Barkadang Mamamakla (Part 8) – Napakasakit
Kuya Eddie
Hindi ako nakaiwas
sa tukso. Nagtaksil ako sa aking mahal
na si Jomar. Ang hindi maganda ay sa
pareho pa niyang barkada.
Hindi ko rin
maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay may natitira pa akong pagtingin sa
kaibigan niyang si Ivan. Inamin kasi
nitong may pagtatangi rin siya sa akin.
Hindi rin ako
nakatanggi sa pangaakit ni Ronron. At
least sa kanya ay walang involvement, puro kalibugan lamang.
Nasundan pa ang
pagtatagpo namin ni Ivan at Ronron sa magkakahiwalay na pagkakataon. Nagi-guilty talaga ako sa ginagawa ko, kaya
lang ay talagang kakaiba ang tawag ng laman.
Sa tuwinang sasapian ako ng kalibugan ay ako pa mismo ang nagtext sa
kahit na sino sa kanila para puntahan ako sa bahay. Hindi ko na feel ang mag-masturbate na
lamang. Iba talaga ang kaligayahan ko,
ang sarap na nakakamtam ko kapag may partner ako sa kama.
Nagkaroon din ng
time na magtagpo kami ni Jomar.
Paliwanag niya sa akin na bumabalik na raw ang dating sigla ng kanilang
negosyo. Bukas na kasi ang kanilang
karinderya pero hindi pa pinapahintulutan ang magpakain sa loob. Puro take out at delivery pa lang ang
pwede. Palagi silang pagod sa buong
maghapon kahit na may katulong na silang isa.
Tulad na
kinasasabikan ko ay may nangyari uli sa amin.
Mabuti na lang at siya ang naunang nag-aya at hindi ako. Nakakahiya rin kasi na magmula sa akin ang
pagkakagusto sa pakikipagtalik kahit na talagang sabik na sabik ako sa kanya.
Sa aming
pagsisiping ay may napansin akong kakaiba.
Kakaiba dahil sa ilang beses kong pagkikipag sex kay Ivan at Ronron ay
hindi ko maiwasang ihambing ang kaligayahan kong natatamasa sa kanila kumpara
kay Jomar. Iba pala talaga kapag tunay
mong mahal ang iyong kapiling.
Napakasaya ko at talagang ramdam na ramam ko ang glorya. Yakap at halik pa lamang ay ibayong
kaligayahan na sa aking dibdib. Siguro
ay dahil sa matagal din kaming hindi nagkasiping.
Hindi ko rin
hinahanap sa kanya, kay Jomar, ang madalas na sex. Kwentuhan lang, kulitan, basta kasama ko siya
ay sulit na sa akin. Kahit nga text lang
na para pa ring kaming nagliligawan ay kinikilig pa rin ako. Iba talaga siya sa aking puso.
Dahil doon ay
pinilit ko nang umiwas kina Ivan at Ronron.
Sa tuwing gusto nilang puntahan ako ay nagdadahilan ako palagi na hindi
pwede. May ginagawa, wala ako sa bahay at kung ano ano pang dahilan. Bandang huli ay tinapat ko na sila na ayaw ko
na dahil sa sobra na akong nagi-guilty at kelangan ko nang magbago.
Nakipaghiwalay na
rin ako kay Ivan na pumayag naman at tila wala lang. Batid ko naman na kahit na nakakapagtrabaho
na sila kahit papano ay ginagawa pa rin nila ang pamamakla, ayon na rin sa
kwentuhan nila na aking nadidinig. Wika
nga ni Ronron ay “may pera na, may sarap pa” sabay hahalakhak.
Kaya naman palang
umiwas sa tukso. Ang ginagawa ko na lang
para ilabas ang init ng aking katawan ay manood ng m2m video at magjakol habang
nanonood. Syempre iba pa rin kapag may
tunay kang partner at hindi imahinasyon lang.
Kahit madalang lang kaming magkaharap ay bumabawi na lang kami sa
madalas na pag chat.
Paminsan minsan
naman ay nakakasingit din siya sa bahay.
Basta narito lang siya at kausap
ko na nakaunan sa hita ko at hinahaplos ang buhok at mukha ay masaya na
ako. Hindi raw kasi siya pwedeng
magtagal dahil marami silang gagawin at naawa na sa kanyang ina.
Ganoon kami palagi,
lambingan lang kahit sa text at chat.
Paminsan minsan din naman ay nakakapagsarilinan kami.
Magpapasko na,
unang pasko na may pandemya kaya halos hindi ramdam ang pagsapit ng pasko. Busy sa trabaho ako palagi at busy rin si
Jomar sa kanilang negosyo. Dumalang ang
aming pagkikita at maging sa pagtext.
Nag text ako sa
kanya pagdating ko ng bahay galing trabaho.
“Punta ka naman dito, may ibibigay ako sa iyo. Sandali lang.” Sumagot naman siya kaagad at sinabing may
tatapusin lang daw. Dumating naman siya
after 30 minutes, 6pm na yata. Inabot ko
lang naman sa kanya ang aking pamasko na isang pabango na paborito niya at may
kamahalan din. Niyakap naman niya ako at
hinalikan. Wala pa raw siyang regalo sa
akin.
“Halik lang ay
sapat na sa akin hehehe.” Sagot ko.
Naglalandian pa
kami sa sala ng tumunog ang kanyang
CP. May tumawag na kung sino at agad
naman niyang sumagot. Nadinig ko na
sinabi niya sa kausap na pupunta na siya kaagad. Nagpaalam na siya sa akin dahil sa may
idedeliver siyang order at nag-follow-up na raw. Syempre, negosyo yon kaya okay lang sa akin
kahit na frustrated ako kahit papano.
Umpisa iyon ng
pagdalang niyang mag text sa akin, lalo na ang makipagkita sa akin. Minsan nga ay hindi na niya sinasagot ang mga
message ko.
Hindi ko na rin
siya nakikita na tumatambay sa tambayan nila ng kanilang barkada. Minsan ay natanong ko si Makoy kung
nakaka-bonding pa nila si Jomar pero madalang na ang sagot nila.
Ayaw ko namang magtanong
sa kanya kung may problema. Inintindi ko
na lang siya dahil abala palagi.
-----o0o-----
Isang gabi bago ang
valentines day ay pinuntahan niya ako sa bahay, may dalang talong rosas na alam
kong pinitas lang niya sa kanilang tanim.
Alam ko dahil sa akin siya humingi ng punla at tulad din ng rose ko ang
kulay ng bulaklak na red at pink. Gayon
pa man ay masaya na ako at naalala niya ako.
Inabot niya sa akin
ang rose sabay sabi ng “Happy Valentines” at saka ako niyakap. Ang hinihintay kong kiss ay nalimutan na
yata.
“Advance na kitang
binati dahil sa baka hindi na ako makalabas bukas. Pasensya ka na ha at baka hindi man lang tayo
magkakwentuhan sa araw ng mga puso.” Paumanhin ni Jomar.
“Ikaw naman, parang
others. Alam ko naman ang dahilan at
naunawaan ko. Huwag mong isipin o
akalain na magtatampo ako. Pandemya pa
naman at may social distancing pa at wala naman tayong pupuntahan.”
“Ang bait bait mo
talaga. Ang swerte swerte ko sa iyo,
napaka maunawain mo.”
“Nambola pa ito.”
“Hindi ah. Pagamit naman ng CR mo.”
“Alam mo naman kung
nasaan yun.”
Tinungo na niya ang
aking banyo. Naiwan pala niya ang
kanyang CP sa sofa dahil parang umilaw kaya napansin ko. May notification akong nakita. “Mahal, huwag
mong kalimutan ang date natin bukas ha.” Mula iyon sa nagngangalang Dave. Biglang sumikip ang aking dibdib at tinungo
ang kusina para kumuha ng tubig. Siyang
paglabas naman ni Jomar.
“Alis na rin ako
Kuya Ben. Happy Valentines, I love you.”
Paalam niya.
“Love you too.”
Walang gana kong sagot na ewan ko kung nahalata niya.
Sa aking pagiisa ay
inisip ko kung sinong Dave ang nag message at may date pa sila mismong sa araw
ng nga puso at tinawag pa siyang mahal.
Walang pagaalinlangan na inisip kong may relasyon sila. Kung naging babae lang sana ang Dave na iyon
ay wala namang problema sa akin, kaya lang ay sa lalaki ang pangalan.
Nagtungo ako sa
terrace at doon sana magmumukmok ng maulinigan ko ang boses nina Orly at
Ronron. Daglian akong bumaba at tinungo
ang tambayan. Agad ko silang binati,
kumpleto maliban kay Jomar.
“Happy valentines
sa inyo. Nadinig ko lang ang boses mo
Orly kaya bumaba ako para batiin ka.
Kumpleto ah, si Jomar na lang ang kulang.”
“Happy valentines
din Kuya Ben.” Sabay sabay nilang tugon.
“Saan ang date ninyo ni Jomar.” - Si Ivan.
“Uso pa ba ngayon
yun. Kanina, pinuntahan ako ni Jomar at
binigyan ng 3 roses, ibig sabihin ay “I Love You”.” Sagot ko na parang
nagyayabang at nangiinggit. “Kayo, meron
na ba kayong ide-date.”
“Naks naman. Kaya pala ang aliwalas ng tingin ko sa itsura
mo eh. Narasyunan ba.? – si Makoy.
“Ikaw talaga Makoy,
kahit kelan puro biro, bastos pa. Kaya
wala kang mai-date eh dahil sa pagiging palabiro mo. Magseryoso ka naman hahaha.”
“Yun nga ang
panlaban ko eh ang pagjo-joke.” Sagot ni Makoy
“Yun nga lang, kahit
bading, walang gustong makipagrelasyon sa iyo hahaha.” Pangaasar ni Ivan. Hagalpakan naman sila ng tawa.
“Bukas! May booking
ako eh.” Singit ni Ronron.
“Kanino? Kay Roda?
Bwah hahahahaha.” Kantyaw ni Orly.
“Mano naman kung
kay Roda, may pera naman.
“Ikaw Ivan, sinong
nakapag book sa iyo.”
“Si Kosa. Kahit na naman mukhang galing ng preso iyon,
galante naman bwah hahaha.” Turan naman ni Ivan na nakuha pang magbiro at
pintasan ang sinasabing Kosa.
Kahit papano ay
nalimutan ko ang selos na naramdaman ko kanina.
Lumuwag luwag ang aking dibdib dahil masaya naman ang pakikipagbiruan sa
kanila.
“May kilala ba
kayong Dave. Kasi ay nag text sa akin at iwasan ko raw si Jomar. Wala naman akong kilalang Dave at hindi ko
rin alam kung pano nalaman ang number ko.” Tanong ko. Mabuti na lang at naalala ko at naisingit na
maitanong.
Napaisip sila. Si Makoy ang sumagot. “Baka yung Dave na diyan nakatira sa kabilang
Ibayo. Maganda iyon at may kaya, may
patahian kasi sila. Matagal na yang may
gusto kay Jomar. Balita ko ay panay pa
ang regalo kay Jomar eh. Nagseselos
siguro sa iyo, insecure, kasi mas maganda ka.
Konting make-up ka lang at lipstick at kahit hindi magbihis babae ay
talbog ang Dave na iyon.”
“Yun bang sinasabi
mong Dave ay kung tawagin ay Divina na seksi na laging naka pekpek short?”
kumpirma ko.
“Mismo. Nadale mo.” – si Makoy.
Natameme ako. Kung sa yaman ay wala akong laban, pero sa
itsura ay hindi naman ako patatalo sa beking iyon. Bigla tuloy akong nakapag-paalam.
-----o0o-----
Masakit pala talaga
ang pagtaksilan. Gusto kong maiyak pero
walang luhang pumatak sa aking mga mata.
Masakit isipin na niloloko ng taong mahal mo. May namumuong galit sa aking dibdib ngunit
napagisip isip ko naman na wala pa naman akong pruweba. Sa ngayon ay maituturing na tsismis pa lang
ang konting nalaman ko. Baka nga hindi
yung Dave na Divina ang nag text kay Jomar.
Pilit kong kinalimutan muna ang tungkol sa Dave na iyon.
-----o0o-----
Linggo, nag-isip
ako ng lulutuin kong ulam sa tanghalian.
Walang laman ang aking ref kundi baboy at ayaw ko na ng baboy dahil sa
opisina ay palagi na lang karne ang aming ulam.
Isda ang naisipan kong lutuin.
Tumawid ako ng ibayo at baka may dalag pa si Tetay. Sakto at may natirang isang malaki. Binili ko na at pinalinis. Habang hinihintay ko ay nakipagtsismisan pa
ako dito kay Tetay.
“Masarap i-pesa yan
Mars dahil sariwang sariwa at bagong huli.” Wika ni Tetay.
“Oo nga Mars. Pesa nga ang gagawing luto ko dahil sa may
nabili na akong gulay na upo.” Sagot ko
na gumilid sa kanilang bahay dahil
parang may nakita akong dumaan na pamilyar sa akin. Sinilip ko pero hindi ko nakilala dahil
nakatalikod na.
“Si Jomar iyon,
magdadala siguro ng pagkain kay Divina.
Alam mo Mars, palaging diyan na order ng ulam yan si Divina at palaging
si Jomar ang nagdadala. Magsyota na pala ang dalawa at inamin naman mismo ni
Jomar na sila na. Ang swerte swerte ng
lalaking iyon, alam mo na, busog palagi siya at maging si Divina ay busog na
busog din palagi.”
“Si Jomar pala
yun. Nakita kaya niya ako? Siguro ay hindi dahil kung nakita ako ay
siguradong babatiin ako.” Wika ko sa aking isipan. “Mars!
Yung bang Divinang tinutukoy mo ay si Dave?”
“Korek ka diyan
Mars.”
Nanlumo ako
bigla. Parang nanlambot ang aking
tuhod. Kung gayon ay sila ang magkasama
noong valentines day. Sumilip muli ako
sa dinaanan niya. Napaatras ako dahil nakita
ko si Jomar, kasama ang sinasabing si Divina na naglalakad. Nakaakbay pa sa kasamang beki habang itong
beki naman ay nakapulupot ang isang kamay sa bewang ni Jomar. Malamang ay tatawid na pabalik.
Kumubli ako sa may
pintuan nina Tetay. Pagdaan nila sa tapat ng bahay ni Tetay ay palihim ko
siyang kinuhanan ng video hanggang sa tawiran, hindi niya ako nakita. Dinig ko pa ang usapan nila.
“Uy mahal, agahan
mo ang pagdala ng tanghalian namin ha.
Love you. Kiss.” Wika ni Divina. Isang malutong na halik naman ang ibinigay ni
Jomar kay Divina, sa pisngi nga lamang pero gumanti si Divina at sa labi niya
hinalikan si Jomar.
“Sige mahal, mamaya
uli, Love you.”
“Inggit ka ano?
hehehe.” Si Tetay na biglang bumulaga sa harapan ko dala ang isang plastic na
may lamang isda na binili ko.
“Nakakagulat ka
naman Mars. Eto ang bayad. Suklian mo ako at wala akong pambayad sa
bangka.”
“Ito talaga, para
limang piso hindi pa mai tip sa linis.
Ayan na oh. Sweet nila ano. Ganyan sila palagi kapag nagkikita. Ang laki na talaga ng pinagbago ng
panahon. Dati ay tagong tago ang
relasyong parehong lalaki, ngayon ay hayagan na. Tanggap na naman ng mga tao eh.” Komento ni
Tetay.
“Salamat dito
ha. Alis na ako at nang makapagluto
no. Pasyal uli ako dito para makasagap
ng tsismis sa iyo hahaha.”
“Anong palagay mo
sa akin. Tsismosa?”
“Ano pa ng ba?”
Mabigat ang paa ko
na naglakad. Nasalubong ko pa ang beking
si Divina. Nginitian naman niya ako,
kaya ngumiti rin ako. Pagdating ko ng
tawiran ay hindi pa pala nakakaalis ang bangka kaya doon ako napasakay at
naroon pa si Jomar.
“Saan ka galing
Kuya Ben.” Kaswal na tanong ni Jomar, parang namutla bahagya dahil hindi
akalain na magkikita kami.
“Bumili ako ng isda
dyan kina Tetay. Ikaw?”
“Nagdeliver ako ng
miryenda diyan kina Divina.” Sagot niya na parang kabado.
“Ahhh.” Nasabi ko
lang.
“Sweet nga nila eh,
may pa kiss kiss pa nga hehehe.” Si Popoy, ang bangkero.
“Agad pinamulahan
ng mukha si Jomar sa sinabi ng bangkero.”
“Hindi naman! Palabiro ka talaga Popoy. Baka may magselos dyan hehehe.” Sagot naman ni Jomar na itinago sa biro ang
pagkabigla.
Narating na naman
namin ang pangpang at dahil ako ang nasa unahan ay ako ang unang bumaba, Hindi ko na hinintay pa si Jomar at mabilis
akong naglakad patungo sa amin.
-----o0o-----
May bisita ako
kinahapunan, si Jomar.
“Kuya Ben, baka
naman naniwala ka kaagad kay Popoy.
Nagbibiro lang yun. Tuloy ay baka
iniisip mo na may relasyon kami. Wala,
maniwala ka. Ikaw ang nagiisang
karelasyon ko.” Paliwanag ni Jomar
“Bakit ka naman
nagpapaliwanag, may dapat ka bang ipaliwanag?
Wala sa akin yung ganong biro.
Saka hindi naman patungkol sa akin ang birong iyon ni Popoy, alam ba
niya ang tungkol sa atin. Para sa iyo
yun. Tinutukso ka para kay Divina. Kinilig ka naman, aminin.”
“Hindi ah. Kilig ka
diyan. Nagdaan ako sa tapat nina Tetay
kanina ah, Hindi mo ba ako
napansin? Hindi rin kasi kita nakita
pagdaan ko.”
“Hindi rin kita
nakita. Nasa loob kasi ako at hinihintay
ko ang linilinisang isda. Paglabas ko ay
nasalubong ko si Dave, ihinatid ka ba niya?”
“Parang ganun na
rin kasi ay binibilin ang mga order niyang ulam sa pananghalian pati ng kanyang
mananahi.”
“Nag kiss ba kayo?”
“Siya lang, may
gusto sa akin yun eh.”
“Alam ba niya
tungkol sa atin?”
“Hindi, ikaw naman
may gustong ilihim natin eh. Barkada ko
lang naman ang may alam at binilinan mo pa na hindi lalabas.”
Ilang minuto pa rin
kaming nagusap. Kinamusta ko lang ang
tatay niya pati na rin ang negosyo nila at nagkwento naman ako sa trabaho ko sa
munisipyo. Sinabi ko rin na kasama ang
pamilya nila sa listahan ng bibigyan ng ayuda, yun eh kung maaprobahan ng DSWD.
“Sana lang
nga. Dagdag puhunan din iyon. Sige na Kuya, aalis na rin ako at may mga hihiwain
pa kaming gulay ni Nanay.” Paalam
niya. Hinihintay ko ang nakagawiang
kiss, pero wala na.
-----o0o-----
Ang class section
namin ng highschool ay may naka-schedule na get-together sana nitong March 2021
kaya lang ay hindi natuloy dahil sa nag lockdown uli dito sa amin. Postpone muna at napagkasunduan na kapag
muling inalis ang lockdown ay ituloy na namin.
Dahil ako ang class president ay sa akin napaatang ang pag-a-update sa
dati naming kaklase katulong ang bise president na si Junie.
Ngayon nga ay may
usapan kami na magkita sa kanilang bahay.
Dahil may trabaho ako ay sinabi ko na lang na pagtapos na lang ng office
kami magkita. Nagkataon na wala naman
akong masyadong ginagawa ay nagpaalam ako na maagang umuwi at nagdahilan na
importante lang. Pinayagan naman ako ng
aking supervisor.
Alas kwatro pa lang
ng hapon ay naglalakad na ako papunta sa bahay nina Junie. Malapit na ako sa bahay nina Junie ng may
dumaang isang bisekleta, kilala ko ang bisekleta na iyon, kay Jomar iyon.
“Hindi kaya niya
ako nakita o nakilala man lang? Marahil
ay dahil may suot akong facemask at faceshield.” May pagtataka kong sabi sa
sarili.”
Sinundan ko siya ng
tingin habang napahinto sa paglalakad.
May nagbukas na ng pinto.
Nakilala kong si Junie.
Pinapasok, at matapos na itago ang bisekleta sa loob ng kanilang gate ay
pinapasok na siya sa kabahayan.
“Kung maghahatid
lang ng order, bakit kaya pinapasok pa ng bahay at pati bisekleta ay ipinasok
din sa garahe. Hindi na lang pinaghintay
sa labas.” Tanong ko sa sarili.
Na curious
ako. Sumilip muna ako at baka papalabas
na rin. Naghintay pa ako sandali.
Tatawagin ko na sana si Junie pero nagdalawang isip na ako. Binuksan ko ang bakal na gate, mabuti na lang
at hindi lumikha ang tunog.
Sumilip ako sa may
bintana sa harapan, nakababa ang kurtina kaya wala akong makita at
nakasara. Lumigid ako papunta sa bandang
likoran. Nakababa rin ang kurtina at
wala akong makita. Tahimik din sa loob,
wala akong maulinigan na naguusap.
Doon naman ako sa
kabilang gilid, malapit sa garahe.
Walang sasakyan na nakagarahe.
Alam kong doon ang silid ni Junie dahil nakapasok na ako roon. Nakababa rin ang kurtina pero may konting
nakabukas na puwang.
May nadinig akong
parang pamilyar na tunog, alam na alam ko ang tunog na iyon dahil ganun din ang
tunog kapag may subo subo akong lollipop at sinisipsip iyon. Kinabahan ako bigla, umakyat ang dugo ko sa
ulo. Hinawi ko bahagya ang kurtina. Natakpan ko ang aking bibig dahil muntik na
akong mapasigaw sa aking nakita.
Hubo at hubad si
Jomar na nakatayo at nakatalikod sa kinaroroonan ko. Nasa harapan naman niya ang inakala kong si
Junie na nakasubsub ang mukha sa harapan habang nakaluhod. Gusto ko sanang sigawan. Naisip ko na lilikha ako ng eskandalo at
hindi ko ibig na mangyari ang mapahiya si Junie, lalo na si Jomar. Pero sobrang sakit ng aking naramdaman. Para akong sinaksak na maraming beses sa
aking nasaksihan. Gusto ko na sanang
lisanin ang bahay na iyon pero gusto ko munang kumuha ng ebidensya. Kinuha ko ang aking CP at kumuha ng Video.
Nanginginig ang
aking kamay, muntik nang mahulog ang aking CP dahil sa kaba at galit. Nang muli akong sumilip ay hubad na rin si
Junie at nakatayo na at mahigpit na magkayakap at naghahalikan na.
Nakarecord na ako
ng mga dalawang minuto at naisip ko na sapat na iyon. Papaalis na ako ng mapagisip isip ko na
kelangan ko pa nang mas matibay na ebidensya.
Sakaling sitahin ko si Jomar ay baka idahilan lang niya na bayad ang
kanyang serbisyo. Dati na niyang inamin
sa akin na namakla rin siya noon at sa pamamakla siya nakakuha ng puhunan. Balik uli ako at kumuha pa ng video. Nasa kama na sila at nagpapagulong gulong pa
habang magkayakap at patuloy na naghahalikan.
Ilang sandali pa ay kumalas si Junie at sinimulang romansahin. Dinig na dinig ko ang ungol ni Jomar na sarap
na sarap sa ginagawa ni Junie.
“Ang galing galing
mo talaga Junie, kaya mahal na mahal kita eh, sige pa ahhhhhhhhhh.” Ungol ni
Junie.
Umangat ang ulo ni
Junie at sumagot. “Mahal na mahal din kita Jomar, kaya nagagawa kong gawin ito.
Ikaw lang ang mahal ko.” Saka nagpatuloy sa pagromansa.
Napaupo ako sa
nadinig. May relasyon sila at
napatunayan ko iyon. Nagsikip na talaga
ang aking dibdib. Hindi lang pala ako
ang karelayon ng manlolokong lalaking ito pati pala ang kaibigan kong si Junie
at si Divina at siguro ay may iba pa.
Sumilip uli ako at
nakaluhod na si Jomar at nakabukang binti na lang ang nakita ko kay Junie pero
dinig ko ang kanyang daing. Kinakantot
na ito.
Matapos kumuha ng
karagdagang video ay walang ingay na akong umalis. Kinalma ko ang aking sarili. Nang makalayo layo ako ng konti ay tinawagan
ko si Junie. Nakadalawang beses akong
nag-dial bago niya sinagot.
“Hello Junie.”
“Hello, anong
atin.” Sagot sa kabilang linya. Garalgal
ang boses. Hindi ko akalaing sasagutin
niya ang tawag ko habang nagpapakantot.
“May ginagawa ka
ba? Bakit parang nahihirapan ka?”
“Oo eh. Ano bang
sasabihin mo ahhhhhh shet.” Sagot niya at dinig ko pa kahit mahina ang kanyang
ungol.
“Sasabihin ko sana
na bukas na lang ako pupunta diyan.
Marami kasi akong gagawin eh.”
“Sinong kausap mo?”
ang nadinig kong boses na tanong ni Jomar.
“Okay lang, sige at
may ginagawa lang ako.” Tugon niya. Akala ko ay pinatay na niya ang phone pero
nadidinig ko pa ang kanilang mga ungol.
“Kaklase ko at best
friend. Ituloy mo na ahhhhhhh.” Sabi sa
kabilang linya. Ewan ko kung bakit
patuloy akong nakikinig. Malalakas na
ungol ang nadidinig ko sa dalawa at malalaswang salita. May epekto sa akin ang mga ungol nilang iyon
at hanggang sa labasan na sila siguro saka ko pa lang tinapos ang
pakikinig.
-----o0o-----
Ganon pala ang
pakiramdam na pagtaksilan, lalo na at nasaksihan ko pa ang pagtataksil. Siguro kung nakita rin niya kami ni Ivan at
ni Ronron noong karelasyon ko na siya ay baka masaktan niya ako. Siguro ay sinadya talagang makita ko para
iparamdam din ang sakit na ginawa kong pagtataksil.
Nabuo na sa aking
isipan na makipaghiwalay na sa kanya.
Ayaw ko nang masaktan. Siguro ay
talagang pinaglaruan lang niya ang aking pagmamahal. Sadya sigurong hindi makukuntento ang isang
lalaki sa isa lang. Ang ikinagagalit ko
lang naman ng husto ay kung bakit sa mga bakla rin ako ipagpapalit. Kung babae lang ang ipapalit niya sa akin ay
papayag pa siguro ako na maging kabit lang o di kaya ay parausan lang sakaling
abutin siya ng libog.
Magdamag akong
umiyak ng umiyak.
-----o0o-----
“Bakit namumugto
ang mga mata mo? Umiyak ka ba o may sore
eyes.” Tanong ng isa kong kaopisina pagpasok na pagpasok ko ng office.”
“Umiyak kaagad,
hindi ba napuyat lang o napuwing. Sana
nga naging sore eyes na lang para hawahan kita hehehe.” Sabay lapit ko sa kanya
at tinitigan ng titig na titig. Agad
naman siyang lumayo sa takot na baka nga sore eyes ito. Tawa ako ng tawa.
Hindi na ako nagpa
apekto pang masyado. Masigla akong
nagtrabaho buong araw.
Gaya nang
napagusapan namin ay nagpunta ako sa bahay nina Junie para pagusapan ang plano
sakaling matuloy ang aming get-together na magkakaklase. Hindi naman humaba pa ang aming pagpaplano,
walang kalahating oras ay nagkasundo na kami.
Hindi naman ako
kaagad na umalis, nakipagtsikahan pa ako sa kanya.
“Hoy besi, sino
yung kausap mo kahapon, aminin, may sumingit na boses ng lalaki at siguro ay
may ginagawa kayong kababalaghan ano ahahayyyyyyy hihihi, sino yung malas na
lalaking iyon ha.”
“Ikaw talaga besi,
napaka tsismoso. Pero tama ka
ahihi. Wrong timing kasi ang tawag mo
eh.”
“Tama ako ano? Nagtsuktsakan kayo kahapon.”
“Oo ahihi ahaya
ahay hihihi.” Proud pa siya na
umamin.
“Iba na naman?”
“Hindi ahh, matagal
tagal na rin. Mag six month na rin. At last ko na siya, mahal na mahal ko na
kasi.”
“Besi, paalala lang
ha, ingat ingat din pag may time. Baka
pineperahan ka lang.”
“Hindi naman siya
nanghihingi, kusa ko naman siyang binibigyan.”
“Kung pangkain lang
o pang sigarilyo ay siguro okay lang, baka pati naman mamahaling CP, ipad,
laptop at kung ano ano pang luho ay bigay todo ka.”
“Actually, naibigay
ko na lahat sa kanya iyon, pero okay lang, basta ba mahalin lang niya ako eh.”
“Siguro ay
binubusog ka lagi ano hahahaha.”
“Oo naman at huwag
ka, dalawang kamay na ang hawak ay may sasampalin ka pa hahaha.”
“Puro ka kalokohan
kapag ganyan ang usapan. Paalala ha,
ilang beses ka na bang naloko.”
“Salamat, pero this
time ay sigurado na ako.”
“Kilala ko ba?”
“Siguro, malapit
lang sa inyo ang bahay eh, si Jomar, ang gwapo ano. Oy besi, alam kong mas maganda ka sa akin
kaya kung pwede lang, huwag mo nang hangarin pa hehehe. Me may ari na.”
“Hindi ko sya type
kahit pa anong gwapo niya. Marami kayang
mamamakla doon sa may amin at mas gwapo pa sa kanya hahaha.”
“Natikman mo na
ba? Ang totoo ay kilala ko yung sinasabi
mo at lahat sila ay natikman ko na.” pagyayabang muli ni Junie. “Alam ko kilala mo sila, si Makoy, si Orly,
si Ivan at si Ronron. Bayad naman sila
lahat hehehe. Nang makilala ko si Jomar
ay etsa pwera na sila lahat pati ang ibang taga rito sa amin.”
“Ibig mong sabihin
ay binayaran mo rin siya.”
“Inalok ko siya
noong una. Na taypan ko talaga nung magdeliver minsan sa akin ng pagkain. Hindi Raw siya namamakla pero nagpapaligaw
kaya niligawan ko.”
“Gamit din ang pera
mo. Siguro ay panay regalo mo.”
“Hindi naman. Madalas akong magpadeliver at karaniwan na
nagbibigay ako ng tip. Ayun. Doon na
nagsimula hanggang maging kami.”
“Mahal mo ba
talaga?”
“Ipaglalaban ko ng
away hehehe.”
“Basta, yung
paalala ko ha. Sige na at aalis na ako.
Itutuloy…………….
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento