Lunes, Disyembre 8, 2025

Ang Hunk Kong Pinsan (Part 14) Finale

 


Ang Hunk Kong Pinsan (Part 14) Finale


Paumanhin po at ngayon lang ako nakapag-update. Medyo ipinahinga ko lang ang aking mata, lumalabo na kasi, kakailanganin ko nang magsalamin. Kakailanganin ko pa nang pambili ng salamin. Hayaan po ninyo, kahit paisa-isa ay pipilitin kong makapag-updat4e


Salalamt po

-----o0o-----

Eman

Tinalo na naman ako ng tukso, ng libog. Kahit na ayaw ko ay wala rin nangyari sa pagtanggi ko, ang hirap talagang kalabanin ang libog. Nakipag-threesome ako kina Kuya Monching at Nathan

Hindi ko na alam kung anong oras kami nakatulog matapos ang pagtatalik. Mahaba-haba rin siguro ang aking itinulog dahil nagising ako nang madaling araw na.

Kaagad akong bumangon at nagbihis, Kinuha ko ang aking maleta at isang backpack na pinaglagyan ko ng aking mga gamit, saka ako walang kilatis na lumabas ng bahay. Mabuti na lang at may dumaan kaagad na taxi at kaagad na akong sumakay. Hindi na ako nagpaalam dahil alam kong pipigilan nila ako. Mabuti nang umalis na lang ako basta.

Tinungo ko ang boarding house ni Kuya, mabuti na lang at ibinigay na sa akin ang susi at makapapasok ako kaagad sa loob.

-----o0o-----

Nag-init ako ng tubig para makapag-kape muna. Habang nagkakape ay naisip ko pa ang nangyari sa amin kagabi. Totoo namang nasarapan ako, walang hihigit pa sa sarap ang aking naranasan sa pakikipag-threesome sa kanila at hindi ko iyon malilimutan.

Mahal ko si Kuya Monching, natutunan ko na ring mahalin si Nathan, pero sadyang hindi ako pwede na may kasalo. Alam kong hindi papayag ang sino man sa kanila ang pipiliin ko kaya umalis na lang ako nang walang paalam. Tatawagan ko na lang sila para sabihin na huwag na lang akong alalahanin. Alam kong kung hindi ko ginawa ang walang sabi-sabing pag-alis ay pipigilan nila ako at mahihirapan din akong tanggihan sila.

Nakaramdam ako ng antok, kulang pa ang aking tulog. Bago ako muling natulog ay nag-text muna ako kay kuya at sinabi kong hindi na ako babalik at mangungupahan na lang sa iba.

-----o0o-----

Na release na ang resulta ng aming board exam, pinalad namang makapasa kami pareho ni Nathan. Syempre, tuwag-tuwa ako, pati na rin kay Nathan. Tuwang-tuwa rin sina Nanay dahil natupad na sa wakas ang aking pinapangarap na tawaging isang “Certified Publik Accountant” at hindi lang basta graduate of accounting.

Sa aming oath taking lang kami nagkita ni Nathan. Si Kuya Monching naman ay nakikita ko kahit papano kapag nagkakasabay kami sa pag-uwi sa probinsya. Tanggap na niya na hindi magiging kami. Masaya naman daw sila ni Nathan. Hanggang ngayon ay wala pa ring kamalay-malay si Ate Charing na may kahati siya sa kanyang asawa.

Nakapagtrabaho naman ako kaagad, napasok ako sa isa sa pinaka-malaking auditing firm na nasa Makati ang office. Pero hindi rin ako tumagal dahil palaging overtime at walang pahinga, puro trabaho. Tumagal lang ako ng anim na buwan.

Nag-apply ako abroad at swerte naman natanggap sa isang kopanya sa Dubai.

Kay nanay na lang ako nakikibalita sa mga nangyayari sa Pinas. Nabalitaan ko na nakipag-hiwalay na si Ate Charing kay Kuya Monching. Nahuli daw kasi sila ni Nathan na nagtatalik minsang walang pasabing lumuwas ito. Kahit ano raw paghingi ng tawad ni Kuya ay hindi pinatawad ni Ate Charing. Nagkatong buntis pa si Ate kaya nanghihinayang talaga si Kuya.

Iyon naman ang ikinatatakot ko talaga, ang mabuking. Mabuti na lang at nakaiwas ako. Wala na akong balita kina Nathan at Kuya,wala na rin namang maibalita si Nanay tungkol roon.

Matuling lumipas ang mga araw, dalawang taon na ang matuling nakaraan. Natapos na ang kontrata ko sa Dubai at muli akong umuwi ng Pilipinas. Tinupad ko naman ang pangako ko kina Tatay na pangangasiwaan ko na ang aming grocery. Ang balak ni Tatay na mag-tayo ng isang branch sa karatig bayan at malaki ang posibilidad na matuloy.

Hindi naman mahirap ang pangasiwaan ang aming negosyo, halos ganito rin kasi ang naging trabaho ko, kaya lang ay sa accounting aspect lang ang hawak ko. Dito ay ang kabuuan ng pagpapalakad ang aking hinahawakan.

Marami rin empleyado ang grocery, apat ang aking kahera na may dalawang shifting dahil 8am to 12 midnight bukas ang grocery. May dalawa akong inventory staff na namamahala sa mga display area, isang shift lang sila dahil wala na sa gabi, ganon din ang dalawang bodegero na isang shift lang at nagsisimula ng 10 am ang pasok. May isa akong naka-assign para sa mga whole sale buyer at isang taga pack at taga buhat o taga hatid sa sakayan nila at syempre janitor. May isa akong assistant na siyang humahalili sa akin lalo na kapag may lakad ako. Siya rin ang taga-lakad ko sa SSS, BIR at kung ano, ano pa.

Lahat naman ng aking staff ay nasisiguro kong mapagkakatiwalaan, saka computerized ang sistema namin, at mahigpit ang aking kontrol pagdating sa pera, at sa paninda. Napag-aralan ko na ito sa pagtatrabaho ko bilang auditor at accountant sa Dubai.

Hanggang dito na lamang po muna. Tapos na ako sa pinsan ko. May panibago na naman akong papasuking gulo hehehe. Abangan ang book 2 na papamagatan kong, “Ang Barakong Bodegero”

 

 

Wakas-----

 

Ang Barakong Bodegero

 

Si Rowel ang isang bodegero na aking inabutan pagbalik ko galing Dubai kung saan ako nagtrabaho sa loob ng dalawang taon. Wala pa siya noong ako pa ang siyang nagbabantay sa aming grocery bago ako nag-review para makakuha ng board exam. Isang taon at kalahati pa lang siyang nagtatrabaho sa aming grocery bilang bodegero.

Si Rowel ay 27 taong gulang na, matanda lang sa akin ng isang taon dahil 26 na ako nitong nakaraang buwan. Matangkad si Rowel, nasa 5’11” na siya, kayumanggi ang balat at semi kalbo ang gupit ng kanyang buhok.

Nagtataglay ng magandang pangangatawan si Rowel, batak na batak ang katawan dahil sanay sa mabibigat na gawain sa bukid. Isinama daw siya ni Tatay nung minsan umuwi siya sa kanilang probinsya sa Bicol. Bale malayo na raw kamag-anak namin itong si Rowel.

Hindi naman kagwapuhan itong si Rowel, pero ang kanyang pag-uugali na maginoong bastos ang naibigan ko. May pang-akit siyang hindi ko maipaliwanag.

Si Judy ang isa ko pang bodegero. Gaya ni Rowel, may katangkaran din siya at pamatay din ang pangangatawan. Sa kanilang dalawa ni Rowel, masasabi kong mas magandang lalaki ito, pero iba pa rin ang tingin ko kay Rowel, iba ang charm niya.

5’10 lang daw si Judy. Maputi. Nakaabot daw siya hanggang second year college, kaya lang, dahil sa iniwan daw sila ng ama at sumama sa ibang babae, hindi na kinaya pang papag-aralain ng kanyang ina na namamasukan lang bilang tindera ng isda sa palengke. Kasing edad ko lang si Judy,

Dalawa sila sa mga lalaking magbibigay kaugnayan sa akin sa mga susunod kong pakikipagsapalaran sa buhay.

 

 

Abangan-----

16 (na) komento:

  1. Medyo bitin author. Nalungkot ako bigla.

    TumugonBurahin
  2. Sana sa book 2 may karugtong pa sila Kuya Monching at Nathan..hehehe
    Pero ang ganda ng story author. Nasubaybayan ko tlaga ito..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Parang lilihis kung ganun, kc bodegero ang title pero may Monching at Nathan p rin?

      Burahin
    2. Like magkasalubong sila tapos ipakilala ni eman ung bagong jowa nya tapos magfoursome sila or may makathreesome si monching @ nathan ganun

      Burahin
  3. Maganda pa naman to kaso na-rush Yung finale, hopefully maganda din Yung book 2

    TumugonBurahin
  4. Sana may conclusion din si MOnching at Nathan. Sila na ba o naghiwalay din? Hihihi...

    TumugonBurahin
  5. so sad.. very sad. can we have a separate story for kuya monching and his sexcapades? thanks author

    TumugonBurahin
  6. kay kuya monching at nathan ako tinigasan eh. bkt kailangan tapusin agad? huhuhu

    TumugonBurahin
  7. Or kung may idurugtong ka author na other book for monching and nathan, maganda siguro yung twist na nakipaghiwalay yung asawa ni monching dahil nahuli tapos mapariwara sya (like sisihin nya sarili nya tapos susubok sya tumikin ng ibant ibang klaseng lalake maliban kay Nathan at kapag nalaman ni nathan yun eh instead na pigilan nya si monching eh sasabauan nya ang trip nito)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. agree 100% korek ka jan mama hahaha

      Burahin
    2. malibog talaga imagination mo bakla hihihi

      Burahin
  8. Mas nakakaexcite kung paanong tatakbo yung relasyon ni Nathan at Monching lalo na't parehas silang naggygym na nakapalibot ang iba't ibang uri ng tukso. Tapos yung mamahalin talaga nila ng totoo ang isa't isa, na mas mapapamahal si Nathan kay Monching pero si likas yung pagiging malibog kay Monching kaya natutukso sya nga palihim minsan, at matutuklasan din ni Nathan. Magandang conflict yun kung paanong gagawin ni Nathan sa sitwasyon nila o kung magagawa ba ni Monching na maging faithful kasi nga loyal naman sila pareho pero si Nathan lang talaga yung naging faithful, I mean gusto rin naman talagang maging faithful ni Monching pero sa tuwing magtutuos ang pag-ibig at libog eh nananalo lagi ang libog HAHA pero hanggang kailan? Kakayanin kayang maging faithful ni monching? O may mangyayari o may papasok na ibang character sa relasyon nila na magpaparealize sa kanya na tigilan na talaga dahil di nya kaya mawala si Nathan?

    TumugonBurahin
  9. bad trip ka author. kung kelan nasa kasarapan na sina kuya monching at nathan eh tinapos. naka drugs ka ba? charot

    TumugonBurahin
  10. kakawalang gana tuloy

    TumugonBurahin
  11. pahingi daw ng pambili ng salamin si author. kung sino man mayaman dito parang awa nyo na bigyan mo na para ituloy ang kwento ni kuya monching at nathan. alam mo yan hahahha

    TumugonBurahin

Boso sa Banyo By: Unknown

  Boso sa Banyo By: Unknown Hindi makalimutan ni Jake kung ilang beses na niya binosohan sa banyo ang lalaki sa kabilang kwarto. Communa...