ako dahil puno yung coffee shop na pinuntahan mo.. dahil don
nagkakilala tayo,” sabay halik sa akin.
Marami na ang nangyari sa
amin ni Steve. Pasko, valentines.. lahat yun naging sweet kami sa isa’t isa.
Hindi namin hinahayaan na maging magkaaway kami.
Pinaalam ko sa magulang ko
na may boyfriend ako. Sinuntok ako ng tatay ko. Hindi niya matanggap. Ang nanay
ko naman umiyak lang. Sobrang dami daw nilang pangarap sa akin at sana daw ay
hindi nila ako pinag-aral sa Manila kung ganito lang din naman daw ang
mangyayari sa akin. Sobrang nalungkot ako nung araw na yun. Parang gusto ko
lumayas.
Bumalik ako sa dorm
kinabukasan kahit hindi ako pinapansin ng tatay ko. Kinausap ko si Steve.
“Sinabi ko sa kanila yung atin… kung ano tayo… yung relasyon natin.”
Malungkot ako non at alam
ko na ramdam din ni Steve na hindi maganda yung nangyari kaya niyakap na lang niya
ako at hinalikan sa noo.
“James, matatanggap din
nila tayo. Salamat at naging matapang ka. Hindi ko kaya yung ginawa mo. Hindi
ko kayang umamin sa parents ko. Sorry James.”
“Sorry din Steve. Sorry.”
Hindi ko talaga kayang
talikuran parents ko dahil dito. Alam ko hindi nila ako talaga matatanggap kung
ipaglalaban ko tong relasyon namin. Isang araw kinausap ko si Steve. “Steve
hindi ko alam kung tama to o ano.. pero sana maintindihan mo.”
“Sige makikinig ako.”
“Steve, gusto ko sana
tumagal tayo pero hindi ko talaga kayang tiisin na galit sa akin parents ko,
sorry.”
Umiyak ako. Napayakap ako
sa kaniya at halos humahagulgol na ako. “James.. hindi ko kaya. Sorry kung
selfish ako pero hindi ko kaya na wala ka sa akin.”
Tuloy lang ako sa
pag-iyak. At nagsalita siya ulit, “Kung gusto mo, ituloy lang natin to.. pero
hindi na tayo.. walang label. Hindi tayo mag-boyfriend.”
Napatingin ako sa kaniya
at tumungo ako. “Pano yun?” tanong ko sa kaniya habang umiiyak.
“Close pa din tayo pero
walang commitment, parang dati lang bago naging tayo.”
Niyakap ko siya at niyakap
niya din ako.
“Sorry Steve hindi kita
kayang ipaglaban.”
“Ayos lang. Mas lalaki ka
pa nga sa akin dahil nagawa mong umamin sa parents mo”
Naging maayos ang usapan
namin ni Steve. Hindi na ‘kami’ pero ipagpapatuloy pa din namin yung ginagawa
namin. Tanggap namin kung may darating mang mga babae, kung may liligawan man o
kung may mamahalin mang iba. Ayaw namin parehas na i-disappoint ang parents
namin kaya pumayag kami sa ganitong set-up. Kahit magulo pero sa tingin namin
ito ang makabubuti.
Pinaalam namin kay Will na
wala na kami ni Steve. Nagulat siya na parang hindi daw halata. Naikwento din
namin yung napagkasunduan namin ni Steve. Ang weird daw at buti pumayag kami sa
ganong set-up. Dahil don may ipapakilala daw samin si Will na magagandang
babae. Nagtawanan na lang kami at nag-asaran.
Hindi ko masasabing happy
ending o sad ending ang nangyari sa amin ni Steve. Masaya ako dahil
maipagpapatuloy namin ang pagkakaibigan pero malungkot dahil hindi namin kaya
panindigan yung nasimulan namin.
END.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento