Huwebes, Mayo 23, 2024

Roommates/Dormmates (Part 1)

 


Roommates/Dormmates (Part 1)

 

Graduate ako ng 4 year course at kasalukuyang naghahanap ng trabaho. Galing ako sa paglilibot sa kalakhang Maynila para mag-submit ng aking resume sa iba-iba kompanya sa pagbabaka-sakaling may tumanggap sa akin. Inabot na ako ng pasado ala-una at hindi pa ako kumakain, kulang naman na ang aking pera dahil nagastos ko na sa pamasahe at pagpapa-xerox ng mga documentong kailangan, pati na rin picture.

Naglalakad ako sa kahabaan ng EspaƱa ng dahil sa sobrang init ay nakaramdam ako ng hilo, para akong matutumba at tuluyan nang nagdilim ang aking paningin. Wala na akong natandaan pa pagkatapos niyon Pagmulat ko nang mata ay nakahiga na ako sa isang kama.

Nagpilit akong bumangon nang may nagsalita. “Huwag ka munang magpilit bumangon, baka makasama sa iyo, uminom ka muna ng tubig. Narito ka sa inuupahan kong kwarto. Huwag kang mag-alala dahil natingnan ka na ng doctor naming kapit-bahay. Napagod ka daw at sobrang init at baka gutom ka raw kaya ka nag-collapse. Ibinili kita ng pagkain, gusto mo bang kumain na?”

“Gutom na gutom na talaga ako, hindi pa ako nanananghalian, galing kasi ako sa paghahanap ng trabaho. Ako nga pala si Wilson. Maraming salamat sa iyo ha…”

“Aris, Aris ang pangalan ko. Kaya mo na bang tumayo o susubuan kita?” sabi ni Aris.

“Hah! Eh hindi na, kaya ko na, gutom lang talaga ito.” sabi ko.

Naupo na ako sa isang silya, May lamesa naman doon sa may unahan ng kama, Nakita ko roon ang sinasabi niyang pagkain, inalalayan pa akong tumayo ni Aris.

Dahil sa gutom ay naubos kong lahat ang pagkaing inihanda niya para sa akin, bitin pa ako sa kanin, pero okay na, pasalamat pa nga ako at may nagkawang-gawa.

“Naghahanap ka kamo ng trabaho, may nakita ka na ba?” tanong ni Aris.

“Wala nga eh, nag-submit lang ako ng resume,” tugon ko.

“Nakapag-aral ka ba? Anong tinapos mo?” tanong uli ni Aris.

“Business management, kaso ang hirap palang ihanap ng trabaho ang ganitong kurso. Nag-aaral ka pa ba?” tugon at balik tanong ko.

“Nagtatrabaho na ako, diyan sa isang opisina sa Recto,”

“Mabuti ka pa, baka naman may bakante sa opisina ninyo, baka maipasok mo ako, kahit na ano munang trabaho, kahit na messenger lang. Nakakahiya na kasi sa parents ko sa probinsya, ang akala kasi nila, komo’t napagtapos nila ako ng pag-aaral ay makakapagtrabaho na ako ng maganda,” sabi ko.

“Naku, walang hiring sa kompanya namin eh, nagbawas pa nga, Pero subukan ko sa mga kakilala ko, baka may marekomenda sa iyo,” sabi ni Aris.

“Thank you ha, please lang.”

“Paano kita makokontak, may CP ka ba, kunin ko ang number mo para matawagan kita. Saan ka ba nauwi?”

“’Yun nga ang problema ko eh, baka pagbalik ko sa inuupahan kong bahay ay nasa labas na ang mga gamit ko. Pinapaalis na kasi ako, magtatlong buwan na kasi akong hindi nakakabayad ng renta.”

“Hala! Paano iyan? Ganito na lang. Nag-iisa ako ngayon sa room na ito, kung gusto mo ay dito ka muna pansamantala, Tutal binabayaran ko ng buo ang renta dito, umalis na kasi ang kahati ko dati rito, dumito ka muna. Kapag nagkatrabaho ka na ay saka ka na lang mag-share.”

Labis ang kasiyahang naramdaman ko, hindi ko akalaing may tutulong sa akin. “Aris, maraming-maraming salamat, hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa akin, tatanawin kong malaking utang na loob sa iyo ito.

“Naku wala iyon. Pwede mo nang kunin ang mga gamit mo at dumito ka na mula ngayon, marami ka bang mga gamit?’

“Damit lang at ilang personal na bagay. Sige uuwi muna ako at babalik ako kaagad.”

-----o0o-----

Nagpaalam naman ako sa aking kasera ng maayos, nangako naman ako na babalik at babayaran ang atraso kong renta kapag nagkatrabaho na ako.

Dala ang isang maleta at isang kahon ay nagbalik na ako sa dorm ni Aris, Ipinakilala naman niya ako sa may-ari na kunwari ay pinsan niya ako at makakasama nang titira sa inokupa niyang kwarto.

Tatlong palapag ang pinauupahan ni kuyang may-ari, second floor ang room ni Aris.Yung ground floor ang inokupa ng may-ari at mayroon silang karinderya doon.

Apat na kwarto lang ang sa second floor at tatlo sa third floor, May parang rooftop na open na ginawang sampayan ng mga boarders. Malalaki naman ang bawat kwarto at ang maganda pa ay may sariling banyo ang bawat kwarto.

Bawal magluto sa loob ng kwarto, pero may inilaan naman lutuan para sa boarder kung gusto nilang magluto. Sabi ni Aris ay hindi na raw sila nagluluto at doon na lang sa karinderya ni Kuya kumakain, mura lang daw naman ang ulam.

Muli akong nagpasalamat kay Aris sa pagpapatira sa akin ng libre. Natulog kami ng maaga dahil may pasok pa siya. Dalawa naman ang kama na pwedeng magkasya ang dalawang tao.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, pero nanatili akong nakahiga, wala naman akong alam na gagawin pa. nakakahiya naman kasi na nakatunganga lang ako. Nag-iisip ako ng pwedeng gawin para man lang makatulong ng konti.

“Gising ka na pala,” bati sa akin ni Aris ng magising na siya at bumangon.

“Oo Aris, sadyang maaga akong magising, hindi lang ako bumangon kaagad dahil wala pa akong alam na gagawin. Naisip kong baka marami ka nang maruming damit, ipaglaba na kita.hanggat wala pa akong trabaho.

“Naku hindi na Wilson, nagpapa-laundry naman ako ng pantalon, at polo at ibang mahihirap na labhan tulad ng kumot at bed-sheet. Pero okay lang ba sa iyo na labhan ang brief, boxer at sando ko. Ako kasi ang naglalaba ng mga maliit na labahin.

“Walang problema Aries, iyon man lang ay makatulong sa iyo,”

“May, painitan ng tubig diyan at kapeng 3in1, baka gusto mong magkape muna, maliligo muna ako,” wika ni Aris.

“Hindi ka ba muna magkakape?” tanong ko.

“Mamaya na pagka-palaigo ko. Siya nga pala, nagtitinda ng pandesal si Kuya diyan sa ibaba, magpalista ka na lang muna at sabihin mong sa akin ilista. Mamaya, kung wala kang pangkain ay magpalista ka na rin,.”

“Salamat Aris, me pera pa naman ako.”

“Okay! Basta kapag kinapos ka, magpalista ka lang kay Kuya.”

Bumaba muna ako para bumili ng pandesal, me tingi rin palang butter, bumili na rin ako para may palaman. Nagkakape na ako ng lumabas si Aris ng banyo, naka tapis lang siya ng twalya.

“Ipagtimpla na kita ng kape,” alok ko.

“Sige… please.”

Magandang lalaki si Aris, matangkad, makinis ang balat, maganda ang katawan dahil nagdyi-gym daw siya at balbon lalo na sa binti, hita at braso. May konting  balahibo rin siya sa dibdib at sa may pusod pababa sa kanyang pagkalalaki.

Gulat ako dahil sa doon na siya nagbihis, tinanggal niya na ang twalyang nakatapis kaya nasilayan ko na ang kanyag pagkalalaki. Patay iyon, pero halatang may kahabaan. Doon din siya ngsuot ng brief at boxer short.

“Wala naman tayong tagong bihisan dito Wilson, okay lang ba sa iyo. Pareho lang naman tayong lalaki eh, kaya okay lang naman ‘di ba?” sabi niya.

“Okay lang naman Aris, May napansin lang ako sa boarding house na ito, puro ba lalaki ang nagrerenta dito?”

“Oo, Dati tumatanggap sila ng babae, kaya lang, ‘yung anak nilang lalaki, nakabuntis eh ang bata pa. Hindi ko na alam kung anong nangyari, nawala na lang yung babae. Simula noon ay ayaw na nilang tumanggap ng babae.

Nakaready na si Aris sa pagpasok sa trabaho. Ang ganda niya lalong lalaki sa suot niyang long-sleeves at slacks, bagay na bagay sa kanya.

Pagkainom ni Aris ng kape ay nagpaalam na siyang aalis na. Ipinaalala ko ang hiling ko sa kanya..

Pagka-alis niya ay naglinis muna ako ng silid. Medyo burara pala itong si Aris, basta na lang iniwan ang twalyang ginamit kanina sa ibabaw ng kama, yung hnubad na damit ay ihinagis lang sa isang silya.”

Inayos ko ang cover ng kama, ang kumot ay nakatupi pa rin at hindi nagamit. Nag-mop ako ng sahig, basta lahat ng sulok ng silid ay aking nilinis pati na ang ilalim ng kama. Ang dami kong alikabok at duming nawalis. Ang ikinagulat ko ay may nakakalat sa ilalim ng kama na gamit na condom. Hindi ko na lang pinasin, inisip ko na lang na nagdala siya ng babae noong wala pa siyang kasama.

Nilinis ko rin ang banyo, nakita kong nakasampay ang hinubad niyang brief at boxer. Kinuka ko iyon para isama sa lalabhan ko, ewan ko ba kung bakit inamoy ko iyon lalo na yung nasa may pundilyo kung saan nakatutok ang kanyang titi. Nabanguhan ako, amoy nang magkahalong panghi at natural na amoy ng katawan niya.

Pagkatapos kong linisin ang banyo ay naglaba na ako, damit ko at ilang pirasong brief, medyas, panyo at sando. May labahan sila sa likod ng bahay para sa mga boarders.

Nagtungo ako ng third floor dahil iyon ang patuyuan ng nilabhang damit. May nadatnan akong kinikolekta naman ang sinampay. “Hi! Ikaw ba yung pinsan ni Aris. Lahi talaga kayo ng mga tisoy, ang popogi ninyo,” sabi ng lalaking nagpakilalang si Bernanrd, kasama ang isa pang lalaki na si Noland.

“Oo, ako nga pala si Wilson.”

“Diyan lang kami o,” itinuro nila ang isang pinto. Tumango naman ako.

“Sige ha, me gagawin pa kasi ako, mamaya na lang tayo magkwentuhan kapag pareho na tayong wala nang ginagawa.” Sabi ni Bernard

-----o0o-----

Nakaramdam ako ng gutom, ng tingnan ko ang oras sa aking CP ay alas dose na pala, lunch time na pala kaya bumaba na ako para kumain. Nilagang baka ang aking inorder at dalawang kanin. Naupo na ako sa may bakanteng lamesa sa isang sulok. Hihigop na sana ako ng mainit na sabaw nang may tumabi sa akin. Nagsosolo lang naman ako kaya okay lang.

“Ikaw ang pinsan ni Aris? Bago lang kasi kitang nakiatang kumain dito.” Sabi ng lalaki.

“Oo, kalilipat ko lang, ako si Wilson.”

“Ah, ako naman si Rolly, anak ako ng may-ari nito. Magpinsan nga kayo, may hawig kayo eh. Buti na lang, akala ko kasi eh…”

“Anong akala mo?

“Ah wala, sige kain ka lang, naabala ko ang pagkain mo.”

May nakilala na ako rito, at meron din sa itaas, si Arnold na katabi lang ng aming kwarto, isang estudyante. Karamihan pala ng nagrerenta dito ay mga estudyante pa at iba-iba ang oras ng pasok nila.

Nakatulog ako pag-higa ko ng kama, napagod ako ng konti sa paglilinis at paglalaba. Napahaba ang tulog ko, hapon na ng magising ako, alas kwatro na yata.

Mag-aalas-sais nang dumating si Aris at maganda ang ibinalita sa akin. Binigyan niya ako ng isang calling card, puntahan ko raw ang address na naroon at hanapin ang pangalan ng lalaking naksulat. Baka daw mabigyan ako ng trabaho, pero huwag daw muna akong umasa.

Tuwang-tuwa talaga ako, parang hulog siya ng langit sa akin. Kung minsan ay talagang gumagawang paraan ang tadhana para sa iikatutupad ng isang hangarin.

“Thank you uli Aris ha. Sana magkatrabaho na talaga ako para may kahati ka na sa upa dito sa kwarto,” sabi ko.

“Naninibago ako dito sa silid natin ah, parang ang bango. Ang linis, kumikinang sa kalinisan hahaha,” papuri ni Aris.

“Grabe ka naman.”

-----o0o-----

Sa kabutihang palad ay natanggap naman ako as a Management Trainee ng isang fastfood chain, ang kagandahan ay malapit sa tinitirhan naming kwarto ako na-assign at magisismula na ako kaagad. Simula na iyon ng pagbabago ng aking buhay.

Habang nagdaraan ang mga araw ay may naramdaman akong pagbabago sa akin, Sobra akong nagiging malapit kay Aris, para bang gusto ko siyang nakikita palagi, nami-miss ko siya kapag nasa trabaho na kami pareho at naiinip ako at naiinis kapag late naman siyang umuuwi dahil sa nakipag-inuman sa ibang kaibigan at kung ano ano pa, para bang nagseselos ko. Hindi ko namalayan na nabihag na niya ang puso ko.

Hindi ko naman masabi sa kanya ang naraaamdaman ko dahil mali, pareho kaming lalaki. Ngayon lang kasi ako nakaramdam ng ganito. Dati naman ay sa babae ako nagkakagusto, nagka-girlfriend nga ako dati sa probinsya namin noong nasa high school pa ako.

Sa pagdaan din ng panahon, habang tumatagal ang pagtira ko sa dorm na ito ay may mga natutuklasang akong sikreto.

Isang araw na wala kami parehong trabaho ay nagpaalam ako kay Aris na makikipagkita sa isang dating kaklase noong college, para bang reunion dahil sa matagal-tagal na rin naman kaming hindi nagkikita-kita. Sinabi kong baka gabihin na rin ako ng uwi.

Maaga pa rin naman akong nakauwi, mga alas diyes lang ng gabi, nadatnan kong may bisita si Aris at may bote ng alak sa lamesita, nag-inuman sila.

“Wilson, nandyan ka na pala, halika, samahan mo kami dito,” aya niya sa akin. Ipinakilala pa niya ang bisita niyang si Noel, kababayan daw niya.

“Sige Aris, medyo nakatagay na rin ako eh, saka inaantok na rin kasi ako. Pasensya ka na Noel ha!” wika ko.

“Naku, okay lang,” sagot ni Noel

“Konti na lang ito, ubusin na lang natin,” pamimilit ni Aris.

Ayaw ko naman siyang ipahiya kaya naupo na rin ako sa isang bakanteng silya roon at nakipag-inuman at konting kwentuhan, Nang maubos na ang alak ay nag-papaalam na si Noel para umuwi, pero pinigilan ito ni Aris dahil sa masyado nang gabi at lasing pa ito.

“Dito ka na matulog, me naiwan ka pa namang tshirt at brief dito. Baka kung mapaano ka sa daan,” sabi ni Aris.

Hindi na naman nagpumilit pang umuwi si Noel. Naghubad na sila ng damit pang-taas at kapwa na lang naka boxer shorts. May bfief pa naman silang suot. Ako naman ay nagpait ng shorts at sando, hindi kasi ako sanay na hubad kung matulog kahit na mainit.

Pinatay na namin ang ilaw at iniwang bukas na lang ang isang maliit na ilaw na tama lang ang liwanag para maka-aninag at hindi basta makatitisod. Magkatabi sa kama ang dalawa, hindi na namin nakuha pang maligo sa kalasingan Kaagad akong nahimbing ng tulog.

Nasa kasarapan na ako sa pagtulog ng maalimpungatan ako at nagising. May bumagsak kasi sa sahig, parang isang kutsara, Nakita kong nakasindi ang ilaw sa banyo, marahil ay may umiihi dahil sa nagiisa sa kabilang kama si Aris. Nakatulog na uli ako.

Naging mababaw na ang tulog ko dahil nagigising ako sa konting kaluskos at ingay. Nagbubulungan kasi ang dalawa sa kabilang kama, Mahina iyon, pero malakas ang pandinig ko at narinig ko ang ilang sa sinabi nila.

“Baka magising si Wilson,” ang sabi ng isa, na hini ko mabosesan dahil sa pabulong nga.”

“Huwag kang mag-alala, mahimbing matulog iyan kapag nakainom, hindi basta-basta magigising iyan.”

Pagkasabi niyon na inakala kong si Aris ang nagsalita ay iba na ang nadinig ko, para bang may sinisipsip na. Gusto kong bumago ng pwesto para makita ko kung ano ang ginagawa na nila, nakatihaya kasi ako.

May mahihinang ungol na rin akong naririnig. Alam kong may mali nang nagaganap, ayaw ko sanang mag-isip ng kahalayan, pero kakaiba na talaga. Medyo iginalaw ko ng konti ang aking binti, pero nanatiling nakapikit at humihilik pa ng mahina. Ewan ko lang kung naalerto sila dahil hini ko nga sila malingon at mabibisto ako na gising na.

Nagpatuloy ako sa pagutulug-tulugan, unti-unti ring akong kumilos at tumagilid na paharap sa side nila. Ibinaluktot ko pa ang tuhod ko, nakabuktot, ipinatong ko ang isang pisngi ko sa ibabaw ng aking palad at ang isang braso ay ipinatong ko sa aking noo para matakpan ng konti ang aking mata para hindi mapanasin na nagmumulat ako ng mata ng bahagya.

Nakita kong napalingon sa banda ko ang dalawa, pero dahil sa medyo may tunog ang paghinga ko ay inakala sigurong tulog ako.

Tama ang aking hinala, may ginagawa silang malaswa dahil naghahalikan sila. Kanina pa ako nakadinig ng tunog halikan kaya sandali ko lang nakitang magkalapat ang kanilang labi.

Nasa ibabaw ni Aris si Noel na kasalukuyan namang diidilaan ang leeg ni Aris.

“Wala nang foreplay pa, tsupain mo na ako, baka magising si Wilson,” bulong ni Aris. Pero matigas ang ulo ni Noel, patuloy pa rin nitong hinahalikan ang leeg ni Aris na bumaba pa sa dibdib niya. Napalakas tuloy ang ungol ni Aris.

“Tangina ka, tama na kasi ahhhhhhh,” galit at impit na pinagsabihan niya si Noel. Nakahalata yatang galit na si Aris kaya sinuso na nito ang burat ni Aris.

Inis ako sa aking nasasaksihan, nagseselos ako dahil gusto ko na si Aris, mahal ko na nga siguro eh, pero heto may iba itong kinakalantare. Isa pa sa ikinaiinis ko ay kung bakit tinatablan ako ng libog, tinitigasan ako. Mabuti na lang at nakabaluktot ako at hindi mahahalata ang matigas kong titi.

Sarap na sarap si Aris habang tsinutsupa ni Noel, nakahawak na siya sa ulo nito at idinidiin iyon. Maya-maya ay muling nagsalita si Noel. “kantutin mo na ako Aris,gusto kong makantot mo uli ako.”

Wala akong nadinig na pagtutoul mula kay Aris, manapa ay may kinuha sa may ilalim ng kama niya. Noon ko pa alam na may lamang kondom ang isang kahon na naroon, nakita ko iyon nang maglinis ako noong bago akong lipat dito.

Si Noel ang nakita kong naglagay ng condom sa burat ni Aris, noon ko rin nakita kung gaano kataba at kahaba ang burat niya kapag tigas na tigas na.

Lumuhod na si Noel sa ibabaw ng kama at nasa likuran na nito si Aris, Nakadikit na ang harapan niya sa likuran nito at nagsimula nang umindayog ang balakang niya, umuga ang kama, lumangitngit at nag-alala na ng tuluyan si Aris.

“Doon na lang tayo sa sahig, dito sa ibaba ng kama,” ang sinabi ni Aris.

Nanghinayang ako dahil hindi ko na makikita ang pagkantot ni Aris, ang nakita ko na lang ay ang likuran ni Noel at kalahating katawan ni Aris. Sarap na sarap siguro dahil sa nakatingala na siya at panay ang basa ng laway sa kanyang labi gamit ang dila.

Pigil na pigl ang ungol nila, impit na impit. Pamaya-maya pa ay nagtungo na ng banyo si Aris, nakita ko pa ng tila lumubo ang dulo ng suot niyang condom dahil sa napuno iyon ng kanyang tamod. Nahiga na uli siya sa kama at suot na ang kanyang boxer, pero tila hindi na nag-brief, Nakita ko kasing may gumalaw sa loob ng maluwang niyang boxer.

Tahimik na, nakatulog na ako ng dire-diretso  pero may sama ng loob.

-----o0o-----

Kinaumagahan ay maaga pa ring gumising si Aris, may pasok na kasi uli sa opisina, Ako naman ay alas diyes pa ng umaga nagre-report, kaya talagang huli akong gumigiing. Pero nung umagang iyon ay maaga akong bumangon, gusto ko kasing mag-observe sa ikikilos nila.

Naginit ng tubig si Aris para magkape. Nakita niya akong nakaupo na sa gilid ng kama at nagkukusot ng mata. “Magkakape ka na ba Wilson? Bakit ng aga mo yatang bumangon?”

“Naalala ko kasing pinapapasok ako ng medyo maaga, bibisita raw sa branch namin ang aming boss,” pagsisinungaling ko. “Mamaya na, iihi na lang muna ako. Mauna na kayong maligo ha, susunod na lang ako, mga nine na ako magre-report.

Parang bale wala lang ang nangyari kagabi, hindi ko sila kinakitaan ng kakaibang kilos, yun bang parang ninenerbyos. Parang bale wala lang.

Bago mag 8 ay nakaalis na ang dalawa, naiwan na ako, Ganon naman palagi dahil hindi ako 8 to 5 ang trabaho. Kadalasan ay ten o eleven ako nagrereport, dalawa kasi kaming trainee, meron sa opening at hindi ako iyon, ako kasi ang closing.

Pagpasok ko nang banyo ay napansin akong isang parang plastic sa ibabaw ng sink, nang aking tingnan ay condom iyon at may laman pa sa loob, hindi ko iyon napansin kaninang umihi ako. Uminit ang ulo ko, inis na inis ako, galit na galit ako sa kabastusan ni Aris. Matagal-tagal na rin naman talagang nagtitiis ako sa kaburaran niya, pero dahil sa utang na loob ko sa kanya ay hindi ko na lang pinapansin ako na lang ang nag-aadjsut at nagtitiis, Pero sobra na yata ito, pati ba namn tamod niya ay ako pa ang magliinis. Hindi ko inalis iyon doon, Sisitahin ko na talaga siya, pagsasabihan, wala na akong pakialam kung magkagalit kami. Aalis ako kung kinakailangan.

Hangang sa aming branch ay dala ko ang init ng aking ulo, hindi ko naman masabi sa aking ko-trainee ang dahilan.

 

 

*****Itutuloy*****

 

1 komento:

Kwento ni Ambeth (Part 1) - Kargador sa Palengke 1

  Kwento ni Ambeth (Part 1) Kargador sa Palengke 1   Ako po si Ambeth, taga Bulacan. Gusto ko lang mag-share ng aking mga naging karan...