Martes, Marso 5, 2024

Kababata (Part 6) Bati Na Tayo

 


Kababata (Part 6)

Bati Na Tayo

Jonas

Gusto ko na talagang makipagbati na kay JM. May naisip akong paraan, gagamitin ko si Estella para tuluyan na kaming magkasundo, nami-miss ko na kasi si JM.

Sigurado akong magkukuwento si JM sa mga kaibigan namin sa nangyari sa amin ni Estella sa mall, sasabayan ko sila sa pagkain na kasama ko si Estella at magpapakitang bati na kami. Alam kong mamamangha siya. maiinis at kakausapin ako at pagsasabihan. Alam kong may care pa rin ito sa akin bilang bestfriend nito.

-----o0o-----

Lunch time na, sinadya kong magpahuli para pagpunta namin ni Estella sa canteen ay naroon na sila’t kumakain, kami naman ni Estella ay holding hands pa para pumila sa bilihan ng pagkain.

Nakita ko pa nga si JM na nagulat at parang nagtataka. Lihim akong napangiti. Parang tagumpay ang aking plano.

Pagkabili namin ng pagkain ay swerte na may bakanteng mesa malapit sa kanila, alam kong nakita niya kami at nakita ko rin naman siya, kunot ang noo at parang nanlilisik pa ang mata. Sa isipan ko ay marahil galit na galit na siya at balak na sugurin si Estella.

Kaso, tila mali yata ako nang sapantaha, dahil iba ang rumehistro sa mga mata ni JM, parang nanunuya pa at pangiti-ngiti, tapos ay bubulong pa sa katabi at saka tatawa ng medyo malakas. Parang tuwang-tuwa na hindi ko alam kung anong ikinatutuwa.

“Ano kayang pinagtatawanan at bulungan nila. Anong sinasabi niya sa mga kaibigan na matapos magbulungan ay titingin muna sa akin at saka hahalakhak. Mga gago iyon ah,” ang sabi ko sa aking isipan. Sa halip na sila ang mainis ay ako ang nainis. Gusto ko na silang sitahin, pero nagpigil lang ako sa sarili. “Nakakainis ka na talaga JM. Parang hindi tayo naging mag-kaibigan,” wika ko na naman sa aking sarili.

“Halika na nga Estella, sa labas na lang tayo kumain, may mga asungot dito,” aya ko dahil sa baka hindi na ako makapagtimpi ay mabato ko sila ng plato.

“Pero sayang itong binili nating pagkain,” sabi ni Estella.

“Kung ayaw mo eh di ako na lang.”

“Sandali lang! Bakit ba ang init ng ulo mo?”

Ang nakakainis pa ay nang magtawanan sila pag-alis namin.

-----o0o-----

Hindi nawala kaagad ang pagkayamot ko sa grupo ni JM. Para talagang iniinis ako. Minsan na nagtungo ako sa CR para umihi, nasalubong ko pa ang grupo na papalabas na nang papasok naman ako. Sinadya ko talagang sagiin itong si JM, medyo napatulak pa nga siya dahil sa napalakas yata ang sagi ko. Diretso lang ako, hindi ko siya nilingon. Nadinig ko pa ang usapan nila ni Kent at Eduard.

“Gago yun ah, bakit hindi ka umalma?” tanong ni Kent at Eduard kay JM.

“Hayaan mo na, hindi naman siguro sinasadya ng tao, saka ayaw ko ng away,” sabi ko sa dalawa.

“Hindi siyasadya eh hindi nga nanghingi ng paumanhin. Talagang sinadya niyang banggain ka,” sabi pa ng dalawa.

“Tara na, huwag na lang natin intindihin iyon, madamay pa kayo kung galit siya sa akin.

-----o0o-----

Hindi talaga ako mapakali nung araw na iyon. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap si Allysa, alam kong siya ang unang pagkukuwentuhan ni JM tungkol sa amin ni Estella.

“Allysa, sandali, itinuturing mo pa ba akong kaibigan?” banat kong tanong.”

“Oo naman, bakit? Kaaway na ba ang turing mo sa amin?” sagot naman ni Allysa.

“Hindi no. Kasi, pansin ko na iniiwasan na ninyo akong makasama, lalo na si JM.”

“Naku, hindi ah, miss ka na nga namin eh, lalo na si Mark. Ano ba talaga ang puno’t dulo at nagkatampuhan kayo?”

“Ewan ko. Kanina, alam mo ba na nainis ako sa inyo, kasi, feeling ko ay ako ang pinagtatawanan ninyo. Sa tuwing titingin kayo sa banda namin ay bigla naman kayong magtatawanan. May kinwento ba sa inyo si JM na nakakatawa tungkol sa akin? Sa amin ni Estella.”

“Ano ka ba? Nagkakatuwaan lang kami, wala kaming pinagbubulungan, tawang-tawa lang kami dahil palaging nagme-make face itong si Eduard. Kung ano man ang hindi n’yo pagkakaunawaan ay sana magkaliwanagan na kayo, tulad kanina, nakwento ni Kent na sinadya mo raw sagiin itong si Mark. Galit ka ba talaga sa kanya? Kasi eh wala namang nasasabi sa akin itong si Mark. Tanong ako ng tanong pero wala, no say palagi.”

“Ganon ba? Sige na at baka magumpisa na ang klase natin. Tara, sabay na tayong pumasok.

-----o0o-----

Sa aking pag-iisa ay natanong ko ang aking sarili na kung tama ba na magtanim ako ng galit kay JM. Ako lang naman ang kanyang inaalala dahil sa kaibigan niya ako. Masyado kasi akong nahaling kay Estella na isa palang manloloko.

Ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit umabot sa ganito ang aming samahan. Nang mahuli ko na niloloko lang ako ni Estella ay saka ako parang nagising.

Binalak ko na talagang makipagksaundo kay JM, kaya lang, sa tuwing gagawin ko ay ninenerbyos ako, baka kasi hindi niya ako pansinin.

Nang mga sumunod na araw ay hindi ko na sinusundo pa si Estella, hindi pa rin naman ako tuluyang nakikipag-break sa kanya. May dahilan ako palagi sa kanya, may group assignement kami, may exam kami at kailangan kong mag-aral dahil bumaba na ang grades ko. Dahil sa pag-bale wala ko sa kanya ay siya na ang kusang nakipag-kasira sa akin.

Hindi na ako nakatiis pa, nilakasan ko na ang loob ko, handa na ako sa kung ano mang magiging desisyon ni JM, kung makikipagbati ba siya sa akin o hindi. Basta ako, gusto ko nang makipagkasundo sa kanya. Miss ko na ang pagkakaibigan namin.

Sinadya kong hindi magdala ng sasakyan, nag commute lang ako pag-pasok ng eskwelahan. Sa labasan namin ay hinintay ko talaga siya, sinundan ko siya ng lihim papuntang abangan ng sasakyan. Pumara siya ng jeep, pagsakay niya ay kasunod din ako, patay malisya ako kunwari na hindi ko siya nakita gayong magkatabi kami ng upuan. Hindi rin naman ako nakita palagay ko ni JM.

“Ma, bayad ko po.”

Nag-aabot ng kanyang bayad si JM pero pinigilan ko. “Ako na, Ma, dito na lang po, dalawa po kami,” sabi ko na inabot ang 50 pesos. Syempre, gulat si JM, hindi nga nakapagsalita eh, nakatingin lang sa akin na may pagtatataka. “Sa atin ng dalawa iyon,” wika ko sa kanya.

“Saan ito?” tanong ng driver.

“Cubao po,” sagot ko.

“Bakit Cubao? Sa may St. Luke’s lang ako,” may pagtutol na wika ni JM.

“Shhhsssss, huwag nang tumutol, wala naman tayong pasok bukas, saka hindi ako magpapagawa ng assignmen sa iyo. Gusto ko lang ayain kang mag-snack.”

“Bakit sa Cubao pa?”

“Wala lang, mas maraming makakainan doon eh.”

“Bakit wala kang sasakyan?”

“Hindi talaga ako nagdala, gusto kong makasabay ka.”

Natahimik na lang si JM, medyo tumagilid siya na ang tingin ay nasa tagiliran. Napagmasdan ko siya, ngayon ko lang siya napagmasdan muli. Na miss ko talaga siya, para bang ang saya ko, saka ang ganda talaga niyang lalaki. Siguro, kung naging babae lang siya ay hindi ko na talaga pakakawalan pa.

Nakarating kami ng Cubao, sa may gateway mall kami bumaba. Pag-pasok namin ay tinanong ko siya kaagad kung saan gustong kumain. Sa Greenwich na lang daw. Oo nga pala, paborito niya ang lasagna. Sa tagal na hindi kami nagkasabay na kumain ay medyo nakalimutan ko na.

“Bakit mo ba ako inayang kumain ngayon? May kailangan ka ba sa akin?”

“Gusto ko lang mag-apologize,” sagot ko.

“Para saan?”

“Sa pagiging isip bata ko, sa mga kabobohan kong nagawa sa iyo. Sorry sa lahat.”

“Ano namang drama iyan, ako nga ang dapat na mag-sorry, napagsalitaan kita ng hindi maganda, sorry ha.”

“Alam ko namang maganda ang intensyon mo at sana ay naniwala ako sa iyo. Alam ko na nakita mo ang nangyari sa amin ni Estella. Alam mo ba na hinintay kita na lapitan ako, hindi ako kaagad na umalis, medyo tumago lang ako. Akala ko kasi ay dadamayan mo ako, pero hindi.”

“Nagtampo ka?”

“Oo.”

“Bakit?”

“Basta, kasi nasanay ako na palagi kang kadamay sa lahat ng problema ko.”

“Ang totoo Jonas, gusto kitang lapitan, tulad ng dati, gusto kitang damayan, kaya lang, baka magalit ka na naman at sabihing wala akong pakialam. Akala ko nga ay ganon na lang ang galit mo sa akin, kasi ay sinadya mo akong sagiin noon paglabas ko ng CR. Natatandaan mo pa ba? Sumakit kaya ang balikat ko.”

“Kasi nga, nainis ako sa iyo, nagpapapansin kasi ako sa iyo, sadya kong isinama si Estella para makita mong kami na naman, wa epek eh. Nagtatawanan pa kayo kaya nainis ako.”

“Hahaha, yun ba? Si Eduard kasi patawa ng patawa, bubulong kay Alma tapos magme-make face sa akin. Syempre natatawa ako. Tapos bubulong naman ako kay Kent at sasabihin kong nababaliw na si Eduard, tawanan naman kami. Bakit mo naman na inisip na ikaw ang pinagtatawanan namin?”

“Kasi nga, baka inisip mo na tangang-tanga ako dahil sa nakipag-bati pa ako kay Estella gayong niloko na niya ako. Naghihintay ako noon na kausapin mo, pagsabihan. Basta, iba-iba ang emosyon ko noon, inis, galit sa iyo kasi hindi mo na ako pansin.”

“Ikaw kasi ang nauna, pero ang totoo, wala akong galit sa iyo, hinihintay lang kitang lapitan ako, kasi ayaw kong lumaki lalo ang ulo mo kapag ako pa ang naunang lumapit sa iyo,” sabi ni JM.

“Bati na tayo?”

“Hindi naman tayo nag-away ah, baka ikaw, inaway mo ako.”

“Tampo lang, bestfriend na uli tayo ha, miss na kita. Syanga pala , wala na kami ni Estella, nakipag-hiwalay na ako sa kanya.”

“Next time kasi, kapag nagkagusto ka sa isang babae, ipakilatis mo sa amin, sa akin. Marunong akong kumiltis sa ugali ng tao.”

“Yes boss. Basta, ako pa rin ang bestfriend mo, hindi si Kent o si Eduard, hindi rin si Alma o si Allysa. Barkada mo lang sila, natin.

“Oo na, pero pantay-pantay lang ang pagtingin ko sa inyo, lahat tayo magkakaibigan, hindi ba?”

“Naroon na ako, basta, espesyal pa rin ako.”

Masayang masaya ako ng hapong iyon, para bang ang gaan-gaan ng aking pakiramdam. Para akong nabunutan ng tinik sa aking dibdib.

“JM, daanan kita bukas ha?”

“Oo, marami kang utang sa akin. Dahil sa hindi mo pagpapasakay sa kotse mo eh wala akong naipon sa aking allowance hehehe. Joke lang, pero totoo naman na konti lang ang napadala kong pera sa parents ko hehehe.”

“Daan ka muna,” anyaya sa akin ni JM nang ihatid ko siya sa bahay nila. “Hinahanap ka sa akin palagi ni Nora eh, hindi ka na raw niya nakikita, crush ka kasi niya.”

“Saka na lang. Bukas, may gagawin ka ba? Laro tayo ng basketball, hindi na natin nakakalaro ang kaibigan natin dito sa village.”

“Ikaw lang, regular kaya akong naglalaro. Sige na, daanan kita bukas, 9AM.

-----o0o-----

 John Mark

Pauwi na ako kaya sumakay na ako ng jeep. Nagbabayad na ako ng aking pasahe ng may pumigil sa akin.

“Ako na. Mamang driver, ito na po, dalawa na po kami,” ang sabi ng hindi ko pa nakikilalang lalaki na aking katabi sa upuan.

Nilingon ko siya, bigla ang pagtibok ng mabilis ng aking puso, dahil ang katabi ko na nagbabayad ng aking pasahe ay walang iba kundi si Jonas. Hindi ako nakakibo, nakatingin lang ako sa kanya, nagtatakang tingin, nagtatanong na tingin.

“Saan ito,” tanong ng driver.

“Dalawa pong Cubao,” ang isinagot ni Jonas.

Nagpalinga-linga pa ako, tinitingnan ko kung may kasama, baka kasi kasama niya si Estella dahil hindi naman ako sa Cubao bababa kundi doon lang sa tapat ng ST. Luke’s Hospital. Akala ko kasi ay ako ang inililibre niya ng pasahe.

“Sa atin ng dalawa iyon,” wika ni Jonas.

“Sa Atin? Bakit Cubao? Hindi naman tayo…”

“Shhhsssss, huwag nang tumutol, wala naman tayong pasok bukas, saka hindi ako magpapagawa ng assignmen sa iyo. Gusto ko lang ayain kang mag-snack.”

Hindi na ako kumibo, tumahimik na lang ako. Gusto ko rin naman talagang makausap siya.

Nag-apologize siya sa akin, humihingi ng paumanhin. Nagkaunawaan naman kami.

Inihatid pa niya ako hanggang sa amin. Inanyayahan ko pa munang pumasok, pero tumanggi na siya. Inaya pa akong magbasketball kinabukasan, wala naman kasi kaming pasok.

Masayang masaya ako at pasipol-sipol pa habang umaakyat ng hagdanan papuntang silid ko.

“Wow ha, masaya ka yata ngayon. Sinagot ka na ba ng iyong iniirog?” wika ni Nora na nasalubong kong bumababa ng hagdanan.

“Hala, Nora, masaya lang sinagot na. Alam mo naman na wala pa sa bokabularyo ko ang panliligaw.”

“Eh kasi po, matagal-tagal din kitang napapansin na parang problematik, tapos heto ngayon, pasipol-sipol pa at nakangiti. Alam mo John Mark, yung kislap ng mata mo at yung napakatamis na ngiti, ay ngiti ng in-love. Haayyy… umiibig na si John Mark.”

“Tumigil ka nga diyan Nora, baka marinig ka ni Tiya ay maniwala iyon. D’yan ka na nga.”

“Haayyy nako, in love na ang aming binata, sino kayang maswerteng babae iyon.”

Natatawa na lang talaga ako kito kay Nora hahaha.

-----o0o-----

Alas nuwebe ng umaga, dinaanan ko na si Jonas. Pag-buzzer ko pa lang ay kaagad nang bumukas ang gate nila, ready na siya. Natingnan ko siya mula ulo hanggang paa, iba ang aura kasi niya, para bang masiglang-masigla at ang gwapo-gwapo niya. Para namang naasiwa siya.

“Bakit ganyan ka naman makatitig? Akala ko tuloy ay butas ang suot kong short at lumabas na ang hindi dapat na lumabas.”

“Humanga lang ako sa iyo. Bagay ka talagang maging model. Mag-gawa ka ba ng content mo ngayon sa youtube?”

“OO, at ikaw ang subject ko.”

“Gagi, lika na nga at natawagan ko na yung mga kaibigan natin dito. Baka nasa court na sila.” aya ko. Nakaakbay pa siya sa akin habang naglalakad patungong basketball court.

“Nariyan na ang dalawa nating pambatong pogi hahaha, kumpleto na ang team,” bati sa amin ng tumatayong leader o captain ball ng aming team. Hindi naman sa pagyayabang. Puro gwapo at matatangkad ang member ng team namin, kaya naman kahit ganitong laro lang at hindi liga ay maraming tao sa court, mga kabataang babae at mga miyembro ng third sex, suporta lahat sa amin.

Kumustahan, dahil matagal-tagal din hindi lumaro si Jonas, kung ano-ano ang idinahilan. Kaagad din itong nilapitan ni Myla, ang aming muse na hindi naman itinatago ang pagkakagusto kay Jonas.

“Bakit ngayon ka lang nagpakita, miss na kita alam mo ba?” bati ni Myla.

“Busy lang. Miss na rin naman kita eh.” Sagot naman ni Jonas.

Habang naghihintay kami ng makakalaban ay nagwa-warm up na ako at ang iba naming ka teammate. Pasahan kami ng bola at nasu-shoot. Si Jonas naman ay hindi pa pinakakawalan ni Myla. Sikat talaga itong si Jonas.

Maingay sa korte habang naglalaro kami, madaming nagtsi-cheer sa amin. Kahanga-hanga talaga itong si Jonas, kahit sa basketball ay nag-e-excel.

Nanalo kami sa game at syempre, sa pusthan. Hindi naman kami kaagad na umuwi, nakipagkwentuhan muna ng konti. Si Jonas ay naging busy sa pakikipag-usap kay Myla.

Maya-maya ay nag-aya na si Simon, ang aming captain ball at kakain daw kami. Isinama rin namin si Myla dahil siya naman ang aming muse, kaya lang ay sila na lang palagi ang nagkakausap. Si Simon naman ang palagi kong kakwentuhan.

Gwapo si Simon, matangkad sa height na 5’11”, maganda na ang pangangatawan. Siya ang aking naging ka buddy-buddy nang hindi masyadong naglalaro si Jonas. Naging busy ako sa pakikipagkwentuhan kay Simon, magkasama kami sa mesa at magkatabi pa ang aming silya.

Sa aming team, ay siya ang pinaka-malapit sa akin, maliban syepre kay Jonas. Masarap siyang kausap, madalas ay may payakap-yakap pa at pag-akbay sa akin. Madalas din niya akong niyaya sa pamamasyal at malling.

Pauwi na kami, kasabay namin sa paglalakad si Simon, siya ngayon ang naka-akbay sa akin habang nagkukwento ng ginawa namin sa laro kanina. Bahay ni Jonas ang unang sasapitin, tapos ay ang amin. Sa kabilang kanto, pagliko ng isang kalye naman ang kina Simon.

“Pwede bang makainom muna sa inyo,” wika ni Simon.

“Oo naman, tubig ba o Juice?”

“Kahit ano,” tugon ni Jonas.

Binuksan ko na ang gate at pinauna ko siyang pinapasok. Napalingon ako sa banda nina Jonas, nakatayo pa siya sa labas ng gate nila at nakatanaw sa akin. Hindi ko alam kung anong nasa isipan niya, pero parang lumamlam ang tingin. Kakawayan ko sana, bigla naman pumasok na at nagsara ng gate.”

 

 

Itutuloy………………

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix

  Ang Aming Commandant (Part 1/2) By: Felix   Matagal na ang karanasan kong ito, pero hindi ko ito makalimut-kalimutan. Kasi una ko it...