Biyernes, Oktubre 18, 2024

Call Boy (Part 17) Finale

 


Call Boy (Part 17) Finale

 

Matuling lumipas ang mga buwan, nanatili pa ring ang kontrata ko sa mag-asawang Bien at Rosa. Sa kasalukuyan ay nag-aaral ako sa isang unibersidad dito sa Maynila. Sinunod ko ang payo sa akin ni Rosa. First year pa lang ako sa kursong Management.

Ang mga dating batang kolboy ay sa mansion na nagtatrabaho bilang mga gardener at masaya na sila roon. Kinalimutan na nila ang nakaraan. Nangako rin sa kanila na papayagang makapag-aral kaya mas lalo pa silang natuwa.

Nanganak na si Rosa, isang malusog na batang lalaki, na pinangalanan nilang Aiden, katunog ng aking pangalan.

-----o0o-----

Dalawang taon pa ang lumipas. Gaya ng gusto ni Rosa, nabuntis ko uli siya at ngayon nga ay kabuwanan na niya.

Habang nag-aaral ako ay binigyan naman ako ng trabaho ni Bien sa isa niyang kompanya. Gusto raw niya akong ma-train sa mga ginagawa sa isang opisina dahil balang araw daw ay magiging isa rin akong manager ng sarili kong kompanya. Malaki-laki na rin naman ang naipon ko at ibinigay na rin niya sa aking ang condo na kasalukuyan kong tinitirham.

Ang mga kaibigan kong sina Allan at Raul ay nangag-aaral na rin at ngayon nga ay graduating na sa senior high.

Lumipas pa ang isang buwan, nakapanganak na si Rosa ng isang magandang batang babae.

Dalawang lingo matapos makapanganak si Rosa ay kinausap nila ako. Nagpapasalamat sila sa akin dahil sa naging tapat daw ako sa usapan namin. Umasa raw ako na hindi nila pababayaan ang anak ko kay Rosa. Nangako rin sa akin si Bien na mamahalin niya ang aming anak ni Rosa na parang tunay na anak. Itinuring na daw nila ako na hindi lang kaibigan, kundi isa na ring miyembro ng kanilang pamilya. At para daw hindi ako tuluyan mawalang ng obligasyon sa aking mga anak ay ginawa nila akong Ninong ng dalawa kong anak kay Rosa.

“Aldrin, kinakansela ko na ang ating kontrata. Malaya ka nang mamili kung ano ang gusto mong tahakin sa buhay. Kung gusto mong ipagpatuloy ang pagiging kolboy mo ay nasasa iyo iyan. Pero hangad ko pa rin na matupad ang pangarap mo, ang magkaroon ng sariling negosyo at yumaman at magkaroon din ng sariling pamilya. Masaya na ako sa aking asawa at mga anak.  Kakalimutan ko na rin ang magkaroon pa ng kaugnayang sexual sa kanino mang lalaki. Magiging isa akong tunay na lalaki sa aking mga anak.”

“Tinatanggal mo na rin ba ako sa trabaho ko ngayon sa iyong opisina?” tanong ko.

“Hindi no. Hanggat gusto mo ay doon ka. Hanggat hindi ka nakaga-graduate ay mananatili ang pagiging scholar mo sa amin. Pangako namin sa iyo iyan,” sabi ni Bien.

“At hindi lang iyan. Naglagak kami ng pondo sa Bangko para sa iyong kinabukasan, na magagamit mo sa iyong sisimulang negosyo. Makukuha mo lang ito matapos ang limang taon. Binibigyan ka namin ng limang taon para masimulan ang iyong negosyo, kaya ngayon pa lang ay pag-isipan mo na ang itatayo mong negosyo,” sabi ni Rosa.

“At habang nag-aaral ka ay makakatanggap ka pa rin sa amin ng allowance na 50K a month. Siguro naman ay magkakasya na iyan sa iyo dahil sa may sweldo ka pa rin namang tinatanggap sa iyong trabaho.” Sabi ni Bien.

“Maraming salamat sa inyo, kaya lang, paano naman ang sex life ko. Wala pa akong balak na mag-asawa. 27 pa lang naman ako. Nangako ako sa sarili na hindi mag-aasawa hanggat hindi natutupad ang aking goal. Nasanay na rin kasi ako sa inyo, pwede pa ba tayo Bien? Rosa?”

“Sira ka rin ano. Binibigyan ka na nga namin ng laya sa gusto mo. Mag-kolboy ka uli, wala kaming pakiaalam. Mambabae ka, okay lang kami. Malaya ka na nga eh, hindi ka na namin kontrolado.” Sabi ni Bien.

“Eh di ibalik na lang natin ang kontrata. Sa inyo ko lang kasi gustong makipagtalik. Nasanay na kasi ako eh. Baka pwede iyon.”

“Haay naku, ibang klase ka rin naman. Kung kelan malaya na, gusto pang… ewan ko sa iyo.” Sabi ni Bien.

“Hon, pagbigyan na lang natin siya, gamay ko na rin naman si Aldrin eh. Matagal na naman tayong siya lang palagi ang kasiping kapag nangangailangan tayo.” Sabi ni Bien.

“Hindi pa ako pwede, kapapanganak ko pa nga lang eh. Kayo na lang munang dalawa. Saka hindi na ako pabubuntis pa, tama na sa aking ang dalawang anak,” sabi ni Rosa.

“Okay, sige, tayo pa rin, walang iba, walang sisingit, pero yung kontrata ay yung 50K allowance na lang. Sumosobra ka na kung ibibigay ko pa sa iyo yung 300K a month. Lugi na kami sa iyo,” sabi ni Bien.

“Walang problema, basta ba hindi ko na poproblemahin pa ang pakikipagtalik.” Sabi ko.

“Deal iyan ha. Kelan ang simula.” – si Bien

“Ngayon na kung gusto mo hehehe.” – ako. “Paano nga pala yung mga pinsan ko?”

“Anong problema sa kanila. Hindi na nga sila full time hardinero eh. Ikinuha ko na sila ng assisstant. Pamilya na ang turing namin sa dalawang iyon. Graduating na sila sa high school at magpapatuloy din sila sa college.” Sabi ni Rosa.

“Nasaan nga pala ang dalawang iyon?” tanong ko.

“Marahil ay tulog na sa kanilang silid. Hindi na sila sa quarter natutulog. Narito na sila sa bahay sa isang silid diyan sa dulo.” Sabi ni Bien.

“Hindi ba naiinggit yung ibang kasambahay?” tanong ko.

:”Ayaw nila dito, mas gusto raw nila sa quarters. Saka matatanda na yung iba na binigyan na rin naman namin ng sariling bahay kung saan nakatira yung pamilya nila. Yung malanding batang babae ay pinaalis na namin dahil sa nilalandi ang dalawa naming binata,” sabi ni Bien.”

“Paanong nilalandi?” tanong ko.

“Aba ay ginapang ba naman yung dalawa, gusto raw magkaanak sa dalawa hahaha.” Nakatawang wika ni Bien.

“Dito na muna ako matutulog. May matutulugan pa ba sa silid ng dalawa ng makausap ko rin at mapaalalahanan.”

“Ikaw ang bahala, puntahan mo na lang sila sa silid nila. Matutulog na kami ni hon ko at ng baby namin.” – si Bien.

“Saan natutulog si Aiden?” tanong ko.

“Sa yaya muna niya,” sabi ni Rosa

-----o0o-----

Tinungo ko na ang silid nina Raul. Kakatok sana ako ng may marinig akong tila ungol. Idinikit ko pa ang tenga ko sa pinto at tila meron nga akong naririnig na ungol. Dalawa lang ang nasa isipan ko, ang may binabangungot o ang may kahalayang nangyayari. Pinihit ko ang doorknob, hindi ito naka-lock. Itinulak kong bahagya at sumilip. Muntik na akong mapabulalas ng mura pagkakita ko sa ginagawa nila, magkapatong ang dalawa na walang saplot sa katawan, mahigpit na magkayakap at naghahalikan ng matindi. Hindi na ako nakatiis at pumasok na at sinita sila.

“Anong kalokohan ang ginagawa ninyo ha?” sigaw ko

Gulat na gulat ang dalawa pagkakita sa akin. Hindi nila malaman ang gagawain. Si Raul ay kaagad nahatak ang kumot at itinaklob sa hubad nitong katawan samantalang si Allan ay hindi malaman kung babangon dahil hindi niya mahatak ang kumot na nakabalot kay Raul.

“Kuya, magpapaliwanag kami,” sabi ni Allan.

“Sige, magpaliwanag ka.” – ako.

“Kami na ni Raul. Kuya Aldrin, nagmamahalan kami. Kaya pala wala kaming nagugustuhang iba, lalaki man o babae ay dahil may mahal na pala kami, ako si Raul at si Raul ay ako ang mahal. Kuya, iyon lang ang paliwanag namin, nagmamahalan kami,” paliwanag ni Allan.

“Totoo ba iyon Raul?”

Bumangong pa si Raul at tinabihan si Allan at niyakap ito. “Totoo iyon kuya, mahal ko na po si Allan at mahal din niya ako. Hindi ko na po kayang magkahiwalay kami.”

Pinagmasdan ko sila, sinuri kung may katotohanan ang sinasabi. Mukha naman may katotohanan dahil sa kwento nila na mula pagkabata ay magkasama na sila at magpahanggang sa ngayon. Marami nang pagsubok ang nangyari sa kanila at matatag pa rin ang pagkakaibigan nila.

“Ang swerte naman ninyo, natagpuan na ninyo ang inyong makakasama sa buhay.” Sabi ko.

“Swerte po talaga ako kay Allan, kasi po hindi po niya ako iniwan  noong kailangan ko ang tulong niya,” sabi ni Raul.

“Swerte ko  rin po si Raul. Dahil siya palagi ang tumutulong sa akin kapag may problema ako sa pamilya ko sa Bicol, financial problem lang po naman at hindi siya nagsasawang tumulong sa akin,” sabi naman ni Allan.

“Sino sa inyo ang top at sino ang bottom?” ang nakangiti kong tanong.

“Versa po kami pareho. Wala po kaming lamangan pagdating sa kama.”

“Pwede ko ba kayong panoorin. Gusto ko lang mapatunayan na wala talaga kayong lamangan.”

“Kuya naman eh. Wala namang ganon. Kung nung una ay okay lang sa amin na makita mo kami, ngayon ay hindi na. Kuya Please.”

“Joke lang naman. Gusto ko lang kayong paalalahanan. Huwag kayong aabuso. Komo at naging mabait sa inyo sina Ma’am at Sir ay baka umabuso kayo. Alalahanin ninyo na malaki ang utang na loob ninyo sa mag-asawa. Maging masunurin kayo sa kanila, sundin ang bawat utos nila. Magpapatuloy daw kayo sa pag-aaral hanggang college. Nasabi na ba sa inyo iyan?

“Opo kuya. Saka nagpapasalamat din kami sa iyo. Kung hindi po sa inyo ay marahil naroon pa rin kami sa bilog na lugar na iyon at naghahanap ng papaligayahin. Salamat kuya, malaking utang na loob din namin ang kalagayan namin sa ngayon,” sabi ni Raul.

“Tama po si Raul Kuya, salamat po ng marami,” – si Allan.

“Sige na, ipagpatuloy na ninyo ang ginagawa ninyo at baka panakitan kayo ng puson. Dito sana ako makikitulog, pero nakakaabala pala ako. Sige na, uuwi na lang ako. Pakisabi kina Sir bukas, na kapag nakausap ninyo ay umuwi na rin ako,” sabi ko.

“Kuya, okay lang naman na dito kayo matulog. Pwede naman pong hindi namin ituloy ito eh.” – si Raul.

“Weh! Paano kung mainggit ako, pasasalihin ba ninyo ako.”

“Gusto mo ba kuya?” nakangiting wika ni Allan at sabay lapit sa akin na tila ba isang malandking pokpok.

Isang malakas na batok tuloy ang tumama sa kanya. “Ang landi mo talaga! Kaharao m pa ako oy,” – si Raul.

“Ang sakit nun ah, nagbibiro lang eh.”

“Okay lang sa amin kuya na sumali ka. Pangako, paliligayahin ka naming dalawa.”

“Tarantado kayo ah, baka suntok ang abutin ninyo sa akin. Diyan na nga kayo. Yung bilin ko ha?”

-----o0o-----

Sa aking pagtulog ay hindi maalis sa aking labi ang ngiti. Masayang-masaya ako. Ang kamalasan kong naranasan nang mawalan ako ng trabaho at makapagtrabaho naman kahit na hindi magandang trabaho ay naging daan naman upang magkaroon ako ng swerte. Ngayon nga ay natatanaw ko na ang aking tagumpay, maging ng aking mga kaibigan na kapwa ko kolboy.

Totoong minahal ko na si Bien, at hangga’t gusto niya ako, hangga’t hindi siya nagsasawa ay pagbibigyan ko pa rin siya. Isa pa ay gusto ko naman talaga ang ginagwa namin, maging kay Rosa. Ang swerte din nila dahil nagmamahalan sila ng tapat at naging maunawain sa kalagayan nila.

Ako, gusto ko ring magkapamilya, magkaasawa, at sana makatagpo ako ng isang Bien o isang Rosa na makakasama ko habang buhay.

 

Pumikit na ako ng tumunog ang aking CP. Si Bien. Pupuntahan daw niya ako bukas dito sa condo.

“Yessssssss!”

 

 

>>>>>THE END<<<<<

2 komento:

  1. Ganda ng ending. Pero parang bitin. Sana meron pang sex scene na matindi si Bien at Aldrin bago nagtapos ang story. Hihihi...

    TumugonBurahin
  2. Love It!!!!! ;-)

    TumugonBurahin

Happy Birthday Lolo (Part 2/2)

  Happy Birthday Lolo (Part 2/2)   Nauna pang nagising sa amin si Lolo. Pagbaba ko ay nasa hapag na siya at kausap ang isa siguro niyang...